HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  
Share | 
 

 January 19, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts: 690
Age: 26
Location: Quezon City
Registration date: 2007-12-19

PostSubject: January 19, 2011 Book Release   Wed Jan 19, 2011 9:42 am

1. PHR 3687 Beat Of My Heart by Sheena Rose


Simpleng namumuhay si Vina kasama ang kanyang tiyahin at ng mga paruparong kinokolekta niya. Ngunit nabulabog ang tahimik na mundo niya nang hingin ng kakambal niya ang kanyang tulong. May sakit kasi ito kaya nais nitong magpanggap siya bilang ito sa music video na gagawin nito kasama ang isang sikat na banda. Kailangan din niyang kunin ang loob—at cell phone number na rin—ng supladong vocalist na kinahuhumalingan nito.
Hindi siya nahirapang gawin ang music video at ang mga ipinagagawa sa kanya ng kakambal niya. Mas nahirapan siyang iwasan si Cito, ang guwapong direktor ng music video. Hindi nito maaaring matuklasan ang tunay na pagkatao niya dahil masisira ang mga plano nila.
But she fell in love with him.
Paano niya patuloy na mamahalin ito kung nagtatago siya sa ibang katauhan? At paano kung kailangan na niyang maging si “Vina” uli?

2. PHR 3688 All I’ve Ever Needed by Camilla


Arogante at mayabang. Iyon ang pagkakakilala ni Sanja kay Pierre Willems. Wala siyang pakialam kung guwapo ito, at kung ito man ang sumalba sa papabulusok na estado ng kanilang rancho.
May mahal na siyang iba, pero sinaktan ng lalaking iyon ang damdamin niya. And Pierre was there to break her fall. Hanggang sa natagpuan niya ang sarili na in love na pala sa lalaki. At kahit pa siguro hindi hiniling ng naghihingalong ama niya na magpakasal siya rito, gagawin pa rin niya iyon.
Pero ang alam niya, may secret love si Pierre. At tiyak na naiipit lang ito sa hiling ng yumaong ama niya na hindi na rin nito itinuring na iba kaya ito mapipilitang magpakasal sa kanya…

3. PHR 3689 Cotton Candy Kisses by Laurice del Rio


Kung ganda rin lang ang pag-uusapan ay hindi pahuhuli si Sheila. In fact, nag-uumapaw siya niyon. Kaya nga akala niya ay walang kahirap-hirap na masusungkit niya si Vance, ang lalaking pumukaw sa interes niya.
Pero mukhang allergic yata si Vance sa magagandang babae dahil kahit anong pagpapakitang-motibo niya ay hindi siya pinapatulan nito. Para ngang mas interesado pa ito kay Annie Batungbakal, isang babaeng “manang beauty” ang taglay pero tila nag-uumapaw naman sa social awareness ang kara. Miyembro ang babae ng napakaraming civic organizations na tumutulong sa mahihirap na komunidad.
Puwes, kaya rin niyang gawin iyon. Para kay Vance, naglakad siya nang kung ilang kilometro, umakyat sa bundok, at tumawid sa tulay na gumigiwang sa ere.
Kesehodang awayin pa siya ni Annie ay hindi siya basta susuko. Ngayon lang siya nagmahal ng ganoon katindi kaya kailangang ipaglaban niya iyon.

4. PHR 3690 The Love Of Melody by Sheena Rose


Natuwa si Melody nang dumalaw sa Mañosa Farm ang childhood crush niyang si Kid pagkatapos ng maraming taon. Ngunit nadismaya siya sa malamig na pakikitungo nito sa kanya. Tuloy ay nailang na rin siya rito.
Laking gulat niya nang isang araw ay tila nagbago ito. Bigla ay naging friendly ito at dinalaw pa siya nito sa bahay nila. Ito rin ang naging daan kung bakit makikilala na rin sa wakas ang mango pastillas niya na mga kababaryo lang niya ang nakakatikim ng masarap na lasa.
Tuloy, ang dating crush ay nauwi na ngayon sa totoong pag-ibig—lalo pa at nararamdaman niyang tila may pagtingin din ito sa kanya.
Ngunit nagulat na lang siya nang lumaon ay matuklasan niyang hindi pala ito si Kid kundi ang nakababata nitong kapatid na si Kiel!
Niloko siya nito! Paano niya patuloy na iibigin ang isang katulad ni Kiel?

5. PHR 3691 To Have And To Hold by Laurice del Rio


Ashley was surprised when Trino started to be really nice to her after her mother’s death. Isa si Trino sa mga pinagkakatiwalaang empleyado ng kompanyang pag-aari ng kanilang pamilya at halos anak na rin ang turing dito ng kanyang mga magulang noong nabubuhay pa ang mga ito. Katwiran ni Trino, concerned lang ito sa kanya kaya ito ganoon. Pero iba ang naging epekto ng pagpapamalas nito ng concern sa kanya. Hanggang sa pakiramdam niya ay nai-in love na siya rito.
Ganoon na lang ang saya niya nang malaman niyang ganoon din ang nadarama nito para sa kanya.
Pero parang biniyak at nagkapira-piraso ang puso niya nang malaman niya ang totoong dahilan ng pakikipaglapit nito sa kanya…

6. PHR 3692 Nahimbing Na Puso by Laurice del Rio


Naging malapit na kaibigan ni Graciel si Bojo kahit pa malayo ang agwat ng kanilang mga edad.
Nakarating ang balita sa mommy ni Bojo na nakikipagmabutihan ito sa isang babaeng malaki ang tanda rito at nag-panic ang ginang. Binulabog niyon ang nakatatandaang kapatid nito—si Inno. Napilitan si Inno na pakialaman ang love life ng pamangkin nito.
Laking gulat ni Graciel nang makaharap niya ang Tito Inno ni Bojo at matuklasan niya na ito pala ang lalaking unang kita pa lamang niya noon ay nagpakabog na sa kanyang dibdib. Iyon nga lang, in-snub siya nito noon.
Nadismaya siya. Wala siyang duda na pangit ang impresyon nito sa kanya dahil sa pakikipaglapit niya kay Bojo. Binigyan nga sila ng tadhana ng pagkakataong magkita uli ngunit hindi sa paraang gusto niya dahil ang alam nito ay nobya siya ng pamangkin nito.
Paano ba niya babaguhin ang pangit na impresyon nito sa kanya?

7. PHR 3693 Zeek’s Perfect Love by Wilhelmina


Nakilala ni Raya si Zeek habang abala siyang “ayusin” ang pagsasama ng kanyang mga magulang. He was so annoying, irritating, and disturbingly presuming. Inis na inis siya rito dahil palagi na lang itong nasa paligid niya at inaabala siya sa kanyang ginagawa. Pakiramdam niya ay tuwang-tuwa itong naiinis siya.
Isang araw, may nag-iwan sa table niya ng teddy bear at mug na may pangalan niya. May kasama rin iyong picture niya at isang note na nagsasabing:
You really look cute in this picture. You’re going to meet me soon. I’m looking forward to being with you.—Z
Naghatid iyon ng kakaibang pakiramdam sa kanyang puso. Iisang tao lang ang kilala niyang may ganoong initial. Napangisi siya nang maluwang. Humanda sa kanya ang secret admirer niya…

8. PHR 3694 My Mischievous Star by Maricar Dizon


Girl magnet si Eman, palibhasa ay isa itong sikat na modelo with a gorgeous face and a hot body. Pero kung lahat ng babae ay nagkakandarapa rito, hindi si Darlyn.
“Why don’t you like me?” minsan ay tanong nito sa kanya. “Why are you always angry at me?”
“Because a guy like you will just make me cry,” sagot niya. “Mapaglaro ka, babaero, playboy, palikero at kung ano pa ang puwedeng itawag sa `yo.”
“Kung ganoon ay sisiguruhin ko sa `yong babawiin mo ang lahat ng sinabi mong `yan,” seryosong pahayag nito. “I will make you fall in love with me.”
She knew she shouldn’t be threatened. Pero bakit hindi ganoon ang nangyari, lalo na nang halikan nito ang mga labi niya sa unang pagkakataon?

9. PHR 3695 Jada’s Mission by Camilla


Dahil sa pangangailangan sa pera, pumayag si Jada na magpabayad para isakatuparan ang isang misyon: ang breakup ng engaged couple na sina Silas at Madeline. Pero hindi niya inakala na sa proseso ay iibig siya nang wagas sa lalaki—at tila ito ay ganoon din naman sa kanya.
Pero walang lihim na hindi nabubunyag…

10. PHR 3696 Rhodora: Ang Long-lost Na Apo Ni Lola Eva by Camilla


Good friends sina Dora at Maru. Si Maru ang sandalan at takbuhan ni Dora kapag may problema siya—mapa-love life man o pamilya. Kung wala ito, hindi niya alam kung paano niya malalagpasan ang bawat pagsubok na dumarating sa buhay niya.
Hanggang isang araw ay nagising na lang siyang may damdamin na para dito.
Pero kaibigan lang yata talaga ang turing nito sa kanya. Isa pa, hindi nito makalimutan ang ex-girlfriend nito. Paano kaya siya magkakaroon ng puwang sa puso nito?

11. PHR 3697 Nahihilo…Nalilito Ang Puso by Julianna Ran


Super-inis si Chichi kay Mikmik, ang best friend ng kuya niya. Wala siyang pakialam kahit guwapo, mayaman, at isang sikat na artista ito. Lagi niyang binabara ang mga hirit nito. May ginawa kasi itong kabulastugan sa kanya noong mga bata pa sila.
Ngunit bigla-bigla, nagbago ang ihip ng hangin. Parang kidlat sa bilis at tidal wave sa lupit na ginulat nito ang kanyang nananahimik na puso.
Minahal niya ito kahit hindi niya alam kung saan sila patungo.
Saan nga ba patungo ang relasyon nilang walang titulo?

12. PHR 3698 I Love You Forever by Camilla


Kababata at matalik na kaibigan ni Gail si Nelson. Likas na matalino si Nelson kaya naging maayos ang buhay nito. Ngunit nang maging nobya nito ang anak ng amo niya, para siyang nawalan ng isang pakpak. Pakiramdam niya, inagaw sa kanya si Nelson.
Isang araw, pinakiusapan siya ng nobya nito na ilayo niya si Nelson dahil buntis ang nobya nito sa ibang lalaki. Pumayag siyang paibigin si Nelson, hindi dahil sa pagsunod sa isang amo kundi dahil pakiramdam niya ay siya ang nararapat na ibigin ng binata.
Ngunit paano kung wala namang nararamdaman para sa kanya ang binata?

13. PHR 3699 Beautiful Mess by Alie Sia Alonzo


Ang pinakahuling bagay na gustong mangyari ni Alyanna ay makita si Paolo, her unfaithful ex. Bakit hindi? Walang awang dinurog nito ang mangmang na puso niya isang dekada na ang nakararaan. Dahil doon, nag-iba na ang tingin niya sa bukang-liwayway, ang nagsilbing simbolo ng walang-kasimpait na kataksilan nito.
But fate taunted her by bringing back Paolo, who was more dashing than ever. And she was determined to capture his heart once again. Her plan was simple: She would make him fall for her at saka niya iiwan ito nang luhaan na sa sobrang sama ng loob, hindi na nito gugustuhin pang makita ang pagsikat ng araw.
But alas! He found out about her plan. He kissed her and said: “This is your game, Alyanna. But you’re bound to lose.”
Nanginig ang mga tuhod niya—dahil sa sindak at sa linamnam ng halik nito. Patay siya!


Back to top Go down
 

January 19, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 ::  :: -