HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 December 22, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: December 22, 2010 Book Release   Wed Dec 22, 2010 6:14 am

1. PHR 3661 The Perfect Love Story by Janikka Bernardo


Hindi ang tipo ni Kristoff ang pinangarap ni Toni na maging hero sa buhay niya. Masyadong rugged at mayabang ito para sa panlasa niya. Kaya ganoon na lang ang pagkagulat niya nang malamang ito ang ipinadala sa kanilang simbahan para maging guitar instructor ng music workshop kung saan siya ang coordinator. Sinusubukan ba ng Diyos ang pasensiya niya kaya si Kristoff ang ipinadala roon upang makasama niya sa proyektong iyon?
Ngunit habang tumatagal na nakikilala niya ito, napagtanto niyang hindi naman pala talaga ito masamang tao. He could be sweet when he wanted to. Ang balak niyang pag-iwas dito ay hindi natuloy. Iba ang sinasabi ng kanyang puso at wala siyang magawa kundi pakinggan iyon.
Ngunit paano kung ang lahat ng iyon ay pakitang-tao lang pala? Paano niya uutusan ang kanyang puso na kalimutan ito kung hulog na hulog na iyon dito?

2. PHR 3662 Boardroom Baby Surprise by Jackie Braun (translated by Dawn Igloria)


Pumunta si Megan sa opisina ng mayamang businessman na si Bryan Caliborn para ipaalam dito ang tungkol sa sanggol na ipinagbubuntis niya. Dalawang bagay ang hindi niya inaasahang nangyari: naipagkamali niya ang lalaki sa kapatid nito at napaanak siya sa boardroom!
Nang ganap na siyang maging dalagang-ina ay palaging naroon ang mayamang binata upang tulungan at suportahan siya.
Dahil madalas silang magkita nito, hindi niya naiwasang mapansin na guwapo pala ito. He was tall, handsome, and brooding. Feel na feel nito ang pagiging presidente ng kompanya. Para sa kanya ay okay lang na medyo suplado ito. Na-turn off nga lang siya rito nang sa mismong bibig nito manggaling ang: “I’m just into casual relationships. I like it that way.”
Subukan kaya niyang baguhin ang nakasanayan nito pagdating sa pakikipagrelasyon?


3. PHR 3663 Love Curse by Wilhelmina


“Can you read me a love spell? There’s this girl I like. I want you to cast a spell on her so she could like me back.”
Nagulat si Andi nang malaman niya kung sino ang “girl” na tinutukoy ni Drake: siya.
She cast a “love spell” on herself as he wished. At tila “tumalab” iyon dahil minahal agad niya ito nang ligawan siya nito. Maganda ang pagkatao nito. Hindi ito barumbado katulad ng pagkakaalam ng iba.
Ngunit nalaman niyang niligawan lang siya nito dahil sa isang pustahan. And she was deeply hurt. He was her first love.
Several years later, nagkita uli sila. She tried to ignore him, but it was as if there were invisible hands that were pushing her to him. She fell in love with him again.
Was he sincere this time?

4. PHR 3664 A Single Lady Named Janis by Dawn Igloria


Naisip ni Janis na nang paglaruan siya ng kapalaran, fate really had a grand day playing.
Nakilala niya si Matthew sa panahong sariwa pa ang sugat na ginawa sa puso niya ng two-timer na ex niya. She saw him as a hero. Her heart told her he was. Kalaunan, iniilusyon na niya na hero niya ito. Nakinig siya sa bulong ng puso niya.
Ngunit maling-mali pala iyon. Dahil kung kailan natitiyak na niyang dito na nalipat ang dating pagmamahal niya sa kanyang ex, saka naman siya iniwan ni Matthew. Ngunit sa kabila niyon ay dilat na dilat ang kanyang mga mata na inialay pa rin dito ang kanyang puso.
Matalino siya sa palagay niya. Tanga lang ang puso niya. Dahil bakit hanggang ngayon ay mahal pa rin niya si Matthew gayong natuklasan na niyang mas malala pa ito kaysa sa two-timer niyang ex?

5. PHR 3665 My Lonely Star by Maricar Dizon


Tiffany del Valle seemed to have all the things any woman would wish for: beauty, fame, and wealth. Ngunit sa kabila niyon ay hindi siya masaya. She wanted something that she had never experienced since she was a child: love.
Hindi niya naranasang mahalin dahil palaging nag-aaway ang kanyang mga magulang. Dahil doon ay tila naging bato rin ang kanyang damdamin. Kaya naman binansagan siyang “ice queen” ng modeling world.
Ngunit tila nalusaw ang yelong nakabalot sa puso niya nang makilala niya si Andrew Alvarez. Her heart couldn’t seem to stop beating rapidly whenever this gorgeous man was near her.
She realized she could be happy at last. At kay Andrew lang niya mararanasan iyon. Ito ang gusto niyang makasama habang-buhay—ang lalaking iibigin niya at iibig din sa kanya.
Kung sana lang ay hindi ito galit sa kanya at hindi niya nalamang may nobya na pala ito…

6. PHR 3666 Starstruck, Lovestruck by Arianne Morales


Kinailangan ni Sabrina na magpakasal sa isang estranghero para mas mapadali ang pagtatrabaho niya sa Japan. Nagpirmahan sila ng kontrata na babayaran niya ito buwan-buwan kapalit ng paggamit niya ng apelyido nito sa loob ng dalawang taon, pagkatapos ay maghihiwalay na sila ng landas.
Kahit nahihirapan, kayod-kalabaw siya sa pagtatrabaho. Ngunit biglang nagkaroon ng twist ang routine ng buhay niya nang sumulpot ang kanyang “asawa” sakay ng mamahaling kotse, nagde-demand na ipawalang-bisa niya ang kasal. Ang higit na nakakagulat, hindi ang mukha ng Takeshi Matsuda na pinakasalan niya ang nakita niya.
But he was Takeshi Matsuda, all right. Naghuhumiyaw iyon sa mga ebidensiyang hawak nito. Nagbanta itong kakasuhan siya nito kung hindi niya aayusin ang gusot na iyon, lalo at nagbabadyang masira ang reputasyon nito. Ngunit dahil wala siyang kakayahang gawin iyon, napilitan siyang magtrabaho sa poder nito at sundin ang lahat ng gusto nito.
Pero kung inaasahan nitong katulad siya ng mga babaeng nagkakandarapa rito, nagkakamali ito. Ang kaso, ang puso niya ang nagkandarapa rito at nanganganib na tuluyang mahulog dito.

7. PHR 3667 Lovefinder Postcripts: Jim And Lexi (You’re All I Need) by Victoria Amor


Dalagita pa lang si Alexia ay crush na niya si Jim, ang panganay na kapatid ng best friend niyang si Cathy. Ang problema, kapatid lang ang turing ng lalaki sa kanya at tinatawanan lang nito ang mga advances niya. Hanggang sa umalis na siya ng bansa ay nanatiling hindi nito pinapansin ang mga pagpapa-cute niya rito.
Hindi niya inakalang ang pagkamatay ni Cathy ang magiging dahilan kung bakit mapapabilis ang pagbabalik niya sa Pilipinas. At isang miserableng Jim ang dinatnan niya. Ipinangako niya sa sarili na tutulungan niya itong bumangon.
Sa pananatili niya sa tabi nito ay napasubo nang husto ang puso niya. Ang dating damdamin niya rito noon ay lumalim. And she was naïve to expect too much, especially a happy ending.
Napagtanto niyang hindi pala ganoon kadali ang magmahal…

8. PHR 3668 Wanted: Mr. Perfect by Princess Faye


Desperado na si Mayumi na makahanap ng boyfriend. Sawang- sawa na siya sa paulit-ulit na pagsasabi ng matalik na kaibigan niyang si Rico na ibaba raw niya ang standards niya. Dahil hindi katulad niya, pinagpala ito ni Kupido. Lahat yata ng kasuwertihan sa pag-ibig ay nasalo nito. Samantalang siya ay pulos palpak ang mga lalaking napapaugnay sa kanya.
Hanggang isang araw ay ipinadala sa kanya ng tadhana si Dominic. One look at him and she knew he was the Mr. Perfect she was looking for. Kaya nang magpakita ito ng interes sa kanya ay sinunggaban agad niya ito. She couldn’t afford to let someone like him just pass her by.
Pero kung kailan naman desidido na siya na si Dominic ang para sa kanya ay saka naman siya hinalikan ni Rico. Mula noon ay nagulo na ang isip niyang dati ay dine-dead-ma lang ang kaibigan. Kapag nasa paligid si Rico ay bigla na lang siyang nauutal na hindi naman nangyayari dati.
Was it possible that love was hiding right under her nose all this time? But Rico was not what she was looking for. He wasn’t Mr. Perfect.

9. Bud Brothers Unlimited Series 13: The Bloomer Bandits (Hutch) by Rose Tan


Gusto nang magka-jowa ng maid ni Portia. Para hindi siya nito kulitin, sinabi niyang papayag lang siyang magpaligaw ito kung may manliligaw rin sa kanya.
Sineryoso nito ang sinabi niya. Hinanapan siya nito ng manliligaw—si Hutch na amo ng lalaking gusto nitong maging jowa.
Hutch was no stranger to her. Ito ang campus hero na nanligaw sa kanya noon at binasted niya dahil nalaman niyang niligawan lang siya nito para paglaruan.
Kung wais siya noon na huwag sagutin ito dahil masasaktan lang siya, lalo na ngayon. Pero hindi ganoon ang nangyari. Sagutin man niya ito o hindi ay masasaktan pa rin siya.
Gusto na kasi niya ito…
Back to top Go down
 
December 22, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» The Wilder Life - A new book
» Coriolanus accepted for TIFF. Release date is Dec 2nd.
» Sasuraal Simar Ka - Written Update - 3 December 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: