HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 June 8, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: June 8, 2011 Book Release   Tue Jun 07, 2011 7:05 pm

1. PHR 3854 The Tycoon And His Wayward Wife by Sabrina Philips (translated by Iris Anne)


Ang tanging balak ni Libby nang puntahan niya si Orion ay tuldukan ang kanilang relasyon. After all, limang taon na silang walang komunikasyon. It was high time they both moved on.
Subalit nang sabihin niya rito ang balak niya ay nagbigay ito ng kondisyon. Papayag lang diumano itong ma-annul ang kanilang kasal kapag napatunayan nilang hindi nila kayang pakisamahan ang isa’t isa. Sa loob ng isang buwan ay kailangan nilang magsama para malaman nila kung maisasalba pa nila o hindi ang kanilang pagsasama.
Pumayag siya sa kondisyon nito. Ang buong akala kasi niya ay hindi na niya ito mahal. Subalit nagkamali siya. Natulog lang pala at hindi kailanman nabura sa puso niya ang pagmamahal para dito.

2. PHR 3855 She’s The One by Camilla


Dahil sa napakalaking utang-na-loob sa mag-asawang Florian at Brennan, hindi na nakatanggi si Hazel sa pakiusap ng mga ito na siya ang maging surrogate mother ng anak ng mga ito. Hanggang sa mauwi sa diborsiyo ang pagsasama ng dalawa dahil nagkaroon ng relasyon si Florian sa ibang lalaki. Natagpuan niya ang sariling umiibig kay Brennan. At mukhang umiibig na rin ito sa kanya.
Umaasa siya na magiging happy ending ang istorya nila ni Brennan dahil nagmamahalan na sila. Pero bumalik si Florian at gusto nitong bawiin si Brennan. Kaya ba niyang ipaglaban ang pag-ibig niya para sa lalaki?

3. PHR 3856 My Wicked Love by Bella Sabina


Pinatigas ng mapapait na karanasan ang puso ni Blair kaya ipinangako niya sa sarili na hinding-hindi siya gagaya sa kahinaan ng kanyang ina. She made a vow to herself that she won’t shed a single tear for any guy. Bagkus, siya ang magpapaiyak sa mga ito!
Then she met Calix, ang balikbayang apo ng kanyang boss. Hindi maganda ang paraan ng unang pagkakakilala nila. Lalo pa siyang nainis dito nang pairalin nito sa kanya ang pagiging mayabang at arogante nito.
Pero bakit gano’n? Napakalakas ng dating nito sa kanya. Kahit parang isang malaking parasite ito sa buhay niya ay hindi niya makontrol ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso tuwing tinititigan siya ng mapanuksong mga mata nito. Lalo pang tumindi iyon nang nakawan siya nito ng halik…

4. PHR 3857 The Toy Boys Trilogy 2: Bartolomeo by Sheena Rose


Sa kagustuhang dispatsahin ang isang makulit na admirer na nagtatrabaho rin sa The Toy Boys Unlimited, nagpanggap si Letty na may asawa at anak na siya. Ginamit pa niya ang kuya at pamangkin niya upang maging makatotohanan ang kanyang pagpapanggap. Tuloy, ang alam sa buong opisina ay hindi na siya dalaga.
Ngunit nagkaroon ng problema nang makaramdam siya ng kakaiba para kay Bart, ang mabait at guwapong boss niya. Alam niyang hindi simpleng crush lang ang nararamdaman niya para dito. At tila lalong lumalim pa iyon noong nagka-company outing sila kung saan naging very sweet at extra attentive ito sa kanya. May pahawak-hawak pa ito sa kamay niya, tuloy ay hindi niya maiwasang isipin na baka may pagtingin din ito sa kanya.
Parang gusto na niyang pagsisihan ang pagpapanggap niya. Paano niya ipagtatapat dito na isang kasinungalingan lang ang lahat na hindi ito magagalit sa kanya?

5. PHR 3858 You’re All I Need by Laurice del Rio


Halos lahat ng nakapaligid kay Erica ay may pamilya na. Hindi tuloy niya maiwasang mainggit, lalo at siya na naturingang napakahilig sa bata ang wala pang anak.
Wala talaga yata siyang suwerte sa pag-ibig. Resigned na nga siya sa ideyang huwag nang makapag-asawa basta magkaroon siya ng anak. Ang kaso, hindi naman niya maatim na makipag-fling para lang mabuntis. Ang pinakakatanggap- tanggap na paraan sa kanya ay ang artificial insemination.
May kandidato na siya para maging sperm donor niya—ang ultra-simpatiko pero saksakan ng seryosong boss niyang si Andrew. Crush niya ito noong nagsisimula pa lang siyang magtrabaho sa opisina nito, pero agad ding naglaho iyon dahil malabong mapansin siya nito.
Noong una ay ang magkaanak lang dito ang gusto niyang mangyari. Ngunit dahil sa isang pangyayaring naglapit sa kanila, dumating ang puntong parang hindi na sapat na ang genes lang nito ang mapapasakanya. She wanted the rest of him, too—heart, body, and soul.
Pero paano?

6. PHR 3859 The Toy Boys Trilogy 3: Brandon by Sheena Rose


Walang balak si Lucy na gumaya sa mga kaopisina niyang nakikipagpaligsahan sa isa’t isa para sa atensiyon ng guwapong boss nilang si Brandon “Bong” Uy. Sa katunayan, naiinis siya sa lalaki dahil masyadong feeling God’s gift to women ito.
Nagulat na lang siya nang isang araw ay pakiusapan siya nitong magpanggap na girlfriend nito upang tigilan na ito ng female admirers nito sa opisina. “Ikaw lang kasi ang walang crush sa akin,” paliwanag nito kung bakit siya ang pinili nito.
Ngunit wala pang isang linggo ay pinagbibintangan na siya nitong may gusto siya rito. Natural na itinanggi niya iyon. Ngunit isang araw, natuklasan niyang gusto pala niya ito. Wala itong kamalay-malay na gumagawa na siya ng mga hakbang para maging totoong girlfriend nito…

7. PHR 3860 Heaven In Your Arms by Camilla


Umiibig si Rachel kay Randall, pero takot siyang ipakita rito ang pagmamahal niya dahil hindi pa iyon ang tamang pagkakataon. Ngunit nang dumating ang araw na handa na siyang aminin na mahal niya ito at inakala niya na magiging maayos na ang lahat sa kanila, natuklasan niya na ex-wife pala nito ang half sister niya na noon lang niya nakilala.
Ganoon na lang ang pagkawasak ng puso niya nang marinig niya mula sa bibig ng kapatid niya na nais nitong makipagbalikan kay Randall, alang-alang sa mga anak nito.

8. PHR 3861 Head Over Heels by Rose Tan


Lihim na lihim ang pag-ibig ni Salustia para kay Paeng. Kahit ibitin siya nang patiwarik, hindi siya aamin. Ang kaso, ibinuking siya ng isang kaibigan niya kaya nalaman nito ang pinakaiingatan niyang lihim. Pero imbes na ligawan siya, binigyan siya nito ng prospective suitor na mas makulit na nga kaysa sa damong ligaw, hindi pa niya kayang ipaliwanag ang anyo!
Ang hudyo, sinugatan na nga ang puso niya, ininsulto pa siya!

9. PHR 3862 Fly Me To Eternal Bliss by Raphaela Kristina


“The Ultimate Asungot,” iyon ang bansag ni Racquel sa dating kaklase niya na si Geoffrey Suizo. Paano’y ginawa nitong traumatic ang high school life niya. Ito ang nagbansag sa kanya ng “Miss Utot” noong grade six pa lamang sila. At hanggang noong mag-high school na sila ay iyon pa rin ang bansag nito sa kanya. Iyon ang dahilan kung bakit sagad hanggang buto ang galit niya rito.
But who would have thought their paths would cross again after so many years of having not seen each other? Ni sa panaginip ay hindi niya inakalang makikita pa uli niya ito. In the bathroom of the apartment she rented in Singapore, Geoffrey came barging in to give her the ultimate shock of her life.

10. PHR 3863 My Heart’s Perfect Match by Mariane Reign


Marione was searching for her Romeo. Nakita niya kay DJ Dee, a love doctor who answered all the women’s love problems, ang lahat ng qualities ng man of her dreams. He was perfect. He cured broken hearts. Maging ang problema niya sa puso ay naghilom din dahil sa programa nito sa radyo. She was sure she was in love with him.
Hanggang sa nakilala niya si Rhyken, ang lalaking kabaligtaran ng dream boy niya. He was arrogant and he pissed her off every time they met. Ayaw niya rito. Naiinis siya kapag nakikita niya ito. He was the kind of man who didn’t deserve to be loved. Pero hindi niya maiwasan ito dahil ito lang ang daan niya para makilala niya si DJ Dee.
Ngunit nang araw na makakaharap na sana niya si DJ Dee, pakiramdam niya ay ayaw na niyang makita ito dahil nababaling na kay Rhyken ang pagmamahal niya.
Back to top Go down
 
June 8, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» My Latest Addition from June - September 2011
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: