HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 April 13, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: April 13, 2011 Book Release   Wed Apr 13, 2011 11:20 am

1. PHR 3788 Ise Omorfi (You Are Beautiful) by Raphaela Kristina


Sa loob ng pitong taon ay umikot ang buhay ni Bryan sa Sun And Sand, isa sa mga beach resorts sa Batangas. Pinaghirapan niyang itayo at pamahalaan ang resort. Noong halos nasa katuparan na ang kanyang mga pangarap na makilala ang nasabing beach resort hindi lamang sa buong Luzon kundi pati na rin sa mga dumarayong dayuhan ay saka naman sumulpot sa buhay niya si Sroso, isang Greek national na nagpatibok uli ng kanyang puso pagkalipas ng napakahabang panahon.
But there were two problems: One, Sroso would be going back to Santorini. Two, she didn’t believe in long-distance love affairs.
Hahayaan na lang ba niya itong mawala sa kanya?

2. PHR 3789 Freedom Series 4: Chevelle by Arielle


Sa simula pa lamang ay alam na ni Evie ang papel niya sa buhay ng mga Segovia. Pinalaki siya at hinubog para maging perfect wife ni Box, ang nag-iisang anak ng mga ito.
May usapan sila ni Box noong mga bata pa sila na kapag malaki na sila at hindi nito natutuhang mahalin siya ay hahayaan niya itong hanapin ang kaligayahan nito sa piling ng ibang babae.
Tutuparin niya ang pangako niyang iyon dito kahit pa ang katumbas niyon ay pagkadurog ng kanyang puso…

3. PHR 3790 Ang Tawag Nga Ba Rito Ay Pag-ibig? by Julianna Ran


Tampulan ng tukso sa eskuwelahang pinapasukan si Aya dahil sa makalumang pananamit niya. Hindi na lang niya pinapansin iyon kahit pinagtatawanan siya ng ibang mga estudyante. Sanay na siya roon.
Ngunit nang minsang pag-trip-an siya ng isa sa mga kaklase niya, sinaklolohan siya ni Jethro Samaniego—ang campus heartthrob at pinakapopular na estudyante sa kanilang eskuwelahan. Pero ang mas ikinagulat niya ay nang makipagkaibigan ito sa kanya. Binigyan nito ng kulay ang mundo niya. At pigilan man niya, hindi niya naiwasang mahulog ang loob dito.
Pero ano ba ang laban ng isang tulad niya sa nobya nito na ubod ng ganda? May patutunguhan ba ang damdamin niya para sa binata?

4. PHR 3791 Hello, Dolly by Camilla


Sa stag party ni Jordan Loreso ay pikit-matang ibinigay ni Pia ang sarili rito kapalit ng karampatang halaga—isang sakripisyong ginawa niya para maipagamot ang kanyang ama. Umibig siya kay Jordan ngunit gaya ng inaasahan ay sa wala napunta ang damdamin niya para dito.
Pagkalipas ng ilang taon, muling nagkrus ang mga landas nila ni Jordan. Doon niya natuklasan na ginagamit lang pala siya ng boyfriend niyang si Alwin para pagtakpan ang lihim na relasyon nito sa asawa ni Jordan. Hindi ganoon kasakit iyon dahil hindi niya mahal si Alwin. Ang mas iniinda niya ay ang nararamdaman niya para kay Jordan na hindi yata niya kayang ikubli sa ikalawang pagkakataon…

5. PHR 3792 Ikaw Lamang by Noelle Arroyo


Alam ni Belle na imposibleng umibig sa kanya ang isang tulad ni Cedric Montepiedad. Guwapo ito, mayaman, overachiever, at anak ng may-ari ng hacienda sa kanilang lugar; samantalang siya ay isang simpleng barrio lass na ang tanging passion sa buhay ay magsulat ng mga kuwento. Ngunit tila ganoon ang nangyari kung ang pagbabatayan niya ay ang init ng mga halik nito sa kanya. Wala naman silang malinaw na unawaan. Gayunman, nang kailanganin nitong mag-aral ng master’s nito sa Harvard, ipinabaon niya rito ang isang bagay na napakahalaga sa kanya: ang kanyang sarili.
He promised to come back to her. Pero nalaman niyang nagkakamabutihan na pala ito at ang isang kaibigan niya na nag-aaral din sa Amerika at matagal nang may gusto rito. Ayaw niyang makahadlang sa kaligayahan nito, lalo pa’t nagbunga ang kapusukan nila…

6. PHR 3793 Breakfast A la Tiffany by Allie Sia Alonzo


Malapit nang isuko ni Tiffany Co ang mahigit isang dekadang pagsinta niya kay Luis—ang henyo ng Batch ’2000 ng Santa Ignacia Academy. Laging palpak ang pagpapa-cute niya rito at asar na asar naman ito sa kanya. Handa na siyang itaas ang puting bandera nang pigilan siya ng Mommy Henny nito na mas makulit pa kaysa sa kanya.
Botong-boto ang nanay nito na maging manugang siya. Bakit? Dahil binibigyan niya ito ng libreng gasolina! Tinuruan siya ni Tita Henny kung paano paiibigin si Luis—busugin daw niya ito tuwing breakfast. Pero bago pa niya ma-perfect ang pancake at sunny side-up egg, may kakompetensiya na siya sa puso ni Luis, si Renée—isang babaeng mukhang lumabas mula sa mundo ng fairy tales at nagpakadalubhasa nang limang taon sa pagluluto. Kahit talong ay nagagawa nitong gourmet.
Nang marinig niya ang inihanda nitong breakfast para kay Luis—savory buckwheat crepes with ham and mornay sauce—gusto na niyang maluha. At hindi iyon dahil sa sibuyas kundi sa napipintong pagkabigo niya kay Luis.

7. PHR 3794 Green Eyes by Jacqueline Miranda


Unang kita pa lang ni Maiadara kay Orven ay nagkagusto agad siya rito. Pero parati siyang sinusungitan nito. Kaya naman ginawa niya ang lahat ng paraan upang mapalapit dito. Nagtagumpay naman siya. Naging close friends sila at hindi na siya sinusungitan nito. Masaya na siya roon kahit umaasam siyang higit pa sa pagkakaibigan ang magiging turingan nila.
Pero bigla na lang itong nagbago nang dumating ang best friend nitong si AG. At nagulat siya sa ipinahayag nito:
“Tuwing nakikita ko kayo ni AG na magkasama at magkausap at napapatawa ka niya, nagseselos ako.”
Diyata’t may gusto rin ito sa kanya?

8. PHR 3795 Always Loving You by Belle Feliz


Nang makilala ni Charlotte si Clinton Quirino ay agad nahulog ang loob niya rito. Habang nakikilala niya ang pagkatao nito ay lalo siyang napapamahal dito. Hindi niya napigilan ang pangangarap ng isang magandang wakas para sa kanila dahil ipinapakita nito sa kanya na espesyal siya para dito. Pakiramdam niya ay may pagtingin din ito sa kanya.
Pero isang araw ay basta na lang ito umiwas sa kanya. Hindi na ito nagparamdam. Hirap na hirap ang kalooban niya sa panlalamig na ipinapakita nito sa kanya.
Marami siyang nalamang mga bagay tungkol dito—mga bagay na hindi maganda. Mahal niya ito. Pero paano niya tatanggapin ang lahat?

9. PHR 3796 My Clumsy Love by Princess Faye


Sa edad na treinta ay hindi pa nararanasan ni Lalah na magka-boyfriend. Dinig na dinig na niya ang pagtunog ng biological clock niya. Palagi kasing palpak ang lahat ng mga date niya. Malakas ang kutob niya na may dalang malas sa buhay niya si Sam—ang lalaking dumurog sa puso niya may dalawang dekada na ang nakalipas. Mula noon ay itinigil na niya ang pangangarap na ito ang magiging groom niya pagdating ng araw.
Pero tila ayaw makisama ng tadhana. Pilit na nagsusumiksik sa isip niya ang mga alaalang nag-uugnay sa kanya kay Sam—her first kiss, first dance, and a love she couldn’t seem to run away from after all these years…
Back to top Go down
 
April 13, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» Submission themes due April 27 2011
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» Collecting Amur Maples (Updated April 24, 2011)
» April 2, 2011

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: