HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 March 9, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: March 9, 2010 Book Release   Tue Mar 08, 2011 6:51 pm

1. PHR 3747 In Your Loving Arms by Laurice del Rio


Nagpunta si Cielo sa Isla Fortuna para manguha ng larawan ng mga agila para sa isang coffee table book. Ang pagkakaalam niya ay walang ibang nakatira sa pribadong isla. Kaya laking gulat at takot niya nang isang gabi ay nagising siyang may lalaking nakatunghay sa kanya. Parang mahihimatay siya sa takot nang makilala ito. Ang lalaki ay asawa ng babaeng diumano ay namatay sa isla at ang lalaki ang pinaghihinalaang pumatay sa asawa nito!
Kahit ano ang sabihin niya ay ayaw nitong maniwala na ang tanging pakay niya sa pagpunta sa isla ay upang manguha ng mga larawan. Ayaw rin naman siya nitong payagang umalis.
Sa paglipas ng mga araw na kasama niya ito ay unti-unti siyang nagduda kung totoo nga ba talaga ang tsismis na ito ang pumatay sa asawa nito. Pinagdudahan din niya ang katinuan niya dahil parang may kakaiba siyang nadarama para dito. Giit naman ng matinong bahagi ng isip niya, sabihin nang hindi totoong pinatay nito ang asawa nito, sandamukal pa rin ang issues nito sa buhay. He was definitely not the kind of guy she would want to fall in love with.
Pero paano niya pipigilan iyon gayong sa bawat araw na lumilipas ay nadarama niyang lalong nahuhulog ang loob niya rito?

2. PHR 3748 Switch by Gypsy Esguerra


The first time Laila saw Vernon, she instantly liked him. Gusto niyang mapalapit dito kaya naman lagi niyang pinupuntahan ito. At maging ang mga kaibigan niya na kakilala rin nito ay hiningan niya ng tulong para lang makipaglapit dito. Wala rin siyang pakialam kung may ibang babae na nauugnay rito. All she wanted was to be with him.
On the other hand, the moment Vernon saw Laila, he was pissed off. Bukod sa istorbo na nga ito sa kung anumang ginagawa niya ay hindi rin maganda ang ibinibigay nitong impresyon sa kanya. At kahit sinabi na niya rito na hindi siya interesado ay patuloy pa rin ito sa pagsunud-sunod sa kanya. Nothing described her best but the word “dog.”
Kaya paano magkakaroon ng happy ending ang love story nila?

3. PHR 3749 Tutor For Lenius by Wilhelmina


Buong buhay ni Cana ay ninais niyang mapantayan ang best friend niyang si Raya. Perpekto at hindi nagkakamali, ganoon ang tingin niya rito. Kaya nga ginagawa niya ang lahat para maging katulad nito.
Until Lenius told her to stop trying to be somebody else and just be herself. Sinunod niya ang payo nito. Sinubukan niyang maging totoo sa kanyang sarili. Nagawa naman niya iyon sa tulong na rin nito.
But when she realized she was in love with him, saka niya nalaman na mali pala ang impresyon nito sa kanya.
Para ano pa at tinuruan siya nitong maging totoo sa sarili niya kung hindi naman siya nakikita nito bilang siya?

4. PHR 3750 Love Me Again: Battle Of Love by Heart Yngrid


Megan thought she and Dylan were meant for each other. Pero nagkahiwalay sila na galit na galit sa isa’t isa. Pagkalipas ng isang taon ay muling nagkrus ang mga landas nila sa isang resort sa Bohol. As a private investigator, she was assigned an undercover job. Nagpanggap siya bilang chambermaid upang matyagan ang kanyang subject na naka-check in doon. Nagulat na lang siya nang makita niya roon si Dylan, na nasa isang special business trip naman.
Sariwa pa rin ang galit niya rito at gayundin ito sa kanya. Sumiklab ang away sa pagitan nila. They both tried to mess up each other’s job. They both wanted to exact revenge.
She was determined to ruin him, ngunit bigla siyang nagpreno nang mapagtanto niya ang isang bagay: nahuhulog uli ang loob niya rito.
Was it possible to hate and love a person at the same time?

5. PHR 3751 Tubig At Langis by Camilla


Mortal na magkaaway ang mga pamilya nina Yedda at Lamont. Itinuturing na malaking kasalanan ang makipaglapit o makipagngitian man lang sa sinumang miyembro ng bawat pamilya. Ngunit sadyang mapagbiro ang kapalaran. Umibig sa isa’t isa sina Yedda at Lamont. Inilihim nila ang kanilang relasyon. Batid ni Yedda na makakayanan nila ang lahat basta nagmamahalan sila ng binata.
Ngunit sa paglipas ng mga araw, natuklasan nilang mahirap din pala na palagi na lang patago ang pagtatagpo nila. May solusyong naisip si Lamont—ang magpakasal sila.
Pero paano kung sa halip na magkaayos ang kanilang mga pamilya ay lalo pang mapalala ng pagpapakasal nila ang sigalot sa pagitan ng kanilang mga pamilya? Sapat na ba ang pag-ibig nila sa isa’t isa upang malagpasan ang mga pagsubok?

6. PHR 3752 Second Best by Angel Bautista


Buong buhay ni Jasmine, pakiramdam niya ay natatakpan siya ng anino ng kanyang panganay na kapatid. Her older sister Jessica was beautiful, intelligent, and perfect. Masyado niyang mahal ito para magselos siya rito. Kung magiging runner-up lang din siya, wala siyang angal kung sa ate niya siya runner-up. Maliban na lamang sa kaisa-isang bagay—sa pagmamahal ni Milton Esguerra, best friend nito at first and only love niya.
After five years of being away, Milton came back for her sister. He was too late, though. Ikakasal na kasi ang ate niya.
Siya ang napagbalingan ni Milton. Papayag ba siyang maging panakip-butas?

Back to top Go down
 
March 9, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Berlin Photocall / Premiere - The Bounty Hunter March 29, 2010
» Dick Giordano, July 20th 1932-March 27th 2010
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» JJ - Gerard Butler Covers 'Architectural Digest' May 2010

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: