HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 October 20, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: October 20, 2010 Book Release   Wed Oct 20, 2010 5:57 am

1. PHR 3580 Music, Love, And Kisses by Lei Ann Ambers


Alam ni Franz na maraming babae ang handang makipagpalit sa kanya ng lugar. "To die for" ang posisyon niya bilang personal assistant ng pinakasikat na bokalista sa bansa, si Yohan Ynares. Pero siya, handang makipagpalit—anytime. But being with Yohan all the time would not be good for her. Binubuhay kasi nito ang damdaming inakala niyang matagal nang namatay.
Kailangan niyang guwardiyahan ang damdamin niya rito. She couldn't fall in love with Yohan. Again.

2. PHR 3581 If Leaving You Is Easy by Anna Caroline Via


Pagkalipas ng anim na taon, bumalik si Harlene sa kanyang pamilya kahit walang kasiguruhan kung magiging maganda ang pagtanggap sa kanya ng mga ito. Wala siyang ibang hangarin kundi ang makasama uli ang kanyang mga anak at ang pinakamamahal niyang asawang si Graham. Ngunit katulad ng kanyang inaasahan, mas malamig pa sa yelo ang naging pagsalubong nito sa kanya.
Hindi niya ito masisisi. Sino nga ba ang matutuwang makita siya pagkatapos niyang umalis nang walang paalam?
She begged him to accept her back so she could make it up to them.
"Paano kung sabihin ko sa `yo na ang magiging kapalit ng pagpayag ko ay ang muli kong pagsiping sa iyo? My lonely bed is waiting for the return of my wife," mariing sabi nito.
Upon hearing his take-it-or-leave-it condition, batid niyang simula na iyon ng paglasap niya sa paghihiganti nito...

3. PHR 3582 Mahalin Mo Ako, Miss DJ by Bridgette Marie


A childhood crush. Doon nagsimula ang lahat-lahat. Chloe fell in love with her best friend’s brother, Shenald Nazarine Garcines. Iyon ang unang beses na nakaramdam siya ng ganoon. Kahit bata pa siya, sigurado siyang ito lang ang lalaki para sa kanya. Ginawa niya ang lahat mapansin lang siya nito.
Hindi siya nagdalawang-isip, niligawan niya ito. Hindi naman nasayang ang effort niya dahil napansin siya nito. Batid niyang may nararamdaman din ito para sa kanya dahil kung wala ay hindi siya hahalikan nito.
Ayos na sana ang lahat kung hindi lang umeksena ang kanyang istriktong ama. Pagkatapos niyon ay bigla na lang nawala si Shenald.
Ngayon, pagkatapos ng mahabang panahon ay nagbalik ito. Ganoon pa rin ang epekto nito sa kanya. Pero kaya na kaya nitong harapin ang daddy niya at ipaglaban siya?

4. PHR 3583 Melting Jewel's Heart by Majesty Roque


“Isang prinsipe mula sa malayong bayan ang darating sa buhay mo. Magiging tagapagligtas mo siya tuwing mapapahamak ka ngunit dapat kang mag-ingat. Iwasan mo siya dahil sa bandang huli, siya ang magiging dahilan kung bakit ka masasaktan nang lubos.”
Gustong matawa ni Jewel nang sabihin iyon sa kanya ng isang matanda. Malayong mangyari iyon sa katulad niyang tigasin at kilos-lalaki. Walang sinumang puwedeng umapi sa kanya sa lugar nila sa Baculong dahil may pagkakalagyan ang taong iyon.
Pero nakilala niya si Darryl. Pinabilis nito ang tibok ng puso niya, nagmistulang Jell-O ang mga tuhod niya sa titig nito, at nagawa nitong gisingin ang feminine side niya na animo comatose sa napakahabang panahon. Ang dating alistong isip niya ay tila nawawala sa huwisyo kapag nakikita niya ito. Walang dudang nahuhulog na ang loob niya rito.
Ngunit bago pa man niya maamin dito ang kanyang nadarama ay nalaman na niya na ikakasal ito sa iba. Nagkatotoo nga ba ang hula ng matanda tungkol sa isang prinsipe?

5. PHR 3584 Love And Music by Maricar Dizon


Janice was hurt by her past love. Dahil doon ay ibinuhos na lamang niya ang buong atensiyon niya sa pagtugtog ng piano at pagtuturo sa music school nilang magkakaibigan. Pero alam ng mga tao sa paligid niya na hindi pa siya nakaka-recover sa kabiguan. Walong taon ang itinagal ng relasyon nila ng dating nobyo niya na si Daniel kaya hirap siyang kalimutan iyon.
Biglang umingay ang tahimik na mundo niya nang makilala niya si Lloyd, ang rakistang kaibigan ng pinsan niyang si Jeff. Una silang nagkita noong tumugtog ito sa kaarawan ng pinsan niya. Mula noon ay palagi na itong sumusulpot sa harap niya kahit anong iwas niya. Hanggang sa aminin niya sa sariling nahulog na ang loob niya rito. Bumenta ang mga pagpapa-cute nito sa kanya.
Just when she already closed her heart to her past love ay saka niya nalaman na ang lahat pala ng ipinapakita ni Lloyd sa kanya ay palabas lamang. Sana lang ay may pag-asa pang magtagpo ang awit ng kanilang mga puso.

6. PHR 3585 To Find You Once Again by Princess Faye


Nasa high school pa lamang si Nikki nang makilala niya si Matt. She was the campus princess, he was the campus nerd. Pero hindi naging hadlang iyon para magkalapit ang mga loob nila. Masaya siya kapag kasama niya ito. But everything went sour when she denied him in front of her friends on the night of their Christmas ball. That was the last time she ever saw him.
She thought she would never see him again. Pero pagkalipas ng pitong taon, bigla itong dumating uli sa buhay niya. He was now a full-grown man oozing with confidence and appeal. And she realized she wasn’t completely over him.
Was it all right to believe in second chances?

7. PHR 3586 Naririto Ako by Camilla


Nakilala ni Caitlin si Gabriel nang muntik na siyang mabangga ng sasakyan nito. Inakala niyang pagsusupladuhan siya nito, pero hindi ganoon ang nangyari. Doon nagsimula ang pakikipagkaibigan nito sa kanya hanggang sa magtapat ito ng damdamin sa kanya. Ganoon na lang ang tuwa niya dahil may katugon pala ang instant attraction niya rito. Naging bahagi na ito ng buhay niya dahil sa lahat ng dagok sa buhay niya ay naroon ito at hindi siya pinabayaan.
Ngunit nakatakdang mabago ang relasyon nila nang makilala niya ang half sister niyang si Sahara na ex-girlfriend pala ni Gabriel. Nagtungo ang mga ito sa Amerika nang walang kaabug-abog at naiwan siya. Dulot niyon ay nagrebelde siya. Tinanggap niya ang alok sa kanya na maging sexy model. Sumikat siya sa larangang iyon.
Ngunit ngayong bumalik na si Gabriel, bakit parang yelo na natunaw ang galit niya rito?

8. PHR 3587 I Want Your Love by Marione Ashley


Hindi inaasahan ni Airin na magkakaroon siya ng pagkakataong mapalapit sa lalaking minamahal niya nang lihim—si Alessandro. Ginawa niya ang lahat para maturuan niya itong mahalin din siya. Pumayag siyang maging “pretend girlfriend” nito para makaganti ito sa mortal enemy nito na si Charlie at sa ex-girlfriend nito na nanloko rito.
Habang umaarte silang “magkasintahan” ay naramdaman niya na tila nag-iiba na ang trato nito sa kanya. Labis-labis ang tuwa niya dahil parang unti-unti nang nahuhulog ang loob nito sa kanya. Pero bumagsak ang pag-asa niya dahil lamang sa isang litrato nito na nagpapatunay—at nagbalik sa kanya sa realidad—na kahit kailan ay hindi nito magagawang mahalin siya.
Nalito siya kung alin ang pakinggan niya: Ang isip niyang nagsasabi na “Tama na,” o ang puso niyang sumisigaw ng “Kaya mo pa”?

9. PHR 3588 The Sweetest Treats For The Heart by Haze Prado


Nasa kolehiyo pa lamang si Sandy at ang best friend niyang si Angel ay kontrabida na ang tingin sa kanya ng kuya nito na si Erick. Kahit anong pabor at tulong ang gawin niya para kay Angel ay mali pa rin iyon para dito. Bad influence pa rin ang turing nito sa kanya.
Pero nang biglang nawala si Angel, siya ang unang taong nilapitan ni Erick para hingan ng tulong.
Gusto sana niyang huwag tulungan ito para makaganti siya sa lahat ng mga pagmamaliit nito sa kanya pero inaalala niya ang kapakanan ng kaibigan niya. Isang maling hakbang ang ginawa niyang iyon dahil kahit sinasadya niyang inisin si Erick habang magkasama sila ay siya ang nahulog sa patibong nito…

10. PHR 3589 The Heartbreaker's Heartbreak by Maricar Dizon


Ayaw matulad ni Iza sa kanyang ina at ate na parehong niloko ng kanya-kanyang babaerong asawa. Ngunit sa kabila ng pag-iingat niya ay bumagsak din siya kay Rodel na isang babaero. Pagkatapos nilang mag-break, isinumpa niyang iyon na ang huling pagkakataon na magpapakatanga siya sa pag-ibig.
Biglang umentra sa buhay niya si Albert, ang lalaking maraming nagsasabing mas malala pa ang pagiging babaero kaysa sa ex niya. The irony of all ironies: she fell in love with the womanizer, and believed him when he said he loved her.
But then, after he told her about his feelings for her, she saw him in the arms of other women.
Mahal nga ba talaga siya nito? O lapitin lang talaga siya ng mga lalaking babaero at manloloko?
Back to top Go down
 
October 20, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» The Wilder Life - A new book
» Pavitra Rishta 24th October 2013 Written Episode
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: