HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 June 1, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: June 1, 2011 Book Release   Wed Jun 01, 2011 10:58 am

1. PHR 3846 Sungkitin Ang Bituin by Camilla


Bata pa lang si Star ay alam na ni Ralph na may gusto ito sa kanya. Gusto rin niya ito noon pa, ngunit hindi sila bagay dahil langit ito at lupa siya. Sa kabila niyon ay naging nobya niya ito.
Ngunit ang inakala niyang wagas na pag-ibig nito sa kanya ay huwad pala. Basta na lamang siya iniwan nito nang walang paalam.
Pagkalipas ng maraming taon, muling nagtagpo ang mga landas nila. Baligtad na ngayon ang sitwasyon—siya na ang nasa itaas at ito ang nasa ibaba.
Ngunit tila walang nagbago sa sitwasyon niya. Ito pa rin ang kanyang bituin na kay hirap sungkitin…

2. PHR 3847 My Missing Puzzle Piece by Bella Sabina


Alice thought she had found the man of her dreams. Iyon ay sa katauhan ni Sid. Pero nawasak ang pangarap niya nang tuluyang iwan siya nito. Isang mapait na katotohanan ang nagpabago sa damdamin nito at walang kasinsakit iyon para sa kanya.
Then under a very unexpected circumstance, she met Jake Ferrer, a car shop owner. He was everything a woman wanted in a man—matalino, simpatiko, successful, and, oh, so seductively handsome! Sa una pa lamang nilang pagkikita ay hindi na maipaliwanag ang kakaibang atraksiyong namamagitan sa kanila.
She was afraid to love again, but he was crazy in love with her. Ito na kaya ang kasagutan sa matagal na niyang pinapangarap sa buhay—ang magkaroon ng kabiyak sa buhay?

3. PHR 3848 Akin Ka Na Lang Uli by Bridgette Marie


Noon pa man ay in love na si Mitch kay Chase, ang best friend ng kapatid niya. Pero sobrang sungit ni Chase. Sinabi pa nitong hindi ito magkakagusto sa isang batang tulad niya. Pero kinain nito ang lahat ng sinabi nito nang bigla na lamang siyang halikan nito at ipagsigawan na girlfriend siya nito. Iyon na yata ang pinakamasayang araw sa buhay niya.
Ngunit hindi rin nagtagal iyon. Dahil mga bata pa sila, hindi nila nakayanan ang mga pagsubok na dumating sa kanilang relasyon. Nagkahiwalay sila.
Pagkaraan ng mahabang panahon, bumalik ito. Malayung-malayo na ito sa Chase na nakilala at minahal niya noon. Ngunit tinanggap uli niya ito. Masaya siya na nagkabalikan sila.
Iyon ang akala niya.
Nang muling subukin ng pagkakataon ang pag-ibig nila, hindi niya alam kung dapat pa ba siyang umasa na para sila sa isa’t isa…

4. PHR 3849 Lady Gigi by Camilla


Nang makilala ni Charlotte ang kaibigan ng kuya niya na si Gabriel, may kakaibang damdamin na agad na binuhay ito sa puso niya. Tulad niya, tila nais din nito na magkakilala pa sila nang husto. At dahil sa isang hindi magandang insidente, kinailangan niyang tumira sa bahay nito. Pero inilagak lang siya nito roon at bigla na lang hindi nagpakita. Hindi rin niya mahagilap ang kuya niya kaya wala siyang mahingan ng paliwanag sa mga nangyayari. Batid niya, may problemang hindi sinasabi sa kanya ang kuya niya at si Gabriel.
Pagkaraan ng isang linggo, isang binabaeng pagkakapal- kapal ang makeup ang bigla na lang sumulpot doon at nagpakilalang pinsan daw ni Gabriel—si Lady Gigi.
Pero bakit ganoon? Kaiba sa mga kilala niyang bakla, hindi ahit ang kilay ni Lady Gigi at ma-muscle pa ang mga braso nito. At sa pagdaan ng mga araw, parang nagiging weird ang pakiramdam niya rito; naa-attract siya rito.
Hindi yata’t kaya niyang ipagpalit si Gabriel sa isang bading!

5. PHR 3850 Lovefinder Postcripts: Ram And Zenne (The Meaning Of Magic) by Victoria Amor


Galit si Hazenne sa mga lalaking tulad ng kanilang ama na iresponsable at babaero. Inabandona sila nito na naging dahilan ng maagang kamatayan ng kanilang ina.
Kaya nang makilala niya ang hambog at babaerong si Ramille Yu at halikan siya nito ay naghuramentado lahat ng cells niya sa katawan. At ang pinakahuling engkuwentro nila ay nang magising siyang hubad na katabi nito.
Abot-langit ang inis niya rito. Ngunit paano niya magagantihan ang hambog na Intsik na ito kung nangi- ngibabaw ang kakaibang nararamdaman niya sa mga titig at presensiya nito?

6. PHR 3851 Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko by Camilla


Hindi naging maganda ang unang pagkakakilala ni Gretchen kay Jerome. Nadagdagan pa nang nadagdagan ang inis niya rito dahil sa kapreskuhang taglay ng binata. Basta na lang ito nagnanakaw ng halik! To top it all, bigla na lang nitong idineklara sa madla na boyfriend niya ito!
Pero hindi siya immuned sa charm nito, and soon enough she was falling in love with him—hard and fast. Ngunit may isang tao sa kanyang nakaraan ang naniningil ng pautang sa kanya—ang buhay niya na minsang sinagip nito.
At si Jerome ang kabayarang hinihingi nito.

7. PHR 3852 The Fiery Thing That Worked by Wilhelmina



Mula nang mamatay ang ina ni Rexis, kahit mayroon pa siyang ama at half siblings, pakiramdam niya ay mag-isa na lang siya sa buhay. Dahil doon, natuto siyang maging matatag. Binalot niya ng yelo ang puso niya upang hindi na siya makaramdam ng sakit.
Hanggang sa makilala niya si Jiro. Ito ang kauna-unahang tao na nagmalasakit sa kanya. Pakiramdam niya, may kakampi na siya. Ngunit gaya ng kanyang ina, nawala rin ito sa buhay niya.
Pagkalipas ng ilang taon, nagkita uli sila. Higit pa sa pagmamalasakit na ipinakita nito noon sa kanya ang ipinadarama nito ngayon sa kanya. Hanggang sa hindi siya nakatiis, tinanong niya ito:
“Bakit mo ginagawa ito?”
“Mahal kita. Sapat na bang sagot iyon?”
Dapat ba siyang maniwala rito? Paano kung sa huli ay iwan lang uli siya nito?

8. PHR 3853 The Toy Boys Trilogy 1: Dominic by Sheena Rose


Twelve years old si Laney nang makaranas ng unang kabiguan sa pag-ibig sa katauhan ng kaibigan niyang si Dominic. After fourteen years, boss na niya ito sa pinapasukan niyang toy company. Mas guwapo na ito, mas macho, at mas malakas ang dating.
Hinamon siya ng mga kaibigan niya na paibigin niya ito. Medyo nag-alangan siya, naisip na kung hindi nito pinatulan ang pagtatapat niya ng pag-ibig dito noong mga bata pa sila, malabong patulan siya nito ngayong mga adult na sila.
Gayunman, natagpuan niya ang sariling inaakit ito. Tumalab naman kaya rito ang ganda at charm niya na ayon sa mga kakilala niya ay hindi matanggihan ng mga kalalakihan?

9. PHR Gothic Romance: The Cursed Healer by Victoria Amor


Tatlong araw pagkatapos ng ikalabingwalong taong kaarawan ni Crystal ay dumating sa kanilang baryo ang isang misteryosong lalaki. Mula noon ay sunud-sunod na ang mga pangyayaring nagpapatotoo na malapit nang maganap ang prediksiyon ng yumaong abuela niya na nag-uugnay sa kanya sa mga nilalang sa dilim.
Sa paghahanap niya ng mga sagot ay natagpuan niya ang sariling nahuhulog ang loob sa misteryosong lalaki. Pero biglang dumating ang isang guwapong dayo—si Rock. Sa kabila ng pagiging arogante nito ay nagawa nitong ibahin ang pakahulugan niya sa salitang “pag-ibig.” Sa gitna ng pagkalito, agam-agam, at takot niya ay lagi itong nasa tabi niya para punan ang espasyo sa kanyang puso. At sa maraming pagkakataon ay ipinadama nito sa kanya na mas ligtas siya sa piling nito kaysa sa misteryosong lalaking itinuturing niyang kakampi.
Sa nakaambang panganib sa kanila, may puwang pa kaya ang pag-ibig?
Back to top Go down
 
June 1, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» My Latest Addition from June - September 2011
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: