HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 December 29, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: December 29, 2010 Book Release   Wed Dec 29, 2010 10:55 am

1. PHR 3669 Rebound Romance by Laurice del Rio



Parehong brokenhearted sina Shelly at Aries nang magtagpo ang mga landas nila. Dahil halos pareho sila ng sitwasyon, hindi naiwasang sa piling ng isa’t isa sila nakasumpong ng comfort. They enjoyed each other’s company so much that one day, she found herself feeling something deeper for the man who brought sunshine in her gloomy life. But was it the same for Aries?

2. PHR 3670 Don’t Stop Loving Me by Elira Obra


Wala talagang balak si Elize na umuwi sa Pilipinas kung hindi lang nagkasakit ang kanyang ama. At sa pagbabalik niya pagkalipas ng anim na taon ay muling nagtagpo ang mga landas nila ni Benedict—ang dating kaibigan niya.
Nagalit ito dahil basta na lang siyang nawala noon. At ngayon ay gusto nitong malaman ang mga dahilan niya. Pero paano niya sasabihin dito na natakot siya noon sa maaaring kahinatnan ng namagitan sa kanila? Wala silang relasyon. Alam niyang kaibigan lang ang turing nito sa kanya habang siya ay matagal nang may iniingatang damdamin para dito…

3. PHR 3671 Lance’s Mina by Gabriev Fuentes


Nabago ang ordinaryong buhay ni Mina nang makilala niya si Lance. Binigyan nito ng kulay at sigla ang lahat sa paligid niya. Everything seemed perfectly fine between them. Pero nagkamali siya ng akala. Nalaman niyang hindi totoo ang lahat ng kabutihang ipinakikita nito sa kanya. May ibang dahilan ito sa pakikipaglapit sa kanya.
Dahil sa matinding sakit na dulot niyon ay nangibang-bansa siya.
Eight years later, she came back. At hindi nag-aksaya ng oras ang tadhana dahil muling nagkrus ang mga landas nila ng binata.
“I’m not going to give up just yet, Mina,” maigting na pahayag nito. “I’m going to make things right for both of us, whether you like it or not.”
Pilitin man niyang kumbinsihin ang sarili na wala na siyang nararamdamang pag-ibig para dito ay hindi niya magawa. Pero dapat pa ba siyang maniwala rito?

4. PHR 3672 My One True Match by Haze Prado


Hindi maganda ang first encounter ni Daiana sa aburidong pintor na si Alvaro Montecillo. Nagalit ito sa kanya at sinabihan siyang pakialamera nang iligtas niya ito nang makita niyang palutang-lutang ito sa swimming pool.
Nang malaman nitong siya ang bagong modelo nito para sa painting session nito ay ganoon na lang ang pagtanggi nito. Ginawa nito ang lahat para mag-back out siya. Pero ginawa rin niya ang lahat para mapagtiisan ang kasungitan nito, lalo na nang malaman niya ang dahilan ng pagiging miserable nito.
Ang akala niya ay awa lang ang nagtulak sa kanya para pagtiisan ito. Pero unti-unti niyang napagtantong higit pa roon ang dahilan. Nahulog na ang loob niya rito. Hiniling din niya na sana ay mapalitan niya ang babaeng nanakit sa puso nito.
Nang may mangyari sa kanila, ang akala niya ay nasa kanya na ang lahat ng pagkakataon na turuan din itong mahalin siya. Pero mabibigo lang pala siya dahil sa muling pagbabalik ng babaeng talagang minamahal nito, ganoon kadali rin na naitsa-puwera siya nito…

5. PHR 3673 Operation: Malaking Hadlang by Mandie Lee


College students pa lamang sila ay alam na ni Rain na babaero si Preston “Pyro” Navida. Ngayong isa na itong sikat na PBA player ay tila lalong lumala ang pagiging mapaglaro nito sa babae. Nang muli ngang nagkrus ang mga landas nila ay natuklasan niyang balak nitong isali sa mahabang listahan ng mga niligawan at sinaktan nito ang best friend niya na si Mindie.
Para mailigtas ang kaibigan niya ay nakipagsabwatan siya kay Luis, ang manliligaw ni Mindie at matagal nang karibal ni Preston sa hardcourt at ngayon ay isa na ring magaling na PBA player.
Sa tulong ni Luis ay magiging dakilang asungot at istorbo siya sa mga lakad nina Preston at Mindie. Hahadlangan niya ang bawat diskarte nito. Pero akalain ba niyang madidiskaril ang diskarte niya at muling mahuhulog sa kamandag—este, karisma nito?

6. PHR 3674 My Sweet Tootsie Rolle by Alie Sia Alonzo


Tinamaan ng malas si Tootsie. Tuliro siya dahil ang pinakamamahal niyang kasintahan ay ipinagpalit siya sa kanyang mortal na kaaway. Pero sa halip na nasa kanya ang simpatya ng mga tao, pinagtawanan pa siya ng mga ito. Kuripot daw kasi siya at masama ang ugali kaya ipinagpalit siya ng kanyang kasintahan.
Pero siya si Tootsie Rolle, hindi siya papayag na tuluyang matapakan ang iniingatan niyang pride.
To the rescue naman si Miggy, the town’s most eligible bachelor at pinakamalanding lalaking nakilala niya. Tutulungan daw siya nito na maging charming, magkaroon ng katangian na kagigiliwan ng mga tao, at higit sa lahat, maging lovable. Kapag nagkataon, bukod sa wala nang mang-aapi sa kanya, maibabangon pa niya ang kanyang pride.
Ngunit may bayad ang pagtulong nito sa kanya. Labag man sa loob niya ay pumayag siya. Okay naman sana ang lahat, hanggang sa mapansin niyang walang humpay ang pang-aakit at paghalik nito sa kanya.
Hindi kaya naisahan siya nito?

7. PHR 3675 Your Wish Is My Command by Raphaela Kristina


Upang mabayaran ang utang niya, pumayag si Laila na sumama kay Jake sa probinsiya ng mga ito sa Mindanao upang magpanggap bilang naglilihing girlfriend nito sa harap ng pamilya nito. At dala marahil ng malinis na simoy ng hangin sa probinsiya, ang dating walang kadating-dating sa kanya na binata ay biglang naging sobrang guwapo at kisig sa paningin niya. Lihim siyang kinikilig kapag tinititigan siya nito. Ang masaklap pa, hinahayaan lang din niya itong halik-halikan siya!
Mukhang nasobrahan siya sa pag-i-internalize sa role na ginagampanan niya kaya hindi niya namalayan na sineseryoso na ng puso niya ang papel bilang girlfriend nito…

8. Bud Brothers Unlimited Series 14: The Bloomer Bandits (Mitch) by Rose Tan


Ang akala ni Mitch ay natagpuan na niya kay Edith ang babaeng mamahalin pagkatapos niyang mabiyudo at magburo nang isang dekada. Hindi pala. Dahil hindi siya nag-iisa sa puso ng dalagang palikera. Isa lamang siya sa sandamukal na nobyo nito.
Iniwasan niya ito at sumumpa siyang hinding-hindi na siya mahuhulog uli sa alindog nito.
Too bad, he got her pregnant.
Kaya siya pa ngayon ang naghahabol dito para sa karangalang mapanagutan ang kanyang inakay. Pero paano niya pananagutan ang babaeng hindi naniniwala sa kasal?

Back to top Go down
 
December 29, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» The Wilder Life - A new book
» Coriolanus accepted for TIFF. Release date is Dec 2nd.
» Sasuraal Simar Ka - Written Update - 3 December 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: