HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 December 8, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: December 8, 2010 Book Release   Tue Dec 07, 2010 12:57 pm

1. PHR 3644 The Bellini Bride by Michelle Reid (translated by Jade Alleje)


Sumikat si Antonia bilang tampok na nude model para sa isang sikat na pintor at sa koneksiyon niya sa isang painting na pinag-uusapan ng lahat. Dahil din doon kaya nakuha niya ang atensiyon ng guwapo at ubod ng yamang negosyante na si Marco Bellini.
Mahal niya si Marco kaya pumayag siyang makipagrelasyon dito sa kabila ng kaalamang hindi siya ang tipo ng babaeng pakakasalan nito. Sasamantalahin niya ang panahong makakasama niya ito dahil alam niyang isang araw ay maaaring mawala ito sa buhay niya kapag nalaman nito ang pinakaiingatan niyang sekreto.
Hiling na lang niya na sana ay matutuhan siya nitong mahalin habang magkasama sila, sapat para manatili ito sa tabi niya kahit ano pa ang matuklasan nito tungkol sa pagkatao niya…

2. PHR 3645 Gia, Ang Clueless Na Apo Ni Lola Eva by Camilla


Dahil sa dudang inuuto ng ex-boyfriend nito si Lola Eva, pumayag si Gia na sumama rito sa islang pag-aari ng mga Formanes. Hindi niya sukat-akalain na hindi lang ang matandang Formanes ang makakasama nilang maglola roon. Naroroon din ang guwapong apo ni Lolo Adan na si Aidan—at tila imina-match sila ng dalawang matanda.
At mukhang nagtatagumpay ang mga ito dahil namalayan na lang niyang nahuhulog na ang loob niya kay Aidan. Okay na sana silang dalawa, hanggang sa sumulpot sa eksena ang isang babaeng nagke-claim na nabuntis ni Aidan at nagde-demand na panagutan daw ng binata ang nasa sinapupunan nito!

3. PHR 3646 Fated To Love You by Camilla


Nagising siya na walang maalala. “Rosal” ang pangalang ibinigay sa kanya ng mapagpalang pamilyang kumupkop sa kanya dahil kahit pangalan niya ay hindi niya mahagilap sa kanyang isipan.
Walang kaso sa kanya kung wala man siyang matandaan sa nakaraan niya. Maayos ang buhay niya bilang Rosal sa piling ng pamilyang kumupkop sa kanya. Pero nagulo ang tahimik na mundo niya nang biglang sumulpot sa eksena si Rigor. Tinawag siyang “Bimby” nito at ito raw ang kanyang fiancé bago siya biglang nawala.
Sa pagdaan ng mga araw na nagkakasama sila ay unti-unti na siyang napu-frustrate. Pamilyar ang pakiramdam ng mga halik nito at bumibilis ang tibok ng puso niya kapag nakikita ito, ngunit hindi niya ito maalala…
Sino nga ba talaga siya at sino si Rigor sa buhay niya?

4. PHR 3647 BBB Trilogy 3: Belle (Bewildered) by Angel Bautista


Ang sabi ng daddy ni Belle, mana raw silang magkakapatid dito: They would love only once but they would love greatly. Ang problema niya, nahanap na ng dalawang kapatid niya ang one great love ng mga ito pero siya ay hindi pa. Pero desidido ang mga ito na tulungan siyang mahanap niya ang kanyang one great love—sa ayaw at sa gusto niya.
For a hopeless romantic, she seemed to be having a difficult time falling in love.
Until she realized she had already fallen… a long time ago. Hindi na pala siya naghahanap. Naghihintay na lang…

5. PHR 3648 A Chance To Be Happy by Camilla


Ena knew she and Willard started out on the wrong foot. Pinagbintangan siya ni Willard na karelasyon daw niya ang anak nito na estudyante niya. Hindik na hindik siya sa paratang nito dahil miyembro siya ng samahang NBSB.
Bumawi naman ito nang mapatunayang nagkamali ito sa pambibintang sa kanya. Then she discovered he was irresistible.
She fell in love with him. At pakiramdam niya ay ganoon din naman ito sa kanya. Until she saw him kissing his ex, the mother of his son…

6. PHR 3649 Inspiration by Arielle


Dahil sa mga nasaksihang kabiguan sa buhay-pag-ibig ng ina at mga kaibigan ay nagpasya si Radiance na protektahan at ikandado ang kanyang puso. Sumumpa siyang hindi siya kailanman magmamahal ng lalaki.
Hanggang sa makilala niya ang eccentric novelist na si Mac Macario. Gusto nitong kunin ang serbisyo niya bilang abogado. Ngunit ang ipinagtataka niya ay tila hindi naman ito masyadong concerned sa kaso nito. Mas inuuna pa kasi nito ang pagsusulat ng nobela. Ang masaklap pa ay siya ang ginawa nitong heroine doon at ang hero ay walang iba kundi ang bodyguard nitong si DJ.
Hanggang sa malaman niya ang totoong intensiyon ni Mac. Gusto nitong isabuhay nila ni DJ ang mga isinulat nito!

7. PHR 3650 Lovefinder PostScripts: Fredd And Shyn (Love Me For Always)by Victoria Amor


Isinuko ni Shyntelle ang lahat ng mahalagang bagay sa buhay niya para ayusin ang gusot sa pagitan nila ni Martin. Subalit huli na pala ang lahat. Pag-aari na ng ibang babae ang puso nito.
Her world shattered at once, lalo na nang masaksihan niya ang beach wedding ni Martin mula sa malayo. Gusto niyang makita ang pagsumpa nito ng pag-ibig sa babaeng pakakasalan nito para makapag-move on na siya. Subalit hindi pala niya kayang panoorin iyon. Nanghina siya at nagdilim ang paligid niya. Nang bumalik ang malay niya ay nakahilig na siya sa dibdib ng isang estrangherong nakatitig sa dagat—si Wilfred. Nalaman niyang ang babaeng pinakasalan ni Martin ang dahilan kung bakit naroroon ito.
Kapwa sila nagpasyang huwag nang ituloy panoorin ang seremonya ng kasal. Niyaya siya nitong sumama rito sa probinsiya nito sa Tacloban. Kaagad naman siyang sumama rito nang hindi na nag-iisip.
Hindi niya inakalang ang desisyon niyang iyon ang babago sa buong buhay niya…

8. PHR 3651 Campus Girl: Bunny, The Charming Barista by Heart Yngrid


Nang dahil sa isang hula, pinakawalan ni Bunny ang pagkakataong lumigaya sa piling ni Bret, ang persistent suitor niya na isa sa mga campus heartthrobs ng SCU. Pinagsisisihan niya nang labis na nagpaapekto siya sa hula dahil naging miserable siya nang mawala sa kanya si Bret. Kung sana ay may ikalawa pang pagkakataon…
Mukhang naawa ang tadhana sa kanya dahil muling nagtagpo ang mga landas nila ni Bret pagkalipas ng ilang taon. Ganoon na lang ang tuwa niya. This time, sisiguruhin niya na mauuwi na sa happy ending ang istorya nilang dalawa. Ngunit nang makaharap niya ito, na-realize niya na hindi magiging madali para sa kanya ang lahat. Dahil ang Bret na dating in love na in love sa kanya, tila hindi na ngayon apektado sa ganda niya…

9. PHR 3652 The Wicked Sexy Intruder by Dream Grace


Mayie was enjoying her solitude in a log cabin. Biglang nagambala ang paraiso niya sa pagdating ng estrangherong walang babalang nanghimasok sa cabin habang nagre-relax siya sa Jacuzzi. Bagaman unang sulyap pa lamang niya sa lalaki ay tila tinamaan na siya ng kidlat sa di-pangkaraniwan na kaguwapuhan nito, hindi siya nagpadaig sa sinasabi ng kanyang puso. She used her considerable knowledge to subdue her intruder.
But now that she had him under her thumb, she didn’t quite know what to do with him. Dahil paano niya maaatim na isuplong ito sa pulis gayong ang malanding boses sa tainga niya ay mas gustong gawin itong mangingibig niya?

Back to top Go down
 
December 8, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» The Wilder Life - A new book
» Coriolanus accepted for TIFF. Release date is Dec 2nd.
» Sasuraal Simar Ka - Written Update - 3 December 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: