HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 October 27, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: October 27, 2010 Book Release   Wed Oct 27, 2010 10:34 am

1. PHR 3590 The Rancher’s Doorstep Baby by Patricia Thayer (translated by Sheena Rose)


Nang pumanaw ang ama ni Rachel ay naiwan sa kanya ang pamamalakad sa Hernandez Ranch. Sa rancho na iyon niya nakilala si Cole, isang lalaking guwapo pero isang misteryo para sa kanya ang pagkatao. Kaunting impormasyon lamang ang nalalaman niya tungkol sa pagkatao nito pero hindi naging hadlang iyon para mahalin niya ito.
Ngunit masyado palang madilim ang nakaraan nito. And that was the reason why he couldn’t bring himself to accept what she was offering—a home.
“When the time comes, I’m going to leave, Rachel,” he told her.
Desidido siyang baguhin ang isip nito.
Even if she got hurt in the process.

2. PHR 3591 Mahal Kita Kahit Hindi Dapat by Raphaela Kristina


Kinamuhian ni Zero ang isang babaeng sa larawan lamang niya nakilala. She was the reason why his brother killed himself. He vowed to avenge his brother’s untimely death.
Ngunit lumipas na ang limang taon ay hindi pa rin niya nakikita ang babaeng hinahanap. Susuko na sana siya, ngunit kung kailan hindi na niya ito hinahanap, saka niya natagpuan ito. The irony!
Nang makilala niya ang babae ay tila umaayon ang lahat sa mga plano niya. Lahat, maliban sa isang bagay—ang damdamin niya para dito. He had the misfortune of falling in love with the woman he hated so much. But the joke was on him, dahil sa bandang huli, iniwan din siya nito.

3. PHR 3592 My Own Star by Princess Faye


“Paglaki ko, hahanapin kita. Pagkatapos ay magpapakasal tayo.” Ito ang pangakong binitiwan ni Mikhal sa isang batang lalaki sa dalampasigan labinlimang taon na ang nakalilipas. The little boy became Nathan Rafael Licardo, the country’s most sought-after movie actor. To her dismay, hindi na siya natatandaan nito. And he was now completely living in a world that she had no way of penetrating. Binalak niyang kalimutan na lang ito.
Pero paano kung tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para pagtagpuin ang dalawang magkaibang mundo?

4. PHR 3593 Born For Me by Janikka Bernardo


Bata pa lang si Keira ay pangarap na niyang maging Prince Charming niya ang kababata at best friend niyang si Anton. Gabi-gabi ay iyon ang hiling niya sa mga bituin.
Ngunit gaya ng Prince Charming ni Cinderella, maraming naggagandahang babae na nakapaligid dito. He was the handsome soccer player while she was just a plain Jane campus nerd. Hanggang pagkakaibigan lang ang kaya nitong ibigay sa kanya. Kaya kahit masakit ay pilit niyang ibinaon sa limot ang damdamin niya para dito.
Hanggang isang araw ay hinalikan siya nito. It turned her world upside down. But did he really mean to kiss her?
Ayaw niyang umasa—dahil may isang babaeng mahal na mahal nito mula noon hanggang ngayon. Ano ang laban niya sa isang beauty and brains na babae na bumihag sa puso ng best friend niya?

5. PHR 3594 Moving On With You by Mei Sanchez


Sa dinami-rami ng lugar sa Pilipinas ay sa isang columbary pa nagkakilala sina Hans at Bridgette. Mula sa simpleng pagkakakilala ay naging magkaibigan sila at nahulog ang loob sa isa’t isa. Madali silang nagkahulihan ng loob dahil pareho silang nawalan ng minamahal sa buhay. Pero nang dumating na sila sa puntong nakahanda na silang kalimutan ang kanya-kanyang nakaraan ay saka nila natuklasan ang isang lihim na nakatakdang magpabago sa kanilang mga buhay.

6. PHR 3595 The Games That We Play by Camilla


Nang makasama ni Lauren si Thorne Bustamonte sa iisang bubong, hindi niya napigilang mahulog ang loob dito sa kabila ng pangit na pakikitungo nito sa kanya. Pero nagiging maayos na ang sitwasyon nila nang may masabi siyang “something stupid” dito: “I love you.”
Bumalik ang kasungitan nito sa kanya, hanggang sa lantarang sabihin nito na hindi ang klase niya ang babaeng nais nitong makasama. Sa pagrerebelde niya rito, nakipaglaro siya sa mga lalaki. Pero bakit tila hindi naman nagustuhan iyon ni Thorne?

7. PHR 3596 A Breath Of Faith by Yzabel


Si Marion Castro ang dream guy na yata ng lahat ng babae, maliban kay Raina. Para sa kanya, ang ipakasal sa hambog na lalaki ang pinakahuling bagay na aasamin niya sa buhay. Pakiramdam niya ay katumbas iyon ng isang sumpa. Pero dahil sa labis na pagpapahalaga niya sa kanyang ama ay hindi siya tumutol sa kagustuhan nitong ipakasal siya kay Marion, kahit ang kapalit niyon ay pagtalikod niya sa sariling mga pangarap niya.
Sa umpisa ay tila isang bangungot ang pagsasama nila. Pero nagawa ni Marion na buksan ang puso niya para umibig dito. Ngunit nang akala niya ay maayos na ang lahat sa pagitan nila, saka niya nalaman ang panlolokong ginawa nito sa kanya. Pakiramdam niya ay unti-unti siyang namamatay. Hindi na rin niya alam kung dapat pa niyang hayaan ang puso niyang patuloy na umibig sa lalaking nangako na pangangalagaan siya pero nagawa rin siyang saktan.

8. PHR 3597 Dating The Rebel Tycoon by Ally Blake (translated by Sumire Villegas)


He built skyscrapers, while she was an expert on Venus and studied celestial objects.
He attended the prestigious St. Grellans by birthright, while she studied through a scholarship grant.
He came from a wealthy and huge family, while she lived a simple life alone inside a van.
Rosie and Cameron were worlds apart. Kaya ganoon na lang ang gulat ni Rosie nang magpakita ng interes si Cameron sa kanya. They dated. Pero nang mahulog na nang tuluyan ang loob niya rito, naisip niyang wala naman talagang balak ito na seryosuhin kung ano mang relasyon mayroon sila. She would never fit into his world.
But he thought otherwise…

Back to top Go down
 
October 27, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» The Wilder Life - A new book
» Pavitra Rishta 24th October 2013 Written Episode
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: