HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 October 13, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: October 13, 2010 Book Release   Wed Oct 13, 2010 1:33 am

1. PHR 3572 Rain In My Summer by Janikka Bernardo



Pagod na si Nikkola na makipagmabutihan sa mga lalaki pagkatapos ng ginawa sa kanya ni Steve—ang ex-boyfriend niyang salawahan. Mas mabuti pang mahalin na lang niya ang kanyang sarili kaysa ibigay ang puso niya sa isang lalaking wala namang ibang gustong gawin kundi paglaruan siya.
Hanggang sa nangyari ang isang aksidente at makilala niya si Brad Turner. Isa itong volunteer master diver na half Australian-half Filipino. Kung mailalarawan lang ang salitang “dangerous,” si Brad na iyon. Ang mga mata nito na kasindilim ng gabi ay tila nang-aakit, lihim na nangangako ng kaligayahan sa buong magdamag. And she hated the feelings he had awakened inside her. Hindi na ito maalis sa kanyang isip anuman ang pagnanais niyang itaboy ito mula roon.
Guwapo nga ito, pero sobrang mayabang at antipatiko. Kaya sa halip na pagtuunan niya ng pansin ang sariling agenda ay nag-iba ang kanyang plano. She would teach this arrogant brute a lesson! Pagsisisihan nito ang paghalik nito sa kanya without her consent!
Ngunit kung kailan nagbago na ang pangit na impresyon niya rito ay saka naman niya nadiskubre ang lihim nito. Pakiramdam niya ay nabaliktad ang sitwasyon at siya na ngayon ang pinaglalaruan ng binata…

2. PHR 3573 Anything But Ordinary by Ann Margaret



Nagsimulang magulo ang mundo ni Eristelle nang aksidenteng mapasubsob siya at mapahalik kay Shinrei Mondragon, ang guwapo ngunit kilalang pasaway sa kanilang campus. Mula noon ay sinundan-sundan na siya nito. May gusto raw siya rito. At ang sabi pa nito ay girlfriend na siya nito dahil nahalikan na niya ito. Ayaw nitong maniwala sa kanya na hindi niya sinadya ang nangyari.
Pero wala na siyang magagawa—maniwala man ito o hindi— dahil unti-unti nang nahuhulog ang loob niya rito. Nagtagumpay si Shinrei; hindi nasayang ang pangungulit nito.
Ngunit siya pala ang talunan. Nalaman niyang pinagkatuwaan lang pala siya nito at aliw na aliw lang itong asarin siya. Tama ba namang paglaruan nito ang puso niya?

3. PHR 3574 The Lunatic I'm Looking For by Camilla


Matiwasay na ang buhay ni Lee Ann sa piling ng kanyang mga anak. Matagal na siyang biyuda at hindi siya naghahanap ng boyfriend dahil para sa kanya, sakit lang ng ulo iyon. Pero nang dumating sa buhay nilang mag-iina ang bagong kapitbahay nila na si Wayne ay hindi niya in-expect na magbabago ang pang-araw-araw na buhay nila.
Wayne was cute and charming. Higit sa lahat ay kasundo ito ng mga anak niya. Labag man sa kalooban niya, natagpuan niya ang kanyang sarili na may boyfriend sa katauhan nito. And worse, na-in love siya rito. Then it was time for him to go. Alam niyang panandalian lang ang mayroon sila. Bakit siya umiiyak ngayon?

4. PHR 3575 Hindi Ba't Mahal Mo Ako Noon? by Camilla


Disisiyete pa lang si Rosann ay in love na siya kay Brody, pero ni hindi yata siya pansin nito. Lumipas ang ilang taon ay wala pa ring nabago sa damdamin niya para dito.
Ngunit nang isumbat nito ang tulong na nagawa ng ama nito para sa kanya, tumigas ang puso niya. Umabot sa sukdulan ang galit niya rito nang malaman pa niyang ang kayamanan pala ng yumaong ama niya ang nagsalba sa papaluging negosyo ng mga ito.
Ilang taon pa ang lumipas nang bisitahin siya nito. Humingi ito ng tawad sa kanya at ibinalik ang mana niya. At nang ipagtapat nito na noon pa man ay mahal na siya nito, hindi niya naiwasang magduda. Pero bakit sa kabila ng kanyang pag-aalinlangan ay tila gustong maniwala ng puso niya?

5. PHR 3576 A Convenient Bridegroom by Helen Bianchin (Translated by Armine Rhea Mendoza)


Sa simula pa lang, alam na ni Aysha na base lang sa mutual convenience ang nakaambang kasal nila ni Carlo Saldeguer, ang anak ng best friend at business partner ng papa niya. Tanggap niya na kailanman ay hindi niya mapapalitan sa puso nito ang lugar ng yumaong asawa nito. Kaya nga kailangang on guard lagi ang damdamin niya.
Ang hindi niya matanggap ay ang presensiya ng first-class bitch na si Nina sa buhay nila. Tila wala itong sinasayang na pagkakataon para ipamukha sa kanya ang relasyon diumano nito kay Carlo.
Siguro naman ay karapatan niya kung igiit niya ang fidelity ni Carlo. Iyon na lang ang tanging mapanghahawakan niya para hindi ito mawala sa kanya…

6. PHR 3577 Her Name Is Cassie by Jessica Sison


Sa dinami-rami ng mga taong nakasalamuha ni Cassie sa paglalayag, may isang estrangherong pumukaw ng kakaibang damdamin sa kanya.
Was it attraction at first sight or love at first sight? Hindi niya tiyak kung ano ang itatawag sa damdaming iyon. Ang natitiyak lamang niya ay nais niyang makita uli ito.
Nang makita uli niya ito ay naging determinado siyang mapalapit dito. At nang magkalapit na sila, ayaw na niyang mapalayo rito. Namalayan na lamang niya na nahuhulog na ang kanyang loob dito.
But she didn’t know where her feelings would take her. When the cruise ended, would she end up with a happy heart or a broken heart?

7. PHR 3578 Chasing Lexie by Mei Sanchez


Naranasan ni Lexie sa mga magulang ng dating nobyo niya ang pinakamatinding pang-iinsulto sa pagkatao niya. Kaya isinumpa niya sa kanyang sarili na hinding-hindi na niya hahayaan ang sariling magmahal ng isang lalaking mayaman.
Dumating sa buhay niya si Earl, ang guwapong lalaking simple lamang ang buhay. Taglay na yata nito ang lahat ng katangiang hinahanap ng babae sa isang lalaki. Mabait, masipag, at responsable ito. Ramdam niya, sa bawat araw na lumilipas ay nahuhulog ang loob niya rito.
Ngunit isang araw, nayanig siya nang matuklasan niyang may inililihim pala ito sa kanya. Masasaktan na naman ba siya?

8. PHR 3579 Loving Leo by Celine Isabella


Pakiramdam ni Mandy ay permanente nang namamahay sa kanyang sikmura ang tila mga munting paruparo na nagliliparan doon mula nang ma-realize niya ang damdamin niya para sa kababata niyang si Leo. Taon na rin ang binibilang niya mula nang man gyari iyon.
Sure, lagi siyang idine-date nito. Lagi ring may pasalubong ito sa kanya. But he wouldn’t look at her the way he looked at other women.
Best friend forever—iyon siya sa buhay nito. Minsan naman ay “little sister” ang tawag nito sa kanya. Baka isang araw, magising na lang siyang “kumare” na ang tawag nito sa kanya dahil kinuha siya nitong ninang ng magiging anak nito.
Isipin pa lang niya na magpapakasal ito sa iba, para na siyang nauupos na kandila. Paano na lang kapag totoo nang nangyari iyon?

9. Stallion Island Series 13: Slade Villacorta by Sofia


Hindi feel ni Josefa ang mga miyembro ng Stallion Island, lalo na ang mayabang na si Slade Villacorta. Inakusahan siya nitong may modus operandi para lang kumita ang auto shop niya, samantalang wala naman itong kaalam-alam tungkol sa mga sasakyan.
Sa kamalas-malasan ay isinali siya ng kanyang ina at kapatid sa Stallion Shampoo Makeover Challenge. At ang Prince Charming niya ay si Slade mismo.
Kailangan niyang manalo sa contest na iyon upang matupad ang isang matagal na niyang hinihiling sa Diyos para sa kanyang pamilya. Pero paano naman siya mananalo kung sinisira ni Slade ang bawat diskarte niya sa patimpalak na iyon? Gusto nitong patunayan na bago matapos ang kompetisyong iyon ay in love na siya rito.
Back to top Go down
 
October 13, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» The Wilder Life - A new book
» Pavitra Rishta 24th October 2013 Written Episode
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: