HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 April 20, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: April 20, 2011 Book Release   Mon May 02, 2011 2:47 pm

1. PHR 3797 A Casual Encounter In Sausalito by Camilla


Sikat na artista si Cassia kaya hindi niya matanggap na kailangan niyang mawala sa limelight. Pinayuhan kasi siya ng kanyang doktor na ipahinga niya ang kanyang mga mata sa loob ng isang taon kung hindi ay mabubulag siya.
Nagtungo siya sa Amerika at nakilala niya si Gareth sa Sausalito. She liked him instantly kaya ganoon na lang ang panghihinayang niya nang malaman niyang may asawa na ito.
Nang magbalik na siya sa bansa ay muling nagkrus ang mga landas nila ni Gareth. Sa resort na pag-aari ng pamilya nito isu-shoot ang comeback movie niya. Doon din niya nadiskubre na wala pala itong asawa. Nagsinungaling ito sa kanya dahil nalaman nito na siya pala ang artistang nang-away sa kapatid nitong papasikat na artista.
Ngunit hindi man naging maganda ang impresyon nito at ng buong pamilya nito sa kanya ay nahulog pa rin ang loob niya rito—hulog na hulog na kaya niyang ipagpalit ang kanyang career makasama lang ito…

2. PHR 3798 Not Even A Love Story by Raphaela Kristina



Mula pagkabata ay matalik nang magkaibigan sina Aries at Bianca. Kahit parang aso’t pusa sila, napanatili nila ang kakaibang closeness nila hanggang sa magdalaga’t magbinata na sila.
“Impaktita” ang tawag ni Bianca sa lahat ng mga naging girlfriend ni Aries, samantalang ito naman ay daig pa ang tatay niya kung pandilatan ang mga lalaking lumalapit sa kanya. Pero walang romantic feelings na namamagitan sa kanila. Well, that was what they insisted until an argument marked the fateful ending of their so-called friendship.
Nang umalis si Aries patungong Madrid, Spain para magtrabaho, saka pa lang na-realize ni Bianca na higit pa pala sa isang best friend ang tingin niya para dito.
Ngunit may pag-asa pa bang magkabati uli sila gayong mas malala pa kaysa sa World War Two ang away na nangyari sa pagitan nila noong bago ito umalis patungong Spain? At kung noon ngang halos twenty-four-seven silang nagkikita ay malabo pa kaysa sa sabaw ng chicken curry ang love story nila, ngayon pa kayang milya-milya na ang layo nila sa isa’t isa?

3. PHR 3799 Aseron Weddings: As Long As You Love Me by Dream Grace


Nasa panganib ang buhay ni Shebbah kaya ipinadala siya ng kanyang ama sa malayong lugar kasama si Ravin Aseron. Isang dating sundalo si Ravin na pinakiusapan ng kanyang ama na magbantay sa kanya.
Hate at first sight—iyon ang nangyari sa kanila ng binata. Parehong kumukulo ang dugo nila sa isa’t isa.
Pero sa kabila ng mga iringan nila, hindi niya naiwasang hangaan ito. Sa kabila kasi ng pagiging masungit nito sa kanya, matatawag na tunay na hero ito sa totoong buhay. Behind his tough guy persona, his heart was as noble and as gallant as a knight.
Hanggang sa tuluyang nahulog ang loob niya rito.
Ang problema, ang mga hero na tulad nito ay naa-attract sa mga damsel in distress at hindi siya ganoong tipo ng babae. Ang tingin nga yata nito sa kanya ay wicked witch sa halip na prinsesa.
Hay, paano ba niya mapapalambot ang puso nito sa kanya?

4. PHR 3800 Tipping The Waitress With Diamonds by Nina Harrington (translated by Iris Anne)


Para kay Sienna, ang male chefs ang most attractive men in the world. The first chef, a struggling one, that caught her eye was Brian. Pero walang naging epekto rito ang kahit anong pagpapapansin na ginawa niya. It was as if he was born to ignore her.
He broke her heart.
Then she met and fell in love with Renzo, another handsome chef. They had a relationship but in the end, he, too, broke her heart. That was it! Chefs were the cruellest guys in the world. Wala na siyang planong magmahal pa ng isang chef.
Pero nagkita uli sila ni Brian. Parang nag-iba na ang ihip ng hangin dahil mukhang interesado na ito sa kanya at balak siyang ligawan—na para sa kanya ay hindi kapani-paniwala. Brian was now a very famous chef and handsomer than ever. Hindi pa man ito nanliligaw ay madudurog na naman yata uli ang puso niya…

5. PHR 3801 Ikaw Pa Rin Ang Mamahalin by Camilla


Hindi natanggihan ni Betty Lou ang suwerteng dumating sa kanya nang alukin siyang mag-artista ng boss ng kanyang ina. Ngunit naging dahilan naman iyon para magkalayo sila ng nobyo niyang si Han. Hanggang sa dumating ang isang pagsubok sa kanya na naging dahilan ng unti-unting pagbagsak ng career niya.
Muling nagkrus ang mga landas nila ni Han at natanto niyang sa kabila ng mga taong lumipas ay hindi ito nabura sa puso niya. Ito pa rin ang tanging mahal niya. Umaasa siyang babalik ito sa buhay niya.
Ngunit tila tuluyan nang kinalimutan nito ang damdamin sa kanya. Dahil kung mahal pa siya nito, bakit nakatakda na itong ikasal sa ibang babae?

6. PHR 3802 Freedom Series 5: Camaro by Arielle


Marron never thought she would fall in love with someone way below her station. But she did and very hard. Kinalimutan niya ang standards niya pagdating sa lalaking mamahalin niya nang dumating sa buhay niya si Buck Thompson. Ibinigay niya rito ang lahat-lahat sa kanya.
Pero hindi pala ito tapat sa kanya. Nagbabalatkayo ito at kagaya nito ay peke rin ang pagmamahal nito…

7. PHR 3803 Her Missing Heart by Belle Feliz


Mula nang magising si Cheryl sa coma ay hindi na siya tinantanan ng kakaibang mga panaginip. At tuwing magigising siya, may iniiwang malaking kahungkagan sa puso niya ang mga panaginip na iyon.
Nang pumunta siya sa Pilipinas, lalong tumindi ang pakiramdam na tila may nawawalang bahagi ng pagkatao niya. At nang magtagpo ang mga landas nila ng estrangherong si Anton Quan, hindi niya napaghandaan ang matinding emosyong lumukob sa puso niya.
His kiss and embrace were achingly familiar. It was as if she had found home. Parang noon pa niya ito minahal kahit ngayon lang niya ito nakita.
Ngunit kakayanin kaya ng puso at isip niya kapag nalaman niya kung ano ang totoong kaugnayan nito sa buhay niya?

8. PHR 3804 Because All I Want Is You by Camilla


Nakagisnan na ni Magdalene mula sa lola niya ang pagsali-sali sa mga game show sa TV o kaya ay sa mga local contest sa lugar nila. Pero lagi ay minamalas siya dahil wala talaga siyang bonggang talento. Nang magipit sa pera, kahit pagsali sa beauty contest sa hindi niya teritoryo ay hindi niya pinalampas.
Sa isang beauty contest ay nakilala niya si Seth. Naging hurado ito sa naturang patimpalak at hindi niya inakalang magiging bahagi ito ng buhay niya. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay muling nagkrus ang kanilang mga landas. Si Seth bilang humihingi ng tulong at siya bilang handang tumulong. Masasabi niyang hulog ito ng langit sa kanya kaya madaling nahulog ang loob niya rito. Ngunit alam niyang hanggang doon lang iyon dahil hindi sila bagay.
Tama bang harapin na lang niya ang katotohanang pagkakaibigan lang ang kaya nitong ibigay sa kanya? O hahayaan na lang niyang mangarap ang kanyang puso?

9. PHR 3805 Diary Of A Heart Stealer by Dawn Igloria



First encounter pa lang ni Gwen kay Paolo ay palpak na. Marami itong nabisto tungkol sa kanya: ang habit niya na makipag-usap sa sarili, ang singing voice niya na parang pinupunit na yero, ang plano niyang agawin ang secret love niyang si Lawrence, at ang grabeng pamimintas niya sa nililigawan nito. Malay ba niyang may isang cute na Paolo palang nakikinig sa solo concert at monologue niya?
Mula noon ay inasar-asar siya nito. Baka raw isumpa siya ng singer ng kantang pinipilit niyang ibirit. Maluwag daw ang turnilyo niya at maghahanap daw ito ng vise grip para higpitan iyon.
Asar na asar siya rito pero mas nanaig ang pagkakaroon niya ng crush dito. Ang kaso ay bigla itong nawala na parang bula.
Five years later, muli silang nagkita. Nabuhay uli ang atraksiyon niya rito. Ang kaso ay ikakasal na ito sa iba. Kailangan niyang makaisip ng paraan para maagaw ito. Magpaagaw naman kaya ito?
Back to top Go down
 
April 20, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» Submission themes due April 27 2011
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» Collecting Amur Maples (Updated April 24, 2011)
» April 2, 2011

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: