HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 October 6, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: October 6, 2010 Book Release   Wed Oct 06, 2010 9:26 am

1. PHR 3562 Lihim Na Pagsinta by Belle Feliz


Malungkot at sugatan ang puso ni First Nicholas habang pinapanood na ikinakasal sa iba ang pinakamamahal niyang si Michelle. Mula pagkabata ay ito lamang ang babaeng minahal niya. Ayaw magmahal ng puso niya ng iba.
Wala siyang nagawa kundi ang makiusap sa Panginoon: “Nagmamakaawa po ako sa Inyo. Bigyan po Ninyo ako ng isa pang pagkakataon. I won’t screw it this time. I will do everything right. I will love her more. Maawa naman po Kayo sa `kin. I don’t wanna live in misery forever. I wanna be with her. Just please…”
Sa labis na pagkagulat niya, dininig ng Panginoon ang mga pakiusap niya. Sa hindi malamang kadahilanan, hindi makasagot ng “I do” ang lalaking pakakasalan ni Michelle!
She was hurt and devastated. And he was there by her side to comfort here. Iyon na rin ang magandang pagkakataon upang ipakita niya rito ang pagmamahal niya rito.
Mapansin na kaya siya nito na higit pa bilang isang kaibigan?

2. PHR 3563 Sweet Dates With You by Victoria Amor


Hindi maintindihan ni MJ kung bakit napakadali para kay Anthony na maramdaman na gusto ito ng ibang babae pero pagdating sa kanya ay manhid ito. Wala itong kaide-ideya na trese anyos pa lamang siya ay crush na niya ito.
Nang sumapit siya sa edad na disisais ay nakasama niya ito sa isang bahay dahil pareho silang sa Maynila na nag-aral. Inalagaan siya nito at pinagsilbihan nang todo-todo.
Kasalanan nito kaya hindi niya napigilan ang sariling magpantasya na mahal na rin siya nito…

3. PHR 3564 Raffles: Ang Spoiled Brat Na Apo Ni Lola Eva by Camilla


Ipinatapon sa probinsiya para doon magtrabaho ang spoiled brat na si Raffles nang mapuno sa kanya ang lolo niya. Habang patungo siya sa lugar ng magiging boss niya, aksidenteng nabangga niya ang mga tumatawid na baka sa kalsada. Mahigit kalahating milyong piso ang danyos na kailangan niyang bayaran. Kaysa makulong, mas minarapat niyang magtrabaho na lang sa restaurant ni Boyle, ang employer na pakay niya na siya rin palang may-ari ng mga kawawang baka.
Nabayaran ang natitira pang utang niya rito nang ma-repair at maibenta ang kotse niya. Pero hindi tulad noong bagong dating siya roon, wala na siyang balak na umalis doon. Sa lugar na iyon nagsimulang mabago ang buhay at ugali niya. At utang niya iyon kay Boyle. Marami siyang natutuhan dito. Pati ang puso niya ay natuto ring mahalin ito.
Pero marami palang inililihim ito sa kanya. All this time, nililinlang nga lang ba siya ni Boyle?

4. PHR 3565 The Prince And Emily by Dream Grace


Napaisip si Emily kung nawawala na ba siya sa katinuan nang lumapit sa kanya ang sikat at guwapong aktor na si Prince Townsend. He was the prince of vain and rarely seen without a beautiful woman beside him. Samantalang siya ay “ugly duckling” ang pinaka-tame na taguri.
He was every woman’s dream lover and every man’s dreaded rival. Pero nang titigan siya nito, pakiramdam niya ay siya ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Ni hindi rin nito kinayayamutan na nauutal siyang magsalita minsan, tulad ng kanyang pamilya. Instead, he found it adorable.
Pero dapat nga ba niyang paniwalaan ang interes na ipinapakita nito sa kanya kung may mga nagsasabing kaya lamang nakikipaglapit ito sa kanya ay dahil nais nitong mapalapit sa batang-bata at napakagandang madrasta niya?

5. PHR 3566 Could It Be You? by Laurice del Rio


Palpak sa pagpili ng lalaking mamahalin ang kakambal ni Sydney. Lahat ng mga naging boyfriends nito ay pinaiyak lang ito. Ang masaklap, ang tigas ng ulo nito at hindi nadadala.
Matagal nang may crush sa kakambal niya ang kaibigan niyang si Kyle. Ang problema, hindi ito pinapansin ng kakambal niya. Wala raw kaanghang-anghang ang personalidad ni Kyle. So Sydney came up with a plan that might just make her sister see Kyle in a different light.
But the plan backfired. At sa pagpalpak na iyon ay mukhang siya pa ang madidisgrasya dahil ang natutulog na puso niya ang naalog at nagising. Sa halip na ang kakambal niya ang mag-iba ang tingin kay Kyle ay ang mga mata yata niya ang nabuksan.
Ang problema, kung kailan nagsisimula na siyang mangarap ay saka nagpasya ang kapatid niya na bigyan ng pansin sa wakas si Kyle…

6. PHR 3567 Can’t Fight Love by Camilla



Best friend forever ni Panjee si Aryong sa kabila ng malaking agwat ng kanilang social status. Matagal na nawala ito sa bansa. Nang magbalik-bayan ito ay may problema pang dala ito—si Amelie, ang nobya nito gusto na nitong hiwalayan.
Siya ang nakita nitong solusyon sa problema. Nakiusap ito sa kanya na tulungan niya ito na idispatsa si Amelie. Nagtagumpay sila; nasolusyunan ang problema nito. Ngunit siya naman ngayon ang may dinadalang problema—dahil na-in love siya sa BFF niya…

7. PHR 3568 My Happy Ending by Majesty Roque


“Ang pag-iwas ay bahagi ng pag-move on. Kung hanggang ngayon ay gusto mo pa rin siyang iwasan, baka nasa proseso ka pa rin ng pagmu-move on.”
Iyon ang paalala kay Hannah ng kapatid niyang si Reden kaya kahit gusto niyang layuan si Dranreb ay hindi niya ginawa. Ito ang tanging lalaking minahal niya pero siya ring nang-iwan sa kanya.
Sa pagkikita uli nila ay ipinagtabuyan siya nito pero lalo siyang nagpursiging makipaglapit dito. Ginawa niya ang lahat maging ang pagsuko ng “Bataan” pero sinaktan lang uli siya nito. Napanghinaan na siya ng loob. Gusto na niyang isuko nang tuluyan ang pag-ibig niya rito at kalimutan na lang ang happy ending na pinapangarap niya para sa kanilang dalawa nang saka ito lumapit at nagpaliwanag sa kanya…

8. PHR 3569 Best Friend Ng Buhay Ko, Best Love Ng Puso Ko by Kayla Caliente


“Choy” ang palayaw ni Gabriel, short for “Tabachoy.” Pero kahit parang butanding ito na naglakad sa lupa ay mabuting kaibigan at mabuting tao ito. Kaya nga si Lynette ay handang humawak ng tabak at maghamon ng away para lang ipagtanggol ito sa mga nanlalait dito, kabilang na roon si Zita, ang ultimate crush ng lalaki na wala yatang napansin kay Choy kundi ang umaalun-alon na bilbil ng huli.
When her boyfriend dumped her, she decided to make it her advocacy to change Choy’s life for the better. Dahil doon kaya nabuo niya ang ideyang magkatuwang na i-makeover nila ang kanilang mga sarili.
Mukhang may career siya bilang nutritionist-cum-fitness instructor dahil umubra ang binuo niyang programa na huhubog sa mga katawan nila ni Choy. Ilang buwan lang ang lumipas ay naging makulay na ang dati ay walang kalatuy-latoy na love life ng kaibigan niya.
Pero kung kailan nangyari iyon ay saka naman niya nadiskubre ang masaklap na katotohanan: Ayaw na niyang maging friend lang ito. Pero ang malaking problema niya, sumagi kaya rito ang ideyang puwedeng maging sila kung gayong ito na ang hinahabul-habol ngayon ni Zita?

9. PHR 3570 So In Love With You by Majesty Roque


Pinakamatalik na kaibigan ni Thea si Delvin. Sa lahat ng problema niya ay nakaalalay ito sa kanya. Ngunit sa problemang silang dalawa ang maylikha ay hinayaan nitong harapin niyang mag-isa iyon. Naglaho itong parang bula.
Pagkalipas ng mahabang panahon ay nagkrus uli ang kanilang mga landas. Gusto niyang sumbatan ito ngunit hindi niya magawa. Sa halip kasi na galit ay iba ang emosyong nangibabaw sa kanyang puso. Isa iyong emosyon na hindi niya dapat maramdaman dahil hindi na siya malaya para mahalin ito…

10. PHR 3571 Second Chance At Happiness by Gywneth Azea


Aramon was the only man Christina had ever truly loved. Ngunit dahil langit at lupa ang agwat ng kanilang mga pamumuhay ay hindi pabor dito ang kanyang ama na istriktong Chinese. Sa huli, mas pinili niyang maging masunuring anak at nilayuan ang binata.
Ngunit tila pinaglaruan sila ng tadhana.
Pagkalipas ng ilang taon ay pinagtagpo uli sila—ito ang boss niya at siya ang butihing assistant nito. Mataas na ang katayuan nito sa lipunan. Lalong gumuwapo at kumisig din ito. Indeed, many things had changed.
Kasama kaya sa pagbabagong iyon ang damdamin nito para sa kanya? Maniwala kaya ito sa kanya kung sasabihin niya rito na sa kanya ay walang nagbago; na hanggang ngayon ay ito pa rin ang nilalaman ng kanyang puso?
Back to top Go down
 
October 6, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» The Wilder Life - A new book
» Pavitra Rishta 24th October 2013 Written Episode
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: