HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 February 23, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: February 23, 2011 Book Release   Tue Feb 22, 2011 7:58 pm

1. PHR 3734 At Your Service by Camilla


Naiirita na si Tuesday sa pang-ookray sa kanya ng mga kamag-anak niya dahil wala siyang maiprisintang boyfriend na maipagmamalaki niya sa mga ito. Kaya nang makilala niya si Fergus Morris, kinausap niya itong umaktong nobyo niya kapalit ng pagtulong niya sa bahay-ampunang itinatag ng yumaong asawa nito.
No strings attached and a strictly business arrangement—iyon ang napagkasunduan nila.
Ang problema, natagpuan niya ang sariling nahuhulog ang loob dito...

2. PHR 3735 Like Soldiers Fading by Camilla


Jenna fell madly in love with Piers, pero pinagsupladuhan siya nito at kinainisan. Kaya naman nagulat siya nang bigla ring nagpakita ng interes sa kanya ang binata nang magpakita sa kanya ng interes ang best friend nitong si Martin. Pero nang marinig niya mula kay Martin na gusto lang gumanti ni Piers dito sa pamamagitan niya dahil sa pakikipag-one-night stand nito sa dating girlfriend ni Piers ay agad siyang naniwala. Lumayo siya sa lalaking minamahal.
They met again thirteen years later. Natanto niya na walang nabago sa epekto nito sa kanya. Mahal pa rin niya ito. Ngunit bumalik ito sa dating Piers na aloof at suplado. Worse, engaged to be married na ito.

3. PHR 3736 Katrina’s Number One Fan by Belle Feliz



Hindi makapaniwala si Katrina nang muli niyang makita si Harvy pagkatapos ng maraming taon. Oo at madalas niyang naiisip kung kailan at kung paano sila muling magkikita, ngunit hindi niya inakalang magkakasama sila sa trabaho.
He was her high school sweetheart—her first love and first heartache. Ang akala niyang nalimot n­a niyang nakaraan ay muling nanariwa. Hindi lamang kilig at saya ang nanariwa kundi pati ang pait at sakit na idinulot nito sa kanya.
She knew she was being silly. Napakatagal na mula nang mangyari ang nakaraan. Hindi na dapat bumibilis ang tibok ng puso niya tuwing malapit ito sa kanya.
She couldn’t fall in love with him again. She couldn’t risk her heart again.
Ngunit mapipigil pa ba niya ang puso niya na mahalin uli ito kung iyon naman talaga ang nakatakdang mangyari?

4. PHR 3737 Love Chase by Dawn Igloria


Dahil sa lumang love letter na hindi nai-deliver sa recipient ng karterong lolo ni Abilene, naramdaman niyang obligasyon niyang iparating iyon sa kinauukulan. Namayapa na ang kanyang lolo at nasa mga kamay niya ang pagkakataon para gawin ang nararapat.
Natunton at nakilala niya si Tito Gideon, ang lalaking pagkalipas ng labinlimang taon ay umaasa pa rin na makikita ang babaeng pinakamamahal nito. Tinulungan niya itong matunton si Floradel, ang nagpadala ng liham, sa matinding pagtutol naman ng pamangkin nitong si Lyndon. Minasama nito ang pagtulong niya sa tiyuhin nito. Kaya naman lagi na lang silang nagbabanggaan tuwing ipinagta- tanggol niya rito ang obligasyong moral niya kay Tito Gideon.
Somewhere along the way, may mali yatang nangyari. Dahil imbes na mahanap nila ang nawawalang pag-ibig ng ginoo ay unti- unting nahulog ang loob niya sa kontrapelong pamangkin nito.
Sa katuwaan niya, tila nagpapa-cute ito sa kanya. Mukhang magkakaroon din siya ng sarili niyang love story.
Pero bumagsak ang pag-asa niya nang makilala niya si Erika, ang magiging “conflict” sa love story nila ni Lyndon…

5. PHR 3739 Upstaging Dylan by Dawn Igloria


Mahilig si Melai sa mga guwapo. Iisang guwapo lang ang hindi niya kahihiligan—si Dylan, ang stepbrother niyang kontrapelo. Lahat na lang yata ng kamalasan sa buhay ay inabot niya dahil dito. She could swear na ang dahilan ng pagdami ng pileges sa noo niya ay ito.
But lately, hindi na siya gaanong nababaliw sa mga ka- weird-an nito. Nagtataka siya sa kanyang sarili dahil medyo kinaaaliwan na niya ito at parang mas buhay na buhay ang pakiramdam niya kapag kaargumento niya ito.
Nasagot ang pagtataka niya nang minsang si Dylan naman ang napikon sa asaran nila at hinalikan siya nito. Hindi siya makapaniwala na ang pakiramdam na matagal na niyang hinahanap sa mga prospective boyfriend niya ay dito lang pala niya matatagpuan.
Ngunit hindi pa man nangyayaring maging sila ni Dylan ay kumontra na roon ang mommy niya. Nalaman pa niya na girlfriend pala nito ang business partner nito. Ang pinakamatindi sa lahat ay ang natuklasan niyang ulterior motive ni Dylan kung bakit pinaibig siya nito.

6. Bud Brothers Unlimited Series 16: The Bloomer Bandits (Chuck) by Rose Tan


Kay Encar ipinamana ni Lolo Imon ang recipe ng pinakamasarap na buko pie. Iyon daw ang magbibigay sa kanya ng suwerte. Totoo siguro iyon dahil sa pamamagitan ng naturang buko pie ay nakilala niya si Chuck na handang ibayad pati puri nito mapasakamay lang nito ang recipe.
“I’m yours hanggang kailan mo gusto,” sabi nito.
Nanghihinayang man, tinanggihan niya ang alindog nito. Bukod kasi sa mama’s boy ito, gusto lang nito ng girlfriend pero ayaw mag-asawa.
“Gusto ko ng masayang pamilya at gusto ko ng maraming anak,” sabi niya rito.
“Ngee!” ang reaksiyon nito.




Back to top Go down
 
February 23, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» February 2011 Fleamarket & Charity Shop finds
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: