HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 March 26, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: March 26, 2011 Book Release   Mon Apr 04, 2011 6:44 pm

1. PHR 3760 Freedom Series 1: Caprice by Arielle


Priz was a princess among her very close friends. She would wear dresses, tie ribbons on her hair, and act and talk like a real princess.
Noon iyon. Nagbago ang lahat nang makakita siya ng sasakyan. Mula sa pagiging prinsesa na ayaw madumihan ang mga kamay, ngayon ay araw-araw nang marumi ang kanyang mga kamay. Nauwi kasi siya sa pagiging meka- niko.
Pero hindi niya pinagsisisihan ang nangyari sa kanya. She loved cars, especially the super fast ones.
Kaya naman nang makilala niya ang champion race car driver na si Record Rondeau ay animo nagkaroon ng karera sa loob ng kanyang dibdib. They both loved cars. And she also found something they both had in common.
He used to be a real prince.

2. PHR 3763 Freedom Series 2: Cadillac by Arielle


Sumumpa si Lila na maghihiganti siya kay Dunbar Rudero. Sa loob ng dalawang taon ay isinisi niya rito ang pagkasira ng kanyang career at pagkakagalit nila ng best friend niyang si Marron.
Sa muling pagkukrus ng mga landas nila ng binata ay nakakita siya ng pagkakataon na gantihan ito.
Nagtagumpay siyang magantihan ito. Unfortunately, naging object din siya ng desire nito. Desidido ito na maangkin siya sa ayaw at sa gusto niya!

3. PHR 3771 Freedom Series 3: Carrera by Arielle


Nabura ang memorya ni Tane dahil sa nangyaring pagsabotahe sa isa sa mga relay stations ng Freedom Radio.
Nang magbalik ang memorya niya ay natuklasan niyang pinaibig niya ang inosenteng si Cara! Marami rin siyang nabitiwang pangako rito na hindi niya maaaring bale-walain.
Nasaktan si Cara nang malaman nitong hindi niya mahal ito. Ngunit determinado itong paibigin uli siya kahit nilinaw na niya ritong hindi ito ang klase ng babaeng mamahalin at pakakasalan niya.

4. PHR 3753 Hot Intruder: My Beloved Intruder by Belle Feliz


Lumayas ng kanilang tahanan si Lara dahil nais niyang makakawala sa paghihigpit ng kanyang mga magulang at upang makasama ang lalaking matagal na niyang iniibig—si Carl. Lumuwas siya sa Maynila upang ipaalala rito ang ipinangako nito noon sa mga lolo nila na liligawan siya nito pagkatapos niya ng pag-aaral. Tila wala itong balak na umuwi sa kanilang probinsiya kaya siya na ang nagtungo rito.
Kung sa akala niya ay magiging maayos ang lahat sa pagitan nila, nagkamali siya. Nagulo ang mundo niya nang may manloob sa bahay na tinutuluyan niya—si Hiro Messer. Mula noon, pinakialaman na ni Hiro ang buhay niya.
Gayunman ay hindi niya maipaliwanag ang kakaibang nadarama niya tuwing malapit ito. Strange, but he could make her happy easily. Unti-unti na siyang nahahalina sa kakisigan nito. Parang unti-unti nang nahuhulog ang loob niya rito.
Pero papaanong nahulog siya rito nang ganoon kabilis? Marupok ba ang pag-ibig niya para kay Carl na pinaniniwalaan niyang minamahal na niya mula pa noong katorse anyos siya?

5. PHR 3756 Hot Intruder: Rogue (The Dashing Vagabond) by Victoria Amor


Nang isama si Diwa sa Maynila ng kaibigan niyang si Maya, inakala niyang matatakasan na niya ang buhay niya sa nayon bilang tagapaghatid ng mensahe sa mga ligaw na kaluluwa. Nagkamali siya. Ilang araw pa lang siya sa siyudad ay hiningi na ng sikat na artistang si Enrique Ruiz ang tulong niya. Pakalmahin daw niya ang nagpaparamdam na multo sa bagong biling bahay nito.
Dahil kaibigan ito ni Maya ay pumayag siyang tulungan ito. Pumunta siya sa bahay nito para sagupain ang mumu na gumagambala rito. Ang problema, sa unang gabi pa lang niya sa bahay nito ay hindi multo ang kaaway na nakaharap niya kundi si Rogue, ang guwapo at makisig na intruder na naroon para pagnakawan si Enrique.
Ang akala niya ay maiisahan niya ito. Nagkamali na naman siya dahil mukhang siya ang paglalaruan nito. Nang mga sumunod na araw ay napagtanto niyang nanganganib siya—dahil pati puso niya ay ninanakaw na rin nito.

6. PHR 3757 Hot Intruder: The Gallant Intruder by Dream Grace


Hindi inaasahan ni Anna na malalagay sa panganib ang buhay niya nang mabulabog ang tahimik na buhay niya ng isang intruder na sinusubukang nakawin ang painting sa dingding ng bahay niya. Kay dali kasi niyang napabagsak ito. Pero laking pagsisisi niya nang makita niya ang hitsura ng kanyang intruder na “Mack Gallan” pala ang pangalan. Sa halip na isuplong sa pulis, parang mas gusto niyang gawing permanenteng parte ito ng bahay at buhay niya.
He was so hot! Titig pa lang nito ay natutunaw na ang puso niya! Sa malas, saan man ito sumuot ay tila sinusundan ito ng mga taong nais burahin sa Earth ang kagandahang-lalaki nito. Pero ang mas malas, pati siya ay idinamay nito sa papaikling lifespan nito.
Pero maano ba kung ganoon? Kahit siguro ilog na puno ng linta ay kaya niyang lusungin para dito…

7. PHR 3761 Hot Intruder: Alex, The Lucky Intruder by Angel Bautista


Minsan na nga lang mag-e-emote si Meanne sa isang magandang beach house ay inabot pa siya roon ng bagyo. At sa unang gabi niya roon, nagising siya sa tunog na nanggagaling sa ibaba ng bahay.
Binasag niya ang isang vase sa bumbunan ng lalaking intruder. Sinamantala niya ang kawalan nito ng malay para itali ito. Pero natigagal siya nang matitigan niya ito.
The man was handsome. Maiksi ang makapal at itim na itim na buhok nito. His face was smooth from the top of his aristocratic forehead to the long straight nose to the full lips and the slight cleft on his chin. Mahaba at malantik ang mga pilik nito. Nakapikit ito pero sigurado siyang maganda rin ang mga mata nito.
Ipinilig niya ang kanyang ulo. Bukod sa pagiging malas ay naloloka na rin yata siya. Pag-interesan ba naman niya ang lalaking ni hindi niya alam kung anong klaseng kriminal!
Eh, ano naman ngayon kung perfect din ang abs nito?

8. PHR 3766 Hot Intruder: The Daring Intruder by Sofia



Pagkatapos iwan si Atheene sa altar ng lalaking pakakasalan niya ay hindi na uli siya nagmahal. Beinte-nuwebe anyos na siya pero single pa rin siya. Naaalarma na sa love life niya ang Lola Betsy niya kaya niregaluhan siya nito ng isang masuwerteng antique statue ng Greek goddess na si Artemis. Masuwerte raw ang estatwang iyon. Baka raw sa tulong niyon ay magkaroon siya ng isang masayang pamilya.
Isang araw pa lamang na napapasakamay niya ang Artemis statue ay naging sunud-sunod na ang gulo sa buhay niya. Natagpuan niya sa loob ng bahay niya ang sikat na model na si Xavian Fortez. Nahuli niya ito sa aktong nanakawin ang estatwa. Wala raw itong balak na saktan siya. Ang gusto lamang nito ay mabawi ang estatwa na ayon dito ay pag-aari ng mama nito.
Well, hindi siya naniwala rito. Mahirap na, baka may dangerous weapon ito at gamitin nito iyon sa kanya. Kaya bago pa siya mahalina sa kaguwapuhan at kakisigan nito ay siya muna ang mananamantala rito.

Back to top Go down
 
March 26, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» Gerry Leaving Teddy's in LA - March 8, 2011
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» Submission themes due March 9th, 2011
» My Genex Deck ( First Deck ) ^^

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: