HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  
Share | 
 

 September 29, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts: 695
Age: 26
Location: Quezon City
Registration date: 2007-12-19

PostSubject: September 29, 2010 Book Release   Wed Sep 29, 2010 7:02 am

1. PHR 3553 Ang Awit Ni Diosa by Rose Tan



Walan pamilya, walang tirahan, walang nagmamahal. Iyon si Diosa, isang hampaslupa. Isang gabi, pagkatapos siyang bugbugin ng mga umaway sa kanya at iwan ng mga ito na nakasubsob sa putik, luhaan, at nagmamakaawa sa langit, ay isang “anghel” ang lumapit sa kanya—si Macoy, ang kaibigan at tagapagtanggol niya noong nasa bahay-ampunan pa sila.
Nabuhayan siya ng pag-asa. Sa wakas ay may tutulong sa kanya. Tinitigan siya nito na waring inaalala kung sino siya. Pero pagkatapos siyang itayo nito ay basta na lamang siya iniwan nito. Diyata’t isnabero at matigas na ang puso ng dating tagapagligtas niya?
Iyon ang mas ipinaghimagsik ng loob niya at halos ikalupasay niya.

2. PHR 3554 Dream Man, Superman by Noelle Arroyo


Hindi pa man personal na nakikilala ni Krisia si Marco ay infatuated na siya rito. Pinsan ito ng isa sa mga best friends niya at mabanggit lang ang pangalan nito ay bumibilis na ang tibok ng puso niya.
Pero sino ba naman ang hindi maa-attract kay Marco? Bukod sa good looks, bestselling author din ito sa ibang bansa. Isa pa, kahawig ito ni Clark Kent.
Nang sa wakas ay pormal silang magkakilala, halos maumid ang dila niya. Ganoon katindi ang epekto nito sa kanya kahit ngumiti lang ito. Tila nagkaroon ng mukha ang dream man na nai-imagine lang niya dati. At habang nakikilala nila ang isa’t isa, lalong lumalalim ang nararamdaman niya para dito.
But he was older, wiser, and more mature. Sanay ito sa kalakaran ng buhay sa ibang bansa at lalo na sa mga babaeng sopistikada. Samantalang siya ay sanay sa simpleng buhay at medyo konserbatibo ang mga pananaw.
Mananatili na nga lang yatang pangarap para sa kanya ang isang tulad nito…

3. PHR 3555 Charm Me With Your Heart by Mariane Reign


Enzo Legarda set out charms like consecutive bullet shots. Mapalad na ang babaeng hindi mahuhumaling sa kanya. If he would want a woman, he’d have her begging on her knees. Pero hindi pala lahat ng babae ay kaya niyang akitin. A concrete example was Myeisha Ciel Templonuevo.
Kung iwasan siya nito ay parang siya ang pinakapangit na nilalang sa balat ng lupa. She stung him like a bee after her honey, glare at him like a lioness to its predator. At ito lang ang nag-iisang babaeng tumanggi sa kanya, the only woman who crashed his ego.
He was off to play with her to get even. He had to show that woman what she was missing. Kailangan niyang ipakita rito kung paano mang-akit si Enzo Legarda.
Sigurado siyang naglalaro lang siya nang-i-date niya ito. Sigurado siyang biro lang nang halikan niya ito.
Pero may bigalng sinabi ang dalaga sa kanya—words that awakened his senses, words that changed his heart.
“Don’t use your charms to get me. Charm me with your heart.”
Paano niya gagawin iyon?

4. PHR 3556 Amelo No by Sidney San Jose


Pilit na sinusupil ni Beatriz ang damdaming biglang umusbong sa kanyang puso sa panahong bihag siya ni Daniel. Ayon dito ay malaki ang atraso ng kanyang ama sa pamilya nito kaya nagawa nitong bihagin siya. Naniningil lamang daw ito.
Pero ano ang gagawin niya gayong sa bawat araw na kasama siya nito ay iniibig pa rin niya ito kahit pa ang isinusukli nito ay pagkasuklam?
May pag-asa kayang magtagumpay siya?

5. PHR 3557 Fire And Ice by Camilla


Dahil sa isang mix-up sa arrangement ng accommodation ng grupo ni Nurita nang dumalo sila sa kasal ng kaibigan nila ay napunta sila sa guest room sa mansiyon ni Ramiro Marcial, ang solterong pinsan ng groom na pinagdududahan nila na isang DOM.
Sa unang gabi niya roon ay nagising siya na may manyakis sa ibabaw niya! Nagulpi niya ito kaya nailigtas niya ang sarili mula sa kapahamakan.
The next day, may nakilala siyang guwapo sa dining room—at sa kung anong sumpa ay tila na-possess siya at tinanggap ang halik nito. Hiyang-hiya tuloy siya sa kanyang sarili.
Nang makilala niya kung sino ang inakala niyang manyakis na nagtangka sa kanya at ang guwapong pinagnasaan niya sa dining room, gusto niyang lamunin na lang siya ng lupa. Iisang tao lang pala ang mga ito—and he was none other than the master of the house himself: Ramiro Marcial…

6. PHR 3558 Loving A Duke by Aloha Jade


Psyche was an ordinary girl who dreamed of becoming a romance novelist and meeting her one true love. Sa pag-abot niya sa kanyang unang pangarap ay nakilala niya si Tristan. Blue-eyed, with heavily accented English, and a passion for Shakespeare's poetry, he was the epitome of her one true love. May malaking problema nga lang: He didn't believe in love.
Kay saklap naman...

7. PHR 3559 When Soul Mates Meets by Raphaela Kristina


May kakayahan si Pia na makakita at makaranas ng mga hindi pangkaraniwang bagay. Ngunit nang magtama ang mga mata nila ni Patrick sa kauna-unahang pagkakataon, hindi niya napaghandaan ang matinding impact na nilikha nito sa puso at isipan niya. Hindi niya makalimutan ang guwapong mukha nito sa kabila ng apat na taong lumipas na hindi na niya ito nakita. Pakiramdam niya, ito na ang “soul mate” na hinihintay niya.
At tila sagot sa matagal na niyang ipinapanalangin, isang gabi ay muling nagtagpo ang mga landas nila. Napag-alaman niyang biyudo ito at ipinagluluksa pa ang pagkamatay ng asawa. Ngunit ang kakaibang “psychic ability” niya ang siyang nagtulak sa kanya upang makipag-ugnayan sa namayapang asawa nito. Nalaman kasi niyang hindi aksidente ang pagkamatay ng asawa nito kundi sinadya itong patayin. Somehow, she felt that she was bound to help his late wife get the justice she deserved. Kaso, hindi naman niya makuha ang kooperasyon ni Patrick dahil para dito, anything that was beyond logic, especially her “psychic ability,” was plain nonsense! Pero bakit ganoon? Bakit kahit nalaman na niyang hindi ito kasimperpekto ng ini-imagine niya dati ay patuloy pa ring nahuhulog ang loob niya rito?

8. PHR 3560 Nagmamahal Sa Iyo by Amanda


Heather lost some part of her memory after a car accident. Nagising siya mula sa operasyon na naaalalang kasal siya kay Rex Torejon, pero kasama sa mga nakalimutan niya ang ay ang damdamin niya para dito.
Nangako si Rex na liligawan siya nito araw-araw, paiibigin uli siya hanggang maalala niya ang nakaraan. True enough, Heather fell in love with Rex the second time around. Ngunit kung kailan minahal na uli niya si Rex ay saka niya natuklasan ang ginawang pagtataksil nito. Rex had an affair with her best friend Sabina!
Nagalit siya kay Rex at pinaratangan niya ito ng kung anu-ano—only to realize nang magbalik ang alaala niya na siya ang may kagagawan ng lahat ng kasalanang ibinibintang niya rito. At ang totoo ay hindi na gusto ni Rex na magbalik ang alaala niya, dahil ang alalahanin ang nakaraan ay mangangahulugang kailangan niyang kalimutan ito…

9. PHR 3561 Heart Secrets & Songs Trilogy 3: Louie And The Doubtful Heart by Victoria Amor


Rejection ang naging greatest fear ni Ashmine dahil buong buhay niya ay iyon ang naranasan niya mula mismo sa kanyang mga mga magulang, lalo na mula sa kanyang ama na paulit-ulit na ipinaramdam at ipinamukha sa kanya na wala siyang halaga. Iyon din ang dahilan kung bakit sinadya niyang ilayo ang kanyang sarili sa pag-ibig.
Ngunit sa pagkikita nilang muli ni Louie, ang kababata at kaibigang shoulder to cry on niya noon, hindi niya inakalang ganoon kadaling tutunawin nito ang yelong proteksiyon na sinadya niyang ipalibot sa puso niya. She found herself falling for him so fast.
Kakayanin ba niyang lampasan ang kanyang takot at sumubok na magmahal?
Back to top Go down
 

September 29, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 ::  :: -