HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 February 16, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: February 16, 2011 Book Release   Tue Feb 15, 2011 4:15 pm

1. PHR 3728 I Love You, Stranger by Camilla


Masakit kay Lilac ang pagkamatay ng kanyang ina. Hindi niya matanggap iyon at ang pag-inom ng alak ang napagbuntunan niya. Dulot niyon ay naipagkaloob niya ang sarili sa isang estrangherong si Cristoff—at nagbunga iyon. Ngayon ay kailangan niyang humingi ng tulong dito na panagutan iyon kahit kunwari lamang. Ayaw kasi niyang malagay sa alanganin ang kandidatura ng kanyang ama sa nalalapit na eleksiyon.
Napapayag niya si Cristoff sa gusto niyang mangyari. Pinakasalan siya nito at wala siyang masabi sa pag-aalaga nito sa kanya. Kung sasabihin lang nitong mahal siya nito ay magtatapat na rin siya ng kanyang damdamin. Wala na siyang mahihiling pa kung mahal nga siya nito.
Ngunit hindi niya inaasahan ang pagsulpot ng isang malaking hadlang para malubos ang kaligayahan niya…

2. PHR 3729 Heart Match by Leanne Banks (translated by Jade Alleje)


Para itaboy ang mga lalaking inirereto sa kanya ng kanyang ama, sa tuwina ay nagpapanggap si Tara na isang pangit at baduy na babae. Subalit hindi umepekto iyon sa bagong lalaking inirereto sa kanya. Masyadong matalino si Dr. Nicholas Delgado para malinlang niya. At gaya niya, gusto rin nitong itaboy ang mga babaeng inirereto rito ng mama nito.
Nagkasundo silang magpanggap na magkasintahan para tigilan na sila ng kanya-kanyang magulang at hindi na sila ireto pa sa kung sinong tao. Sa ganoong paraan ay magagawa na nilang tuparin ang kanya-kanyang pangarap.
Subalit ang simpleng pagpapanggap ay hindi inakala ni Tara na mauuwi sa pag-ibig. Pero sa parte lamang niya…

3. PHR 3730 Paano Kung Mahal Na Kita? by Laurice del Rio


Noon pa mang mga bata sila, naiinggit na si Camz sa half sister niyang si Steph dahil narito na ang lahat. Higit pa niyang kinainggitan ito nang malaman niya na ito ang gusto ng lalaking sa unang pagkakita pa lang niya ay nagpatibok na ng puso niya—si Wax. Kaya tinanggap na niya sa sarili na hanggang sa pangarap na lang siya mamahalin ng binata.
Ngunit isang araw ay tila biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Nagsimulang magpakita ng interes sa kanya si Wax. He became impossible to ignore. At ang puso niya na dati nang may lihim na pagtingin dito ay hindi napigilang lalo pang malulong dito.
But just when she thought he was already feeling the same way towards her, she discovered a painful truth that shattered her heart into pieces…

4. PHR 3731 One Wish by Liv Taylor


“Angela” ang pangalang ibinigay sa kanya ni Marcus—ang lalaking kumupkop sa kanya sa rancho nito nang maaksidente siya at mawalan ng alaala. Lubos na ipinagpapasalamat niya iyon.
Misteryoso para sa kanya si Marcus dahil puno ng lungkot ang mga mata nito. Hindi rin niya maintindihan kung bakit tila iwas na iwas ito sa kanya. Pero hindi maikakaila ang atraksiyon sa pagitan nila. Ganoon na lang kung kumabog ang puso niya tuwing nasa malapit ito.
Gusto niyang mahalin ito, ngunit natatakot siyang bigyang-laya ang damdamin niya. Paano kapag bumalik ang alaala niya at matuklasan niyang hindi pala siya karapat-dapat dito?

5. PHR 3732 Reasons by Camilla


Si Matthias ang lalaking tumanggap kay Reida nang buong puso kahit alam nito na wala siyang kakayahang bigyan ito ng anak.
Nang magpakasal sila, saka niya natuklasan na may anak pala ito sa ex-girlfriend nito. Alam niya kung gaano kasabik si Matthias sa anak. Nang umatake ang insecurity niya, ora-orada ang naging pasya niya.
Hindi niya naisip na tila naging unfair siya sa asawa. Dahil sa katigasan ng ulo niya at ayaw niyang makinig sa rason ng iba, nakatakdang mawala ito sa kanya…

6. PHR 3733 Sandcastle And Stars by Aloha Jade



“Pollyanna” ang character ni Xaris dahil sa optimistic na pananaw niya sa buhay at sa pag-ibig. Maging sa paghihintay sa lalaking mamahalin ay positibo rin siya. Kaya naman nang makilala niya si Jared—ang lalaking puno ng lungkot ang mga mata—ay ipinangako niya sa sarili na siya ang papawi sa lungkot nito.
But Jared rejected her, not just once but many times. Pero hindi siya sumuko, lalo pa at tumitindi na ang damdamin niya para dito.
Ngunit nang unti-unti na siyang nagtatagumpay sa kanyang plano ay siya naman ang nalungkot. Hindi kasi niya kailanman kayang higitan ang pag-ibig nito sa dating nobya.

7. PHR 3738 Mana Po by Rose Tan


Hindi makapaniwala si Brandi na ipinamana ng kanyang papa kay Milosebio—ang puppy love niya na iniwan niya sa Caballero noong bigla silang yumaman—ang mga kayamanan nila. Malaki ang kasalanan niya noon kay Milosebio kaya hanggang maaari ay ayaw na sana niyang makita ito. Pero kailangang makaharap at makausap niya ito kaya napilitan siyang bumalik sa kanilang bayan.
Nang magkita sila ay parusa agad ang inabot niya rito. Kasabay niyon ay natuklasan nila na ang kayamanang tinamasa niya sa loob ng matagal na panahon ay ninakaw lang pala ng kanyang papa sa ama ni Milosebio. Dahil doon ay lalong lumala ang galit nito sa kanya.
Hindi raw siya mapapatawad nito kahit araw-araw pa niyang ipaglaba ito ng mga underwear.

8. Kristine Series 54: The Bodyguards: Tennessee by Martha Cecilia


Nagkamalay si Genevie sa isang ospital, without any memory. Pagkatapos ng reconstructive surgery, natambad sa kanya ang pinakamagandang mukhang papangarapin ng sino man. She was Jillian Nuevo, stepdaughter of a multimillionaire, who was missing. She had an ex-husband, the gorgeous Tennessee Hernandez, an ex-SEAL, at may dalawang anak sila. She had a perfect family if only she could remember any of them­—and if she survived the attempts to kill her. At kaya ba siyang protektahan ni Tennessee gayong ayon dito ay isa siyang masamang asawa at walang-kuwentang ina?


Back to top Go down
 
February 16, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» February 2011 Fleamarket & Charity Shop finds
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: