HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 December 15, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: December 15, 2010 Book Release   Fri Dec 17, 2010 10:09 am

1. PHR 3653 Beautiful Stranger by Camilla


Buong buhay ni Khen ay pulos pagmamalupit ang natamo niya sa kanyang pamilya. Sinunog ng kanyang ama ang isang bahagi ng kanyang mukha at inginudngod naman ng kapatid niya ang kabilang bahagi upang magpantay raw ang kapangitan niya. Hindi siya nagtatangkang makihalubilo sa maraming tao dahil nahihindik lang ang mga ito sa kanya.
Pero nang marinig niya ang masamang balak ng kanyang ama at mga kapatid sa isang nagngangalang “Lee Vestigo”—na isang kalaban pala sa negosyo—lakas-loob na pinuntahan niya ang lalaki upang balaan ito. Hindi niya inakalang bata pa pala si Lee at napakaguwapo.
Aaminin niya, may pinukaw itong damdamin sa kanyang puso. Ngunit para sa isang tulad niyang wala na ngang maipagmamalaking hitsura ay wala pang pinag-aralan, mananatiling pangarap na lang si Lee…

2. PHR 3654 Mrs. Cindy Rela by Belle Feliz


Mula pagkabata ay hindi na kasundo ni Cindy ang best friend ng kapatid niya na si Dylan. Ito lamang ang taong nagpaparamdam sa kanya na tila napakapangit niya. Hilig nitong asarin at inisin siya.
Kaya hindi niya inakala na isang gabi ay magsasalo sila sa isang mainit na halik. Sandaling nagulo ang mundo niya. Nangyari pa iyon noong gabi ng engagement niya sa fiancé niya. Mahal na mahal niya ang kanyang fiancé at hindi ito maaaring mawala dahil lang kay Dylan.
Lumayo si Dylan sa kanya pagkatapos ng insidenteng iyon. Mahabang panahon bago sila nagkita uli. Hindi niya inakalang ito pa ang makakaramay niya sa sinapit niyang kabiguan nang magkahiwalay sila ng fiancé niya. Ito ang umalalay sa kanya upang makaahon siya.
Maaari kaya niyang turuan ang kanyang puso na mahalin ito?

3. PHR 3655 Lovefinder PostScripts: Thom And Dee (Treasure Of The Heart) by Victoria Amor


Isang journal entry sa Lovefinder Pages ang dahilan kung bakit naging hilig ni Dee ang kolektahin ang iba’t ibang disenyo ng twin hearts pendant. Sa biyahe niya patungong Guam—na tinutulan ng ama niya—ay nakilala niya si Thom, ang lalaking sa buong oras na nasa eroplano sila ay hindi binibitawan ang kuwintas na isang twin hearts ang pendant.
Pagbalik niya sa Pilipinas, isang punishment ang inihanda sa kanya ng daddy niya dahil sa pagsuway niya rito. In-exile siya nito sa Bukidnon at pinagtrabaho bilang promo girl ng hot dog sa supermarket nila. Hindi niya akalain na ang punishment na iyon ang magiging daan para magkrus uli ang mga landas nila ni Thom. Nagkaroon ng spice ang punishment period niya dahil sa presensiya nito.
Ngunit habang nagkakalapit sila ni Thom, namumuo rin ang isang hinala sa isip niya tungkol sa paborito niyang journal writer at sa koneksiyon nito kay Thom. At kasabay ng realisasyon niya sa tunay niyang damdamin ay ang sunud-sunod na mga pangyayari at rebelasyon na sa isang iglap ay nagpabago sa takbo ng buhay niya.

4. PHR 3656 Engagement Earring by Majesty Roque


Walang ibang itinangi ang puso ni Yness kundi si Drei lamang. Kahit noong mga bata pa sila ay alam na niyang wala siyang ibang mamahalin kundi ito lamang. Nagsuplada siya rito upang itago rito ang nararamdaman niya para dito. Pero dahil sa pagsubok na dumating sa buhay niya ay napalapit sila sa isa’t isa. Nadama niya ang pag-iingat at pag-aalaga nito sa kanya.
Hanggang sa namalayan na lang niyang lalong lumalim ang pag-ibig niya rito. Ngunit ang malaking problema ay hindi niya maaaring ipagtapat ang espesyal na pagtingin niya para dito dahil simula’t sapul ay hindi kaibigan kundi isang prinsesang dapat pagsilbihan ang turing nito sa kanya.
Lalo pang humirap ang sitwasyon nila nang malaman niyang may nagmamay-ari na ng puso nito at siya naman ay nakatakda nang ikasal sa iba…

5. PHR 3657 Kailan Tama Ang Ibigin Ka? by Camilla


Almost three years had passed, pero tila kahapon lamang nang huling makita ni Lois si Caleb. Nararamdaman niyang mahal pa rin niya ito ngunit galit ang ipinadarama nito sa kanya. Ang pinakamasakit pa ay nobya na pala nito ang pinsan niya.
Alam niyang wala nang pag-asa ang damdamin niya para dito ngunit ayaw pumayag ng puso niya…

6. PHR 3658 Hiling by Maricar Dizon


Audra was a geek; her friend Lyka was a fashionable music VJ. Pero sa kabila ng magkasalungat na personalidad nila ay nanatili ang kanilang pagkakaibigan na nagsimula pa noong mga bata pa sila.
Until she fell in love at first sight with a band’s vocalist, Chase Lorenzo, who turned out to be Lyka’s “love of my life.” Habang lumilipas ang mga araw ay palalim nang palalim ang damdamin nila ni Chase para sa isa’t isa. Dahil sa espesyal na pagtrato nito sa kanya ay mabilis na napasok nito ang kanyang puso. Pero dahil sa isang pangyayari ay kinailangan niyang mamili sa pagitan nina Lyka at Chase.
Nahirapan siyang magdesisyon kaya minabuti niyang mangibang-bansa. Pagbalik niya, anumang pagpapakatatag ang gawin niya ay hindi pa rin niya makayang humarap kina Lyka at Chase—na ngayon ay magkasintahan na.

7. PHR 3659 Rodrigo by Vanessa


Alam ni Teresa na isa lamang ang gusto ni Rodrigo sa kanya: ang umalis uli siya sa bayang kinalakhan niya. She hated his guts even if it only took a stare from him and her knees would feel weak and butterflies would start flying in her stomach. Ngunit isang malaking pagkakamali iyon, lalo na at nobyo ito ng kanyang kapatid…

8. PHR 3660 Something About Loveby Nicka Gracia


Nakipag-break kay Digna ang boyfriend niya dahil ayon dito ay hindi naman talaga nila mahal ang isa’t isa sa tunay na kahulugan niyon. Hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin. Ang alam niya ay mahal niya ito.
Hanggang makuha ng boss niya na si Exie ang atensiyon niya. Bumibilis ang pintig ng puso niya tuwing tinititigan siya nito. Daig pa niya ang nadaiti sa live wire kapag nagkakadaiti ang mga balat nila. Para ding ginamitan ng Mighty Bond ang mga mata niya na tila forever na niyang gustong mapagkit ang kanyang tingin sa guwapong mukha nito. Mga bagay iyon na kailanman ay hindi niya naramdaman sa ex-boyfriend niya. Right there and then, naintindihan niya ang nais ipunto ng kanyang dating nobyo.
Marahil, ngayon pa nga lang siya nagmamahal—kay Exie. Pero mabibigo pa yata ang kanyang puso na nagmamahal sa unang pagkakataon. Dahil may ibang babae sa buhay nito.
Back to top Go down
 
December 15, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» The Wilder Life - A new book
» Coriolanus accepted for TIFF. Release date is Dec 2nd.
» Sasuraal Simar Ka - Written Update - 3 December 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: