HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 April 6, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: April 6, 2011 Book Release   Tue Apr 05, 2011 5:59 pm

1. PHR 3779 Sincerely Yours by Laurice del Rio


Friends forever ang drama sa buhay ni Aiko kay Archie. And she meant it. Right up to the time he got so depressed over his breakup with the woman of his dreams.
Natural na inaliw niya ito at sapilitang hinila pabalik sa mundo ng mga buhay. At noon siya nagsimulang makadama ng kung ano rito. Para bang bigla ay nabuksan ang mga mata niya sa magagandang katangian nito.
Pero wrong timing naman siya dahil noon naman nagkakilala sina Archie at Hazel, ang pinsan niyang impaktita. Pakay niyang ilayo ang lalaki kay Hazel pero na-distract siya sa pagsulpot ng dating crush niya na si Anton. Gusto raw nito na gampanan niya ang isang mahalagang papel sa buhay nito.
Mukhang type din naman ni Archie si Hazel. Kaya kahit masakit iyon sa kalooban ni Aiko ay handa siyang magparaya. Pero may natuklasan siya tungkol sa pinsan niya na nagpakulo ng dugo niya.
Ang problema, paano niya mapapaniwala si Archie na kaya niya sinasabi rito ang mga natuklasan niya tungkol kay Hazel ay dahil ayaw niyang masaktan ito dahil kaibigan niya ito at hindi dahil mahal na niya ito nang higit pa sa isang kaibigan?

2. PHR 3780 My Revengeful Sweetheart by Wilhelmina


Binalak ni Lira na maghiganti sa high school enemy niya na si Marissa pero hindi pa niya alam kung paano. Noon niya nakilala si Kervynson Villela at nalaman niyang ito ang greatest obsession ng babaeng kinaiinisan niya. Nagpahayag ito ng pagkakagusto sa kanya.
Isang ideya ang nabuo sa isip niya. Gagamitin niya si Kervynson para magawa ang plano niya. At para magawa niya iyon, kailangang maging boyfriend niya ang lalaki.
Naging kasintahan nga niya ito. Subalit masyadong mabait ito sa kanya kaya hindi niya napigilang mahulog ang loob niya rito. Nagdesisyon siyang kalimutan na lang ang plano niya at mahalin nang tunay si Kervynson.
But he started talking about Marissa. Pakiramdam niya, nagawa na naman ng babaeng iyon na agawan siya…

3. PHR 3781 Snooki by Camilla


Ganoon na lang ang inis ni Snooki nang may lalaking lumapit sa kanya sa Burnham Park at naki-text. Bukod sa ang hinala niya ay kawatan ito, naiinis siya dahil tila hindi nakikita ng lalaki na windang siya. Nagluluksa ang puso niyang binigo ni Weldon, ang best friend niya na kay tagal na niyang lihim na minamahal at na-in love sa malditang half-sister niyang si Fiore.
Pero nang lumaon, ang lalaking pinaghinalaan niyang masamang loob—si Ramil Rivas—ay naging kaibigan niya. Tinulungan siya nito na makalimutan ang kabiguan niya.
Ang hindi niya alam, ito pala ang bagong boss sa kompanyang pareho nilang pinapasukan ni Fiore. At nang malaman iyon ng bruhang kapatid niya ay basta na lamang nitong iniwan si Weldon para akitin si Ramil.
Doon na nagulo ang mundo niya. Hindi yata niya mapapayagang agawin na naman nito sa kanya ang lalaking nagpapasaya sa kanya.

4. PHR 3782 The Lost Princes Trilogy 3: My Prince And I by Dream Grace


Nang unang makilala ni Laila si Rashid, isang simpleng bounty hunter lamang ito. Masaya na ito sa paghahabol sa mga kriminal sa mundo. Ito rin ang lalaking pinagbigyan niya ng kanyang puso at tiwala. Sumumpa itong mamahalin siya at pakakasalan.
But that man died. At sa pagkawala nito, nailibing din kasama nito ang kanyang puso. Subalit pagkatapos ng sampung taon na puno ng kalungkutan, isang lalaking hindi lang kamukha kundi kapangalan din ni Rashid ang gumulantang hindi lang sa kanya kundi sa buong mundo.
Apparently, Rashid was the lost heir to the throne of Zegovna. Ito rin ba ang lalaking nakilala at minahal niya noon? At kung ganoon nga, ano ang dahilan nito at pinaniwala siya nitong patay na ito?

5. PHR 3783 When The Feeling Is Mutual by Ashlene Javier



Pigil ang kilig ni Glaiza tuwing nakikita niya si Jeric, ang kanyang super-duper crush. Ayon sa Ate Wilma niya, hindi pa siya puwedeng magka-boyfriend hangga’t hindi pa siya nakapagtatapos ng pag-aaral at nakakapasa sa board exam. She had no choice but to deal with it only to find out na ang Ate Wilma niya pala ang gusto ni Jeric. Brokenhearted, umalis siya para magpalipas ng sama ng loob. Nagkataong bigo rin si Cyrus, ang manliligaw ng ate niya. Pareho nilang inaliw ang isa’t isa upang maka-get over sa kabiguang naramdaman. Hanggang sa umusbong ang isang magandang pagtitinginan.
Okay na sana, until Glaiza found out that the man she loved belong to a very elite Chinese family. He was bound to marry a Chinese girl named “Mei Zhen.”
Now Glaiza had to fight for her love for Cyrus. Kaya kaya niyang pigilan ang napipintong kasalan?

6. PHR 3784 My Love, My Sunrise by Maan Beltran


“Ibalik mo sa dati ang apo kong si Marcus at kakalimutan ko ang lahat ng utang ng pamilya mo.”
Iyon ang mga binitiwang salita ni Don Segundo kay Sabel. Kapag nagawa niya ang nais ng matanda, hindi na niya kailangang mangibang-bansa para lang mabayaran ang utang ng pamilya niya sa mayamang don.
Kailangan daw niyang puntahan si Marcus sa bahay ng mga ito sa Camiguin kung saan ito mananatili. Sasamahan, lilibangin, at patatawanin niya ito gaya ng dati para maka-move on ito sa pagkamatay ng kasintahan nitong si Kristina.
Dahil “walang matimtimang Marcus sa makulit na si Sabel,” nagawa niya ang nais ng matandang don. Iyon nga lang, hindi niya napaghandaan ang konsekwensiya ng ginawa niya: Na-in love siya kay Marcus—siksik, liglig, at umaapaw…

7. PHR 3785 Secret Love by Camilla


Sa isang twist ng kapalaran, nadiskubre ni Encar na ang amo niya ay ang tunay pala niyang ama. Ngunit dahil anak siya nito sa pagkakasala, kinailangan nilang ilihim ang katotohanang iyon. Hindi niya masisisi si Adler—ang pamangkin ng asawa ng kanyang ama—kung pinaghinalaan siya nito na kalaguyo siya ng matanda.
Pero sa kabila ng lahat, hindi niya naiwasang umibig dito. Ibinigay niya ang lahat dito. Ngunit nang may mangyaring masama sa tiyahin nito, tila bumalik na naman ang galit nito sa kanya at isinisisi nito sa kanya ang nangyari.
Saan siya lulugar sa buhay nito, lalo at nalaman niyang nakatakda na itong ikasal sa iba?

8. PHR 3786 Hot Intruder: Contessa’s Intruder by Belle Feliz


Nagulo ang nananahimik na buhay ni Contessa sa isang liblib na pook nang may biglang pumasok na magnanakaw sa bahay niya. Inakala niyang tatangayin ng lalaki ang mga alaga niyang hayop pero hindi pala ito kawatan kundi si Adrian Neiderost, ang mapapangasawa ng pinsan niyang si Lindy. Nagtungo raw ito roon upang hanapin ang bride nito na hindi sumipot sa kasal.
Hindi nito natagpuan ang pinsan niya dahil hindi naman doon tumutuloy si Lindy. Pero iginiit nitong doon muna ito upang hintayin ang pinsan niya. Tutol siya sa desisyon nito pero wala rin siyang nagawa kundi sumang-ayon.
May kakaibang panghalina si Adrian. Lagi niyang natatagpuan ang sarili na hinahangaan ito. Mali na mahulog nang husto ang loob niya rito dahil masasaktan lamang siya sa huli. Hindi ito mananatili sa kanyang tabi habang-buhay dahil pag-aari ito ng pinsan niya. Pinilit niyang huwag umibig dito pero hindi niya nakontrol ang kanyang puso, umibig pa rin siya rito.
At tama siya. Hindi ito nanatili sa tabi niya...

9. PHR 3787 Once Upon A Time In El Nido by Princess Faye



Nagbakasyon si Julianne sa El Nido para humanap ng inspirasyon sa pagpipinta. Doon ay nakilala niya ang misteryosong si Luke. Nagprisinta itong maging modelo niya. However, more than becoming her model, Luke became her inspiration. He became her first love.
Pero nagising siya isang araw na wala na ito sa buhay niya. Walang may alam kung saan ito nagpunta. For a long time, she believed she left her heart in El Nido.
She thought she was over him. She should be. Pitong taon na ang lumipas mula nang huling makita niya ito. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, dumating uli ito sa buhay niya. At ginimbal uli nito ang buhay niyang pinaghirapan niyang buuin sa nakalipas na mga taon.
Gusto man niyang mahalin uli ito ay hindi na puwede. Dahil nakatakda na siyang ikasal sa iba...
Back to top Go down
 
April 6, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» Submission themes due April 27 2011
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» Collecting Amur Maples (Updated April 24, 2011)
» April 2, 2011

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: