HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 January 12, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: January 12, 2011 Book Release   Tue Jan 11, 2011 5:35 pm

1. PHR 3676 I Kissed A Boy by Sheena Rose


Na-overwhelm si Bern sa kaguwapuhan ni Eric Puey nang unang beses na nakita niya ito sa personal. Ang na-trauma niyang puso ay muling tumibok—iyon ay sa kabila ng mga naririnig niyang usap-usapan na “bading” ito.
Pakiramdam niya ay pinaparusahan siya ng diyos ng pag-ibig kaya nagmahal siya ng lalaking malinaw pa sa sikat ng araw na hindi siya mamahalin kahit kailan.
Pero may nangyaring hindi niya inaasahan. Nagka-head injury si Eric at nagka-amnesia ito. Nakalimutan nito kung sino ito.
Wala siyang inaksayang pagkakataon. Nang tanungin siya nito kung sino siya, sumagot siya ng “Ako ang asawa mo.”
Napaniwala niya ito na mag-asawa sila. Akalain ba niyang may power siyang ma-“convert” ito?
Pero paano kapag bumalik na ang alaala nito?

2. PHR 3677 Promise Me Forever by Maricar Dizon



Grace fell in love with the campus rock star-playboy Vergel Loyola. Kahit palagi siyang sinasabihan ng matalik niyang kaibigan na wala siyang mapapala sa binata ay patuloy pa rin niyang hinangaan ito.
Hanggang sa isang araw ay nagkaroon siya ng pagkakataong mapalapit kay Vergel. Labis siyang natuwa nang sabihin nitong gusto siya nito. Ngunit sinabi rin nitong wala itong maipapangakong kahit ano sa kanya. Kahit alam niyang dehado siya sa usapan ay pumayag siya. Ang mga sumunod na buwan ang mga naging pinakamasayang araw sa buong buhay niya. Ngunit dumating din ang kinatatakutan niya—pinagsawaan na siya nito.
Pagkalipas ng ilang taon ay muli silang nagkita. Mukha namang masayang-masaya itong makita siya. Mukhang naka- move on na ito sa kanilang nakaraan. Samantalang siya, sa isang ngiti lang nito, ay napatunayan niyang hindi pa rin niya ito nakakalimutan. May pag-asa pa ba siyang mabawi ang puso niyang noon pa man ay pag-aari na nito?

3. PHR 3678 More Than A Fairy Tale by Wilhelmina


“Hanapin mo ang kapares ng kuwintas na ito. Ang taong nagmamay-ari niyon ay ang taong nakatadhana para sa `yo.”
Hanggang sa lumaki si Iuna ay nakatatak sa isip niya ang sinabi ng kanyang lola patungkol sa kuwintas na ibinigay nito sa kanya. Ang akala niya ay isang alamat lang ang tungkol sa dalawang kuwintas na nagkahiwalay. Pero laking gulat niya nang makita niya ang kapares ng kuwintas niya sa leeg ni Grei Añonuevo.
“Niligawan” niya ang binata upang matupad ang alamat.
Pero kung gaano siya kapursigidong makuha ang puso nito, ganoon din ito kapursigidong iwasan siya. He even thought she was crazy.
Isang araw, aksidenteng naiwala niya ang kanyang kuwintas. Should she take that as a sign that she and Grei were not destined to be with each other after all?

4. PHR 3679 For The Rest Of Eternity by Raphaela Kristina


Love at first sight yata ang tumama kay Natty—dahil mula nang aksidente silang magkabanggaan ni Aki sa Orchard Road sa Singapore ay hindi na ito mawala-wala sa isip niya. But there was one major problem: She was currently dating Andro, Aki’s friend.
Ngunit nang mapansin niyang malaki ang posibilidad na may pagtingin din si Aki sa kanya ay napagpasyahan niyang linawin ang lahat sa pagitan nila ni Andro. Ang problema, nang maging malinaw na ang lahat sa kanila ni Andro, nawala namang parang bula si Aki. At ang hibang na puso niya ay ayaw mag-move on kaya zero ang love life niya nang mga sumunod na taon.
Pagkatapos ng dalawang taon ay umuwi siya sa Pilipinas para sa kasal ng best friend niya. Dahil kaibigan ni Aki ang groom ng best friend niya, umasa siya at na-excite na magkikita uli sila ng binata. At hayun nga, dumating ito. Kaso, may karay-karay itong girlfriend na daig pa ang linta kung makakapit dito!

5. PHR 3680 Hiwaga Ng Pag-ibig by Laurice del Rio


Bata pa lamang si Gianna ay may kakayahan na siyang makakita ng mga kaluluwa. Dahil sa kakayahang iyon ay pinakiusapan siya ng big boss ng kompanyang pinapasukan niya na magtungo sa bahay nito at gamitin ang kakayahan niya para daw sa ikapapanatag ng kalooban ng kapatid nitong na-depress sa biglaang pagkamatay ng apo nito.
Hindi puwedeng basta tanggihan ang head honcho ng kompanya, lalo pa at napakaganda ng pakiusap nito sa kanya. So against her will and better judgment, she decided to say “yes.”
Laking gulat at pagkadismaya niya nang pagdating niya sa bahay na pinaglulunggaan diumano ng maligalig na kaluluwa ay nagkrus uli ang mga landas nila ni Troy, ang antipatikong lalaking minsan na niyang nakasalubong sa opisina. Gaya noong unang nagkasalubong sila, todo-todo ang pagdududang ipinamalas nito sa pagkatao niya.
Sa kabila niyon ay na-attract siya rito at nauwi ang atraksiyong iyon sa full-blown at napakatinding pagkakagusto rito. Pero si Troy ay tila mas nanaisin na mapadali na ang misyon niya sa bahay na iyon at nang lumayas na rin siya sa buhay nito.

6. PHR 3681 Of Love And Serendipity by Princess Faye


Matindi ang paniniwala ni Serendipity sa love and destiny. Kaya nang humingi siya ng sign sa langit at ipinadala sa kanya si Tristan ay ginawa niya ang lahat para matutuhan siyang mahalin nito. She believed he was fated to be hers.
Pero nang magtapat siya rito ng damdamin ay tinapat siya nito na kalimutan na lang niya iyon. May iba raw itong mahal. The night she was rejected by him was the last time she ever saw him.
Nang akala niya ay nakalimutan na niya ito ay saka naman muling nagkrus ang mga landas nila. She realized he was the same Tristan she loved but it seemed he was bound to break her heart again. Dahil nakatakda na itong ikasal sa ibang babae.
Maniniwala pa ba siya sa love at destiny?

7. PHR 3682 Once Upon A Time In High School by Janelle Kim


Lihim nang iniibig ni James si Celine mula pa noong nasa high school sila. Dahil likas na mahiyain at torpe ay hindi niya nagawang ipagtapat ang tunay na nararamdaman niya para dito. Hanggang sa naging nobyo na nito ang lalaking noon pa nito minamahal. Umalis siya nang hindi nagpapaalam dito.
Maraming taon na ang lumipas nang muling nagtagpo ang kanilang mga landas. Nalaman niyang matagal na itong nakipaghiwalay sa nobyo nito. Ayon dito, bumalik ito dahil na-realize nitong siya talaga ang mahal nito.
Sa wakas ay nakapagtapat na siya rito at naging magkasintahan sila. Walang pagsidlan ang kaligayahan sa puso niya. Wala na siyang mahihiling pa.
Ngunit saglit lang pala ang kaligayahang iyon—dahil parang pinagsakluban siya ng langit at lupa nang isang araw ay makita niyang kayakap nito ang dati nitong nobyo…

8. PHR 3683 It’s Not Too Late To Say “I Do” by Kyra Gray



Unang kita pa lang ni Andie kay Marco, nag-iwan na ito ng malaking impact sa puso niya. Tuwing kasama niya ito, pakiramdam niya ay siya na ang pinakaespesyal na babae sa buong mundo. He was the best thing that ever happened to her. Kaya nang alukin siya nito ng kasal, siya na yata ang pinakamaligayang babae sa balat ng lupa. Hindi na siya makapaghintay sa pagdating ng araw ng kanyang kasal.
Pero ang pinakahihintay niyang araw ay nagmistulang isang bangungot nang hindi siya siputin ni Marco sa simbahan…

9. PHR 3684 My Girl by Belle Feliz


Hindi naging maganda ang pagkakakilala ni TQ kay Bianca sa unang pagtatagpo nila. Talagang nainis si TQ sa babaeng bukod sa mukhang lalaki ay mapagsamantala pa. Ang akala pa naman niya ay mabuting tao ito dahil tinulungan siya nito nang maaksidente siya sa daan. Iyon pala ay hihingi ito ng pera kapalit ng pagtulong nito.
“Mukhang pera,” aniya rito.
“Talaga,” tugon naman nito.
Ngunit nang naglaon ay nakilala niya nang husto ang tunay na pagkatao nito. Habang lumilipas ang mga araw ay lalong gumaganda ito sa paningin niya. Masaya siya kapag kasama niya ito. Napatunayan niyang hindi naman pala ito mapagsamantalang tao. Isa pala itong responsable, masipag, at mapagmahal na ate sa mga kapatid nito. Isa rin itong mabuting kaibigan. Ito na rin siguro ang pinakamatatag na babaeng nakilala niya.
Unti-unting nahulog ang loob niya rito.
Nang hulog na hulog na siya ay nagawa niyang masabi na gusto niya ito.
“`Tol, tibo ako, hindi mo alam `yon?”
Ang saklap ng kapalaran niya.

10. PHR 3685 We Could Live Happily Ever After by Majesty Roque


Kahit hindi pa dapat dahil bata pa siya ay minahal nang taos sa puso ni Eumi si Drew. Ito ang inspirasyon niya sa kanyang pag-aaral. Ngunit isang araw ay bigla na lamang nagpaalam ito sa kanya na maninirahan na sa ibang bansa. Kailangan daw na putulin na nila ang kanilang relasyon dahil ayaw nitong umasa siya sa pagbabalik nito.
Masakit pero pinilit niyang kalimutan ito. Pinutol niya ang lahat ng komunikasyon sa pagitan nila.
Ngunit hindi niya inasahang babalik ito at pilit na makikipaglapit uli sa kanya. Maniniwala pa ba siya rito gayong minsan na siyang nagawang saktan nito?

11. PHR 3686 Kailan Mamahalin? by Dawn Igloria


Dala ng pagkainip, inis, at pagrerebelde ni Johann kay Katrice ay nagpabuyo siya sa kanyang barkada na magtungo sa isang red district. Niregaluhan siya ng mga ito ng isang babae.
Maganda ang babae, napaka-sexy, and she had dove’s eyes. Makinis at maputi ang balat nito. Kaya nagtaka siya sa kanyang sarili nang hindi niya magawang galawin ito. Sa halip, mabilis na iniwan niya ito at nagpasya siyang umuwi na lang. Noon niya natuklasan ang malalang sakit ni Katrice. Mabuti na lang pala at hindi niya nagawang pagtaksilan ito.
Nangailangan si Katrice ng tagapag-alaga. Laking gulat niya nang makita kung sino ang tagapag-alagang kinuha nito–ang babaeng muntik na niyang sipingan na nalaman niyang “Mara” ang pangalan.
He was opposed to the idea. Her dove’s eyes haunted him wherever he went. Paano na lang kapag nabisto ni Katrice na si Mara ay isang bayarang babae na muntik nang maging dahilan para pagtaksilan niya ito?
Pero sabi nga, walang sekretong hindi nabubunyag.

12. Bud Brothers Unlimited Series 15: The Bloomer Bandits (Miles) by Rose Tan


Para malaman ni Maritess kung minamahal pa siya nang wagas ng kanyang boyfriend, pinakiusapan niya si Miles na pumapel na masugid na manliligaw niya. Pumayag naman ang cute na former band leader dahil may kailangan ito sa kanya.
Pero hindi nagselos ang boyfriend niya. Bagkus ay inihabilin na siya nito kay Miles nang buung-buo. Sa galit at matinding sama ng loob, nakiusap uli siya kay Miles na akitin nito ang babaeng ipinalit sa kanya ng talipandas niyang nobyo.
Masunurin ito. Inakit nga nito ang babae.
Hindi siya natuwa. Hindi talaga. Mukhang lollipop daw ang babae. Pero bakit ayaw nitong tantanan?

Back to top Go down
 
January 12, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» Broadway-January 5, 2011 (2pm)
» Darony D-120 January 2011
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: