HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  
Share | 
 

 March 23, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts: 690
Age: 26
Location: Quezon City
Registration date: 2007-12-19

PostSubject: March 23, 2011 Book Release   Tue Mar 22, 2011 5:38 pm

1. PHR 3767 Ganito Ang Pag-ibig by Camilla


Dahil sa pag-ibig, itinakwil ng kanyang ama si Oldina—pag-ibig na sa bandang huli ay pinagsisihan niya dahil may-asawa na pala ang lalaking minahal niya. Parang dinurog ang puso niya dahil sa kabiguang iyon.
Muling kumatok ang pag-ibig sa kanyang puso, at sa pagkakataong iyon ay sa isang lalaking sigurado siyang walang sabit—sa guwapong si Togar Rivas. Dahil sa binata, unti-unting nagkaroon uli ng kulay ang kanyang paligid. Batid niya, ito na ang lalaking para sa kanya.
Ngunit natuklasan niyang may koneksiyon ito sa lalaking unang minahal niya. Makakaya pa ba niyang muli na namang mabigo?

2. PHR 3768 Taming A Playful Heart by Kelly Hunter (translated by Ana Marie Alfelor)


May lihim na dahilan si Sheena sa pagpayag niyang pumunta sa Verdana at tumira nang isang buwan doon kasama ang milyonaryong playboy na si Lex. Matino at edukada siyang babae kaya malaki ang kumpiyansa niya sa sariling kaya niyang labanan ang kamandag nito at ituon ang isip sa kanyang mga personal na plano. Isa pa ay kinakapatid niya si Lex at mahigit dalawampung taon na silang magkaibigan, kaya palikero man ito ay kampante siya na irerespeto siya nito ano man ang mangyari.
Ngunit hindi pa man sila nakakarating sa Verdana at halos wala pa mang ginagawa si Lex ay unti-unti nang nabubuwag ang paninindigan ni Sheena. Paano pa kaya kapag naranasan niyang tumira sa iisang bubong na ito lang ang kasama?
At paano pa niya maisasagawa ang una niyang pakay sa pagsama rito kung ginugulo ng presensiya nito ang isip niya?

3. PHR 3769 You Belong To Me by Lucy Gordon (translated by Jade Alleje)


Pakiramdam ni Mandy ay kulang siya ng adventure sa buhay kaya pumunta siya sa Alps para mag-mountain climbing. Subalit hindi pa man nagsisimula ang adventure niya ay binulabog na siya ng isang misteryosong lalaking basta na lang sumampa sa balkonahe niya. Tinatakasan kasi nito ang pulis at ang asawa ng babaeng naka-date nito.
Natagpuan na lang niya ang sarili niya na nagpapanggap na asawa nito. At bilang ganti sa kabutihang-palad niya ay nakita nito ang hubad na katawan niya sa nakabukang robe niya.
Only to find out the next morning that he was Renzo Rufino, her expedition leader. Hindi niya alam kung ano ang pakay nito sa buhay niya—ang sirain ang masayang adventure niya, o ang tunawin ang puso niya?

4. PHR 3770 The Mélendez Forgotten Marriage by Melanie Milburne (translated by Jade Alleje)


Nagising si Emelia sa ospital na hindi niya naaalala ang dalawang taong nangyari sa buhay niya. Nagulat siya nang isang guwapong lalaki na nagngangalang “Javier Mélendez” ang nagpakilalang asawa niya.
Hindi niya ito maalala. Hindi rin niya makilala ang sarili niya. Lahat ng bagay sa paligid niya ay nagsasabing iba ang Emelia na pinakasalan ni Javier sa pagkakakilala niya sa kanyang sarili. Sinasabi ng lahat na gold digger at mababaw siyang babae. Na pera lang ang minahal niya kay Javier; na nang maaksidente siya ay iniwan niya ito at sumama siya sa ibang lalaki.
Subalit bakit iba ang sinasabi ng puso niya? Sinasabi niyon na mahal niya si Javier kahit hindi niya maalala kung mahal nga niya ito. Pero kaya pa ba siyang mahalin nito gayong namumuhi ito sa kanya?

5. PHR 3772 Love Me Again: Love And Revenge by Heart Yngrid



Hindi matanggap ni Coleen ang hindi pagsipot ng kanyang groom sa kanilang kasal. At iyon ay dahil kay Paula, ang mortal enemy niya since college. Hindi siya makapapayag na maagaw nito nang tuluyan ang lalaking pinakamamahal niya.
Sa paghahanap ng solusyon upang makuha niya pabalik si Bernard ay muling nagkrus ang mga landas nila ni JP, ang dahilan kung bakit galit na galit sa kanya si Paula. Patay na patay rito si Paula noon ngunit inakit niya si JP upang siya ang ligawan nito.
Tutal ay si JP ang dahilan kung bakit ginawa sa kanya ni Paula iyon, naisip niyang si JP din marahil ang solusyon upang tumigil na si Paula sa pagganti sa kanya.
Inalok niya ng malaking halaga si JP upang akitin si Paula at agawin ito kay Bernard nang sa gayon ay bumalik na sa kanya ang dating fiancé niya. Pumayag naman itong tulungan siya.
Habang isinasagawa nito ang kanilang plano ay napansin niyang siya yata ang mauunang maaakit dito. Hanggang sa na-realize na lang niya na ayaw na niyang agawin pabalik si Bernard at ayaw na niyang magkatuluyan sina JP at Paula.
She wanted JP for herself. Ngunit mukhang hindi na nito kayang mahalin siya uli…
Back to top Go down
 

March 23, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 ::  :: -