HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 November 10, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: November 10, 2010 Book Release   Wed Nov 10, 2010 4:17 am

1. PHR 3602 The Greek’s Long-lost Son by Rebecca Winters (translated by Iris Anne)


Sa kabila ng kanilang murang edad, minahal nina Theo at Stella ang isa’t isa. Nagbunga ang pagmamahalang iyon kaya nagpasya silang magpakasal at lumayo mula sa mga taong gustong humadlang sa pagmamahalan nila. Ngunit hindi sumipot si Theo sa kanilang kasal. Lubhang dinamdam iyon ni Stella. Kung hindi sa magandang alaala na iniwan nito sa kanya, malamang na sumuko na siya.
Pagkalipas ng ilang taon, muling nagkrus ang mga landas nila. Hinihingi nito ang karapatan nito sa kanilang anak. Nais din nitong bumalik sa buhay niya. Magagawa pa ba niyang papasukin uli ito sa kanyang buhay at isugal ang kanyang puso na minsan na nitong winasak?

2. PHR 3603 Lumang Piso Para Sa Puso: Pisong Asawa by Vanessa



Mira had it all—a modeling career, a glamorous business, a face that could stop traffic, and a handsome heir for a boyfriend. She was the talk of the elite because of her boyfriend. She knew he was going to officially pop the question soon, because they had already talked about getting married before. Matinding stress sa kanya ang lahat ng iyon, lalo na at hindi siya makakawala sa isang bahagi ng kanyang nakaraan sa kabila ng distansiya at panahon. Her past can be summed up in one man’s name, the fisherman Ezequiel…

3. PHR 3604 Ang Ilusyon Ni Bekang by Camilla


Nang makilala ni Bekang si Mark Margones at magpakita ito ng interes sa kanya, inakala niya na ito na ang passport niya para makaahon sa kahirapan. Pero nagkamali siya. Isang trahedya pala ang nakatakdang mangyari. Dahil doon ay inani niya ang poot ng pamilya Margones.
Pero minsan pa ay nangarap siya na sumungkit ng bituin sa katauhan ng tiyuhin ni Mark na si Heap. Dumanas siya ng pasakit mula sa mga kamay ng binata, pero sa isang pangyayari ay biglang nagbago ang ihip ng hangin. At hindi niya naiwasang mahulog ang loob dito…

4. PHR 3605 Your Love Is My Drug by Marione Ashley



Ian’s boyfriend Aiden, left her for another girl. Wala na raw itong nararamdamang spark para sa kanya kaya mas mabuting maghiwalay na sila. Sa gitna ng pagdadalamhati niya ay nakilala niya si Chuck del Mundo. Unang pagkikita pa lamang nila ay pulos kabaitan na ang ipinakita nito sa kanya. Kapag down na down siya ay bigla itong sumusulpot at pinasasaya at pinalalakas ang loob niya.
Hanggang sa maramdaman niyang unti-unti na nitong pinapalitan sa puso niya si Aiden. Kahit hindi nito tahasang sabihin ay alam niya ang ibig sabihin ng panunuyo nito at ng minsang pagkanta nito sa kanya ng love song sa cell phone.
Hindi pa niya kayang mag-entertain ng panibagong pag-ibig. Pero kaya rin kaya niyang bale-walain ang ibinubulong ng kanyang puso? Handa na ba siyang isugal ang kapalaran ng kanyang puso?

5. PHR 3606 The Blackmailed Bride by Michelle Reid (translated by Jade Alleje)


Kailangang-kailangan ni Christina ng taong tutulong sa kanya para sagipin ang Santa Rosa—ang lupaing pinakamamahal niya—mula sa mga taong gustong kamkamin iyon. Ngunit isang tao lang ang nakahandang tumulong sa kanya—si Luis, ang lalaking minahal niya nang labis noon ngunit kinailangan niyang palayain dahil hindi siya ang babaeng nababagay rito.
Ayaw niyang tanggapin ang alok na tulong nito dahil ang kapalit niyon ay nais nitong maikasal sila sa lalong madaling panahon. Gusto rin nitong bigyan niya ito ng mga anak.
Aminado siya, mahal na mahal pa rin niya ito. Ito lamang ang lalaking minahal niya sa buong buhay niya bagaman taliwas doon ang pagkakaalam nito.
Muli ay kailangan niyang tanggihan ang alok nitong kasal. Alam niya kasing pagsisisihan nito ang bagay na iyon kapag nalaman nito ang pinakatatagu-tago niyang lihim…

6. PHR 3607 Wedding Bells For The Duchess by Dream Grace


Sumuko na ang mga kinikilalang magulang ni Duchess sa paghahanap sa tunay na anak ng mga ito na halos tatlong dekada nang nawawala mula nang ma-kidnap iyon. Pero hindi siya. Kaya nang malaman niya ang tungkol sa babaeng diumano ay nakakaalam ng kinaroroonan ng tunay na anak ng mga Townsend ay ipinasya niyang hanapin ito.
Inupahan niya ang private detective na si Blue Chandler para tulungan siya sa kanyang misyon. Pero laking gulat niya nang makilala niya ang binata. Hindi maikakaila ang malaking pagkakahawig nito sa adoptive father niya. Hindi kaya ito mismo ang taong hinahanap niya, ang tunay na Royall Blue Townsend?
Ngunit malaking parte ng kalooban niya ang tumututol. Kung ito nga si Royall, sa mata ng batas ay magiging magkapatid sila.
Nagprotesta nang husto ang puso niya sa ideyang iyon.

7. PHR 3608 Open Your Heart To Me by Camilla


Dahil sa isang pangit na nakaraan, tanggap na ni Yngrid na habang-buhay siyang mag-iisa. Kaya naman nang dumating si John sa buhay niya, nawindang ang buong sistema niya. Tila isang unos ito na hindi humupa-hupa sa katinuan niya. The assault was too much for her to bear and her heart finally gave in.
Pero kasabay ng ikalawang pagkakataon na sumugal siya sa ngalan ng pag-ibig, saka sila minulto ng kanya-kanyang nakaraan. Paano pa niya haharapin ngayon ang bagong pag-ibig?
Bukod doon, may sumingit pa sa eksena—si Jenine na bahagi ng kanyang nakaraan at tila magiging malaking dahilan para mabigo siya kay John...

8. PHR 3609 In Each Other's Arms by Maricar Dizon


Malapit nang mamatay si Don Ricardo, ang may-ari ng pinakamalaking flower farm sa Tagaytay at kumupkop kay Avery mula nang maulila siya sa mga magulang. Ang tanging hiling nito ay makita ang anak nitong lalaki na matagal nang nawalay rito.
Kahit may phobia siya sa pagbibiyahe nang malayo, nagtungo siya sa Maynila upang hanapin ang anak nito. Habang nasa daan, may isang motorsiklong nag-cut sa pickup nila. Tumilapon ang sakay niyon. Ipinagpasalamat niyang ligtas ang driver niyon na walang iba kundi si Marco, ang anak ng don.
Hindi naman siya nahirapang dalhin ito pabalik sa Tagaytay at ipakilala ito sa ama nito.
Siya ang inutusan ng don na magturo sa tagapagmana nito ng pamamalakad sa flower farm. Hindi iyon naging madali sa kanya dahil bukod sa mayabang at antipatiko ang guwapong lalaki, pinoproblema rin niya ang damdaming unti-unting binubuhay nito sa puso niya para dito...

9. PHR 3610 Ang Mala-fairy Tale Kong Kuwento by Raphaela Kristina


Kung may isang bagay man na wala kay Aisha, iyon ay ang kumpiyansa sa sarili. Lumaki kasi siyang insecure sa fraternal twin sister niya. Nasa kakambal kasi niya ang lahat ng wala sa kanya—maputing balat, magandang hubog ng katawan, magandang mukha na hinahabul-habol ng mga kalalakihan, at higit sa lahat, ang atensiyon ng kanilang mga magulang.
Kaya nang magpakita ng interes sa kanya ang saksakan ng guwapo na si Andro—ang nakabili ng beach resort na pinagtatrabahuhan niya—ay hindi niya magawang paniwalaang malinis ang intensiyon nito sa kanya. Para sa kanya, ang lalaking katulad nito ay hindi kailanman magseseryoso sa isang katulad niya.
But Andro begged her to give him the chance to prove to her that a happily-ever-after kind of ending could really happen in reality. And so she risked everything by giving him the one chance that he begged for.
Ngunit sapat na ba ang pangako nito para mapawi ang lahat ng pag-aalinlangan niya at mapaniwala ang sariling karapat-dapat siyang mahalin nito?

10. PHR 3611 Suddenly, Scarlett by Camilla



Scarlett had been loving Bod forever. Pero may nobya na ito—ang spoiled brat na si Jasielle. Nang magkaproblema ang dalawa at mauwi iyon sa hiwalayan, nagkaroon ng pagkakataon si Scarlett na mapalapit sa binata.
Things were going smoothly, hanggang sa umiral ang pagka-bratinella ni Jasielle at bigla na lang nagbago ang isip nito. Nais na uli nitong makipagbalikan sa lalaking ibinasura nito. Dahil sa selos ay pinagbantaan siya nito at ang pamilya niyang lubog sa utang-na-loob sa mga magulang nito.
Scarlett was left with a dilemma: ang pag-ibig niya kay Bod, o ang kapakanan ng kanyang pamilya?

11. PHR 3612 I'm Gonna Make You Love Me by Camilla



Matagal nang itinitibok ng puso ni Dani si Damian. Pero bale-wala naman siya sa binata. Noong muntik nang may mangyari sa kanila, bigla na lang itong umalis nang walang paalam.
Nang bumalik ito, nagpanggap itong manliligaw niya upang matigil na sa pag-aalala ang buong pamilya niya na depressed siya dahil sa pang-iiwan sa kanya ng boyfriend niya. Na-“upgrade” sa pagiging nobyo ang pagpapanggap nito. Pero nauwi rin sa wala ang kuwento nila dahil sa ex-girlfriend nito.
After two years, he came back to her life once again and claimed that he love her still.
Sa tagal ng ipinaghintay niya na sabihin nitong mahal siya nito ay maniniwala ba agad siya rito?

12. PHR 3613 Lifemate by Arielle


Hindi inakala ni True na ang pagkukrus ng mga landas nila ni Random ay maghahatid ng maraming pagbabago sa buhay niya. Animo itinakda ng tadhana ang pagkikita nila dahil hindi niya kailanman naisip na sa pamamagitan nito ay mapapadpad siya sa New York City. Wala siyang alam tungkol dito maliban sa amo ito ng best friend niya.
Hindi ito nagdalawang-isip na tulungan siya nang mapagkamalan siyang sangkot sa isang krimen. Kaya nang magkaproblema ito ay hindi rin siya nagdalawang-isip na tulungan ito—kahit pa nang matuklasan niya ang napakadilim at pinakatatagu-tagong lihim ng pamilya nito!
Base sa takbo ng mga pangyayari, may dahilan kaya pinagtagpo sila. Hindi kaya sila ang nakatakda para sa isa’t isa?

13. PHR 3614 Getting Even With Emma by Camilla



Emma and Arthur had been best friends forever, gaya rin ng kanya-kanyang mga magulang. Nasa high school sila nang manganib na masira ang pagkakaibigan nila nang magsimulang magduda si Emma tungkol sa isang bagay na batid niyang kapag nahanapan niya ng sagot ay makakaapekto nang labis-labis sa relasyon nila ni Arthur. She confronted him about the issue pero pinasinungalingan nito iyon.
Now that they were older, ang isyung iyon pa rin ang tila maglalayo sa kanilang dalawa pagkatapos ng pag-e-exert nito ng effort na mapalapit uli sa kanya—kahit pa ang nasa isip niya ay pagganti ang dahilan kung bakit pinaibig siya nito.

Back to top Go down
 
November 10, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» The Wilder Life - A new book
» Bani - Ishq Da Kalma 21 November 2013 Written Update
» Pavitra Rishta 25th November 2013 Written Episode

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: