HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  
Share | 
 

 March 16, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts: 684
Age: 26
Location: Quezon City
Registration date: 2007-12-19

PostSubject: March 16, 2010 Book Release   Tue Mar 15, 2011 10:04 am

1. PHR 3755 Ako Na Lang Sana by Camilla


Noon pa man ay may pagtatangi na si Cactus kay Leo, ang pamangkin ng stepfather niya. Nang mamatay ang matanda, pinamanahan nito si Leo—sa kondisyon na kailangang magkaasawa na ito bago ito tumuntong sa edad na treinta. Dahil doon, nagkumahog sa pagdiskarte sa mga babae ang binata.
Pero lahat iyon ay hinaharang ni Cactus. Ayaw niyang sa ibang babae mapunta si Leo. At mukhang sinusuwerte naman siya sa kabila ng mga kalokohan niya. Bigla siyang inalok nito ng kasal dahil nauubos na ang panahon nito sa paghahanap ng mapapangasawa.
Kaso, paano kapag nabuko nito ang mga pinaggagawa niya?

2. PHR 3758 One Magical Night by Mei Sanchez


Sa maikling panahon na nakasama ni Rouithes si Rick ay nahulog ang loob niya rito. Ngunit nakatakda na siyang ikasal sa lalaking ipinagkasundo sa kanya ng lolo niya. Kaya sa araw ng kasal niya ay nagpasya siyang sundin ang kanyang puso—hindi siya sumipot sa kasal. Sa halip ay pinuntahan niya si Rick sa tagpuan nila. Subalit hindi siya sinipot nito roon.
Pagkalipas ng isang taon ay muli silang nagkita. Sa pagkakataong iyon ay mas malamig pa kaysa sa yelo ang pakikitungo nito sa kanya.
Paano niya mapapanumbalik ang dating mainit na pagmamahal nito sa kanya kung ang akala nito ay ikinasal na siya sa iba?

3. PHR 3762 Temporary Happiness by Laurice del Rio


Nagpapagaling ng kanyang sugatang puso si Maja nang makilala niya ang mag-amang Ivan at Angie. Agad na napalapit sa kanya ang kalooban ng batang babae pagkatapos niyang iligtas ito mula sa pagkakalunod. Siya man ay ganoon din dito.
Laking gulat niya nang may ipakiusap sa kanya ang ama nito: puwede raw ba siyang maging temporary mommy ng anak nito?
Tumanggi siya. Pero naisip din niya, sa halip na nagmumukmok siya, mas mabuting pasayahin na lang niya ang isang munting anghel na nalalapit na ang paglisan sa mundo.
Ang hindi niya inasahan ay ang kaligayahang nadama niya nang maging bahagi siya ng buhay ng mga ito. Hanggang sa dumating ang puntong inasam na niyang maging permanente sa buhay ng mga ito, lalo na kay Ivan na natutuhan na niyang ibigin. That was when she realized her heart was in trouble.
Hanggang isang araw ay dumating ang kinatatakutan niya: kailangan na niyang umalis sa buhay ng mga ito.

4. PHR 3764 At Last, A Love To Last by Maricar Dizon


Hindi inakala ni Gemma na magkakaroon ng katugon ang pagmamahal niya para kay Carlo. Ngunit kailangan nilang ilihim ang kanilang relasyon dahil alam nilang marami ang hahadlang. Ngunit pagkatapos ng isang gabing pagpapadala nila sa damdamin nila ay nabisto sila ng mga taong pinaglilihiman nila. She was forced to leave his house and his life. Umalis siyang ang tanging dala ay ang buhay na alaala ni Carlo.
Darating kaya ang araw na magiging malaya silang mahalin ang isa’t isa?

5. PHR 3765 Midnight Kiss by Camilla


Mula sa bahay-ampunan, tumira si Katrina sa mansiyon ng pamilya ni Kristina at itinuring siya nito na parang tunay na kapatid.
Pero dumating ang isang malaking pagsubok sa buhay niya nang pareho silang umibig sa iisang lalaki—kay Lucho.
Kaya ba niyang magparaya?

Back to top Go down
 

March 16, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

 Similar topics

-
» March Madness
» 2nd March 2012
» March, 3025
» Ranking Tournament for March 2014
» ORCS Special Edition (March 6, 2012)

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 ::  :: -