HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  
Share | 
 

 December 1, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts: 674
Age: 26
Location: Quezon City
Registration date: 2007-12-19

PostSubject: December 1, 2010 Book Release   Wed Dec 01, 2010 3:59 am

1. PHR 3636 BBB Trilogy 1: Bianca (Bewitched) by Angel Bautista



“That’s the beauty of it, `di ba, Bianca? Hindi tayo physically attracted sa isa’t isa. Walang chance na magkakagusto ka sa akin kaya puwede tayong maging friends.”
Iyon ang sinabi sa kanya ni Josh eight years ago nang magsimula ang kanilang pagkakaibigan. And it had worked fine between the two of them. Hanggang sa nagsimulang mabago ang damdamin niya para dito…
Ano ang gagawin niya kung hindi na sapat para sa kanya na magkaibigan lang sila?

2. PHR 3637 The Don’s Boys: Seraph by Vanessa



Nakapagmana si Pol ng isla mula sa kanyang ninuno na isang purong Tagbanua, ngunit natuklasan niyang mayroon nang ibang taong nagmamay-ari niyon—si Seraph, isang lalaking may three Ms—mayaman, mayabang, at masama ang ugali. Pilit siyang pinaaalis nito sa islang nabili na raw nito. Pero ang isang tulad niya ay hindi aalis sapagkat kanya ang isla na iyon. Magkamatayan man sila!
Nakakagigil ito ngunit dumating ang panahong natutunaw na siya sa mga titig nito at nababaliw sa mga halik nito… Paano na ang ipinaglalaban niyang isla kung sa isang halik lang ay bumibigay na siya?

3. PHR 3638 Worth The Wait by Laurice del Rio



Hindi makapapayag si Laryn na mapariwara ang pamangkin niya habang nasa poder niya ito. Ang problema ay nagrerebelde na ang dalagita. Kahit anong paghihigpit niya rito ay nagpupumilit itong makadaupang-palad ang binatilyong manliligaw nito. Nakadagdag pa sa kunsumisyon niya si Theo, ang tiyuhin ng nagpapa-cute sa pamangkin niya. Balak pa yata nitong kunsintihin ang pamangkin kaya tinarayan agad niya ito. At nakarating pa sa kaalaman niya ang maitim na balak nito—ang paibigin siya para turuan ng leksiyon.
Asa pa ito. Siya ang magtuturo ng leksiyon dito.
Theo seemed determined to pour on the charm. Siya naman ay determinadong huwag tablan niyon. Ito dapat ang tablan sa kanya. Pero habang tumatagal ay mukhang hindi kakayanin ng powers niya ang makamandag na karisma nito. Hanggang sa dumating ang pagkakataong inamin na niya sa sariling in love na nga siya rito.
Paano niya ipagpapatuloy ang nararamdaman niya gayong alam niyang nagpapanggap lang naman ito?

4. PHR 3639 Lovefinder Postcripts: Third And Neish (Then I Found You) by Victoria Amor



Neish wanted thrill and twist in her life. Kaya sa halip na sinisimulan na niya ang career niya sa kompanya ng pamilya niya ay sa ibang bagay siya abala—sa pagbuo ng plano kung paano niya tatakasan ang ama niya para magawa niya ang gusto niya.
Trip niya ang makaranas ng once-in-a-lifetime adventure kaya kasama ang best friend niya—na kapwa niya self-proclaimed ghost hunter na may “power” kung saan silang dalawa lang ang naniniwala—ay sumugod sila sa Marciana, isang tagong nayon na nababalot diumano ng hiwaga.
Ngunit ang inakala niyang adventure ay panganib pala ang kahihinatnan. Naging target siyang gawing “alay” ng isang misteryosong samahan. Mabuti na lamang at handa siyang protektahan ng guwapong estrangherong nakasama nila sa lumang bahay—si Third.
Ang problema, mukhang ang puso naman niya ang nanganganib na mahulog dito…

5. PHR 3640 Leaving Marco, Loving Marco by Camilla



Pitong taon nang magkasintahan sina Roda at Marco, pero wala namang engagement na nangyayari. After years and years of having each other, nagising na lang si Roda sa realization na parang tinatabangan na siya sa relasyon nila. Wala na ang thrill.
It turned out, pareho silang ganoon ang nararamdaman, so they parted ways amicably.
Kaso, iba ang ideya ng kanilang best of friends na mga abuelo. Hindi matanggap ng mga ito na break na sila ni Marco. And because of some cruel joke on her by fate, natagpuan na lang niya ang kanyang sarili na magpapakasal sa binata. Kung kailan naghiwalay na sila ay saka pa sila nasubo sa ganoon!
Hindi niya itinago kay Marco na wala na siyang gusto rito at ayaw niyang makasal dito. Kaya bakit grabe ang reaksiyon niya nang malaman niya ang tungkol sa bagong babaeng nauugnay rito na mukhang payag na maging mistress ng binata kapag kasal na sila?
She was about to be jolted on her knees by a big realization…

6. PHR 3641 When Love And Hate Collide by Maan Beltran



Dahil sa mapait na karanasan sa pag-ibig na sinapit ng ate niya sa isang lalaki, natuto si Rain na huwag magtiwala sa mga kalalakihan. Ngunit nakilala niya si Ral. Tinibag nito ang pader na ginawa niya para sa sarili. And just when she was willing to trust him with all her heart, saka niya nalamang ito pala si Rafael Escobillo, ang taong kinamumuhian niya at ang dahilan ng kasawian ng ate niya sa pag-ibig.
Ayaw niyang mangyari sa kanya ang nangyari sa ate niya. Pero mukhang matutulad pa rin siya rito. Dahil sa kabila ng galit na nararamdaman niya, unti-unting nahuhulog ang loob niya kay Ral, lalo pa at nalaman niyang mali ang pagkakakilala niya sa pagkatao nito…

7. PHR 3642 BBB Trilogy 2: Beatrice (Bothered) by Angel Bautista



Aminado si Beatrice na maarte, suplada, at banidosa siya. Pero nagbago siya nang summer vacation na makilala niya si William Araullo, ang sports coordinator ng Club BBB, ang spa and wellness club na pag-aari ng kanyang pamilya. Nagka-crush at first sight siya rito.
Lumalim pa ang damdamin niya rito nang makasama niya ito. Tinugon naman nito ang damdamin niya. Hanggang sa hindi na niya kayang wala ito sa buhay niya.
Niyaya niya itong magtanan sila nang ayawan ito ng daddy niya. Pero hindi siya sinipot nito sa kanilang tagpuan.
Pagkalipas ng siyam na taon, nagkrus uli ang kanilang mga landas. Tama bang umasa pa siya na madurugtungan pa ang kanilang nakaraan?

8. PHR 3643 Two Hearts, One Love by Adelle M.




Nakatakda na ang pagiging Mrs. Zaimon Montevillo ni Mary Joy nang matuklasan niya ang lihim ni Zaimon. Umatras siya sa kasal at naaksidente naman ito. Nagpakalayu-layo siya. Pero kahit anong pilit ang gawin niya sa sarili ay hindi nawala ito sa sistema niya. Nang muling magkrus ang mga landas nila at nakita niya ang malaking pagbabago nito, hindi na niya pinigilan ang sariling subukang mahalin uli ito sa kabila ng mga pambabatikos na natatanggap niya.
She fell in love with him the second time around.
Pero habang tumatagal ay hindi niya napigilan ang sariling magduda rito. Nagsimula at natapos ang relasyon nila noon sa isang kasinungalingan kaya bakit kailangan siyang magtiwala uli rito?
At ganoon na lamang ang pagkagimbal niya sa natuklasan mula rito.
Hindi siya makapaniwalang naloko siya ng isang estranghero…

9. MLH 377 Kentarou Saito by Cassandra



Isang journalist si Freya. At sa pagbabantay niya sa kilos ng sindikatong laman ng kanyang balita, isang misteryosong lalaki ang nakuhanan niya ng litrato. Sa pangangalap niya ng impormasyon, natuklasan niyang ito si Kentarou Saito, isa sa mga pinaghihinalaang miyembro ng sekretong organisasyon. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na personal na makakaharap niya ito. Hanggang isang gabi ay tinangka nitong dakpin siya at pinagbantaan ang kanyang buhay.
Subalit tuwing napapahamak siya ay palaging sumusulpot ito at inililigtas siya. Maraming pagkakataon na maaari nitong totohanin ang banta nito ngunit wala itong ginawang masama sa kanya. At sa tuwina ay hindi ang nakakatakot na imahe nito ang ipinakikita nito sa kanya kundi ang nag-uumapaw na kayabangan nito. At nang dumating ang sandaling inakala niyang mamamatay na siya, ang mga bisig nito ang kanyang naging pananggalang.
Sino ba talaga si Kentarou Saito?
Back to top Go down
 

December 1, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

 Similar topics

-
» 10 December, Bronydd Isaf to Bangor via path
» When the first Whirlpool Duet album was released in December 2001
» When the first Whirlpool Duet album was released in December 2001
» FAILED: Nashan Diversified Invitational (December, 3024)
» Microsoft Office 2010 Pro Plus Build 14.0.4743.1000 (2010 ENG X86 X64)

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-