HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 May 4, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: May 4, 2011 Book Release   Wed May 04, 2011 1:56 pm

1. PHR 3814 Hot Intruder: Agapito, The Audacious Intruder by Camilla


Isang umaga ay ginulantang si Freya ng presensiya ng isang atribidong lalaki na hindi niya alam kung paano nakapasok sa loob ng kanyang silid—si Agapito Catapang. Hostaged nito ang pinakamamahal niyang pusa kaya hindi siya nakapiyok. Kung makapag-demand pa ito ay animo super-guwapo ito. Ang mas nakakainis, sunud-sunuran siya sa mga demand nito at tila bigla siyang tinubuan ng pagnanasa rito!
Dapat niyang pigilan ang atraksiyong nararamdaman niya para dito, lalo at malapit na siyang ikasal sa lalaking ipinagkasundo sa kanya ng kanyang ama. Kung puwede lang na paalisin na niya si Agapito; pero sa pagkupkop niya rito nakasalalay ang kaligtasan nito mula sa mga kamay ng masasamang-loob na tumutugis dito.
Paano nga ba niya pipigilan ang puso niya na tuluyang mahulog dito?

2. PHR 3815 Love According To Via by Dawn Igloria


Biased si Via pagdating sa mga lalaking may bigote tulad ni Arnel. Karamihan kasi sa mga bigotilyong kilala niya ay babaero. Pero boses pa lang ni Arnel ay nakaka-in love na.
Walang hindi magugustuhan dito. Feeling tuloy niya ay mas masuwerte pa siya kaysa kay Oprah at mas maganda pa kaysa kay Angelina Jolienang mag-propose ito sa kanya.
Pero sa kalagitnaan ng kasal nila ay may babaeng dumating. Asawa raw ito ni Arnel!

3. PHR 3816 A Trail To Your Heart by Dawn Igloria


Pagkaasar ang naramdaman ni Jinky kay Izack nang makilala niya ito. Paano ba naman, pinagbintangan siya nito na nag-iimbento ng pickup lines para lang mapansin siya nito. Kahit nuknukan ito ng guwapo at attracted siya rito, hinding-hindi niya magagawa ang ibinibintang nito.
Hindi niya alam kung na-challenge lang ito sa kanya kaya pagkatapos ng first encounter nila ay nagpa-cute na ito sa kanya. Nanliligaw ito pero idinadaan naman nito sa biro iyon.
Nang sa wakas ay magkaka-love story na sila ay nagkaroon naman siya ng problema. Kinailangan niyang itago ang pamangkin niya sa ama nito sa utos na rin ng kapatid niya. Nagtataka lang siya dahil sa bawat lugar na mapuntahan nila ay nasusundan sila ni Izack.
Hanggang sa gulatin na lang siya ng marriage proposal nito. Gusto man niyang tanggapin iyon ay wrong timing ito. Kailangan niyang tanggihan ang proposal nito. Sana lang kapag handa na siyang tanggapin iyon ay may interes pa rin ito sa kanya…

4. PHR 3817 Loving The Leopard by Camilla


Malaki ang utang-na-loob ni Marikit sa kakambal niyang si Marichu. Ito ang nagtrabaho para makapag-aral siya. Kaya nang hilingin nito sa kanya na magpanggap siya bilang ito—kahit may pagdadalawang-isip—ay pumayag siya.
Ipinakilala siya nito kay Thaddeus—ang lalaking iniibig nito.Kahit sinong babae ay mahuhumaling sa karisma na taglay ni Thaddeus, kabilang na siya. Kahit nilait at pinakitaan siya nito ng hindi maganda ay walang problema sa kanya dahil umiibig na siya rito. At nang sabihin nitong attracted ito sa kanya, halos hindi siya makapaniwala kahit parang seryoso ang ekspresyon nito.
Dapat ay masaya na siya dahil matagal na niyang hinihintay ang pagkakataong iyon. Pero nangangamba siya na isang araw ay matuklasan nito ang katotohanan sa kanyang pagkatao.

5. PHR 3818 Our Little Secret by Princess Faye


Unang tingin pa lang ni Sandy kay Jet ay naniwala na siya sa “hate at first sight.” Hindi niya gusto ang mga lalaking kalat na kalat ang reputasyon sa campus na nagpapaiyak ng mga babae. Jet was also too handsome for his own good. She figured she was better off without him.
Kaya lang, kailangan niyang ma-interview ito para sa school paper nila. Kahit ayaw niya ay napilitan siyang makipaglapit dito. But he was stubborn. Ayaw nitong magpa-interview dahil ayaw raw nitong mapakialaman ang pribadong buhay nito. Sigurado siya na may itinatago ito sa lahat at kailangan niyang malaman kung ano iyon.
Pero handa ba siyang malagay sa panganib ang puso niya sa sandaling matuklasan niya ang itinatago nito?

6. PHR 3820 Finding Harmony by Sheena Rose


Natagpuan ni Melinda ang bagong produkto na nais niyang inegosyo. Ngunit isang tao lamang ang may hawak ng susi para mapasakamay niya ang recipe niyon: si Max.
Inalok niya ito ng pera ngunit tumanggi ito. Ang kondisyong hinihingi nito sa kanya kapalit ng pagbibigay nito sa kanya ng inaasam niyang recipe ay isang buwang pamamalagi sa farm na tinitirhan nito. At hindi lang siya titira doon kasama nito—pagsisilbihan din daw niya ito!
Nakakapagduda ang kondisyon nito. Gusto lang ba nitong pahirapan siya, o gusto nitong magkaroon ng instant maybahay?

7. PHR 3821 The Tanangco Boys: Darrel James Luciano (Dreaming Of You) by Juris Angela


Nang dahil sa naudlot na kasal ni Allie ay mas pinili niyang lumayo. Sa tulong ng matalik niyang kaibigan ay natagpuan niya ang katahimikang hinahanap niya at unti-unti ay nakalimutan niya ang masaklap na kapalaran niya sa buhay-pag-ibig.
Pero ginulo na naman ang isip niya ng isang misteryosong lalaki sa kanyang panaginip. Mabuti na lamang at may nakilala siyang bagong kaibigan—si Darrel James Luciano. Tuwing napapanaginipan niya ang lalaking iyon na tuwina ay hindi niya nakikita ang mukha ay inaaliw siya ni Darrel at inaalis nito ang inis niya. Sa muling pagbangon niya ay nakaalalay ito sa kanya. Kaya sa paglipas ng mga araw na nakakasama niya ito ay hindi niya napigilan ang puso na mahalin ito.
Masayang-masaya siya nang magpahayag ito ng pag-ibig sa kanya. Ngunit agad din pala iyong mapuputol dahil sa pagbabalik ng isang taong ayaw na niyang makita at pagsulpot ng lalaki sa kanyang panaginip.
Back to top Go down
 
May 4, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» Book Publishing Stats from ForeWord Magazine

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: