HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 February 2, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: February 2, 2010 Book Release   Thu Feb 03, 2011 5:49 pm

1. PHR 3708 Stay With Me by Sheena Rose



PJ was Anette’s boyfriend, but not quite. Ang ama lang naman ni PJ ang may nais na magkaroon sila ng relasyon ng anak nito. Napilitan siyang pumayag dahil ayaw niyang biguin ang ama ni PJ na naging napakabuti sa kanya at sa pamilya niya at nakita naman niya sa mga mata ni PJ ang assurance na gagawa ito ng paraan para makatakas sila sa sitwasyong iyon.
Sigurado siya na wala siyang pagtingin kay PJ pero bakit daig pa niya ang isang ulirang asawa na matiyagang ipinagluluto ito ng mga paborito nitong pagkain kapag nasa bahay niya ito? Nami-miss din niya ito kapag hindi sila nagkikita. Sigurado rin siya na walang pagtingin sa kanya si PJ pero parang nag-e-enjoy yata itong masyado sa “relasyon” nila dahil hindi ito gumagawa ng paraan para “maghiwalay” sila. At nang magpaligaw siya sa iba, nagalit ito.
Could it be they had fallen in love with each other unknowingly in the course of their charade?

2. PHR 3709 No Other by Marione Ashley


A kiss on the cheek and a punch on the face. That was how Gail and Mico’s friendship started. Sa simpleng pagkikita at pagsasalpukan nila ay umusbong ang isang pagkakaibigang hindi nila inaasahan. Naging malapit sila sa isa’t isa. They protected each other and spent time together. Walang malisya ang pagkakaibigan nila dahil ang kuya nito ang gusto niya.
Pero isang umaga, nagising siyang si Mico na ang nakikita at hindi ang kuya nito. The fighter that she was, she started making a move. Nagpalakad siya sa kuya nito para lalo siyang mapalapit dito at para maturuan niya si Mico na mahalin siya.
She pretended she still liked Mico’s brother para makuha ang pagmamahal nito. Kung saan hahantong ang pagkukunwari niya—sa happy o sad ending—ay hindi niya alam.

3. PHR 3710 The Vintner’s Bride by Carol Grace (translated by Belle Ofalda)


Nakamana ng isang vineyard ang ulilang si Isabel. Ngunit pagdating niya sa Hacienda Monte Verde, ganoon na lang ang panlulumo niya nang makitang nasa state of mess iyon. Napakaraming dapat ayusin doon.
Dario offered to help her. It turned out that his family was the former owner of the land she inherited. Gusto nitong bilhin ang lupa sa kanya, ngunit tumanggi siya. Tinulungan na lang siya nito sa mga dapat niyang ayusin sa vineyard niya.
Habang nakakasama niya ito, unti-unting nahuhulog ang loob niya rito.
She knew they were just having a good time, a summer fling, no strings attached. Pero kahit alam niya ang rule na iyon, hindi pa rin niya napigilan ang sarili niyang ma-in love kay Dario.
Pero tila in love pa rin ito sa dating kasintahan nitong isang beauty queen na siyang dahilan kaya nawala sa pamilya nito ang lupang pag-aari na niya ngayon…

4. PHR 3711 The Lost Princes Trilogy 1: Somewhere, My Prince by Dream Grace


Ano pa ang mahihiling ng isang prinsesa sa lalaking iibigin niya? His name? His riches? His fame?
Pero wala sa mga iyon ang hinahanap niya. Dahil ang tanging nais ni Linneah ay ang pag-ibig ni Khalel Peregrine.
Subalit hindi naniniwala ang binata sa sinabi niyang isa siyang kidnap victim na maharlika mula sa isang maliit na kaharian sa Europa. Ang akala pa nga nito ay baliw siya at balak nitong dalhin siya sa mental hospital. Sa inis niya rito, pinanindigan na niya ang maling akala nito sa kanya. Pero dagli rin namang pinagsisihan niya iyon nang mahinuha niyang hindi nito mabigyang-laya ang nadarama nitong atraksiyon sa kanya dala ng maling pagkakakilala sa kanya.
Ang problema, lalong hindi siya maseseryoso nito kung matutuklasan nitong isa nga siyang tunay na maharlika. Dahil ano ang maaaring ibigay ng isang karaniwang mamamayan sa isang prinsesa?


5. PHR 3712 Dahil Mahal Kita by Millie Calleja


Nangako si Lui sa kanyang sarili na hindi siya makiki- pagrelasyon sa isang taong mahal niya dahil ayaw niyang masira ang buhay niya kapag iniwan siya nito. Ayaw niyang matulad sa kanyang ina na minahal nang labis-labis ang kanyang ama kaya hindi nito nakayanan ang depresyon nang iwan ito ng kanyang ama. Kaya naisip niyang makikipag-relasyon lamang siya sa isang lalaking hindi niya mahal pero kasundo niya para kontrolado niya ang kanyang emosyon.
Pero nagkrus ang mga landas nila ni Jaime. Guwapo at mayaman ito pero kilalang playboy.Pinakabog nito ang kanyang dibdib.Habang tumatagal ang pagsasama nila ay nararamdaman niyang unti-unting nahuhulog ang loob niya rito.
Hindi niya gusto ang mga nangyayari.Kailangan niyang pigilan ang nararamdaman niya para kay Jaime. Pero paano niya gagawin iyon ngayong napagtanto niyang madali lang palang sabihin iyon kaysa gawin?

6. PHR 3713 The Don’s Boys: Sancho by Vanessa



Nagtungo si Casey sa isang exclusive resort dahil ibig niyang magbakasyon upang makalimot sa kanyang artistang nobyo na ipinagpalit siya sa isang starlet. Malay ba niyang nasa mismong eksklusibong resort pala ang kanyang hunghang na nobyo? At kasama pa nito ang starlet nito!
Aalis na sana siya sapagkat natuklasan niyang kulang ang pondo niya para manatili sa resort ngunit nakita na siya ng ex niya at ng nobya nito. To the rescue ang chubby na front desk personnel, si Sancho. Pinatuloy siya nito sa isang silid, libre. Ito rin ang naging tagapakinig ng mga hinaing niya sa buhay. He was curing a broken heart, too. But one day, she wanted to be the cure for his broken heart because he had become hers.
Ang problema, parang hindi siya makita ni Sancho bilang babaeng ibig nitong makasama sa buhay. Ang sabi pa nito, siya ang unang babaeng kaibigan nito.

7. PHR 3714 Lumang Piso Para Sa Puso: Pisong Kembot by Vanessa


Walang ibang inasam si Kuching kundi ang makitang masaya ang kanyang ama. Kaya ganoon na lang ang tuwa niya nang sa wakas ay nakita niyang liligaya na rin ito.
Lalong nadagdagan ang kanyang saya nang makatagpo siya ng isang lalaking makapagpapaligaya sa kanya—si Adan. Hulog ito ng langit sa kanyang buhay.
Ngunit si Adan pala ay posibleng maging hadlang sa kaligayahan ng kanyang ama. Paano niya maaatim iyon?

8. PHR 3715 The Royall’s Pleasure by Dream Grace


Hindi pa man personal na nakikilala ni Kim si Royall ay marami na siyang naririnig tungkol dito. Kalahati yata ng female population ng kanilang opisina ay humaling na humaling sa kaguwapuhan nito. And she was no exception nang makaharap na niya ito.
Pero sino ba siya para pangarapin ang isang tulad nito?Napakaordinaryo niyang babae at mahiyain pa. Batid niyang pakikipagkaibigan lang ang pakay nito sa pakikipaglapit nito sa kanya. Isa pa, mabilis pa yata sa pagkurap ng mata ang pagpapalit nito ng nobya.
Kaso, anuman ang pigil niya, umusbong pa rin ang damdamin niya rito. Paano’y ngiti pa lang nito ay sumisirko na ang puso niya.

9. PHR 3716 Finding Love Unexpectedly by Dawn Igloria


May kasunduan si Malou at ang kaibigan niyang si Harry bago ito namatay na gagamitin niya ang sperm na inilagak nito sa sperm bank. Puwede niyang hindi sundin ang death wish nito kung makakahanap siya ng matinong boyfriend sa loob ng anim na buwan pagkawala nito. Ang kaso ay minamalas yata siya dahil mailap ang lalaking nakalaan sa kanya. Kaya tinupad na lang niya ang pangako sa kaibigan.
Walang problema roon. She desperately wanted a baby.
Ngunit bigla niyang nakilala si Odie. Pinatunayan nito sa kanya ang sarili. Ipinadama nito sa kanya ang pagmamahal na matagal nang naging mailap sa kanya. She was walking on cloud nine—isang bagay na hindi na niya inaasahang mangyayari pa sa kanya sa piling ng isang lalaki.
Pero kailangan na niyang ipagtapat dito ang lahat. Kung tatanggapin pa rin siya nito pagkatapos niyon ay ito lang ang makapagsasabi.

10. PHR 3717 My Lovely Star by Maricar Dizon


Patricia was Miss Goody Two-shoes—palaaral, palaging gustong mag-isa, at mahilig magbasa ng libro. Kaya hindi niya inakalang makukuha niya ang atensiyon ni George, the arrogant but probably the most handsome and famous guy in campus.
When he gave her a rose, she knew she had his heart for keeps.
But then she saw him kissing another girl. Sinira niyon ang pangarap niya para sa kanilang dalawa.
They were separated for a long time. At nang magkita uli sila, she was now Risha, the sex goddess of the modeling world at pinagpapantasyahan ng mga kalalakihan. Ito naman ay CEO na ng isang malaking kompanya na pag-aari ng pamilya nito.
Hindi nito nagustuhan ang pagbabago niya ng imahe na animo pag-aari siya nito. Naguguluhan siya sa inaakto nito. Could it be that he was still in love with her after all these years?

11. PHR 3718 One Special Love by Camilla


Hindi inaasahan ni Aretha na magkikita pa silang muli ng dating nakarelasyon na si Makis Recto. Binantaan na siya noon ni Ophelia na hindi na siya makakalapit pa rito kahit pa kailangang-kailangan niya ang tulong nito.
Ngunit tila kapalaran ang may gusto na muli silang magkita. At sa pagtatagpo nilang iyon, bumalik ang lahat ng damdamin niya para dito. Pero paano mabibigyan ng isa pang pagkakataon ang minsang pag-ibig kung may pananagutan na si Makis?

Back to top Go down
 
February 2, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» Company Magazine UK 2010
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: