HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 March 30, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: March 30, 2011 Book Release   Wed Mar 30, 2011 5:19 pm

1. PHR 3773 Siguro Ay Mahal Na Nga Kita by Camilla


Dahil sa damage na nagawa ni Mimosa sa kotse ni Amis, puwersahang pinagsilbi siya nito. Hindi lang iyon, mukhang hilig din nitong pag-trip-an siya. Pero kinalaunan, natuklasan niya na mabuting tao si Amis kaya hindi niya naiwasang mahulog ang loob dito.
At lalo siyang na-in love dito nang alukin siya nito ng isang “acting job” nang pagtangkaan itong pikutin ng babaeng nagke-claim na nabuntis nito. Pagkatapos niyon ay nagkatugon ang damdamin niya para dito. Pero ayaw silang tantanan ng pamilya ng babaeng iyon, siniraan siya ng mga ito kay Amis hanggang sa kamuhian siya ng binata…

2. PHR 3774 Hot Intruder: Rique, The Lovesick Leading Man by Victoria Amor


Hindi natanggap si Maya sa trabahong gustung-gusto niya kaya naisip niyang magbakasyon muna sa isang rest house. Gusto niyang buuin muna ang confidence niyang bumulusok sa level zero.
Ang problema, unang gabi pa lang niya ay may masamang-loob nang gumambala sa pamamahinga niya. Hindi umubra sa kanya ang masamang-loob. Sa isang hataw lang ay napatulog niya ito.
Ngunit nang matitigan niya ang topless na masamang-loob na pinatulog niya, naging abnormal ang pintig ng puso niya. Nagkamali siya sa paggamit ng self-defense tactic na itinuro ng tatay niya, dahil ang napatulog niya ay isang artista—si Enrique Ruiz, ang singer-actor na tinitilian ng mga babae sa buong Pilipinas.
Na-guilty siya na nagkaroon ito ng bukol dahil sa kanya. Gusto nitong ipapulis siya at kasuhan ng attempted murder. Ngunit sa huli, napagkasunduan nilang magiging PA na lang siya nito para makabayad siya sa kasalanan.
Nagkaproblema siya nang makasama na niya ito. Pakiramdam kasi niya ay soul mates sila. Ang lalong nagpapakabog sa dibdib niya ay ang tila pasimple at dahan-dahang pang-aakit nito sa kanya.

3. PHR 3775 The Billionaire’s Bride Of Innocence by Miranda Lee (translated by Jade Alleje)


Megan thought she had a fairy-tale wedding. Kasal siya kay James Logan, isa sa pinakasikat na advertising managers sa bansa. And with a baby on the way, everything was perfect.
Subalit isang masakit na kasinungalingan ang natuklasan niya. Hindi siya mahal ng asawa niya at interesado lang ito sa kanya dahil kaya niyang bigyan ito ng anak.
Gumuho ang mundo niya. Gusto niyang iwan ito subalit humingi ng pangalawang pagkakataon si James sa kanya. Pero hindi na siya mapapaikot nito gaya ng dati. Hindi niya ibibigay rito ang anak na gusto nito
Buong akala niya ay matagumpay niyang maililihim ang binabalak niya, ngunit natuklasan nito iyon. Paano niya haharapin ang poot nito kung ang puso niya ay patuloy pa ring nagmamahal dito?

4. PHR 3776 Strings Of The Heart by Noelle Arroyo


Constant fixture na sa buhay ni Elvee si Chad—ang guwapo, protective, at laging dependable na kapatid ng best friend niya. Kababata niya ito at halos magkakasabay silang lumaki. Para nang magkapatid ang pagpapahalaga at pag-aalaga nila sa bawat isa. At nang mawala sa kanya ang isang mahalagang miyembro ng pamilya, naging extra attentive pa sa kanya ang binata.
But something happened one fateful night—they shared a kiss. Hindi niya inasahan na ganoon katindi ang epekto sa kanya ng halik na iyon. Parang biglang nagulo ang buong sistema niya. Ang kaso, naging asiwa naman sila sa isa’t isa pagkatapos niyon.
Pero desidido siyang alamin ang ibig sabihin dito ng halik na iyon. Dahil siya, hindi na niya itatanggi ang damdaming ginising nito sa kanyang puso.

5. PHR 3777 Mr. Irresistible by Dream Grace


TPinili ni Delah na lumayo nang mabunyag ang lihim na damdamin niya para kay Zareth. Hindi ito nagalit sa kanya kahit lumampas siya sa limitasyon ng pagmamahal na maaari niyang iukol para dito. For him, she was just a friend.
Hanggang sa nalaman niya na sa loob ng maraming taong nagdaan, iningatan nito ang painting na naging susi upang malaman nito ang lihim na damdamin niya para dito. He was even treating it as his most prized possession. At nang magkita uli sila pagkalipas ng ilang taon, may nakita siyang emosyon sa mga mata nito na hindi niya nakita noon bago siya lumayo rito. Was it longing?
Hindi kaya mahal din siya nito at hindi lang nito na-realize agad iyon noon?

6. PHR 3778 My Enigmatic Star by Maricar Dizon


Sa tagal ni Coffee bilang isang showbiz reporter, walang sekretong hindi niya alam tungkol sa mga celebrity. At kung mayroon mang hindi niya alam, gumagawa siya ng paraan upang malaman niya iyon. Ngunit may isang tao na medyo nahihirapan siya—si Ace Ricafort, isang sikat na modelo. Kahit ano ang gawin niya ay wala siyang mapiga tungkol sa mga personal na bagay tungkol dito.
Ngunit isang gabi, aksidenteng nalaman niya ang pinakama- tinding sekreto nito. Hindi nito itinago ang inis at galit nito sa kanya. At dahil inis din siya sa kasupladuhan nito, ipinangako niya sa sariling aalamin niya ang lahat tungkol sa sekreto nito, pagkatapos ay isusulat niya iyon para malaman ng mga tao.
Ngunit tuwing may nalalaman siya tungkol dito ay lalong nabubuhay ang pagnanais niyang makilala pa ito. Hanggang sa nangyari ang pinakahindi niya inaasahan: nahulog ang loob niya rito.
Bigla siyang natakot. Alam niyang walang kahahantungan iyon. Para kasi kay Ace ay isa lamang siyang makulit at pakialamerang reporter na gusto nitong ipagpag paalis ng buhay nito…

Back to top Go down
 
March 30, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» Gerry Leaving Teddy's in LA - March 8, 2011
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» Submission themes due March 9th, 2011
» My Genex Deck ( First Deck ) ^^

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: