HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 HOT INTRUDER SERIES

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Guest
Guest



PostSubject: HOT INTRUDER SERIES   Sat Apr 30, 2011 8:37 am

[size=18][center]Hot Intruder: My Beloved Intruder by Belle Feliz [/size]
[size=12][color=red]Teaser:[/color][/size]
[size=12]Lumayas ng kanilang tahanan si Lara dahil nais niyang makakawala sa paghihigpit ng kanyang mga magulang at upang makasama ang lalaking matagal na niyang iniibig—si Carl. Lumuwas siya sa Maynila upang ipaalala rito ang ipinangako nito noon sa mga lolo nila na liligawan siya nito pagkatapos niya ng pag-aaral. Tila wala itong balak na umuwi sa kanilang probinsiya kaya siya na ang nagtungo rito.
Kung sa akala niya ay magiging maayos ang lahat sa pagitan nila, nagkamali siya. Nagulo ang mundo niya nang may manloob sa bahay na tinutuluyan niya—si Hiro Messer. Mula noon, pinakialaman na ni Hiro ang buhay niya.
Gayunman ay hindi niya maipaliwanag ang kakaibang nadarama niya tuwing malapit ito. Strange, but he could make her happy easily. Unti-unti na siyang nahahalina sa kakisigan nito. Parang unti-unti nang nahuhulog ang loob niya rito. Pero papaanong nahulog siya rito nang ganoon kabilis? Marupok ba ang pag-ibig niya para kay Carl na pinaniniwalaan niyang minamahal na niya mula pa noong katorse anyos siya?[/size]


[size=18]Hot Intruder: Rogue (The Dashing Vagabond) by Victoria Amor [/size]
[size=12][color=red]Teaser:[/color][/size]
[size=12]Nang isama si Diwa sa Maynila ng kaibigan niyang si Maya, inakala niyang matatakasan na niya ang buhay niya sa nayon bilang tagapaghatid ng mensahe sa mga ligaw na kaluluwa. Nagkamali siya. Ilang araw pa lang siya sa siyudad ay hiningi na ng sikat na artistang si Enrique Ruiz ang tulong niya. Pakalmahin daw niya ang nagpaparamdam na multo sa bagong biling bahay nito.
Dahil kaibigan ito ni Maya ay pumayag siyang tulungan ito. Pumunta siya sa bahay nito para sagupain ang mumu na gumagambala rito. Ang problema, sa unang gabi pa lang niya sa bahay nito ay hindi multo ang kaaway na nakaharap niya kundi si Rogue, ang guwapo at makisig na intruder na naroon para pagnakawan si Enrique.
Ang akala niya ay maiisahan niya ito. Nagkamali na naman siya dahil mukhang siya ang paglalaruan nito. Nang mga sumunod na araw ay napagtanto niyang nanganganib siya—dahil pati puso niya ay ninanakaw na rin nito.[/size]

[size=18]
Hot Intruder: The Gallant Intruder by Dream Grace [/size]
[size=12][color=red]Teaser:[/color]
Hindi inaasahan ni Anna na malalagay sa panganib ang buhay niya nang mabulabog ang tahimik na buhay niya ng isang intruder na sinusubukang nakawin ang painting sa dingding ng bahay niya. Kay dali kasi niyang napabagsak ito. Pero laking pagsisisi niya nang makita niya ang hitsura ng kanyang intruder na “Mack Gallan” pala ang pangalan. Sa halip na isuplong sa pulis, parang mas gusto niyang gawing permanenteng parte ito ng bahay at buhay niya.
He was so hot! Titig pa lang nito ay natutunaw na ang puso niya! Sa malas, saan man ito sumuot ay tila sinusundan ito ng mga taong nais burahin sa Earth ang kagandahang-lalaki nito. Pero ang mas malas, pati siya ay idinamay nito sa papaikling lifespan nito.
Pero maano ba kung ganoon? Kahit siguro ilog na puno ng linta ay kaya niyang lusungin para dito…
[/size]

[size=18]Hot Intruder: Alex, The Lucky Intruder by Angel Bautista[/size]
[size=12][color=red]Teaser:[/color]
Minsan na nga lang mag-e-emote si Meanne sa isang magandang beach house ay inabot pa siya roon ng bagyo. At sa unang gabi niya roon, nagising siya sa tunog na nanggagaling sa ibaba ng bahay. Binasag niya ang isang vase sa bumbunan ng lalaking intruder.
Sinamantala niya ang kawalan nito ng malay para itali ito. Pero natigagal siya nang matitigan niya ito.
The man was handsome. Maiksi ang makapal at itim na itim na buhok nito. His face was smooth from the top of his aristocratic forehead to the long straight nose to the full lips and the slight cleft on his chin. Mahaba at malantik ang mga pilik nito. Nakapikit ito pero sigurado siyang maganda rin ang mga mata nito.
Ipinilig niya ang kanyang ulo. Bukod sa pagiging malas ay naloloka na rin yata siya. Pag-interesan ba naman niya ang lalaking ni hindi niya alam kung anong klaseng kriminal!
Eh, ano naman ngayon kung perfect din ang abs nito?[/size]


[size=18]Hot Intruder: The Daring Intruder by Sofia [/size]
[size=12][color=red]Teaser:[/color]
Pagkatapos iwan si Atheene sa altar ng lalaking pakakasalan niya ay hindi na uli siya nagmahal. Beinte-nuwebe anyos na siya pero single pa rin siya. Naaalarma na sa love life niya ang Lola Betsy niya kaya niregaluhan siya nito ng isang masuwerteng antique statue ng Greek goddess na si Artemis. Masuwerte raw ang estatwang iyon. Baka raw sa tulong niyon ay magkaroon siya ng isang masayang pamilya.
Isang araw pa lamang na napapasakamay niya ang Artemis statue ay naging sunud-sunod na ang gulo sa buhay niya. Natagpuan niya sa loob ng bahay niya ang sikat na model na si Xavian Fortez. Nahuli niya ito sa aktong nanakawin ang estatwa. Wala raw itong balak na saktan siya. Ang gusto lamang nito ay mabawi ang estatwa na ayon dito ay pag-aari ng mama nito.
Well, hindi siya naniwala rito. Mahirap na, baka may dangerous weapon ito at gamitin nito iyon sa kanya. Kaya bago pa siya mahalina sa kaguwapuhan at kakisigan nito ay siya muna ang mananamantala rito.[/size]

[size=18]
Hot Intruder: Rique, The Lovesick Leading Man by Victoria Amor [/size]
[size=12][color=red]Teaser:[/color]
Hindi natanggap si Maya sa trabahong gustung-gusto niya kaya naisip niyang magbakasyon muna sa isang rest house. Gusto niyang buuin muna ang confidence niyang bumulusok sa level zero.
Ang problema, unang gabi pa lang niya ay may masamang-loob nang gumambala sa pamamahinga niya. Hindi umubra sa kanya ang masamang-loob. Sa isang hataw lang ay napatulog niya ito.
Ngunit nang matitigan niya ang topless na masamang-loob na pinatulog niya, naging abnormal ang pintig ng puso niya. Nagkamali siya sa paggamit ng self-defense tactic na itinuro ng tatay niya, dahil ang napatulog niya ay isang artista—si Enrique Ruiz, ang singer-actor na tinitilian ng mga babae sa buong Pilipinas.
Na-guilty siya na nagkaroon ito ng bukol dahil sa kanya. Gusto nitong ipapulis siya at kasuhan ng attempted murder. Ngunit sa huli, napagkasunduan nilang magiging PA na lang siya nito para makabayad siya sa kasalanan.
Nagkaproblema siya nang makasama na niya ito. Pakiramdam kasi niya ay soul mates sila. Ang lalong nagpapakabog sa dibdib niya ay ang tila pasimple at dahan-dahang pang-aakit nito sa kanya.[/size]


[size=18]Hot Intruder: Contessa’s Intruder by Belle Feliz [/size]
[size=12][color=red]Teaser:[/color]
Nagulo ang nananahimik na buhay ni Contessa sa isang liblib na pook nang may biglang pumasok na magnanakaw sa bahay niya. Inakala niyang tatangayin ng lalaki ang mga alaga niyang hayop pero hindi pala ito kawatan kundi si Adrian Neiderost, ang mapapangasawa ng pinsan niyang si Lindy. Nagtungo raw ito roon upang hanapin ang bride nito na hindi sumipot sa kasal.
Hindi nito natagpuan ang pinsan niya dahil hindi naman doon tumutuloy si Lindy. Pero iginiit nitong doon muna ito upang hintayin ang pinsan niya. Tutol siya sa desisyon nito pero wala rin siyang nagawa kundi sumang-ayon.
May kakaibang panghalina si Adrian. Lagi niyang natatagpuan ang sarili na hinahangaan ito. Mali na mahulog nang husto ang loob niya rito dahil masasaktan lamang siya sa huli. Hindi ito mananatili sa kanyang tabi habang-buhay dahil pag-aari ito ng pinsan niya. Pinilit niyang huwag umibig dito pero hindi niya nakontrol ang kanyang puso, umibig pa rin siya rito.
At tama siya. Hindi ito nanatili sa tabi niya...[/size]

[size=18]Hot Intruder: Agapito, The Audacious Intruder by Camilla[/size]
[size=12][color=red]Teaser:[/color]
Isang umaga ay ginulantang si Freya ng presensiya ng isang atribidong lalaki na hindi niya alam kung paano nakapasok sa loob ng kanyang silid—si Agapito Catapang. Hostaged nito ang pinakamamahal niyang pusa kaya hindi siya nakapiyok. Kung makapag-demand pa ito ay animo super-guwapo ito. Ang mas nakakainis, sunud-sunuran siya sa mga demand nito at tila bigla siyang tinubuan ng pagnanasa rito!
Dapat niyang pigilan ang atraksiyong nararamdaman niya para dito, lalo at malapit na siyang ikasal sa lalaking ipinagkasundo sa kanya ng kanyang ama. Kung puwede lang na paalisin na niya si Agapito; pero sa pagkupkop niya rito nakasalalay ang kaligtasan nito mula sa mga kamay ng masasamang-loob na tumutugis dito.
Paano nga ba niya pipigilan ang puso niya na tuluyang mahulog dito?[/size]


[size=18]Hot Intruder: Heart Stealer by Laurice del Rio[/size]
[size=12][color=red]Teaser:[/color]
Work and pleasure ang pakay ni Daphne sa pagpunta sa lumang ancestral house ng mga Villamonte. Dahil sa trabaho niya sa isang foundation ay kailangan niyang kilatisin ang estado niyon para magawan niya ng report ang bahay. Pero balak din niyang isabay ang pagbabakasyon doon—isang planong nadiskaril nang sa unang gabi pa lang niya roon ay may pumasok na kung sinong lalaki.
Hinataw niya ito ng nahagip niyang pigurin. Saka lang niya natuklasang si Alton Villamonte pala ito, ang kapatid ng may-ari ng bahay. Pinalalayas siya nito roon.
Hindi siya makapapayag. May trabaho siyang dapat gawin doon. Walang gustong magpatalo sa kanila kaya sa dakong huli ay nagkasundo na lang sila na parehong mananatili roon.
Nalaman niyang isa itong manunulat ng kanta na natuyuan ng ideya. Sa tulong niya ay muling namukadkad ang pagiging malikhain nito. But he not only intruded in her life, it seemed he was slowly gaining entry into her heart as well. Iyon nga lang, kinailangan nang umalis nito. At ang paglisan nito ay lumikha ng kahungkagan sa pagkatao niya…[/size]


[size=18]Hot Intruder: Eisenhower, Marvy’s Intruder by Camilla[/size]
[size=12][color=red]Teaser:[/color]
Tumawid ng dagat si Marvy para sorpresahin ang nobyo niya sa kaarawan nito. Sa kanyang ferry cabin ay nagulantang siya nang bigla siyang pasukin ng isang lalaki at sapilitang “nagpakupkop” ito sa kanya sa durasyon ng kanilang paglalayag. Nasundan daw kasi ito ng ex-girlfriend nito na gustong pumikot dito.
May magandang idinulot sa kanya ang pagkakakilala nila ng intruder niyang si SPO3 Eisenhower “Eseng” Tamundong, isang palikerong pulis-Maynila. He offered her a shoulder to cry on nang matuklasan niya ang kataksilan ng nobyo niya. But on the night of their drinking spree, natangay siya ng kanyang damdamin. One thing led to another… at nagbunga ang kapusukan niyang iyon.
Ayaw niyang matulad sa ex ni Eseng na tinakbuhan nito. She had too much pride for that. Siya na ang kusang umiwas; pinagtaguan niya ito. Ayaw niyang ipakipagsapalaran na naman ang kanyang puso.
Pero nang matuklasan nito ang kalagayan niya, kulang na lang ay magmakaawa ito para pakasalan niya…[/size]

[size=18]Hot Intruder: Brave (The Valiant Knight) by Victoria Amor[/size]
[size=12][color=red]Teaser:[/color]
Nakasanayan na ni Katrina ang mamuhay mag-isa mula nang mag-asawa ang mommy niya at magkahiwalay sila. Nakatutok siya sa negosyo dahil doon siya magaling. Doon kasi siya hinubog ng mommy niya—sa matalinong paghawak sa responsibilidad na ipinagkatiwala nito sa kanya.
Ngunit mayroon siyang isang problema—sa pagtatapos ng bawat araw na umuuwi siya sa bahay na walang naghihintay sa kanya ay sinasakop siya ng emptiness at lungkot. Napagtanto niyang napapagod na siyang mag-isa. At sa estadong iyon ng emosyon niya dumating sa kanyang buhay ang pulis na si Robbin ‘Brave’ Guanson. Sa isang iglap ay nagkaroon ng bagong kahulugan ang buhay niya. Ipinaramdam nito sa kanya kung paano maging masaya, kung paano ang magkaroon ng karamay, at kung paano ang mahalin at magmahal. Ngunit sa huli, ipinaramdam din nito sa kanya kung paano masaktan…
[/size]
[size=18]Hot Intruder: Hank, The King Of Hearts by Camilla[/size]
[size=12][color=red]Teaser:[/color]
Ganoon na lang ang pagkabigla ni Cynthia “Chai” Ybañez nang makita ang guwapong intruder na tila diyos na sinipa sa Mt. Olympus at napadpad sa Hacienda del Sol, sa loob ng lumang villa na minana niya mula sa yumao niyang abuelo. The attraction between her and Hank was instant. At nagsisimula na siyang maniwala na destined talaga sila dahil tila sadyang pinagtitiyap ng tadhana ang lahat ng pangyayari upang mapalapit sila sa isa’t isa.
Ngunit tila isang bulalakaw lang itong dumaan sa buhay niya. Kung gaano ito kabilis na sumulpot at nag-intrude sa bahay at buhay niya, ganoon din kabilis na naglaho ito na parang bula… tangay-tangay ang kanyang puso.[/size]

[size=18]Hot Intruder: The Mysterious Intruder by Heart Yngrid[/size]
[size=12][color=red]Teaser:[/color]
Way back in high school, si Gwen ay isang unattractive nerd na hilig i-bully ng isang grupo ng mean girls. Ayaw na sana niyang balikan ang nakaraan ngunit mayroon silang class reunion na kailangan niyang daluhan. Sa muli nilang paghaharap ng mean girls ay siguradong hindi na siya lalait-laitin ng mga ito kung magpapakita siya na may bonggang hitsura, successful career, at guwapong boyfriend.
Ang problema, wala namang nagbago sa unfashionable look niya. Hindi maaaring malaman ng kahit sino kung ano ang trabaho niya at wala rin siyang maihaharap ni pangit na nobyo.
Isang gabi ay may isang guwapong lalaking pumasok sa kanyang bahay nang walang paalam. Sinabi niyang idedemanda niya ito ng trespassing ngunit nag-alok ito ng magandang offer para hindi na ito maidemanda: tutulungan daw siya nito na ma-achieve ang goal niya para sa college reunion niya. Ang offer nito: grand makeover, fabricated job, at good-looking pretend boyfriend.
Ma-solve kaya nito ang problema niya o mapapahamak lamang siya… at pati ang puso niya rito?[/size]
[/center]


Last edited by pocketbooklover on Thu Jul 21, 2011 4:02 pm; edited 2 times in total
Back to top Go down
--kHaT_bAiT--
Special Team
Special Team


Number of posts : 5884
Location : sTa.mEsA mAniLa...
Registration date : 2008-06-12

PostSubject: Re: HOT INTRUDER SERIES   Sat Apr 30, 2011 1:31 pm


wow...

meron na ang hot intruders...

uunahan ko na kayo guys ah...

akin si BRAVE...AKIN LANG...

hahaha....

_________________



"i jUsT LoVe wOo BiN!!!...cAnT bLaMe mEh!!!...."


Newbie? Need Help? Just Read & Understand the FORUM RULES to avoid getting edited, deleted, moderated, kicked or banned!
Back to top Go down
badettepagaduan
Master
Master


Number of posts : 555
Age : 23
Location : paniqui tarlac
Registration date : 2011-03-30

PostSubject: Re: HOT INTRUDER SERIES   Sat Apr 30, 2011 8:10 pm

galing ni Rogue.haha
Back to top Go down
Liyannah
Special Team
Special Team


Number of posts : 3163
Age : 29
Location : Mabalacat, Pampanga
Registration date : 2008-08-25

PostSubject: Re: HOT INTRUDER SERIES   Sat Apr 30, 2011 10:23 pm



♥.,i like ALEX and HIRO..!!!

hahahahaa

pati pala si ENRIQUE

hahahahaa

_________________
#Newbie? Need Help?Just Read & Understand the FORUM RULES to avoid getting edited, deleted, moderated, kicked or banned!#

Back to top Go down
chipscake_LoL
Junior
Junior


Number of posts : 68
Age : 24
Location : valenzuela city manila
Registration date : 2010-11-17

PostSubject: Re: HOT INTRUDER SERIES   Sun May 01, 2011 6:53 pm

hahah ganda ng series... uber...
Back to top Go down
isSa
Master
Master


Number of posts : 536
Age : 21
Location : iloilo city,philippines
Registration date : 2010-06-12

PostSubject: Re: HOT INTRUDER SERIES   Tue May 03, 2011 6:35 pm

Back to top Go down
mhydzhie
Senior
Senior


Number of posts : 205
Age : 31
Location : roxas city
Registration date : 2011-01-30

PostSubject: Re: HOT INTRUDER SERIES   Sun May 08, 2011 5:53 pm



meron na din ako nito... 4 series na..hmmm..kaya lng di ko pa nababasa kc dmi ko pang gnawa po... pero, yung climax pa lng ganda na ng story kya binili ko agad, lalo na yung cover... nakakapanindig balahibo mga kagwapuhan ng mga etetch..hehehe..susundan sundan ko ang series na to..
Back to top Go down
isSa
Master
Master


Number of posts : 536
Age : 21
Location : iloilo city,philippines
Registration date : 2010-06-12

PostSubject: Re: HOT INTRUDER SERIES   Thu May 12, 2011 7:32 pm

AY YEAH!
TAMA..!
ini.isa2x ko nga eh!
hehe!


create animated gif
Create animated gif Glitter Photos
[Glitterfy.com - *Glitter Photos*]
Back to top Go down
Guest
Guest



PostSubject: Re: HOT INTRUDER SERIES   Fri May 13, 2011 8:47 am

haha! maganda talaga yung mga stories, nakakakilig, nakakaiyak at nakakatawa yung mga events kung paano na meet ng girl protagonist ang mga intruders nila. hayy, sana meron din ako. =]
Back to top Go down
isSa
Master
Master


Number of posts : 536
Age : 21
Location : iloilo city,philippines
Registration date : 2010-06-12

PostSubject: Re: HOT INTRUDER SERIES   Fri May 13, 2011 2:31 pm

lumalabas talaga ang mga galing ng mga WRITERS d2..!


create animated gif
Create animated gif Glitter Photos
[Glitterfy.com - *Glitter Photos*]
Back to top Go down
--kHaT_bAiT--
Special Team
Special Team


Number of posts : 5884
Location : sTa.mEsA mAniLa...
Registration date : 2008-06-12

PostSubject: Re: HOT INTRUDER SERIES   Fri May 13, 2011 3:08 pm



try niyo yung HOT INTRUDER ni LOLA C...

maganda...


_________________



"i jUsT LoVe wOo BiN!!!...cAnT bLaMe mEh!!!...."


Newbie? Need Help? Just Read & Understand the FORUM RULES to avoid getting edited, deleted, moderated, kicked or banned!
Back to top Go down
isSa
Master
Master


Number of posts : 536
Age : 21
Location : iloilo city,philippines
Registration date : 2010-06-12

PostSubject: Re: HOT INTRUDER SERIES   Fri May 13, 2011 3:14 pm

anu pong mood ang nangingibAbAw dun?



create animated gif
Create animated gif Glitter Photos
[Glitterfy.com - *Glitter Photos*]
Back to top Go down
Guest
Guest



PostSubject: Re: HOT INTRUDER SERIES   Thu Jun 02, 2011 11:05 am

namimiss ko na to, wala pa rin new release.. Smile
Back to top Go down
isSa
Master
Master


Number of posts : 536
Age : 21
Location : iloilo city,philippines
Registration date : 2010-06-12

PostSubject: Re: HOT INTRUDER SERIES   Thu Jun 02, 2011 4:29 pm

ung kay lola camilla ata ung last n2..dba?


create animated gif
Create animated gif Glitter Photos
[Glitterfy.com - *Glitter Photos*]
Back to top Go down
--kHaT_bAiT--
Special Team
Special Team


Number of posts : 5884
Location : sTa.mEsA mAniLa...
Registration date : 2008-06-12

PostSubject: Re: HOT INTRUDER SERIES   Thu Jun 02, 2011 9:26 pm



meow...just wait for the second batch...


_________________



"i jUsT LoVe wOo BiN!!!...cAnT bLaMe mEh!!!...."


Newbie? Need Help? Just Read & Understand the FORUM RULES to avoid getting edited, deleted, moderated, kicked or banned!
Back to top Go down
jaerellin
Junior
Junior


Number of posts : 151
Age : 28
Location : Binangonan
Registration date : 2008-01-28

PostSubject: Re: HOT INTRUDER SERIES   Wed Jun 08, 2011 8:43 pm

syempre pa kompleto ko nito.. hahaha!

RIQUE "Diwata Malasanta, you dont look like a fairy neither look like a saint"
DIWA "natural" Very Happy
Back to top Go down
shanshan
Senior
Senior


Number of posts : 261
Registration date : 2011-01-22

PostSubject: Re: HOT INTRUDER SERIES   Sat Jun 11, 2011 7:38 am

Si Agapito, The Audacious Intruder. Ang cute ni Gap. Hahaha lalo na nung nagselos siya kay Eisenhower Tamundong. May story din siya. Abangan natin.. Galing talaga ng mga precious writers.
Back to top Go down
angeliquevera
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 1059
Age : 28
Location : bautista, pangasinan
Registration date : 2009-12-12

PostSubject: Re: HOT INTRUDER SERIES   Wed Jul 20, 2011 3:10 pm

HOT INTRUDER : THE MYSTERIOUS INTRUDER BY HEART YNGRID...available na po... Smile..saya Smile
Back to top Go down
http://www.facebook.com/angelique17
--kHaT_bAiT--
Special Team
Special Team


Number of posts : 5884
Location : sTa.mEsA mAniLa...
Registration date : 2008-06-12

PostSubject: Re: HOT INTRUDER SERIES   Wed Jul 20, 2011 9:11 pm


i am so in love with BRAVE...

Smile

_________________



"i jUsT LoVe wOo BiN!!!...cAnT bLaMe mEh!!!...."


Newbie? Need Help? Just Read & Understand the FORUM RULES to avoid getting edited, deleted, moderated, kicked or banned!
Back to top Go down
Guest
Guest



PostSubject: Re: HOT INTRUDER SERIES   Wed Jul 20, 2011 9:34 pm

e-update ko to mamaya guys! ahahaha Smile
Back to top Go down
staciejas
Junior
Junior


Number of posts : 81
Age : 26
Registration date : 2009-03-15

PostSubject: Re: HOT INTRUDER SERIES   Sat Sep 03, 2011 9:17 pm

SHETE.. ANG DAME PALA NILA????

GAHDDDD. .ATPOS NAKITA KO PA YAN, MAKAKAPAL YUNG MGA BOOKS.. AMPPP..
Back to top Go down
prettycpg
Newbie
Newbie


Number of posts : 2
Age : 23
Registration date : 2012-01-17

PostSubject: Re: HOT INTRUDER SERIES   Wed Feb 29, 2012 4:48 pm

Guyz.
better read yung hot intruder na ri JM, the blue eyed playboy............... And its very nice by victoria amor
santa cherry bom cheers I love you Embarassed Very Happy Very Happy rendeer geek
Back to top Go down
Reji_Han
Newbie
Newbie


Number of posts : 1
Location : Biñan, Laguna
Registration date : 2012-08-06

PostSubject: Hot Intruder   Mon Aug 06, 2012 3:11 pm

I already bought 8 of them...ung dlwa makpal. It was fun kht n medyo mkpal ung iba. Anyway...sna mkumpleto q lhat dhl s dmi ng nkta qng Hot intruder s store, mukhang mtgal bgo q mkumpleto hehehehe! Surprised

By the way, Congrats sa mga writers and editors! they did a good job...Hot Intruder was so cool! Cool
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: HOT INTRUDER SERIES   Today at 10:28 pm

Back to top Go down
 
HOT INTRUDER SERIES
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Taylor PRO SERIES wireset *NEW*
» Primeval Series 3 Episode 5 the one with the Fungus Monster
» for sale 2004 grand prix comp g gtp 3800 series 2 supercharged
» Rumors about Series 5, Tennant & McGann (Spoilers?)
» Which Mai-series character do you dislike or like the most?

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: WRITER'S IDEAS and THOUGHTS :: By Book Imprints-
Jump to: