HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 May 18, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: May 18, 2011 Book Release   Wed May 18, 2011 3:17 pm

1. PHR 3829 The Tanangco Boys: Rene Roy Cagalingan (Mahal Kita, Mr. Cagalingan) by Juris Angela


Hindi na bago sa lugar nina Panyang ang lantarang pagpapahayag niya ng matinding paghanga kay Victor. Kulang na nga lang ay patayuan niya ito ng altar sa gitna ng kalye nila. Ganoon siya kahumaling dito. Ang akala niya ay tunay na pag-ibig na ang nararamdaman niya para dito pero nagkamali siya. Nagbago ang lahat nang kinailangan niyang makisama sa numero unong kontrabida sa buhay niya—kay Rene Roy Cagalingan. Pero kahit inis na inis siya rito ay ito ang hero niya sa maraming pagkakataon. At nang minsang napahamak siya at itinalaga ito ng lolo niya para magbantay sa kanya, nagising na lang siya isang umaga na may nararamdaman nang kakaiba para dito. Would she be able to fight for her love for Roy sa kabila ng katotohanang ang kaibigan niya ang mahal nito?

2. PHR 3830 Memories by Camilla


“Dimples” ang pangalang ibinigay sa kanya ng pamilyang kumupkop sa kanya pagkatapos siyang mabangga ng isa sa mga miyembro ng pamilya at magkaroon ng amnesia. Wala siyang ideya sa tunay niyang pagkatao. Akalain ba niya na may suwerte pala sa likod ng mga kamalasang nangyari sa kanya?
Na-in love siya sa guwapong kuya ng nakabangga sa kanya na si Franco Cuevas. At kasabay ng pagbabalik ng memorya niya, isang matinding dagok ang dumaan sa buhay niya—dagok na tumama rin sa pamilya Cuevas.
May puwang pa kaya siya sa puso ni Franco, o mananatiling sa alaala na lamang niya madarama ang init ng yakap at halik nito?

3. PHR 3831 A Time To Love by Laurice del Rio


Dahil sa isang traumatic na pangyayari, pinili ni Aisha na talikuran ang propesyon niya bilang isang nurse sa ibang bansa. Pagbalik niya sa Pilipinas, nagkita uli sila ni Rhys, ang lalaking dating super crush niya pero ngayon ay pinakakinaiinisan na niyang tao sa balat ng lupa. Lalong tumindi ang inis niya rito nang makita niyang tila pinapabayaan nito ang lolo nito.
Malambot ang puso niya sa matatanda kaya nang kaila- nganin ni Rhys ng pansamantalang titingin sa lolo nito, kahit allergic siya sa binata ay pumayag siyang siya muna ang tumingin sa lolo nito.
Ang nakakainis nga lang, mula nang maging temporary “nanny” siya ng lolo nito, tila patay na nagpupumilit bumangon sa hukay ang dating pagkakagusto niya sa binata. Ayaw nang makinig ng puso niya sa isip niya kahit gaano ipagdikdikan niyon na hindi siya dapat mahulog uli sa binata dahil may ibang mahal ito…

4. PHR 3832 Cupid’s Arrow by Gypsy Esguerra


Zack was Acky’s childhood friend. Madalas silang mapagkamalang magkapatid. Madalas pareho rin ang mga nakakahiligan nilang gawin at parehong marami ang nagkakagusto sa kanilang dalawa. The only difference they had was their belief on love.
Zack was born romantic while Acky was realistic. Hindi man magkatugma ang mga paniniwala nila ay nanatiling magkaibigan pa rin silang dalawa. So there really was no reason for him to make her have the same belief about love. Ngunit bakit sa dami ng mga pinagdaanan nila ay hindi nila maiwan ang isa’t isa?

5. PHR 3833 When You Kiss Me by Joan Jean


Manhid na lalaki, iyon si Cedric para kay Jen. Pero ayaw pa ring paawat ng pasaway na puso niya na mahalin ito. Kaya nakontento na lang siyang mahalin ito nang palihim kahit nasasaktan siya kapag may ipinaparada itong ibang babae sa opisina.
Ngunit may hangganan din pala ang pagtitiis niyang itago ang kanyang damdamin para dito. Nagdesisyon siyang magbitiw na lang sa trabaho. Ngunit kung kailan desidido na siyang kalimutan na lang ang lihim na pagsinta niya rito ay saka naman nagbago ang ihip ng hangin. Sinundan at kinulit siya nito. Nagtahi rin ito ng kuwento kung saan ay pinaniwala nito ang mga magulang at tiyahin niya na may relasyon sila at buntis na siya para lang pumayag siyang magpakasal dito.
Makakaya ba niyang magpakasal dito gayong alam niyang siya lang ang nagmamahal? Or should she walk away and be brokenhearted forever?

6. PHR 3834 Ang Tipo Kong Lalaki by Camilla


Isang gabi ay binulabog si CJ ng presensiya ng isang lalaking nadatnan niyang nakahiga sa kanyang kama. Hahambalusin na lang niya ito ng baseball bat nang makita niya ito.
The man was a nice warm teddy bear with the body of a god!
Bukod sa pinsan ito ng best friend niya na ka-share niya sa apartment na iyon, wala siyang alam tungkol dito. Kaduda-duda ang biglaang pagsulpot nito at pamamasukan sa kanyang restaurant.
Kinailangan pang dumanak ang dugo roon bago niya natuklasan ang tunay na pagkatao nito—at ang damdamin niyang na-develop na para dito.

7. PHR 3835 The Risks I’ll Take by Cassandra


Hindi kaila kay Yumi na inis sa kanya ang captain ng basketball team ng kanilang campus na si Leroy. Palagi na lamang masama ang tinging ipinupukol nito sa kanya na para bang kapag napikon ito sa kanya ay ihahagis siya nito sa ring. Subalit sa paglipas ng mga araw ay nakilala niya ang totoong ito. Tuwing nasa alanganin siya ay palaging naroon ito, tinutulungan siya. Kaya naman hindi niya napigilan ang puso niya na mahulog dito. At minahal din siya nito.
Subalit isang matinding pagsubok ang sumukat sa pagmamahalan nila. Paano kung ang tanging paraan upang malampasan nila iyon ay ang iwan niya ito?

8. PHR 3836 The Brave Damsel by Julia Francine Sicat


Dahil sa mga kaibigan niya ay muntikan nang mapahamak si Colette. Mabuti na lang at to the rescue si Jared—ang instant “baby” for the night niya dahil pumayag itong magpanggap na nobyo niya at napalayas nito ang mga kumag na nanggugulo sa kanya.
Nang dumating ang araw na ito naman ang nangailangan ng pretend girlfriend ay hindi na siya nagdalawang-isip na tulungan ito. Besides, she wanted to return the favor.
Pero hindi niya naisip na may mga consequences pala ang pagpayag niya sa role na iyon. Una, sobrang obsessed dito ang ex-girlfriend nito na halos binabantayan na lang ang lahat ng babaeng lumalapit sa binata. Pangalawa, may kontrabidang prankster na nanggugulo sa kanya dahil “sila na” ng binata. At pangatlo—at ang pinakamalala—mukhang nahuhulog na yata ang loob niya rito!
Wala iyon sa usapan. Wala siyang planong ma-in love dito…
Wala nga ba talaga?

9. PHR 3837 The Reality Show: Prince Of Thieves by Angel Bautista


Dahil sa impulsive na pagsali sa programang The Reality Show ay nagising ang Dolce & Gabbana girl na si Fiona Arcete, also known as “The Fashionista,” sa sahig ng isang silid na maliit pa kaysa sa walk-in closet niya. Nadiskubre niyang kaya pala niyang mabuhay na wala ang kanyang favorite moisturizer.
Pero ang hindi niya inaasahan ay ang biglang pagsulpot ni Dean Isaac Marfori sa buhay niya. Sometime ago, he promised her a whole new world, stole her heart, and then left her. Ang pinakamasama sa lahat, hindi nito naaalala ang ginawa sa kanya. Gusto na rin niyang kalimutan ang lahat pero ayaw naman nitong pumayag...







Back to top Go down
 
May 18, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» Book Publishing Stats from ForeWord Magazine

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: