HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 May 25, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: May 25, 2011 Book Release   Wed Jun 01, 2011 10:27 am

1. PHR 3838 My Big Destiny by Majesty Roque


Habang pauwi si Jamilla sa kanilang tahanan ay nakapulot siya ng isang antigong singsing. Ngunit sa dami ng dagok sa kanyang buhay, isama pa ang pagkamatay ng kanyang ate, ay nakalimutan na niya ang tungkol doon. Nang makita uli niya ang singsing ay isinuot niya iyon at nakita niyang bagay iyon sa kanya kaya hindi na niya hinubad pa iyon. Hanggang sa tumaba siya.
Sa bagong trabahong pinapasukan niya ay isang mayabang na lalaki na nagngangalang “Sani” ang nagsabing sa angkan nito ang singsing at pinipilit siya nitong hubarin iyon. Ngunit hindi na niya magawa iyon dahil sa katabaan niya.
Tinulungan siya nitong mag-diet upang mahubad niya ang singsing.At nagtagumpay naman sila. Ngunit sa kalaunan ay hindi sinasadyang umibig siya kay Sani. Ngayong nahubad na niya ang singsing, katapusan na rin ba ng panaginip niya na makasama ang lalaking mahal niya?

2. PHR 3839 Sweet Surrender by Lace


Para kay Alpha ay nakakatakot mahalin ang isang lalaking katulad ni Braden—guwapo, nagtataglay ng magandang katawan, mayaman, at higit sa lahat, popular na basketball player. Sanay itong hinahabul-habol ng mga babae kaya nagtaka siya nang labis nang mabaling sa kanya ang pansin nito. Agad na sinabihan niya ito na tantanan siya dahil wala siyang balak na mapabilang sa listahan ng mga babaeng pinaluha nito.
He was a certified playboy. Wala sa bokabularyo nito ang mga salitang “pag-ibig,” “commitment,” at “forever.” Ito ang kabaligtaran ng lalaking pinapangarap niya. Pero sa kabila niyon ay hindi niya napigilan ang sarili na tuluyang mahulog ang damdamin dito. Napaka-persistent kasi nito na makuha siya. Could she risk her heart being broken when she knew firsthand that his attention was only temporary?

3. PHR 3840 My Sweet, Innocent, Lovely Brat by Noelle Arroyo


Carla was in love with Eric, her incredibly good-looking, intelligent, and US military trained bodyguard, but he only saw her as a stubborn brat, and not a beautiful, smart, and independent young woman. Nang minsang kinailangan niyang magtago mula sa taong nagtatangka sa buhay niya ay dinala siya nito—kasama ang kanyang ama—sa rest house nito sa Tagaytay. Despite the threats to her life, she found the place romantic. Sa katunayan, muntik nang may mangyari sa kanila ni Eric sa loob ng silid nito.
Sa kasamaang-palad, nabuking sila ng kanyang ama at pinilit si Eric na pakasalan siya.
Natuwa siya nang pumayag ang binata. Pero sa araw ng kanilang kasal, hindi niya nakayanang sumagot ng “I do” nang tanungin siya ng judge kung nais niyang maging asawa si Eric.
Gusto talaga niyang magpakasal dito. Pero gusto niyang makatiyak na mahal siya nito kaya ito magpapakasal sa kanya at hindi dahil sa pinikot lang niya ito.

4. PHR 3841 Something Happened In The Island Of Joy by Camilla


Naloloka si Talya kina Brien at Ford, ang dalawang super-guwapong guests ng pinagtatrabahuhan niya—ang Happy Island Bar and Resort. Wala siyang itulak-kabigin sa mga ito. Ngunit nang malaman niyang may sabit na si Brien—at ang “sabit” na iyon ay ang malditang si Tierra—ay alam niyang kailangang mas itulak niya ito kaysa kabigin. Besides, mas guwapo naman talaga si Ford kaysa rito!
Pero nang mag-crash ang helicopter na sinasakyan nina Ford at Tierra, bakit tila yata mas nag-alala pa si Brien sa sprained ankle niya kaysa sa fiancée nito? At bakit sa halip na distressed na Ford at Tierra ang ma-rescue nila, tila ang saya-saya pa ng dalawa?

5. PHR 3842 Sweet Deal With You by Victoria Amor


Gagawin ni Janis ang lahat para huwag nang masaktan uli ang ate niya. Kahit nangangahulugan pa iyon na kailangan niyang lapitan at hingan ng tulong ang lalaking nanakit sa damdamin niya noon—si Jude Pallera. Sinabi kasi sa kanya ng kapatid ni Jude na lalayuan lang nito ang ate niya kung lalapit siya at makikipagkasundo kay Jude.
Pumayag siya sa gusto nito. Mas nanaisin niyang siya ang masaktan kaysa ang ate niya. Pero hindi niya inakalang sa pagkakalapit uli nila ni Jude ay mananariwa ang damdaming ang buong akala niya ay pinatay na ng galit niya.
Hindi pala namatay kundi matagal lang na nahimbing ang pagmamahal niya kay Jude…

6. PHR 3843 Mine To Keep by Angel Bautista


Mischa was the most popular girl in school. Iniisip ng lahat na perpekto ang buhay niya at nasa kanya na ang lahat ng puwedeng hilingin ng isang babaeng nasa edad niya. Siya lang ang nakakaalam kung gaano kalayo sa katotohanan ang imahe niyang iyon. Ang isa sa imperfection sa buhay niya ay si Keith Mercaida, ang kaisa-isang lalaking pumukaw sa atensiyon niya at kaisa-isa ring lalaking hindi apektado sa taglay niyang ganda.
She wanted Keith more than anything in the world. Gagawin niya ang lahat mapasakanya lang ito. She had set a trap to conquer him. Ang hindi niya alam, ang patibong ding iyon ang dudurog sa kanyang puso…

7. PHR 3844 Maggie’s Doodles by Allie Sia Alonzo


Gusto nang mag-novena ni Magnolia dahil desperado na siyang makahanap ng totoong boyfriend sa lalong madaling panahon. Pilit niyang pinapaniwala ang sarili na magkakaroon nga siya ng boyfriend. Baka sakaling totoo ang power of suggestion.
At nagkatotoo nga! Dahil isang araw ay nagprisinta si Andres—ang unang lalaking lihim niyang minahal—na maging boyfriend niya. Agad siyang pumayag. Isang buwan ang ibinigay niyang taning sa pagiging magkasintahan nila.
Ngunit hindi pala ganoon kadali ang napasukan niya dahil nabuhay ang pesteng unang damdamin niya para dito. Ang masaklap pa, matatapos na ang ibinigay niyang taning ay hindi pa rin niya napapaibig ito.
Magawa na kaya niyang umamin sa nararamdaman niya para dito?

8. PHR 3845 About Last Night by Camilla


Best of friends sina Adrie at Lambart. Kilala na nila ang likaw ng bituka ng isa’t isa. Kaya nang lokohin si Lambart ng girlfriend nito, Adrie was there to comfort him. Pero nauwi sa hindi inaasahang pangyayari ang pagko-comfort niyang iyon dito. May nangyari sa kanila na hindi dapat nangyayari sa magkaibigan.
Nagbunga ang isang gabing pagkalimot nila sa kanilang mga sarili. Pinakasalan siya nito. Ngunit nang mamatay sa aksidente ang kanilang anak, natagpuan ni Adrie ang sarili na nakikipaghiwalay kay Lambart kahit mahal na niya ito. Palalayain niya ito at hahayaan sa babaeng tunay nitong mahal…
Back to top Go down
 
May 25, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» Book Publishing Stats from ForeWord Magazine

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: