HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 February 9, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: February 9, 2011 Book Release   Tue Feb 08, 2011 7:07 pm

1. PHR 3719 Campus Girl: Rikki, The Racket Queen by Heart Yngrid



Kung mayroon mang dapat putungan ng korona sa dami ng racket, si Rikki na ang tatanghaling reyna. Open siya sa kahit anong malinis na mapagkakakitaan para ipantustos sa pag-aaral niya. Kaya nang may lumapit sa kanya para pagawain siya ng kakaibang uri ng task, tinanggap niya iyon. Ang kanyang misyon: alamin ang sekreto ng pagkatao ni Ryu Jimenez, ang pinakamailap at pinakamisteryoso na yatang estudyante sa SCU. At para matupad niya ang kanyang misyon, kailangan niyang pasukin ang mundo nito at alamin ang misteryong itinatago ng pagkatao nito.And because resourcefulness and persistence were two of her greatest virtues, nagtagumpay siyang mapasok ang mundo nito. Iyon nga lang, may nanganib nang gawin niya iyon.
Ang kanyang puso.

2. PHR 3720 When You Love Somebody by Amanda


Hindi inakala ni Nikki na ang lalaking nakaaway niya sa ukay-ukay ay siya mismong magiging boss niya. Kaya naman nang magkaharap uli sila ni Sonny ay inisip niyang huwag na lang tanggapin ang trabaho. Pero iginiit nito na kailangan ng Sunny Inn ang isang kagaya niya.
Needless to say, nakuha niya ang trabaho bilang manager ng inn na pag-aari ng pamilya ni Sonny. Inilatag nito sa kanya ang rules and regulations daw para malinaw. Ang pinakamahalaga sa rules nito ay bawal ma-in love ang employee sa employer nito. Kahit pa nga madaling mahalin ang isang guwapo, eligible, at mayamang lalaking katulad ni Sonny, sinabi niyang hindi mangyayari iyon. Never!
Pero paano kung ang guwapong boss niya mismo ang sumira sa mga itinakda nitong patakaran at paibigin siya?

3. PHR 3721 Drawn To You by Jacqueline Miranda


Kahit mayaman, simple lang ang nais ni Candelaria sa buhay at iyon ay hindi nabibili ng pera—peace of mind and happiness. Kaya nagpasya sila ng kanyang ina na lumayo pansamantala sa siyudad. Pero paano siya matatahimik kung lagi na lang nasa paligid niya ang makulit pero super-duper gorgeous na si Vergilio Rafael Oliviera? May gusto ito sa kanya. Tinanggihan niya ito dahil magugulo lang ang buhay niya.
Pero hindi niya kayang bale-walain ang sakit na nararamdaman niya kapag nasa piling ito ng ibang babae. Dahil kahit ayaw niya rito ay ayaw rin niyang mapunta ito sa iba.

4. PHR 3722 Fixing A Broken Heart by Maricar Dizon


Inatasan si Alexanne ng ate niya na maging tagapag-alaga ng pamangkin niya habang wala ito sa bansa at ang asawa nito. Pumayag siya dahil sa tingin niya ay kailangan din niya ng bakasyon. Ang hindi niya inasahan ay may makakasama pala siya sa bahay ng ate niya, si Dylan—ang kaibigan ng bayaw niya.
Wala sanang kaso sa kanya kung hindi lang ito ubod ng suplado. Ngunit ang sabi ng ate niya ay may dahilan daw kung bakit ganoon ito. It seemed like Dylan was on vacation to mend a broken heart. That made her curious.
Habang lumilipas ang mga araw ay napapalitan ng mas malalim na damdamin ang curiousity niya rito. Hindi lang iyon dahil sa taglay nitong napakagandang boses tuwing naririnig niya itong kumakanta, magandang pangangatawan, at napakagandang mga mata tuwing nakikita niya itong hindi suot ang salamin nito.
May mas malalalim pang dahilan kaya nahulog ang loob niya rito. Ngunit may malalim ding dahilan kung bakit hindi niya ito puwedeng mahalin…

5. PHR 3723 Fate’s Gift by Laurice del Rio



Sawa na si Annie na masawi sa pag-ibig. Kaya pagkatapos ng huling hindi magandang karanasan niya ay nagpasya siyang magbakasyon muna sa isang isla.
Wala na siyang balak umibig, kaya maliban sa pagtulong na mailigtas ang buhay ni Gordon—ang macho at katakam-takam na hombre na natagpuan niyang walang malay sa dalampasigan—ay handa siyang dead-ma-hin ito. Ang hindi niya inasahan ay ang naramdaman niya pagkatapos niyang matitigan ito.
Pero susupilin na niya ang damdaming iyon para hindi na yumabong. Makakalimutan din niya ito, tiyak niya.
Ngunit mukhang may ibang balak ang kapalaran sa kanila dahil nang pareho na silang nakaalis ng isla, pinagtagpo uli sila niyon. And what she was trying to avoid happened. She fell in love with Gordon. Ang kaso, kagaya ng ibang lalaking hinabul-habol niya, tila hindi mutual ang damdamin nila.
Magiging luhaan na naman ba siya?

6. PHR 3724 The Don’s Boys: Vito by Vanessa



Agatha was mad. Pitong taon ng kanyang buhay ang inilaan niya sa kanyang nobyong si Vito para lang sabihin nito sa kanyang hindi na raw niya ito napapasaya. Just like that, he left her.
Hindi siya ang tipo ng babaeng papayag na basta na lamang iiwan kaya gaganti siya. Ngunit bakit siya ang higit na nakokonsiyensiya sa kanyang pagganti?
She decided to let him go. But something happened that made her stay…

7. PHR 3725 Hesta: Ang Malas Sa Pag-ibig Na Apo Ni Lola Eva by Camilla


Dahil sa isang aksidenteng kinasangkutan ni Hesta at ng kanyang estranged twin sister, nalagay siya sa posisyon na sobrang pabor sa kanya. Napunta siya sa piling ng kaibigan ng kanyang kapatid—sa guwapong heart surgeon na si Dr. Peregrine Honor. Hindi niya sukat-akalain na ito rin pala ang lalaking inirereto sa kanya ng kinamumuhian niyang ama. Hindi niya ito sinipot noon sa supposed dinner date nila kaya ganoon na lang ang pagsisisi niya.
Pero kung kailan nagiging promising na ang mga bagay-bagay sa kanila ng binata, saka naman biglang pumasok sa eksena ang ex-fiancée nito. Well, hindi na siya dapat magtaka kung bokya na naman siya.
Talagang malas yata siya sa pag-ibig…

8. PHR 3726 Cinderella’s Shoe by Wilhelmina


Na-in love si Shaye sa isang ordinaryo pero guwapong lalaki—si Rave—at masayang-masaya siya sa piling nito. Ang problema, hindi pa ito nagtatapat sa kanya. Okay lang iyon sa kanya; nakahanda naman siyang maghintay.
Nang sa wakas ay sinabi nitong may importante itong sasabihin sa kanya, na-excite nang husto ang puso niya. Maaga siyang dumating sa tipanan nila. Dahil wala pa ito, naisipan niyang magsimba. Sa pagkainip ay nakipagkantahan siya sa mga bata na nasa loob ng simbahan. Kinuha pa niya ang ilang piyesa ng kanta na di-sinasadyang naiwan sa loob ng confession box.
Then a man came and thought she was a priest. Kilalang-kilala niya ang boses nito. Hindi siya maaaring magkamali, si Rave iyon! Bigla itong nagkumpisal sa kanya sa pag-aakalang alagad siya ng simbahan. At nalaman niya ang isang sekretong hindi niya inaasahang magpapabago sa buhay niya.

9. PHR 3727 The Don’s Boys: Pilario by Vanessa


Mitch was the muse of the Ex-girlfriends’ Club—she was the bombshell. Ang naturang club ay binubuo ng mga ex-girlfriend na nagnanais magkamit ng hustisya. Ang hustisyang hinahanap niya ay mula sa ex niya na si Pilario. She wanted revenge and she would get it! And no, she didn’t love him anymore. She needed to keep telling herself that because she was finding it harder to believe it every time.
Back to top Go down
 
February 9, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» February 2011 Fleamarket & Charity Shop finds
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: