HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 November 17, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: November 17, 2010 Book Release   Tue Nov 16, 2010 11:57 pm

1. PHR 3615 Mysterious Moi by Dawn Igloria



It took Gerden eight months to lick her wounds and slowly recover from a broken heart. Sinisi niya ang sarili niya. Siya kasi ang nagbigay ng motibo noon kay Rigo. She flirted with him. Pinatulan naman siya nito hanggang sa maging sila na.
Ang akala niya ay iyon ang dahilan kaya nawalan agad ng gana si Rigo sa relasyon nila. Kaya naman nang dumating sa buhay niya ang misteryosong si Moi Calimbas ay sinikap niyang hindi nito mabuko ang lihim na attraction niya para dito. Nagpakamanhid siya sa mga pahaging na panliligaw nito. Daig pa niya ang sinaunang dalagang Pilipina. Pangiti-ngiti lang siya tuwing didiga ito sa kanya.
Naasar yata si Moi sa pagiging manhid kuno niya dahil bigla na lang nawala ito. Balita niya ay nasaktan ito at inisip nito na magkakabalikan sila ni Rigo, kaya wala na itong balak na balikan siya…

2. PHR 3616 Blackthorn Trilogy 1: Monsoon Kiss by Arielle



Matinding panghihiya ang naranasan ni Rivero Martin sa kamay ni Lunariss Legazpi, ang pinakapopular, pinakamaganda, at pinakamatalinong estudyante sa eskuwelahan nila. Harap- harapang ipinamukha nito sa kanya na hindi siya pasado sa pamantayan nito ng lalaking mamahalin nito.
Bilang ganti ay sumumpa siyang kakainin nito ang lahat ng sinabi nito at siya ang lalaking pakakasalan nito balang-araw.
Pero sa paglipas ng mga taon ay nagawa rin niyang kalimutan ang mga sinabi niya. Nakamit niya ang tagumpay na hinahangad niya—ang maging sikat na professional tennis player. Handa na siyang lumagay sa tahimik sa piling ng kasintahang si Caroline.
Subalit nagulo ang maayos nang plano niya nang magkrus uli ang mga landas nila ni Lunariss. Natuklasan niyang dalaga pa ito at wala itong boyfriend.
Hinihintay ba nitong bigyang-katuparan niya ang kanyang sumpa?

3. PHR 3617 My Little Starling by Princess Faye



Maya hated being manipulated. Hinding-hindi siya papayag sa kasunduan ng namayapang lolo niya at ng kaibigan nitong si Mao Lin na ipakasal siya kay Ren, ang apo ni Mao Lin. Nang hindi pumayag si Mao Lin na huwag nang ituloy ang kasal nila ni Ren, ang binata naman ang kinausap niya para kumbinsihing huwag silang magpakasal. Gayon na lang ang tuwa niya nang pumayag itong tulungan siya. Magpapanggap daw silang tanggap na nila na ipapakasal sila at nais munang makilala nang mabuti ang isa’t isa para ma-delay ang wedding arrangements. Pagkatapos ay bigla na lang itong mawawala isang araw at wala nang magagawa ang kahit na sino.
It was a perfect plan. Until she found herself falling in love with him.

4. PHR 3618 Blackthorn Trilogy 2: Cyclone Force by Arielle


Isang sikat na football player si Jonas “Cyclone” Pearson. Sa araw na magpo-propose siya sa kanyang girlfriend ay dinukot siya nina Rageon at Trois.
Sa pamamagitan ng blackmail, torture, at pagbabanta sa buhay at career niya ay napilit siya ng mga ito na magpanggap bilang si Nash at makipagkita sa bunsong kapatid ni Rageon na si Iraine. Na-in love kasi si Iraine kay Nash na kamukhang-kamukha niya. Sa kung anong dahilan ay naglahong parang bula si Nash.
Binigyan siya nina Rageon at Trois ng dalawang linggo para mawala ang pagmamahal ni Iraine kay Nash. Dapat na kamuhian ni Iraine si Nash para makapag-move on na ito sa buhay.
Ngunit nang magkita sila ni Iraine, sa halip na mawala ay lalo pang lumalim ang damdamin nito para kay Nash!
Paano na siya na natutuhan na ring mahalin si Iraine?

5. PHR 3619 Margot: Ang Palabang Apo Ni Lola Eva by Camilla


Ipinaubaya ni Margot sa half brother niya ang pamamahala sa kompanyang itinatag ng daddy nila. Pero maraming board members ang hindi satisfied sa pamamalakad nito kaya napilitan siyang magpaimbestiga sa tunay na lagay ng kompanya.
Duarte Perez came into the picture nang manahin nito ang shares ng ama nito sa kompanya. Suplado, masungit, at mayabang ang binata. Ngunit hindi siya bulag para hindi niya makitang guwapo ito.
Kinaray siya nito hanggang sa Quezon para lang kumbinsihin siya na may ginagawang milagro ang kapatid niya. She almost believed him, pero natuklasan niyang may motibo ito sa pakikipag- lapit sa kanya. Gusto nitong bilhin ang shares of stocks niya para makuha ang controlling shares ng kompanya nila.
Ah, kahit mahal niya ito, hindi siya magpapatalo rito.

6. PHR 3620 Blackthorn Trilogy 3: Serene Tempest by Arielle


Trois knew her destiny from the moment her life entwined with Mason Regero. She was to become his son Rageon’s bodyguard. Nanganganib kasi ang buhay ng anak nito dahil sa trabaho nito.
Pagkatapos siyang ma-train sa iba’t ibang uri ng fighting techniques ay naging bodyguard siya ni Rageon. Sa kasamaang-palad ay na-in love ito sa kanya, ayon mismo rito. Hindi kasama iyon sa usapan nila ni Mason.
Lalong hindi kasama sa usapan nila ang ma-in love siya sa binabantayan niya…

7. PHR 3621 Love Was Made For Us by Janikka Bernardo


Best friends sina Erisha at Ruben mula pagkabata kaya hindi nakapagtatakang nahulog ang loob ni Erisha rito. Pero batid niyang kaibigan lang talaga ang turing sa kanya ng binata. Isa iyon sa mga naging dahilan niya para lumayo muna siya.
Sa kanyang pagbabalik, marami nang nagbago kay Ruben. Tila lalong gumuwapo ito kaysa noong umalis siya. At parang naging mas sweet ito sa kanya ngayon. Pero tulad ng dati, she remained just a best friend to him.
Pero nang dumating sa eksena si Blair, ang binatang kasamahan niya dati sa trabaho, ay halos maghuramentado si Ruben. Bigla-bigla ay binakuran siya nito. Hindi lang iyon, todo ang pakiusap nito na huwag na siyang makikipaglapit uli kay Blair.
Bakit kaya?

8. PHR 3622 Bihagin Ang Puso Ni Alena by Camilla


Nasaksihan ni Blake ang pagkamatay ng kanyang ama sa gitna ng mainit na diskusyon sa pagitan nito at ng business partner nitong si Fernando Carbonel. Tinraidor ng huli ang kanyang ama. Inagaw nito ang kanilang negosyo at halos lahat ng kanilang mga ari-arian.
Sumumpa siya na pagbabayarin ito sa lahat ng atraso nito sa pamilya niya. At nang dumating ang pagkakataong pinakahihintay niya, may bonus pa ang revenge scheme niya: ang magandang anak nito na si Alena.
Bibihagin niya ang puso ni Alena at saka niya ididispatsa ito. Pagkatapos ay babawiin niya ang lahat ng ninakaw sa kanila ng gahamang ama nito.
Pero bakit kung kailan abot-kamay na niya ang katuparan ng bagay na matagal na niyang inaasam, saka naman tila tinatraidor siya ng sarili niyang damdamin?

9. PHR 3623 The Love-detector Test by by Ashlene Javier


Boyish si Lorelei Villamayor kaya napagkakamalan siyang lesbian ng marami. Hindi nakatulong sa maling impresyon sa kanya nang gawin siyang head ng security and investigation agency ng pamilya nila. Nang piliin siyang personal bodyguard ni Brittany, ang bratinella na anak ng aktor na si Aris Bragado, ay hindi siya nakatanggi dahil mismong ang papa niya ang kumumbinsi sa kanya na tanggapin ang trabaho.
Sa pagtira niya sa bahay ni Aris ay napansin niya ang pagpapa-cute nito. Agad niyang sinabi rito na hindi siya kabilang sa mga babaeng nagkakandarapa rito na isang ngiti lang nito ay hihiga na sa kama nito.
Ngunit bakit bigla na lamang niyang natagpuan ang sarili na gustong ihagis sa Ilog Pasig ang mga babaeng lumalapit kay Aris?

10. PHR 3624 Lumang Piso Para Sa Puso: Pisong Ligaya by Vanessa


Si Lia na siguro ang pinaka-insecure na babae sa balat ng lupa. She was not pretty to put it mildy. Sa edad na beinte-tres ay no boyfriend since birth siya. Nag-aalala na nga siyang maging no boyfriend ever sapagkat ni walang nanliligaw sa kanya, walang nagpapadala maski love note, wala ni sampaguita na tuyot, zero sa romantikong mundo.
Until the demigod Leon came along and asked her hand in marriage. It was too good to be true but she still accepted his offer.
Ngunit kabiguan lamang pala ang hatid nito sa kanya. May kapalit pala ang pagiging Mrs. Leon Osmundo niya.
After her heartbreak with her husband Leon, she went through a makeover. After several years, she was Basilia Encarnacion Osmundo no more, but simply Lia Encarnacion, a famous Asian TV reporter. She decided to go on a special assignment but got kidnapped along the way. Who would have thought that her ex-military-turned-tycoon-estranged husband was going to save her after all?
Ano na naman kaya ang plano nito sa kanya?

11. PHR 3625 It’s You I Always Wanted by Haze Prado


Hindi alam ni Liezl kung anong kabaliwan ang pumasok sa isip niya nang magpasya siyang ibigay ang sarili sa isang estranghero. Iyon ay pagkatapos niyang magpakalasing sa labis na sama ng loob sa panloloko ng boyfriend niya na binalak niyang turuan ng leksiyon. Kumilos at nagbihis siya tulad ng isang liberated na babae at ipinahiya ito sa harap ng maraming tao. Ngunit sa halip na matauhan ito ay siya pa ang sinisi nito sa pagloloko nito. Para daw kasi siyang bato na manhid sa “pangangailangan” nito.
Nangyari ang lahat ng plano niya, maliban lang sa hindi pala isang estranghero ang nakapiling niya sa magdamag kundi si Gerald Andrade. Nagulat siya nang malamang ito ang binatilyong humahabol sa kanya noon. Paanong naging ganoon kaguwapo ito ngayon? At bakit parang sumisirku-sirko ang puso niya kapag tinititigan niya ang nakangiting mga mata nito?

12. PHR 3626 Falling For The Secret Heiress by Emillie Rose (translated by Jade Alleje)


Isa lang ang pakay ni Lauren mula sa tunay niyang ina—ang malaman kung ano ang nangyari nang araw na maaksidente ang papa niya. Subalit gulo ang nilikha ng presensiya niya sa tunay nitong pamilya. She was the illegitimate child, isang kasiraan sa pamilya ng mga Altatorre.
At isang malaking balakid sa mga plano niya si Gage Ferrer, ang makulit na kliyente niya at espiya ng kapatid niya. Mukhang ipinadala ito para gawing miserable ang buhay niya.
Pero ang mas malaking problema niya ay kung paano lalabanan ang atraksiyong nararamdaman niya para dito.

Back to top Go down
 
November 17, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» The Wilder Life - A new book
» Bani - Ishq Da Kalma 21 November 2013 Written Update
» Pavitra Rishta 25th November 2013 Written Episode

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: