HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 March 2, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: March 2, 2011 Book Release   Tue Mar 01, 2011 8:01 pm

1. PHR 3740 Raffaele: Charming His Beautiful Bride by Sandra Marton (translated by Armine Rhea Mendoza)



Sa utos ng kanyang ama ay napilitan si Rafe na magtungo sa isang malayong bayan para hanapin ang isang tao—si Don Fredo Cordiano. Sa daan pa lang ay sinalubong na siya ng kamalasan. Hinarang siya at inatake ng dalawang bandido—isang matandang lalaki at isang binatilyo.
Akalain ba niya na ang binatilyong bandidong iyon ay isa palang dalaga? At sa kamalas-malasan ay iyon ang babaeng ipinipilit ng papa niya na ipakasal sa kanya—ang unica hija ni Don Fredo na si Chiara.
Sa kabila ng pagtanggi niyang sundin ang kasunduan ng papa niya at ni Don Fredo, natagpuan niya ang sarili na nagpapaka-“knight in shining armor” kay Chiara. Kaysa sa tauhan ng ama nito na isang hoodlum mapunta ang manang na dalaga, pinili niyang isalba ito at gawing asawa niya…

2. PHR 3741 Jihan’s Price To Pay by Kyra Gray



“Be ready to fall for me,” deklara ni Cyrus kay Jihan.
And fall for him she did.
Sinong babae ba ang hindi mahuhulog dito? Si Cyrus na yata ang pinapangarap niyang lalaki: matangkad, guwapo, matalino, at account executive ng isang malaking kompanya. Ang binata ang kumompleto sa akala niya ay perpekto nang buhay niya.
Pero hindi niya akalaing ito rin pala ang sisira niyon. Napag-alaman niyang nagtatago pala ito sa isang pagkukunwari, sa ibang katauhan. Ginamit lang pala siya nitong instrumento upang makapaghiganti ito sa isang taong malapit at mahal sa kanya.
She felt hurt and betrayed. Ngunit sa kabila niyon, ito pa rin ang patuloy na isinisigaw ng kanyang puso…

3. PHR 3742 A Disguised Form Of Love by Misty Danes


Daffodil decided to spend the rest of her life with her mom. Takot siyang masaktan at maiwan tulad ng ginawa ng kanyang papa sa kanila ng kanyang mama. Kaya mula noon ay nangako siya na hinding-hindi siya magmamahal o magtitiwala sa mga lalaki. Galit siya sa mga lalaki, lalo na sa kababata niyang si Travis, ang half Korean na kapitbahay at buwisit sa buhay niya.
Sinabihan niya itong tigilan na siya sa pangungulit… And so he did. Okay na sana. Tahimik na ang buhay niya. Ngunit bakit pakiramdam niya ay may kulang? Lagi niya itong iniisip. Nami-miss lang ba niya ang kakulitan nito? O napalambot na nito ang matigas niyang puso?

4. PHR 3743 One Night, One True Love by Aloha Jade


Kasalukuyang nagluluksa ang puso ni Lilac sa pagkamatay ng boyfriend niya. Sugatan ang puso at nasawi sa mga pangarap, natagpuan niya ang sarili na ibinibigay ang pinakamahalagang bahagi ng pagkatao niya sa isang estranghero—kay Luke. Nagbunga ang isang gabi ng isang responsibilidad na hindi nila maaaring takasang dalawa.
May paraan pa kaya para pag-isahin ang dalawang pusong magkaiba?

5. PHR 3744 The Lost Princes Trilogy 2: My Prince Not So Charming by Dream Grace


Lahat ng kakilala ni Larisse ay nasisindak sa bagong anyo ni Sevien, ang dating pinakaguwapong lalaki sa Zegovna. Pero hindi siya. Ang tanging nakikita ng kanyang puso ay ang parehong lalaking inibig niya noon.
Nagbalik si Sevien—ang prinsipeng inakala ng lahat na matagal nang patay—pagkaraan ng maraming taon. Tumakas ito ng bansa noon pagkatapos akusahang isang traidor. Ngayon ay bumalik ito sa kanilang bansa upang linisin ang pangalan nito at hanapin ang mga totoong nagtraidor sa lipunan.
Ngunit napakalaki ng ipinagbago nito. Sa kabila niyon ay hindi nagbago ang damdamin ni Larisse para dito, kahit ito na mismo ang nagsabi sa kanya na hindi na niya dapat pagkatiwalaan ito.
Subalit paano kung matuklasan niyang mali siya sa pagtitiwalang ibinigay niya rito? Muli ba siyang magluluksa kapag nawala na naman ito sa kanya?

6. PHR 3745 Kunwari Tayo Na by Mandie Lee


Ang unang adjective na natutuhan ni Toni na pang-describe kay Sly ay “antipatiko.” At kung hindi ba naman siya minamalas, ito pa ang naging first kiss niya! At ang mga nanay nila, panay ang pagma-matchmake sa kanila ni Sly. Nais kasi ng mga ito na sila ang magkatuluyan ni Sly.
Para tantanan na sila ng dalawang Cupid wannabes, nagkunwari sila ni Sly na nagkaka- gustuhan at sa huli ay mag-i-stage na lang sila ng dramatic breakup.
Everything went according to plan until playful Cupid joined forces with the wannabes. Pinana nito ang puso niya. Bull’s-eye.

7. PHR 3746 Love Me Again: Scheming Hearts by Heart Yngrid


Naalarma si Althea nang malaman niyang may lalaking nanliligaw sa kanyang mommy. Ayaw niyang magkaroon ito ng nobyo dahil umaasa siyang magkakabalikan pa ito at ang kanyang daddy. Naisip niyang isabotahe ang panliligaw ng lalaki. Pero hindi effective ang scheme niya kaya naisip niyang hingin ang tulong ni Warren, ang anak ng lalaking nanliligaw sa mommy niya.
Mayroon silang hindi magandang nakaraan ni Warren kaya hindi madali para sa kanya ang makasama ito at maging kasapakat sa kanyang plano. Lalo na at hindi niya nagustuhan ang scheme na naisip nito: magpapanggap silang lovers para mapilitan ang mga magulang nila na maghiwalay.
Maybe it was a good plan. Kung hindi lang sana bumalik ang espesyal na damdamin niya para dito noon. Mukhang nag-backfire sa kanya ang schemes niya. Ngunit hindi pa roon natapos ang problema niya. Warren’s ex was coming back. Natagpuan na lamang niya ang sariling nakikipagtunggali rito sa atensiyon ni Warren, using their posing scheme to cover up her real feelings for him.
Back to top Go down
 
March 2, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» Gerry Leaving Teddy's in LA - March 8, 2011
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» Submission themes due March 9th, 2011
» My Genex Deck ( First Deck ) ^^

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: