HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 November 24, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: November 24, 2010 Book Release   Tue Nov 23, 2010 2:51 pm

1. PHR 3627 Love Is Onboard by Yelena


Hindi inakala ni Queenie na magtatagpo pang muli ang mga landas nila ni Seb. Natagpuan niya ang sariling nagsisilbi bilang chef sa barko nito. Aminado siyang may pagtingin pa rin siya para dito pero hanggang kaya niya ay sinusupil niya iyon.
Ngunit ano ang pumasok sa isip niya at tinanggap niya ang alok nitong week-long cruise na sila lang dalawa? Hindi lang iyon, naniwala rin siya rito nang sabihin nitong mahal pa rin siya nito. Umasa siyang magkakaroon na ng magandang wakas ang kanilang love story.
Pero namatay ang kanyang pag-asa nang malaman niyang ikakasal na pala ito…

2. PHR 3628 The Ultimate Trap by Laurice del Rio


Hindi pa nararanasan ni Carla ang umibig. Saka na lang niya iisipin iyon kapag matatag na ang trabaho niya at may sapat na ipon na siya. Pero biglang nabago ang kanyang mga plano nang maging physical therapist siya ni Terence na isang playboy.
Terence used to enjoy different kinds of adventures which included women. Saglit na natigil lang iyon nang maaksidente ito. Hindi rin kasama sa plano nito sa buhay ang pag-aasawa.
They obviously got off on the wrong foot. Pinalala pa iyon ng binata nang sabihin nitong hindi siya kagandahan. Sa kabila niyon, habang tumatagal na magkasama sila ay unti-unting nahuhulog ang loob niya rito. Carla thought she had found the one. But he made it clear she didn’t mean so much to him…

3. PHR 3629 Always In My Heart by Belle Feliz


Sa murang edad, napakarami nang nangyari sa buhay ni Iarah. Naranasan niya ang mga bagay na hindi dapat maranasan ng isang teenager. Madalas, nais na niyang sumuko na lang. Mabuti na lang at naroon palagi si Vann Allen upang kapitan niya.
Hindi siya pinabayaan nito. Naroon ito tuwing kailangan niya ng tulong. Nais niyang ibigin at mahalin ito sa paraang gusto nito. Ngunit masisira ito kung malalantad sa lahat ang pag-ibig niya.
Hindi niya kakayanin kung ang katulad lamang niya ang magpapabagsak dito. He was the shiniest star. He was soaring in the sky. Hindi niya hihilahin ito pababa.
Mamahalin na lamang niya ito nang tahimik…

4. PHR 3630 Not Just Someone To Love by Haze Prado


Hindi nakatanggi si Bianca nang pakiusapan siya ng may-ari ng pinagtatrabahuhan niyang kompanya na maging tutor ng apo nito. Isa pa ay kailangan ng batang si JB ng atensiyon at pagmamahal.
Maayos naman ang lahat sa trabahong iyon kung hindi pumasok sa eksena si Jervis, ang tiyo ng bata. Wala itong ginawa kundi punahin ang bawat kilos niya. Kulang na lang ay sabihin nitong wala itong tiwala sa kanya at sa kakayahan niya. Kaya naman nagulat siya nang bigla siyang ipakilala nito bilang “girlfriend” sa babaeng humahabol dito. Hindi lang iyon, sweet na sweet ito sa kanya kapag hinihingi ng pagkakataon.
Hanggang sa unti-unti na siyang nasasanay sa pagpapanggap nila, kaya nagpasya siyang putulin ang palabas nito. Siguradong magbubunga iyon ng isang bagay na iniiwasan niya: Ang tuluyang mahulog ang loob dito. Alam niyang masasaktan lang siya dahil hindi siya maaaring umasa na matutugunan ang damdaming iyon…

5. PHR 3631 Heart Over Mind by Ashlene Javier


Sa pagpanaw ng Lola Candida ni Rowena ay nag-iwan ito ng last will and testament. Nakasaad doon na para makuha niya ang sampung milyong pisong mana niya, kailangang magpakasal siya bago tumuntong sa edad na treinta at mabuntis bago siya mag-treinta y uno. Nagpanic siya. Kulang-kulang dalawang buwan na lang at thirtieth birthday na niya. Wala rin siyang current boyfriend.
Sa gitna ng problema niya ay sumulpot ang ultimate playboy na si Cedric de Rossi. Nag-volunteer ito na maging asawa niya sa papel at pagkatapos ay magdi-divorce din sila. Nabo-bore na raw kasi ito sa buhay kaya gusto nitong may gawing kakaiba.
Ang problema nga lang, ayaw makinig ng puso niya sa sinasabi ng isip niya. Na-in love pa rin kasi siya kay Cedric kahit alam niyang may expiration date ang kasal nila. She felt so stupid for secretly hoping na mamahalin nito ang isang tulad niyang madalas sabihang nerd, mataray, at itinakdang maging isang matandang dalaga.

6. PHR 3632 The Art Of Loving You by Nicka Gracia


Mula nang mapunta si Krissa sa poder ng kanyang ama at ng totoong pamilya nito, halos buong buhay na niyang pinatutunayan ang sarili niya sa mga ito. Kaya nga wala siyang panahon sa pag-ibig.
But not until she saw Bien again, ang lalaking pumukaw sa puso niya noong nasa kolehiyo siya. Nagulat pa siya nang kausapin siya nito at sabihang noon pa man ay kilala na siya nito.
Iyon ang naging simula upang magkalapit sila. At habang tumatagal ay lalong lumalalim ang nadarama niya para dito.
Pero ano nga ba ang kahulugan ng pakikipaglapit nito sa kanya? Bakit tila ginagawa nitong misyon na pasayahin at bigyang-kulay ang buhay niya?

7. PHR 3633 A Love Worth Waiting For by Maricar Dizon


Assistant si Mara ng pinsan niyang si Valerie. At kahit siya ang gumagawa ng halos lahat ng trabaho nito, hindi niya makuhang magreklamo. Malaki ang utang-na-loob niya sa ama nito. Kahit poor cousin lang siya nito, hindi siya kailanman nainggit dito.
Hanggang sa ma-engage ito kay Russel Federis.
Sa binata niya naramdaman ang spark na matagal na niyang pinapangarap na maranasan, at nakalulungkot isiping hindi na ito “malaya.” Nakadagdag pa sa kalituhan niya ang espesyal na atensiyong palaging ibinibigay nito sa kanya.
One day, he made her an offer: “You’re always cleaning up your cousin’s crap, right? You are always taking her place. So, why don’t you take her place as my wife-to-be?”
It was too tempting an offer.
Pero tama bang tanggapin niya iyon?

8. PHR 3634 A Love Story by Belle Feliz


Sarah was a romance writer. Nang minsan ay magkaroon siya ng writer’s block, naisip niyang lumayo muna. She needed an inspiration at ang naisip niyang paraan ay mamasukan bilang isang katulong. Nakilala niya si David Quirino na miyembro ng isang sikat na banda. Napatulala siya sa kaguwapuhan nito sa unang pagkikita pa lamang nila. She had a huge crush on him instantly.
Ngunit gusto na niyang bawiin ang pagkaka-crush niya rito nang pahirapan siya nito sa mga gawaing-bahay. Paulit-ulit siyang pinaglilinis nito. Tila sinasadya rin nitong ikalat ang mga gamit nito at ipapaayos ang mga iyon sa kanya pagkatapos. Isa siyang señorita sa bahay nila kaya naman grabeng pagtitiis ang dinanas niya.
Inis na inis siya kay David. Ngunit dahil din dito ay napakadali na para sa kanya na makabuo uli ng kuwento ng pag-ibig.
Ngunit isang araw, nag-iba ang trato nito sa kanya. Pahiwatig na ba iyon na makabubuo rin siya ng totoong kuwento ng pag-ibig niya?

9. First Kiss And First Date by Wilhelmina


Napilit si Xyza ng makulit niyang kapatid sa isang blind date na matagal na nitong iniuungot sa kanya. Subalit nang makilala niya ang kanyang date, halos liparin siya sa sobrang kayabangan nito at maiyak sa sobrang boredom dahil dito. She almost slept on her chair.
Magbubunyi na sana siya nang matapos ang date nila nang isang matangkad at guwapong lalaki ang tumayo sa harap niya at walang pakundangang sinabi sa ka-date niya na nobyo niya ito. Sa inaantok niyang diwa ay sinubukan niyang magprotesta. Hindi niya nobyo ito at lalong hindi niya kilala ito. Hindi rin naniwala rito ang ka-date niya.
Mukhang nasaling ang pride ng guwapong estranghero.
And to prove that he was telling the truth, he kissed her.

Back to top Go down
 
November 24, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» The Wilder Life - A new book
» Bani - Ishq Da Kalma 21 November 2013 Written Update
» Pavitra Rishta 25th November 2013 Written Episode

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: