HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 May 11, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: May 11, 2011 Book Release   Tue May 10, 2011 5:26 pm

1. PHR 3819 Seducing Kent by Mandie Lee


Matagal nang nagtitimpi si Sinatra sa pinsan niyang si Pauline. Silent inggitera kasi lagi ang drama nito sa kanya. Kung ano ang gusto niya, gusto rin nito.Pati lalaking gusto niya, pilit na inagaw nito at nang hindi ito nagtagumpay ay tinanggal nito ang lalaki sa trabaho.
Naisipan niyang gantihan si Pauline. She wanted her cousin to take a dose of her own medicine. Hindi naman siya nahirapang magplano. Nakita niya ang lalaking gustung-gusto nito—si Wayne. Guwapo ito at kilala ang pamilya nito sa larangan ng business.
Isang gabi ay nagpunta siya sa ballroom dancing club kung saan na-meet ni Pauline si Wayne. There she danced sensually with him. Hindi niya inakalang mauuwi iyon sa mas sensuwal na tagpo sa backseat ng kotse nito—only for her to find out in the end na hindi pala si Wayne ang lalaking nakilala niya at nakasiping niya noong gabing iyon kundi ang kakambal nitong si Kent…

2. PHR 3822 Mark, My World by Majesty Roque


Dala ang pangakong hindi siya iibig hangga’t hindi siya nakakatapos ng pag-aaral, lumuwas sa Maynila si Shalaine upang tuparin ang kanyang mga pangarap. Ngunit hindi niya natupad ang pangakong iyon nang makilala niya si Mark.
Tinulungan niya si Mark para bumalik dito ang babaeng mahal nito. Hanggang sa na-realize niyang umiibig na siya rito. Nagsimula na ring umasa ang puso niya na balang- araw ay matututuhan din siya nitong mahalin.
Ngunit hindi dumating ang araw na iyon—dahil pinili pa rin nito ang babaeng mahal nito sa kabila ng lahat ng mga sakripisyong ginawa niya...

3. PHR 3823 The Unscripted Love by Maan Beltran


Dalawa ang rason ni Marivic kaya pumayag siya sa pakulo ng kanyang ina na makipag-date siya kay Lance. Una, gusto niyang makuha ang pinakaaasam na bakanteng unit sa commercial building na pag-aari ng pamilya niya para sa itatayo niyang studio. Pangalawa, gusto niyang mapanatag ang kanyang ina na wala siyang balak sumunod sa yapak ng mga tiyuhin at tiyahin niya na pawang matatandang binata at dalaga. Si Lance naman ay pumayag sa kapritso ng kanyang ina alang-alang sa pinakamamahal nitong negosyo.
At para masiguro na makukuha nila ang kanya-kanyang gusto, nagkasundo sila na magpanggap na nagkakamabutihan. Pulido at walang palpak ang drama nila.
Pero sa malas, ang puso yata niya ang pumalpak. Sineryoso niyon masyado ang pagpapanggap nila ni Lance kaya ngayon ay nasa bingit ng panganib iyon dahil alam niyang hindi siya ang tipo ng babae ni Lance…

4. PHR 3824 Love Tutorial by Laurice del Rio


Malaki ang utang-na-loob ni Claryn sa Ate Esme niya. Mula pagkabata ay ito na ang tumayong tagapangalaga niya. Ngunit dahil naging habit na nito iyon, kahit lagpas na siya sa legal age ay parang kindergarten pa rin ang trato nito sa kanya. Bukod sa nakakasakal iyon, naisip din niya ang issue tungkol sa kaligayahan ng kapatid niya. Sa edad nito na malapit nang mawala sa kalendaryo, dapat ay paghahanap na ng fafa ang inaatupag nito imbes na ang pagsala sa mga manliligaw niya.
Isang lalaki lang ang pinagtitiwalaan nito, siguro ay dahil parang male counterpart nito iyon. Si Verne. Ito ang naisip niyang i-match sa ate niya. Kaya lang ay may malaking hadlang: hindi pala marunong manligaw si Verne.
Para sa kabutihan nilang lahat, hinimok ito ni Claryn na magsanay itong manligaw at siya ang gamitin nitong props. Makakagimik na siya, baka sakali pang magkaigihan ito at ang ate niya.
Pero habang nagkakasama sila ay parang may hindi magandang nangyayari sa kalooban niya. Parang ayaw na niyang ipamigay ang binatang ang gusto naman ay ang ate niya…

5. PHR 3825 Love Me Again: Secret Love by Heart Yngrid


Mindy was very secretive. Napakaingat niya sa pagtatago ng kanyang mga sekreto. Kahit sa best friend niya ay marami siyang itinatago. Ni hindi nga nito alam kung sino ang kanyang first love… ang lalaking hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin niya makalimutan.
Her first love was Carl—her naughty and playful childhood neighbor. Madalas na tarayan niya ito noon ngunit sa kaibuturan ng puso niya ay may pagtingin siya rito. Nang handa na siyang ipagtapat dito ang totoong damdamin ay saka naman ito umalis.
Years later, muli silang nagkita. Nagulat siya dahil alam nito ang mga sekreto niya—mula sa kaliit-liitan hanggang sa pinakamalalaking lihim niya! Hindi pa rin pala ito nagbabago. Pilyo pa rin ito. Marahil ay kayang-kaya siyang paglaruan nito gamit ang mga nalalaman nito tungkol sa kanya.
Wait… Kasama kaya sa mga sekreto niyang alam nito ang tungkol sa lihim na pagtingin niya rito noon at hanggang ngayon? Sana naman ay hindi. Dahil baka pati puso niya ay mapaglaruan nito…

6. PHR 3826 Heart’s Second Song by Kate Hewitt (translated by Anna Gisella)


Umiinog ang buhay ni Abby sa musika at sa pagtugtog ng piano—hanggang sa nakilala niya sa Paris si Luke. Guwapo ngunit misteryoso ito. Dito niya naramdaman ang unang bugso ng pag-ibig at pagnanasa. Pero kung gaano kabilis ang pagsulpot nito sa buhay niya ay ganoon din kabilis ang paglalaho nito. Gumuho ang lahat sa kanya—wala na siyang pera, sira na ang kanyang career bilang concert pianist, at dala rin niya sa sinapupunan ang bunga ng kapusukan niya kay Luke.
Handa na sana siyang maging dalagang-ina nang muling bumalik si Luke. Nalaman nito ang kalagayan niya at gusto nitong panagutan ang responsibilidad sa kanya. Pumayag siyang sumama rito, hindi lang para sa kanilang anak kundi dahil tiyak niya rin sa kanyang sarili na mahal niya ito.
Pero makakaya ba niyang habang-buhay na lang na umamot ng pagtingin dito? Batid niyang tanging ang anak lang nila ang dahilan kung bakit magkasama sila. Tila sarado ang puso nito sa pag-ibig…

7. PHR 3827 I Remember The Boy by Camilla


Hindi maitatanggi ang atraksiyong agad namagitan kina Bey at Mikho sa unang pagkikita pa lamang nila, pero pinili ng dalagang iwasan si Mikho sapagkat menor-de-edad ito habang siya ay isa nang guro. Sukat-akalain ba niyang sa pagbubukas ng pasukan ay magiging estudyante pa niya si Mikho!
Alam niya, simula na iyon ng kanyang kalbaryo—at hindi siya nagkamali. Hanggang sa iwan niya ang pagtuturo. Ten years later, they met again. She could remember the boy that Mikho used to be… at alam niya na hindi na ito iyon. In fact, mas eksperyensiyado ito kaysa sa kanya, mas mature mag-isip.
At naisip niya, wala naman sigurong masama kung pakakawalan na niya ang damdamin niya para sa binata na sampung taon din niyang sinikil…

8. PHR 3828 Kung Akin Ka Lang by Laurice del Rio


Unang kita pa lang ni Mia kay Inno sa resort na pinuntahan niya ay kumabog na sa kakaibang paraan ang dibdib niya. At mukhang ang lalaki ay ganoon din. Inakala tuloy niya na sa wakas ay natagpuan na niya ang pinakahahagi-hagilap niyang Prince Charming. Laking pagtataka—at disappointment—tuloy niya nang maghiwalay sila nito nang hindi man lang nito inalam ang contact number niya.
She thought she would never see him again. Pero nasa mood yata ang tadhana na pag-trip-an siya dahil muli silang pinagtagpo. Ang masaklap, noon niya natuklasan kung bakit ilag ito sa kanya kahit mukhang tinablan naman ito ng charm niya: ikakasal na ito at ang pakakasalan nito ay ang babaeng kliyente ng events planning company na pag-aari niya.
Iyon na yata ang pinakamasakit na pakiramdam na naranasan niya; ang mag-ayos ng kasal ng lalaking natutuhan niyang mahalin sa sandaling panahong pagkakakilala nila.

Back to top Go down
 
May 11, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» Book Publishing Stats from ForeWord Magazine

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: