HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 June 15, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: June 15, 2011 Book Release   Tue Jun 14, 2011 6:17 pm

1. PHR 3864 Lucky by Camilla


Dahil sa malubhang karamdaman ng tatay ni Editha “Tetet” Binayog, sa halagang dalawang milyong piso ay pumayag siyang lumuwas sa Maynila mula sa Mountain Province para maging babymaker. Pero generous ang nag-hire sa kanya—ang magiging ama ng ipagbubuntis niya, si Luciano “Cian” Lepanto. Bukod sa dalawang milyong piso ay ipinagamot pa nito ang kanyang ama at binigyan sila ng bahay na matitirhan sa Maynila.
Suwerteng-malas kung tutuusin ang nangyari sa kanya. Umalwan ang buhay ng pamilya niya, pero umibig naman siya kay Cian, na natuklasan niyang isang notorious playboy pala.
Nang araw na nagkapira-piraso ang puso niya dahil sa binata, saka naman dumating sa buhay niya ang suwerteng matagal na niyang inaasam-asam. Tumama siya sa lotto! Tinakasan niya si Cian—dala ang anak nito na nasa sinapupunan niya—kahit na nakatali siya rito dahil sa pinirmahan niyang kontrata.
Nang magkita uli sila, hindi na siya nagulat na ganoon na lamang ang galit nito sa kanya. Ilalayo nito ang anak nila sa kanya dahil karapatan nito iyon. Pero bukod sa sakit na dulot ng isiping mawawalay sa kanya ang kanyang anak, tila napipinto ring mapulbos nang tuluyan ang puso niyang hindi niya mapigilan sa patuloy na pagtibok para kay Cian.

2. PHR 3865 Sa Isang Iglap, Pag-ibig by Vanessa


Gumuho ang mundo ni Antonia nang sa isang iglap ay nalaman niyang kasal na ang kanyang fiancé sa kanyang ina. She decided to marry a nobody. Iyon ang ganti niya sa kanyang ina sapagkat iyon ang pinakamalaking takot nito—ang mapunta sa isang hampaslupa ang lahat ng pinaghirapan nito sa pamamagitan niya.
She found the perfect man for the job, si Demetrio. Isa itong tagaigib ng tubig sa squatter’s area, matipuno, guwapo. Nagkaroon sila ng kasunduan… Ngunit natuklasan niyang hindi pala iyon ang totoong trabaho nito. He was a multimillionaire! Nasira ang lahat ng kanyang plano ngunit inalok siya nito ng isa pang deal—ang kalimutan niya ang lahat ng plano at magsimula sila ng panibago. It was a sweet deal… Or so she thought.

3. PHR 3866 Chasing Rainbows by Laurice del Rio


Walang balak umibig si Ginny. Isinusumpa niya iyon. Sawang-sawa na kasi siyang makita kung gaano ka-depress ang Tita Melba niya tuwing broken-hearted ito. Kaya ang misyon niya: ilayo ang lahat ng lalaking gustong mapalapit sa tita niya. At kabilang doon si Theo na nakilala nila sa isang bar na nagpapakita ng interes sa tita niya. Oo, guwapo ito, pero kahit na. Hindi niya hahayaang mapalapit ito kay Tita Melba. Kaya nakaisip siya ng plano. Ipapain niya ang sarili. Aakitin at paiibigin niya ito.
Pero bakit siya ngayon ang naaakit sa lalaki? Ano na ang nangyari sa isinumpa niya na hindi siya iibig?
Pasumpa-sumpa pa kasi!

4. PHR 3867 Memories Of Winter by Princess Faye



“Someday, you’d ask me to come back to you. But I won’t love you again.”
Iyon ang masasakit na salitang binitiwan ni Miles kay Atasha nang makipaghiwalay siya rito. Pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa. Pinaniwala niya ito na hindi niya ito minahal kahit napakasakit niyon sa kanya. Kailangan niyang gawin iyon para makamit nito ang magandang kinabukasang naghihintay para dito.
Pagkalipas ng walong taon ay muling nagkrus ang mga landas nila. Isa na itong matagumpay na businessman. Dapat ay masaya siya dahil hindi nasayang ang pagsasakripisyo niya noon, pero labis-labis ang sakit na nadama niya dahil mukhang tinotoo nito ang mga salitang binitiwan nito noon sa kanya. Tila tinuldukan niyon ang anumang pantasyang natitira sa kanya na magkakabalikan uli sila nito.

5. PHR 3868 Anghel Ng Buhay Ko by Laurice del Rio


Minsan nang nagmahal si Rian at hindi maganda ang kinahinatnan niyon. Dahil doon ay nabuo ang paniniwala niya na mas payapa ang kalooban niya kung zero ang love life niya.
Isa pa, bilang marine biologist, pakiramdam niya ay mas may kabuluhan ang ginagawa niyang pagsagip sa mga marine animals na malapit nang mabura sa mundo ang lahi.
Until Mike came along. Siya lang ang nagbigay ng pangalan ditong “Mike” dahil ni hindi nito maalala ang pangalan nito. Biktima ito ng isang trahedya at nang mahango ito mula sa karagatan ay inakala niya na wala na itong buhay.
He was the worst guy to feel something for. Ni hindi nga niya alam kung lima na ang asawa nito at sampu ang anak. But feel something for him she did. At ito man ay mukhang kagaya niyang may taglay na kabaliwan dahil naging malapit din ito sa kanya.
Pero sa simula pa lang ay alam na niyang panandalian lang ang panahong magkakasama sila. At nang sa wakas ay mahagilap na nito ang nawawalang alaala ay natuklasan niya na totoo ang pinangangambahan niya: hindi na ito malaya.

6. PHR 3869 Nang Ikaw Ay Ibigin Ko by Pauline Mei San Juan


Para kay Helen, kawangis ni Roger ang isang napakaningning at napakalaking bituin na madali mang abutin, hindi naman niya kailanman maaangkin. Isa lang siyang ordinaryo at mahirap na babae samantalang ito ay nagmula sa napakayamang pamilya. Wala pa siya sa kalingkingan ng mga babaeng nagkakandarapa rito. Pero tila naghimala ang langit at ninais yata niyong magkatotoo sa kanya ang kuwento ng pag-ibig ni Cinderella. Nang sabihin nitong mahal siya nito, pakiramdam niya, wala nang babaeng mas sasaya pa kaysa sa kanya.
Ngunit pagkatapos niyang iparamdam dito kung gaano niya ito kamahal, saka naman niya natuklasan ang isang masakit na katotohanan na dumurog nang husto sa puso niya…

7. PHR 3870 Twin Flame by Valie Naval


Ang buong paniniwala ni Nathaly ay nakatadhana siyang maging single habang-buhay. Why? Because she was a thirty-year-old-never-been-kissed-virgin and a member of the “No Boyfriend Since Birth” Club. Tinatawanan lang niya ang mga taong walang magawa kundi pag-usapan ang love life niyang wala raw kabuhay-buhay.
She knew what she wanted at wala siyang pakialam kung ano ang tingin sa kanya ng iba. She was single not because she was a “man-hater” as others implied. She was single simply because she was happy being one and contented with the life she had.
Not until her friend, Cherrie—also a certified NBSB—decided to marry a man she just met. Nahanap na raw kasi nito ang lalaking bumuo sa pagkatao nito, her soul mate. Soul mate? Crap! Nathaly was disappointed.
Not until she met Nathaniel—ang guwapong lalaking hindi niya matandaan kung saan niya unang nakita at nagpabago sa mga pananaw niya sa buhay-pag-ibig.

8. PHR 3871 Aseron Weddings: Anywhere For You by Dream Grace


Batid ni Menchie na malayo siya sa tipo ng babaeng magugustuhan ng amo niyang si Simoun Aseron. Pero hindi iyon nakapigil sa kanya upang lihim na hilingin na sana ay mapansin din siya nito. At tila dininig naman ang dalangin niya. Pinakiusapan siya ni Simoun na magpanggap na fiancée nito upang mapigilan ang pangungulit ng lolo nito na ipareha uli ito sa ex nito. Naisip niyang pagkakataon na niya iyon upang maipakita rito na hindi naman siya gaanong nalalayo sa babaeng puwede nitong mahalin.
Ngunit paano kung matuklasan niyang tulak ng bibig at kabig ng dibdib lang pala ang sinasabi nitong hindi na nito mahal ang dati nitong nobya? Paano na ang puso niya na umasang naturuan na niya itong mahalin din siya?


Back to top Go down
 
June 15, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» My Latest Addition from June - September 2011
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: