HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 dugtungan kwento

View previous topic View next topic Go down 
Go to page : Previous  1, 2
AuthorMessage
Rhaine.Castillo
Junior
Junior


Number of posts : 168
Location : Biglang Awa, Caloocan City (District 2)
Registration date : 2012-07-28

PostSubject: Re: dugtungan kwento   Tue Aug 14, 2012 2:18 pm

~Kinabukasan


..........Nagising si Melody na wala na si Allena. Naisip niyang baka nagising na ito at hindi siya ginising dahil mahimbing ang kanyang tulog.

Siguro ay umalis lang yung babaeng maganda upang bumili ng kanyang makakain aniya sa kanyang isip.

Lumabas siya para hanapin ito ngunit nagulat siya nang may biglang pumasok. Akala niya ay yung babaeng maganda ang pumasok. Pero hindi niya inaasahan na ang taong pumasok ay ang huling taong gusto niyang makita- si Zion, her ex-boyfriend.........
Back to top Go down
tewin.chan
Junior
Junior


Number of posts : 84
Age : 30
Location : Cebu City
Registration date : 2012-05-24

PostSubject: Re: dugtungan kwento   Tue Aug 14, 2012 5:21 pm



Anong ginagawa mo dito?! tanong niya kay Zion.
Mukhang nagulat ang binata nang makita siya. Parang hindi nito inasahan na nandoon siya.
Ikaw ang dapat kong tanungin niyan. ang balik nito sa kanya, Bahay ‘to ng mga kamag-anak ko. Ikaw? Bakit ka nandito?
Noon naalala ni Melody ang mga pangyayari. Kinalimutan niya muna pansamantala ang kung ano man ang mga lingering feelings na mayroon siya para sa dating kasintahan. At agad niyang sinalaysay dito ang nadatnan niya sa bahay ng mga kamag-anak nito.
Matapos niyang sabihin ang lahat ay agad na tumakbo papasok si Zion sa bahay….

^o^
Back to top Go down
http://www.fictionpress.com/u/421386/Catherine_Abellanosa
Rhaine.Castillo
Junior
Junior


Number of posts : 168
Location : Biglang Awa, Caloocan City (District 2)
Registration date : 2012-07-28

PostSubject: Re: dugtungan kwento   Wed Aug 15, 2012 4:29 pm

.....Samantala sa labas ng bahay ng pamilya ay nandoon naglalakad si Natsu. Nakita ni Natsu si Melody na may kasamang lalaki at ito'y gulat na gulat. Hindi siya katulad nito na usisera pero may nag-udyok sa kanya para pakinggan ang pinag-uusapan nito at ng lalaki. Nang malaman niya kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito, ay hindi niya maiwasang mapa-buntong hininga at umiling bago lumayo sa lugar na iyon..... Laughing
Back to top Go down
tewin.chan
Junior
Junior


Number of posts : 84
Age : 30
Location : Cebu City
Registration date : 2012-05-24

PostSubject: Re: dugtungan kwento   Thu Aug 16, 2012 12:34 am



Napataas ang kilay ng esperitistang si Marcela nang makita niya ang ginawa ni Natsu. Hindi niya naiwasang mang-usisa sa kung ano ang nakakuha sa atensyon ng binata.

Nakita naman niya ang isang nagpa.panic na lalaki kasama ang isang babae sa loob ng bahay.

Kailangan natin silang dalhin sa ospital! ang sabi ng lalaki.

Tama. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang nangyari. Mas mabuti na 'yon para matingnan ang kalagayan nila. Ako na ang tatawag ng ambulansya. ang sabi naman ng kasama nito at agad na nag.dial sa cellphone.

Hmm.. Ano kaya ang ipinag-aalala ng dalawang 'to? tanong niya sa sarili.

Dahil na rin sa kanyang pagiging tsimosa, pumasok si Marcela sa loob ng bahay....


^o^
Back to top Go down
http://www.fictionpress.com/u/421386/Catherine_Abellanosa
Rhaine.Castillo
Junior
Junior


Number of posts : 168
Location : Biglang Awa, Caloocan City (District 2)
Registration date : 2012-07-28

PostSubject: Re: dugtungan kwento   Thu Aug 16, 2012 3:13 pm

.......Papasok na sana si Marcela kung hindi lang siya natamaan ng pinto sa ulo na kaagad na dumugo at hinimatay.
Hindi namalayan nina Melody at Zion si Marcela kaya nagulantang sila ng pagkatapos nilang buksan ang pinto ay nakita nila itong walang malay at duguan ang ulo. Pero ang hindi inaasahan ni Melody ay ang biglang pag-sulpot ni Natsu para tumulong
Nagmamagandang loob lang yan aniya sa isip.
Walang oras para mag-isip dahil baka hindi na magising ang pamilya pati na rin si Marcela......
Back to top Go down
tewin.chan
Junior
Junior


Number of posts : 84
Age : 30
Location : Cebu City
Registration date : 2012-05-24

PostSubject: Re: dugtungan kwento   Fri Aug 17, 2012 6:03 pm



Pagdating nila sa ospital ay agad na inasikaso ang walang malay na mga pasyente, pati na rin si Marcela.…

^o^

Back to top Go down
http://www.fictionpress.com/u/421386/Catherine_Abellanosa
Rhaine.Castillo
Junior
Junior


Number of posts : 168
Location : Biglang Awa, Caloocan City (District 2)
Registration date : 2012-07-28

PostSubject: Re: dugtungan kwento   Fri Aug 17, 2012 7:23 pm

.......Umupo muna ang tatlo habang naghintay sa Operating Room pero nandoon pa rin ang tensyon sa pagitan ng tatlo. Pare-parehong walang imik ang mga ito hanggang sa may hindi nakaiis- si Melody.

Kailangan kong gumawa kaad ng aksyon bago pa ako himatayin sa tensyon ang nasbi niya sa isip.

Kaya gumawa siya ng pag-uusapan nilang tatlo upang mabawasan ng kaunti ang tensyon.

"Hoy, mag-salita nga kayo dyan! Kinakabahan ako sa inyo eh! Nag-aalala na nga ako dun sa pamilya ni Zion at kay Marcela eh, ganyan pa ang inaasta nyo!" asik niya sa mga ito. "Meron ba kayong mga bagay dyan para naman hindi ako kabahan gaano ?"

Nagulat na lang siya nang bigla siyang hawakan ng mga ito ng kamay. (si Zion sa kaliwang kamay at si Natsu sa kanang kamay.).......
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: dugtungan kwento   Today at 1:21 am

Back to top Go down
 
dugtungan kwento
View previous topic View next topic Back to top 
Page 2 of 2Go to page : Previous  1, 2

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Games and Leisures-
Jump to: