HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 November 3, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: November 3, 2010 Book Release   Wed Nov 03, 2010 3:55 am

1. PHR 3598 No Compromise by Arielle


Sa loob ng labing-isang taon ay nagtrabaho si Liora bilang mayordoma ng multibillionaire na si Conrado Gaspar. Bago ito namatay ay nakiusap ito sa kanya na gabayan niya si Fortune, ang naging pasaway na anak nito. Naglayas kasi ang binata noon at ngayon lamang nagbalik.
Ang anumang pangamba at takot niya at ng iba pang mga kasambahay sa mansiyon sa pagdating ng bagong amo nila ay napawi nang sa wakas ay makilala nila si Fortune. Napakaguwapo, mabait, at maunawain ito. Yumaman ito sa sariling pagsisikap.
Ngunit ang pagdating nito sa mansiyon ay gumulo nang labis sa isip at damdamin niya. Ngayon lamang niya nakilala ito ngunit animo binuksan ng presensiya nito ang mga nakatagong alaala sa isip niya.
Kasama roon ang pagsumpa nitong mamahalin siya nito habang- buhay…

2. PHR 3599 Love So Sweet by Marione Ashley


Nagtataka si Cloud kung bakit parang galit na galit sa kanya si Skye. Gusto niyang alamin ang dahilan kung bakit ganoon ito sa kanya, pero hindi niya alam kung paano siya magsisimula. But it seemed fate was on his side. May nalaman siyang sekreto nito. Ginamit niya iyon para i-blackmail ito. Ang plano niya ay turuan ito ng leksiyon. Pero tuwing nagkakasama sila ay tila siya ang natututo mula rito. Hindi niya inasahang sa tulong nito ay madali niyang mauunawaan ang totoong kahulugan ng pag-ibig.

3. PHR 3600 My Cool Boyfriend by Ann Margaret


Na-late si Everleigh sa pagpasok sa eskuwelahan. At dahil nasarhan siya ng gate ay nagdesisyon siyang mag-over the bakod sa pader ng eskuwelahan nila.
Nakapasok naman siya sa loob ng campus. Paalis na sana siya nang makarinig siya ng dalawang taong nag-uusap di-kalayuan sa punong inakyat niya. Paglingon niya ay nakita niya si Sid Vishous, ang most popular guy sa campus nila. Kausap nito ang isang babae, o mas tamang sabihing nagtatapat ang babae ng feelings nito kay Sid.
Nagsimula ang kaguluhan sa damdamin niya nang oras ding iyon. Dahil mula nang mahuli siya ni Sid na nanunubok daw rito ay hindi na siya tinantanan nito.

4. PHR 3601 Turuan Mo Akong Mahalin Ka by Camilla


Nang gabing matuklasan ni Ira ang panloloko sa kanya ng nobyo niyang si Jimbo Yllana, naaksidente siya dahil sa depression. Dahil doon, tila inako na ni Cesar, ang nakababatang kapatid ni Jimbo, ang guilt at mula noon ay palagi nang nakaalalay ito sa kanya. Inalagaan siya nito, in-encourage… at tinuruang muling magmahal.
Pero wala na ba siyang kadala-dala at iibig na naman siya sa isang Yllana? Nang makapag-isip-isip ay siya na rin ang gumawa ng hakbang para habang maaga ay kitlin na ang umuusbong na damdamin niya para sa binata.
Iniwasan niya ito, hanggang sa magsawa na rin ito sa kakahabol sa kanya. Pero bakit kailangang masaktan siya gayong iyon naman ang gusto niya?

Back to top Go down
 
November 3, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» The Wilder Life - A new book
» Bani - Ishq Da Kalma 21 November 2013 Written Update
» Pavitra Rishta 25th November 2013 Written Episode

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: