HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 June 22, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: June 22, 2011 Book Release   Tue Jun 21, 2011 6:01 pm

1. PHR 3872 A Strike To My Heart by Maricar Dizon


Noong bata pa si Maxene, lakas-loob na nagtapat siya ng pag-ibig kay Jayden—ang pinakapopular na lalaki sa bayan nila—sa harap ng halos lahat ng tao sa kanila. Ngunit nadurog ang batang puso niya nang tawanan lang nito ang pagtatapat niya rito. Dahil doon ay nangako siya sa sariling kalilimutan na niya ito pati na rin ang kahihiyang natamo niya nang dahil dito.
Ngunit kahit ano ang gawin niya ay wala siyang magustuhang lalaki. Hanggang sa muling magpakita si Jayden sa kanya pagkalipas ng mahabang panahon. Ito ang sports personality na kailangan niyang interview-hin para sa column niya sa isang sports magazine. Nabahala siya dahil muling naramdaman niya ang pamilyar na damdamin para dito.
Could she get his love this time? Or was she bound to have a second heartbreak from the same man?

2. PHR 3873 Trusting Jacobo by Vanessa


Napakabata pa ni Dooney nang makilala niya si Jacobo at umibig siya sa binata. Binale-wala niya ang lahat ng babala na isang babaero ito. Inakala niyang sa kanya umiikot ang mundo nito, ngunit nagkamali siya. Kung kailan kailangang-kailangan niya ito ay saka naman siya pinabayaan nito. Bigla ay nabura ang imahe ng hinaharap na magkasama silang dalawa.
Sa mga sumunod na taon, iniwasan niya ito nang husto. Wala na siyang balak na makipagmabutihan pa rito kahit kailan. Kung maaari nga ay puputulin na niya ang anumang kaugnayan niya rito. Nakapag-move on na siya, iyon ang paulit-ulit niyang sinasabi sa kanyang sarili.
Pero bakit nang magdeklara itong mahal pa rin siya nito ay tila biglang na-excite ang puso niya?

3. PHR 3874 The Heartbreaker’s Match by Dawn Igloria



“Forte” ni Gypsy ang i-assess ang isang lalaki at mag-stage ng creative scenario kapag gusto niyang idispatsa ang makukulit na manliligaw niya. Pero mukhang maluluma yata siya sa ranchero na si Antonello Lescano na nakilala niya sa lugar na pinagbakasyunan niya. One moment, napaka-sweet nito sa kanya at panay ang pa-cute, then, bigla na lang, daig pa nito ang naglilihing babae na ubod ng ligalig sa sobrang sungit. Pasalamat na lang ito at ubod ito ng guwapo at nag-uumapaw ang appeal nito dahil kung hindi ay nakatikim na ito ng karinyo-brutal mula sa kanya.
Pero isang araw ay umabot na sa sukdulan ang inis niya rito. Nasaktan siya nang akusahan siya nito ng kung anu-ano dahil lang sa maling akala. Kaya kaysa mamatay siya sa kunsumisyon sa lalaking daig pa ang signal number three na bagyo, aalis na lang siya, tutal, wala naman silang ibang pinagkakasunduan kundi ang pagkahilig nila pareho sa kabayo, at ang sweet kisses nito na mas matamis pa kaysa sa pinagsama-samang nectar ng mga bulaklak sa flower garden ng Alas-as.
Mukhang sa pagkakataong iyon, ang heartbreaker na tulad niya ang uuwing heartbroken…

4. PHR 3875 Si King Ng Buhay Ko by Julianna Ran


Nabuhay si Sunshine sa paniniwalang babalikan siya ng kababata niyang si Louie at pakakasalan. Sa loob ng maraming taon ay umasa siyang tutuparin nito ang pangako nito. Isa iyon sa mga dahilan kaya lahat ng lalaking gustong mapalapit sa kanya ay itinaboy niya maliban lang sa isa—si King, ang isa pang kababata niya.
Nang dumating ang araw na nakatakda na uli silang magkita ni Louie ay sobra ang saya ni Sunshine. Sa wakas ay matutupad na ang pangarap niya na pakakasalan siya nito. Ngunit ganoon na lang ang sakit na naramdaman niya nang sa pagbabalik ni Louie ay kasama nito ang asawa nito. Sobrang sakit ang idinulot niyon sa kanya. Sa pagdadalamhati niya ay hindi siya iniwan ni King kahit isang saglit. Muli nitong itinuro sa kanya kung paano mabuhay nang masaya. Nanatili ito sa tabi niya hanggang sa bumalik uli ang ngiti sa mga labi niya. At sa bawat araw na magkasama sila ay lumalim ang nararamdaman niya para dito.
Ngunit hindi niya magagawang ipagtapat dito ang tunay na nararamdam niya dahil may Rachel na sa buhay nito. Sa pangalawang pagkakataon yata ay iiyak na naman siya at mabibigo.

5. PHR 3876 Loving Mr. Substitute by Dawn Igloria


Pagkalipas ng isang taon pagkamatay ng boyfriend ni Precious na si Dennis ay naging visible figure sa buhay niya ang kaibigan nito na si Angelo. He was like an angel to her in so many ways. Sa kabila ng pagtataray at pambabale-wala niya rito ay napagtiisan nito ang kaimposiblehan ng ugali niya. Lagi pa rin siyang tinutulungan nito tuwing nangangailangan siya ng tulong.
After Dennis, she thought Angelo was the perfect man for her. Mahirap pigilan ang sarili na mahalin ito. She was fast falling for him when she learned about his little secret. Buhay pa pala si Dennis at itinatago lang sa kanya ni Angelo ang totoo. Napalitan ng galit ang umuusbong pa lang na pagmamahal niya rito.
Until she was torn between two choices. Bigla ay pinapili siya ng papa niya kung sino ang dapat niyang pakasalan: Ang kinasusuklaman niyang si Angelo, o ang napipisil ng papa niya para sa kanya—isang mayamang lalaki pero hindi naman niya mahal.

6. PHR 3877 Forgetting Wayne by Mandie Lee


Hindi akalain ni Peebles na ang lalaking unang pag-aalayan niya ng kanyang sarili ay si Wayne na isang playboy. It just happened out of nowhere. Nagkasundo silang ibaon na lamang sa limot ang minsang kapusukan nila.
Pero nang alukin siya ng kasal ng kasintahan niya at ipagtapat niya rito ang nangyari sa kanila noon ni Wayne ay nagalit ito nang todo at nakipagkalas sa kanya. Hindi na raw pala siya kasinlinis tulad ng akala nito.
Labis na nasaktan siya. Mabuti na lang at naroon si Wayne upang damayan siya. Ngunit sa pagdamay nito ay naulit ang nangyari sa kanila noon. Sa pagkakataong iyon, mayroon siyang napagtanto: umiibig siya rito.
Ngunit paano kung isa lamang siya sa mga babaeng pinaglalaruan nito? Handa ba siyang isugal ang puso niya para sa pag-ibig niya rito?

7. PHR 3878 Lovefinder Postcripts: Rei And Zelle (A Love To Last) by Victoria Amor


Isang college student si Zelle na buung-buo ang paniniwala sa Prince charming, true love, kasal at happy ending. Kaya naman ang pangarap niya ay maging kilalang wedding planner sa hinahaharap. Sa pagdating ng isang espesyal na lalaki sa buhay niya ay umasa siya sa lahat ng positibong bagay tungkol sa pag-ibig. Ngunit hindi nagkatotoo ang happy ending niya nang iwan siya nito. Sa gitna ng lungkot ay dumating sa buhay niya si Rei, ang lalaking muling bumuhay sa pangarap niyang happy ending. Muli siyang nagtiwala, subalit may lihim pala ito—isang lihim na naghatid ng sakit sa puso niya…

8. PHR 3879 Hot Intruder: Eisenhower, Marvy’s Intruder by Camilla


Tumawid ng dagat si Marvy para sorpresahin ang nobyo niya sa kaarawan nito. Sa kanyang ferry cabin ay nagulantang siya nang bigla siyang pasukin ng isang lalaki at sapilitang “nagpakupkop” ito sa kanya sa durasyon ng kanilang paglalayag. Nasundan daw kasi ito ng ex-girlfriend nito na gustong pumikot dito.
May magandang idinulot sa kanya ang pagkakakilala nila ng intruder niyang si SPO3 Eisenhower “Eseng” Tamundong, isang palikerong pulis-Maynila. He offered her a shoulder to cry on nang matuklasan niya ang kataksilan ng nobyo niya. But on the night of their drinking spree, natangay siya ng kanyang damdamin. One thing led to another… at nagbunga ang kapusukan niyang iyon.
Ayaw niyang matulad sa ex ni Eseng na tinakbuhan nito. She had too much pride for that. Siya na ang kusang umiwas; pinagtaguan niya ito. Ayaw niyang ipakipagsapalaran na naman ang kanyang puso.
Pero nang matuklasan nito ang kalagayan niya, kulang na lang ay magmakaawa ito para pakasalan niya…

9. Stallion Island Series 14: Zachary Fontana by Sofia


Gabriella was no Maria Clara. Para sa kanya ay isa siyang matapang na babaeng handang ipaglaban ang lahat ng pinaniniwalaan niyang tama. At hindi siya ang babaeng iiyak-iyak lang sa isang tabi.
Subalit napilitan siyang umaktong a la Maria Clara para i-please si Zachary Fontana, ang pinakaguwapong nilalang na nakilala niya sa buong buhay niya.
Paano pa niya maipapakilala ang totoong sarili kung hindi siya ang babaeng type nito? At paano naman babawi ang puso niya oras na malaman nito ang totoo?

Back to top Go down
 
June 22, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» My Latest Addition from June - September 2011
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: