HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 April 27, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: April 27, 2011 Book Release   Mon May 02, 2011 3:05 pm

1. PHR 3806 Kapag Puso Ang Ginamit by Mei Sanchez


Naging magkaibigan sina Ela at Al nang magkita uli sila pagkaraan ng maraming taon. Kasabay niyon, bumalik din ang paghanga ni Ela para sa binata. Masaya siya kapag ito ang kasama niya dahil laging napapagaan nito ang pakiramdam niya.
Alam niya na magiging maligaya siya kung ito ang makakasama niya sa buhay. Wala na siguro siyang mahihiling pa kung mangyayari iyon.
Pero may nobyo siya at ito naman ay mukhang mahal na mahal pa rin ang first love nito…

2. PHR 3807 My Love And Your Art by Nicka Gracia


Unang pagkikita pa lang nina Stephanie at Freely ay nagpalipad-hangin agad kay Stephanie ang binata. Naiinis siya sa mga hirit nito. Pero mukhang determinado ito at gagawin ang lahat ng paraan para mapalapit sa kanya.
Habang tumatagal, unti-unting nabubuwag nito ang depensa niya. Ramdam niya ang pagsuko ng puso niya sa pagmamahal nito.
Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana. Nalaman niyang bahagi ito ng nakaraang nagbaon ng ibayong sakit at pinakamalalim na sugat sa puso niya.
Sapat ba ang pag-ibig nito para matabunan ang lahat ng iyon?

3. PHR 3808 Chasing My Happy Ending by Raphaela Kristina


Guwapo at mayaman, iyon ang mga katangian ng lalaking hanap ni Averill para sa katuparan ng happy ending na pinapangarap niya. Kevin, on the other hand, was just looking for a perfect fling, the kind that could spice up his entire week with no strings attached. Iyon ang dahilan kung bakit kahit gaano pa kalakas ang dating ni Kevin sa kanya, pinilit niyang huwag magpadala sa atraksiyong nararamdaman niya para dito.
Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana dahil isang araw ay natagpuan na lamang niya ang sarili na isinuko ang “Bataan” dito. Hindi tuloy niya alam kung saan ibubunton ang sisi: sa nainom ba niya na tequila, o sa sariling katangahan? Lalo pa siyang nagsisi nang makumpirma niyang tama ang lahat ng mga haka-haka tungkol kay Kevin nang mawala na lang ito na parang bula pagkatapos may mangyari sa kanila. He left her all alone with a broken heart and a wounded ego.
May pag-asa pa kayang maranasan niya ang happy ending na pinapangarap niya?

4. PHR 3809 And So I Kissed You by Nicka Gracia


Best friend ng kuya ni Yumi si Hermes at wala yatang alam gawin ito kundi asarin at lokohin siya. Ang hindi alam ng lahat, unang kita pa lang niya rito ay lihim na niyang hinangaan ito hanggang sa mahalin niya ito.
Sa kabila ng parang aso’t pusa nilang pakikitungo sa isa’t isa, umasa siyang makikita rin siya nito bilang isang babaeng puwede nitong pag-ukulan ng damdamin.
Ngunit napagod din ang puso niya kaya itinigil na niya ang kakaasa na mamahalin din siya nito. She had to move on.
Pero bigla itong humirit na bagay raw sila. Nagdalawang- isip siya sa paglimot dito. Parang gusto na naman niyang umasa. Pero hindi niya alam kung totoo ang sinabi nito. O isa na naman ba iyon sa pang-aasar at panloloko nito sa kanya?

5. PHR 3810 Freedom Series 6: Dunbar Buick by Arielle


Dahil sa Freedom Gang at sa layunin niyong mabawi ang radio station na ipinundar ng kanilang mga lolo, napilitan si Durant na magpanggap. Kasama sa pagpapanggap ang pagiging isang binata. Hindi niya masabi kahit pa gusto niyang ipagsigawan na isa siyang happily married man…

6. PHR 3811 Operation: Reinventing Melai Ibasco by Princess Faye


Isang dakilang kontrabida at antipatiko ang tingin ni Melai kay Jace sa unang pagkikita pa lang nila. Kung makapagsalita ang lalaki, parang hopeless case ang hitsura niya. Pero pagpapasensiyahan niya ito dahil kailangan niya ang tulong nito para patunayan sa first love niya na hindi na siya ang dating haragang babae na kilala nito noong mga bata pa sila.
Pero bakit ganoon? Bumibilis ang tibok ng puso niya kapag magkasama sila ni Jace. At sa pagdaan ng mga araw, tila nagbabago yata ang nararamdaman niya. Parang gusto niyang kay Jace na magpaganda at hindi na sa first love niya.
Mukhang suicidal ang puso niya dahil alam niyang hindi siya kailanman magugustuhan ni Jace…

7. PHR 3812 Lost In Your Eyes by Camilla


Si “Shalee Mercado” raw siya ayon kay Cosimus, ang taong unang nakita niya nang nagkamalay siya sa isang ospital nang walang matandaan tungkol sa pagkatao niya. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kanya at kung bakit naroroon siya sa lugar na iyon. Ayon kay Cosimus, aunt-in-law raw siya nito. Ayon pa rin dito ay hindi raw siya naging mabuting asawa at pera lang ang habol niya sa tiyuhin nito.
Sa pagkupkop ng pamilya nito sa kanya, lantarang ipinaramdam ni Cosimus ang pagiging masama niyang babae.
Subalit sa kabila niyon ay pagmamahal pa rin ang nararamdaman niya para kay Cosimus?
Nang bumalik ang alaala niya, nalaman niyang siya pala si Solenn Mercardo at kapatid pala niya si Shalee. Magkapuwang na kaya siya sa puso ni Cosimus?

8. PHR 3813 Falling For The Ruthless Tycoon by Trish Morey (translated by Jade Alleje)


When Marietta was sixteen, she offered herself to YannisMarkides, the man she loved. Ngunit tinanggihan siya nito. Isang napakasakit na pangyayari iyon sa buhay niya na hindi niya makalimutan.
After thirteen years, nagkita uli sila. She was now mature and had grown more beautiful. May inihayag itong proposal sa kanya: nais nitong makapiling siya nang isang gabi.
Isang gabing kasama ito.
Sa loob ng labintatlong taon ay sinabi niya sa sarili na tapos na siya rito, na inalis na niya sa isip ang alaala nito.
Ngunit mahal pa rin niya ito. At iyon na ang pagkakataon niya upang makasama ito.
Kung papayag siya na may mamagitan sa kanila, paano na siya pagkatapos niyon?
Back to top Go down
 
April 27, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» Submission themes due April 27 2011
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» Collecting Amur Maples (Updated April 24, 2011)
» April 2, 2011

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: