HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 January 26, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: January 26, 2011 Book Release   Tue Jan 25, 2011 4:32 pm

1. PHR 3700 This I Promise You by Camilla


What Erich had with Chad was an open relationship. Okay sa kanila ang ganoong setup, hanggang sa inakala ni Chad na nahulog ang loob niya sa ibang lalaki. Hindi nito alam na ang pinagselosan nito ay anak ng taong umampon sa kanya.
Sasabihin na sana niya rito ang tunay na kuwento ng lalaking akala nito ay kinahuhumalingan niya ngunit hindi siya binigyan nito ng pagkakataon na magpaliwanag at nakipaghiwalay ito. Hanggang sa natuklasan niyang nagdadalang-tao siya at napilitan itong makipagbalikan sa kanya, vowing to make her life miserable para magantihan siya…

2. PHR 3701 Can’t Fight This Feeling by Black Rose


Disaster ang unang pagtatagpo nina Nicky at ng guwapong si Ren. Ilang beses na nakaengkuwentro ni Nicky ang lalaki sa loob ng iisang araw at tuwina’y nagkakairingan sila. At sa kamalas-malasan, nalaman niyang ito pala ang blind date na katatagpuin niya nang araw na iyon!
Kung hitsura ang pag-uusapan, talagang napakaguwapo nito. Kaya lang, saksakan naman ito ng sungit.
Nang maiwan sila sa isang isla, wala siyang choice kundi pakisamahan ito. Unti-unti, naintindihan niya kung bakit ganoon ito. Unti-unti rin ay may pinukaw itong damdamin sa puso niya. Pag-ibig na ba iyon?
Pero kaya bang tibagin ng pag-ibig niya ang isang nakaraang tila hindi nito malimut-limutan?

3. PHR 3702 Someone Like You by Angel Bautista


Five years ago, iniwan ni Via si Red para i-pursue ang kanyang theater career sa ibang bansa. She needed to focus at hindi niya kaya ang distraction ng isang karelasyon.
Ngayon ay nagbalik siya sa Pilipinas, sick and broken. Si Red ang muling sumalubong sa kanya para alagaan siya. Pero iba na ang sitwasyon nito. Natuklasan niyang hindi na siya ang nag-iisang babae sa buhay nito.
Dapat ay hindi siya nasasaktan dahil nang umalis siya, siya pa mismo ang nagsabi rito na maghanap ito ng ibang mamahalin, someone who deserved his love. And yet, ngayon ay gusto niyang makiusap dito na siya na lang uli ang mahalin nito…

4. PHR 3703 A Blue Rose For Meg by Aloha Jade


Unang nakita ni Meg si Ethan sa ospital na pinagtatrabahuhan niya bilang nurse. Kapatid kasi ng isa sa mga pasyente niya si Ethan. Ilang ulit na ininsulto siya nito at inakusahang nakikipag-flirt sa kapatid nito na ikinasama ng loob niya. But to her shock, he told her that he wanted her for himself!
She did everything to resist his advances. But she found herself dangerously falling hard for him…

5. PHR 3704 The Baby, The Money, And Us by Heart Yngrid


Eleven years nang magnobyo sina Irish at Brad. Irish’s only wish on their eleventh year together was to finally get a marriage proposal from him. But it did not happen. Sa halip ay naging hudyat iyon upang magdesisyon siyang hiwalayan na lamang ito.
Brad did not want marriage yet. Ang rason kung bakit alanganin itong magpakasal ay dahil ayaw nitong magkaanak. He did not like kids. He thought having a child would only complicate their relationship.
On the night of their bad breakup, kapwa nila nakita sa tambakan ng basura ang isang sanggol at isang bag na naglalaman ng napakalaking halaga ng pera. Iyon ang naging simula ng bagong yugto sa pagsasama nilang dalawa bilang magkasosyo sa pera… at sa bata!
Maging dahilan din kaya ang sanggol at pera upang magkabalikan sila? O lalo lamang palalalain ng mga iyon ang sitwasyon sa pagitan nila?

6. PHR 3705 While We Were Looking For Love by Dawn Igloria


Kung minsan, palabiro din ang kapalaran. Sa dinami-rami ng paraan para ma-meet ni Liezel ang Prince Charming material na si James, bakit naman kung kailan pa wala siyang ka-poise-poise habang nakatuwad sa isang supermarket? Tuloy, sa halip na compliment ang makuha niya mula rito, ito ang naging dialogue nito sa kanya: “Sana, next time na may aabutin ka sa ibaba at kailangan mong tumuwad, takpan mo ang likod mo. Kasi baka may katulad ko na makasilip ng medyo sumisilip din na kuyukot mo.”
Pero nang magkita uli sila ni James, bumawi sa kanya nang bonggang-bongga ang kapalaran. Nahumaling sa kanya ang napakaguwapo, napaka-sweet, at napaka-loving na si James. Every day with him was pure bliss. Hindi naging mahirap para sa kanya na mahalin din ito.
Pero “patikim na ligaya” lang yata ang kayang ibigay sa kanya ng kapalaran. Dahil sa huli, kailangan din nilang maghiwalay ng binata…

7. PHR 3706 Just Maybe You Love Me, Too by Rhiza Pauline


Nasaksihan ni Akisha ang pagtataksil ng kanyang nobyo. Sa labis na sama ng loob ay napagpasyahan niyang pumasok sa isang bar. Doon ay nakilala niya si Rodrigo na mala-Adonis ang kaguwapuhan.
Sa labis na kalasingan ay sumama siya rito at may nangyari sa kanila. Hiyang-hiya siya sa nangyari kaya nang makaalis siya sa bahay nito ay ipinanalangin niyang sana ay hindi na uli magkrus ang kanilang mga landas.
Ngunit tila may ibang plano ang tadhana para sa kanila. Ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang sa pagpasok niya sa kanyang bagong trabaho ay nakaharap niya si Rodrigo.
Ito pala ang bagong boss niya!

8. PHR 3707 Wanted (Yaya) Girlfriend by Raphaela Kristina


Nang maloko si Ella ng isang travel agency ay napilitan siyang mamasukan bilang yaya ni Jeremy, ang amo niyang mayaman nga at guwapo, pero super-antipatiko naman. Okay lang, malaki namang magpasuweldo ito, galante pa kahit suplado. Kung ipag-shopping nga siya nito ay daig pa niya ang nagka-sugar daddy bigla. Okay na sana ang lahat kung hindi lang nahulog nang tuluyan ang puso niyang hibang dito. Ang masaklap pa ay tuluyan niyang naisuko ang sarili rito sa loob ng isang gabing pagkalimot. But reality began slapping her real hard the next morning. Ginagamit lang pala siya nito upang maitaboy nang tuluyan ang isang babaeng sunod nang sunod dito. Ayon pa rito, sex for him was just a cigarette stick; you puff it and throw its butt when you’re done with it.
Magagawa pa kayang magtiwala ng puso niyang nasaktan nito?
Back to top Go down
 
January 26, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» Broadway-January 5, 2011 (2pm)
» Darony D-120 January 2011
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: