HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 September 22, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: September 22, 2010 Book Release   Wed Sep 22, 2010 5:24 am

1. PHR 3543 My One True Love by Raphaela Kristina


Jenny met Uno by chance. She was just fifteen then and he was seventeen. Ngunit ang saglit na pagkikita nilang iyon ay nagkaroon ng malaking pagbabago sa buhay niya.
After nine years, they met again. He was now a famous chef-cum-actor, while she was the daughter of a senator seeking for a higher position in the national election. Dahil sa pagiging kilala nila pareho ay naging sentro sila ng usap-usapan sa mga diyaryo at TV, lalo na nang tila naamoy ng mga reporter na may namumuong romansa sa pagitan nila. Nahalungkat ang kanilang “nakaraan.” Sinundan at kinunan ng mga local paparazzi ang bawat galaw nila.
Tuloy ay para silang mga takas na kriminal ni Uno na nagtatago upang magkaroon lang ng pagkakataong maipadama ang kanilang pagmamahalan sa isa’t isa. Kailangan din nilang isaalang-alang ang isang inosenteng nilalang na naiipit sa lahat ng iyon.
Ngunit hanggang kailan magtatagal iyon? Hanggang kailan siya maghihintay upang lumigaya na nang tuluyan sa piling ng lalaking minamahal?

2. PHR 354 Ono: Ang Brokenhearted Na Apo Ni Lola Eva by Camilla


Gustong ipamukha ni Ono sa manloloko niyang ex na matagal na siyang naka-get over dito. Kaya kailangan niya ng magpo-pose na boyfriend niya. At tamang-tama ang pagsulpot ni Benicio sa buhay ni Ono. Wika nga, he came at the right place at the right time. Pumayag ito sa alok niya.
Kumbinsidung-kumbinsido ang lahat na tunay ngang magkasintahan sila ni Benicio, pati na ang groovy but nosy na si Lola Eva. Natural na natural ang pakikitungo nila ni Benicio sa isa’t isa. Napakamaalalahanin pa nito at sweet. Pati nga yata ang puso niya ay nakukumbinsi na rin, umaasam na sana ay totoong sila na nga…

3. PHR 3545 A Decade Of Love by Maricar Dizon


Sampung taon—ganoon na katagal umiibig si Claire sa basketball heartthrob na si Paul Corcuera. Pero sa loob ng mga taong iyon ay malinaw ng ipinahayag nito sa kanya ang disgusto nito sa kanya at sa mga babaeng kagaya niya. Ang gusto raw nito ay isang babaeng tipong Maria Clara. Dahil sa kahibangan niya sa pag-ibig, pinilit niyang baguhin ang sarili para dito.
Ang akala niya eepekto ang kanyang ginawa, hindi pala. Sa huli ay luhaan pa rin ang puso niya.
She decided to finally give up.
Ngunit isang pangyayari at naging daan upang magkasama sila. Kailangan nilang magtulungan para sa kapakanan ng dalawang taong kapwa mahalaga sa kanila. She put aside first her differences with Paul.
Tama ba ang desisyon niya? Paano kung sa pagkakalapit nila ay lalong lumalim ang pag-ibig niya rito at manatili siyang hindi makaaahon?

4. PHR 3546 Somebody To Love by Camilla


Nagkarelasyon si Erna kay Max noon. Pero dala ng kahirapan ni Max, napilitan itong makipaghiwalay sa kanya dala na rin ng pamumuwersa ng kanyang mga magulang. After ten years, aksidenteng bumalik naman ito sa buhay niya para iwan lang siyang muli na broken-hearted at nagtataka kung bakit hindi sapat ang pag-ibig nila para ipaglaban siya nito.
Kaya nang sa ikatlong pagkakataon na nagkita silang muli, alam niya na wala na talagang mangyayari.
Pero bakit nagpoprotesta ang puso niya…?

5. PHR 3547 A Convenient Love Affair by Anne McAllister (translated by Iris Anne)


Gusto sanang tumanggi ni Natalie nang pakiusapan siya ng kanyang ina na tumao muna sa bahay nito habang wala ito. Mangangahulugan iyon na muli niyang makikita si Chris—ang guwapong abogado na kapitbahay ng kanyang ina. Three years ago, she fell for him. Pero tinanggihan siya nito.
Nang muli silang magkita, ganoon pa rin ang epekto nito sa kanya. Ganoon pa rin ang nararamdaman niya para dito. Ngunit sa pagkakataong iyon, tila handa na itong suklian ang damdamin niya. Iyon nga lang, naging prangka ito. Hindi ito ang tipo na naniniwala sa habang-buhay na pagsasama. At lalong hindi ito ang tipo na naniniwala sa kasal.
Handa ba siyang isugal ang puso niya sa ganoong klaseng relasyon?

6. PHR 3548 Heart Secrets & Songs Trilogy 2: Paige And The Playful Heart by Victoria Amor


Sa banda na Heart’s Limit, si Paquito “Paige” Madrigal ang paborito ni Kim—paboritong hatakin para magpalibre ng sine at kumain sa paborito niyang fastfood restaurant. Ito rin ang paboritong kakulitan, kaasaran, at iyakan niya kapag nabasted siya sa mga crushes niya. Ito lang kasi ang kaibigan ng kuya niya sa banda na sigurado siyang hindi niya gugustuhin kaya panatag lahat, Paige was always there for her.
Kaya naman nang makita niyang pinagtaksilan ito ng girlfriend nito ay bumuo siya kaagad ng plano para hindi masaktan ito. Pero ang lokong si Paquito ay iba naman ang trip—kumanta ito ng “Walang Kapalit” na may kasama pang crocodile tears at nakatingin sa direksiyon niya. Ngunit nang sundan niya ito sa backstage ay mariing halik lamang sa mga labi niya ang paliwanag nito.
And the next hours, he was gone…

7. PHR 3549 Lumang Piso Para Sa Puso: Pisong Luho by Vanessa


Nasa Pilipinas si Carolina dahil iyon ang gusto ng kanyang ama. That was her punishment for being a brat. She was also stripped off of the things she thought she needed to survive, like shopping allowance and credit cards. Ang tanging ibinigay nito sa kanya ay isang libong pisong kailangan niyang kunin araw-araw sa isang pinagkakatiwalaan ng kanyang tiyuhin. Doon niya nakilala si Ben—isang atribidong lalaking tila inis sa kanya. Puwes, inis din siya rito kahit ang guwapu-guwapo nito. Ngunit nang patikimim siya nito ng halik, bkit sa halip na magalit ay nanghina ang kanyang mga tuhod at gusto pa niyang maulit iyon?

8. PHR 3550 The Master Player by Emma Darcy (transated by Armine Rhea Mendoza)


Maximo Jaro—the powerful, ruthless, intimidating mover and shaker who always got what he wanted. He was the master player. Tinulungan nito si Chloe nang panahong kailangang-kailangan niya ng masusulingan at ipinagpapasalamat niya iyon nang husto. Pero ano ba talaga ang gusto nito sa kanya?
Ngunit wala muna siyang pakialam ano man ang intensiyon nito sa kanya. She loved being with him. Kapag kasama niya ito, napakaespesyal ng pakiramdam niya at tila walang makakapanakit sa kanya habang naroon ito sa tabi niya. At ie-enjoy muna niya ang pakiramdam na iyon hangga’t hindi ito nagsasawa sa kanya gaya ng inaasahan ng lahat ng tao sa paligid nila. Handa siyang isugal maging ang puso niya para makapiling niya ito…

9. PHR 3551 Now And Forever by Laurice del Rio


Minsan ay minahal ni Jenna si Polo nang buong puso. Ngunit dahil sa matinding pangangailangan ay kinailangan niyang iwan ito at talikuran ang kanilang pagmamahalan. Mahigit apat na taon ang lumipas. Isa uling matinding pangangailangan ang nag-udyok sa kanya para lapitan ito. Naakusahan ang kanyang ama sa kasalanan na hindi naman nito ginawa. Kailangan nito ng abogado na magtatanggol dito.
Si Polo ang isa sa mga pinakamagaling na abogado sa bansa at kilala ito sa pagtanggap ng mga pro bono cases. Lakas-loob na nilapitan niya ito para hingin ang tulong nito.
Pumayag ito pero may kapalit: Siya.

10. PHR 3552 Everything Started With A Kiss by Princess Faye


Alam ni Trisha na ang mga katulad ni Juan Crisostomo o “Juice” ang dapat iwasan ng mga katulad niyang dakila ang tingin sa pag-ibig. Juice was very handsome, all right, but he didn’t believe in love. Worse, it was easy for him to make any woman cry.
Wala siyang balak isugal ang puso niya rito.
But something happened between them which turned her world upside down. At ngayon ay nakikita na niya ang lahat ng magagandang katangian nito na hindi naman niya dati napapansin.
Should she take a gamble and let herself fall in love with someone like him?

Back to top Go down
 
September 22, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» September 2010 tcg banlist
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: