HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 May 21, 2008 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: May 21, 2008 Book Release   Tue May 20, 2008 6:22 pm

1. PHR 2840 Adring's Romance by Vanessa



Umalis si Adring ng kanyang bayan dahil sa takot sa dati niyang amo. Nilapitan niya si Polding, ang pinakamatalik niyang kaibigan na kailan lang niya muling nakita.
Dahil dati na itong may inookupang espasyo sa kanyang puso ay lalong lumawak iyon. Ang kaso ay mayroon na itong nobyang ibig nitong bigyan ng singsing. Pero hindi siya makakapayag na mauwi ito sa nobya nitong natuklasan niyang ubod pala ng landi.
Nag-isip siya ng paraan upang magkasira ang dalawa. Ngunit hindi pa man niya naisasakatuparan iyon ay pinaalis na siya nito... Sapagkat hinagkan siya nito noong lasing ito at hindi nito matanggap iyon...

2. PHR 2841 Si Atty. Eliab Ezekiel Guce by Camilla



Kalbaryo ang naging buhay ni Martina sa kamay ng kanyang madrasta at sa anak nitong si Vanna. Dahil sa mga ito ay napahiwalay siya sa dalawang lalaking mahal niya: ang kanyang papa at si Eliab.
Her father died three years later. Sa pagbabalik-bayan niya ay pinlano niya ang paghihiganti sa kanyang madrasta at stepsister. Pero paano kung lahat ng ginagawa niya ay nagbo-boomerang sa kanya? At nang nalaman niyang buntis si Vanna at si Eliab ang ama, parang nawalan ng saysay ang lahat... pati ang buhay niya...

3. The Dream Team Series 1: CJ Facundo by Almira Jose



Hindi sinasadyang nauwi sa mainit na tagpo ang unang pagkikita nina CJ at Shari. Mula noon ay naging bahagi na ng kanyang buhay ang dalaga bagaman wala silang pormal na usapan.
Subalit hindi bukas ang kanyang puso para sa pag-ibig. May hang-up pa rin siya kay Lexy, ang girlfriend niyang nang-iwan sa kanya sa ere.
Pagkaraan ng mahabang panahon ay nagbalik ito, humihingi ng tawad at humihiling na kung puwede ay ituloy nila ang naudlot na pag-iibigan nila.
Paano na si Shari?

4. Calle Pogi Series 4: Makisig by Keene Alicante



Nang maisipang magbakasyon ni Jean, sa Calle Pogi siya nakarating. Madalas kasing ibida iyon sa kanya ng kaibigan niyang si Mags. Sa bakasyong iyon ay muling nagkrus ang mga landas nila ng kababata niyang si Makisig. He was a lanky, nerdy boy when they were kids. Pero ngayon ay bagay na bagay na rito ang pangalan nito. Makisig na makisig na ito.
Ngunit hindi lamang pala naging makisig ito, may pagkasuplado na rin ito. But that didn’t stop her from being fascinated by him. Naa-amaze kasi siya sa laki ng ipinagbago nito. Kaya sa tuwing nagkikita sila, kinukulit-kulit niya ito.
Pero nanatiling dead-ma ito sa pangungulit niya. In fact, hinahayaan lang nito at inuunawa ang kapraningan niya. And everything was okay. Until he told her she was a very important friend to him.
Hala! Kaibigan lamang pala ang tingin nito sa kanya? Pambihira! Ano na ang gagawin niya ngayong hindi lamang siya basta humahanga rito?

5. Les Hommes d' Affaires Series 4: Marco Alcaraz 1 by Sharmaine Galvez



“Has this something to do with my refusal to get married?” tanong ni Marco sa Lolo Crispin niya. Hindi siya makapaniwala sa inianunsiyo nito sa board meeting nila na isasalin nito ang posisyon nito bilang CEO ng Alcaraz Enterprises sa marketing assistant nila.
“What took you so long to figure it out, grandson?” Ngumiti ito.
“Magpapakasal ako bukas na bukas din. Kung ipapangako n'yo sa aking titigilan ninyo ang kalokohang ito,” mabilis na pagdedesisyon niya.
Umiling-iling ito. “I'm sorry, Coco. I guess I’ve gotten so tired of waiting for you to get married. Kaya may nabago sa mga kondisyong inilatag ko sa iyo noon.”
“Ano'ng ibig ninyong sabihin?”
“Sa tagal mong magdesisyon, hijo, ako na ang pumili ng babaeng pakakasalan mo.”
“S-sino?”
“Si Rhea Galang,” kalmanteng sagot nito.
Right that moment, he decided he hated the name!

6. Les Hommes d' Affaires Series 5: Marco Alcaraz 2 by Sharmaine Galvez



Hindi alam ni Rhea kung bakit siya pumayag na magpakasal kay Marco. Basta alam lang niya na hindi niya kayang bale-walain ang mga sakripisyo ng lolo nito na si Don Crispin para sa kompanyang pinaghirapang itayo at palaguin ng don. Nagbanta kasi ito na ibebenta na lamang nito ang kompanya kapag hindi sila ikinasal ng apo nito.
Idinaos ang mabilisang kasal. Nagawa rin niyang ibigay ang sarili kay Marco kahit nilinaw na nila sa isa't isa na kunwarian lamang ang lahat sa pagitan nila. Pero totohanan siyang na-in love dito. At tila ganoon din ito sa kanya.
And she knew she was in big trouble.
Back to top Go down
gemme
Senior
Senior


Number of posts : 226
Age : 24
Location : Calamba City, Laguna
Registration date : 2008-01-29

PostSubject: Re: May 21, 2008 Book Release   Tue May 20, 2008 7:47 pm

thankz po mS. jEn..

aww.. walang stallion this week..
may calle pogi naman! yEy! ü

check ko din yung dream team ni ms. almira jose.. ü

ang unti naman ng release ngayon no? ü
Back to top Go down
{STOIC}_@nnette®™
Junior
Junior


Number of posts : 46
Age : 33
Location : Angono, Rizal
Registration date : 2008-04-17

PostSubject: Re: May 21, 2008 Book Release   Tue May 20, 2008 8:10 pm

whaaaaa.... wlang SRC?????

why oh why???? No

huhuhuhuhuh... dapat next week 2 na release hah.. (hehehe demanding koh!)

Tanx ms Jen... cheers

whoooooo..... Si MAKISIG na NG CALLE POGI... yeiboi!!
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.blogspot.com
marge30
Junior
Junior


Number of posts : 188
Registration date : 2008-01-22

PostSubject: Re: May 21, 2008 Book Release   Tue May 20, 2008 8:42 pm

Marco Alcaraz? Sounds familiar... parang ka -namesake niya ba yung artista? scratch

Salamat sa cover & teasers.

very minimal lang ang expesnes ko for pb's this week Laughing
Back to top Go down
natalia
Junior
Junior


Number of posts : 128
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: May 21, 2008 Book Release   Tue May 20, 2008 11:01 pm

ay wala stallion inaabangan ko pa naman story ni richard don cla kya talaga magkatambal nung lagi nyang kaawaynakalimutan ko name basta kapatid nung business partner nya??? si genii at ricos kaya talaga partner... ilan pa ba ang llabas kaya na stallion...
Back to top Go down
VANADIK & MC FANATIC
Junior
Junior


Number of posts : 101
Location : MAKATI CITY
Registration date : 2008-03-07

PostSubject: Re: May 21, 2008 Book Release   Wed May 21, 2008 1:10 am

last week ang dameng labas ni kagandahan, ngaun hehehhe pero ok lng merun pa din hihhihi bili ako tom.

etoh na...etoh na...etoh nah....

the dream team ni ms. aj wow wow wow......sa wakas...eto kukumpletuhin ko to promise....

les hommes yahuuuu merun ulit...


pagiisipan ko pa kung bibile ako ng labas ni camilla pero malamang bibile siguro ako...

dame akong babasahin...
Back to top Go down
http://iluvvanessa.proboards82.com/index.cgi
cutejan19
Special Team
Special Team


Number of posts : 1452
Location : davao city
Registration date : 2008-02-18

PostSubject: Re: May 21, 2008 Book Release   Wed May 21, 2008 11:35 am

walang stallion noh! hehehe pero may calle pogi...hehehe
Back to top Go down
jigger
Junior
Junior


Number of posts : 56
Age : 26
Location : navotas
Registration date : 2008-01-28

PostSubject: Re: May 21, 2008 Book Release   Wed May 21, 2008 11:36 am

bakit walang src ngaun?!.......

nk2windang naman!!!

'haay! atleast my calle pogi!

tionks!
Back to top Go down
kaytee
Junior
Junior


Number of posts : 138
Age : 28
Location : artist paradise...yeah!
Registration date : 2008-02-04

PostSubject: Re: May 21, 2008 Book Release   Wed May 21, 2008 9:28 pm

hahah....




kamukha ng clasm8 ko c cj facundo!as in!



in short!gwapo tlga yon!



ang tawag nga don sa amin piolo eh!wahah



la lng share lng poh! lol!
Back to top Go down
ChRiStInE LoVeS YuNhO
Junior
Junior


Number of posts : 167
Age : 23
Location : Somewhere over Valenzuela
Registration date : 2008-04-07

PostSubject: Re: May 21, 2008 Book Release   Thu May 22, 2008 1:12 pm

natalia wrote:
ay wala stallion inaabangan ko pa naman story ni richard don cla kya talaga magkatambal nung lagi nyang kaawaynakalimutan ko name basta kapatid nung business partner nya??? si genii at ricos kaya talaga partner... ilan pa ba ang llabas kaya na stallion...

c danzelle ann ung sinasabi nio pong partner ni richard don... sana sila nga!

sana rin sina genil at ricos!!!!! wuuu!!!

sino bang partner nina jigger, trigger at ian jack? sina nove, yeto at pollyan kaya? sana naman!

puro sana naman!!! kainis walang stallion!!! Crying or Very sad Crying or Very sad
Back to top Go down
http://esnipers.forumotion.net
cutejan19
Special Team
Special Team


Number of posts : 1452
Location : davao city
Registration date : 2008-02-18

PostSubject: Re: May 21, 2008 Book Release   Thu May 22, 2008 6:04 pm

i think next month cguro mag release ang PHR kasi nag taas na ng price...hehehe
Back to top Go down
jamie_kawaii101
Newbie
Newbie


Number of posts : 20
Age : 24
Registration date : 2008-04-09

PostSubject: Re: May 21, 2008 Book Release   Sat May 24, 2008 9:53 am

walang stallion at phoenix?!?
Sad Sad
Back to top Go down
cutejan19
Special Team
Special Team


Number of posts : 1452
Location : davao city
Registration date : 2008-02-18

PostSubject: Re: May 21, 2008 Book Release   Sat May 24, 2008 7:11 pm

wala ehhh...haaayzzz!!!!
Back to top Go down
shai
Senior
Senior


Number of posts : 231
Age : 26
Location : CDO city
Registration date : 2008-02-04

PostSubject: Re: May 21, 2008 Book Release   Wed Jun 04, 2008 11:02 am

scratch kainis ala pang gnito sa cdo....

*tagal Sad
Back to top Go down
http://profiles.friendster.com/shaii23
allenssexywife
Junior
Junior


Number of posts : 104
Age : 38
Location : Davao City
Registration date : 2008-09-03

PostSubject: Re: May 21, 2008 Book Release   Mon Dec 29, 2008 12:43 am

ala ako copy isa man d2 hehehe
Back to top Go down
http://www.tagalogpocketbookromance.com
cutejan19
Special Team
Special Team


Number of posts : 1452
Location : davao city
Registration date : 2008-02-18

PostSubject: Re: May 21, 2008 Book Release   Wed May 20, 2009 10:23 pm

nabili nyu ba ang mga PBs na ito????

sana nabili ninyo! hehehe

RJAN hir!
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: May 21, 2008 Book Release   Today at 3:54 am

Back to top Go down
 
May 21, 2008 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» How to write a Mills and Boon
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: