HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 May 14, 2008 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: May 14, 2008 Book Release   Tue May 13, 2008 7:54 pm

1. PHR 2836 Ang Lalaking Walang Pangalan by Vanessa - 384 pages



Laki sa isang islang kulang sa kaunlaran si Anita. Sa isla ay naranasan niya ang kalupitan ng tao at ang malamig na galit sa kanya ng kanyang ina; subalit doon din niya natagpuan ang mga tunay na kaibigan, at isang lalaking nagpakilala sa kanya bilang “Luis” na minahal siya at pinawi ang kanyang kalungkutan. Ngunit biglang-bigla ay naglaho si Luis. Pinilit niyang kayanin ang buhay na wala ito, sapagkat wala siyang ibang pagpipiliang gawin.
Hanggang sa dumating ang pagkakataong matuklasan niyang may ubod-rangyang buhay palang itinakda ang tadhana sa kanya. At sa bago at nakalululang buhay niya ay nakilala niya si Adam, ang lalaking nangakong papangalagaan siya ano man ang mangyari, ang lalaking mayroong mga matang tulad ng kay Luis...
Ipagkakatiwala ba niya rito ang puso niya?

2. PHR 2837 Phoenix Reloaded 1 by Arielle



Kilala si Johann Fontaine sa fashion world bilang editor-publisher ng isang popular fiction magazine sa Paris, France. Dahil din sa angking kagandahan nito ay madalas itong mapagkamalang babae.
Ngunit sa katotohanan ay isa itong tunay na lalaki at ang makapagpapatunay niyon ay ang girlfriend nitong si Paige O’Hara na heiress ng isang multibillion business empire.
Lingid sa kaalaman ng lahat, sina Johann at Paige ay mga miyembro din ng Phoenix Seven--isang grupong may madilim na reputasyon.
Ang katotohanan sa likod ng reputasyong iyon ay ibubunyag ng magkasintahan sa pamamagitan ng isang nobelang tatalakay sa buhay at pag-ibig ng bawat miyembro ng Phoenix Seven…

3. PHR 2838 Phoenix Reloaded 2 by Arielle



Sa pagtutulungan ng magkasintahang Johann at Paige sa pagsusulat sa nobela ng Phoenix Seven ay nagsimulang kuwestiyunin ni Paige ang katapatan ng kasintahan sa kanya. Batid niyang siya ang una at huling babaeng mamahalin nito ngunit ang hindi nito pag-aalok ng kasal sa kabila ng matagal na nilang pagsasama ay nagbigay ng duda sa puso niya.
Sa pagdaraan ng mga araw ay nagsimulang bumigat ang kanyang dibdib--hanggang sa hindi na niya nakayanan pa ang sarili. Kinompronta niya ito.
Isang katotohanan ang nagbunyag sa kanya at nagpabago sa relasyon nila ng lalaking pinakamamahal niya…

4. PHR 2839 Si Zhu Watanabe by Camilla



Nakilala ni Mildred si Zhu Watanabe sa panahong gipit na gipit siya at may malaking problemang kinakaharap. Naging “knight in shining armour” niya ito.
Nang mag-alok itong tumira na lamang siya sa bahay nito ay pumayag siya, kaakibat ang pagpayag sa lahat ng kagustuhan nito. Hanggang sa mahulog ang loob niya rito at matutuhan niyang mahalin ito.
Pero ano ang kahahantungan ng lahat kung wala namang pagtingin ito sa kanya?

5. The Don's Boys Series 2: Jaldon Miguel Contreras 1 by Vanessa



Kababata ni Mimi si Jaldon. Ito ang kanyang kalaro at kakampi. Ngunit nang dumating si Angelina sa buhay nito ay naturol niyang hanggang pagkakaibigan lamang ang relasyon nila. Masakit iyon sa kanya sapagkat mahal na mahal niya ito. Ganunpaman ay tinanggap niya iyon. Sa lahat ng problema nito, siya ang naging tagapayo at tagapakinig nito. Umaasa siyang tatatak sa isip nitong sila ang nababagay sa isa't isa...
Hanggang kailan siya aasa?

6. The Don's Boys Series 3: Jaldon Miguel Contreras 2 by Vanessa



Para kay Mimi, sa pagdaan ng panahon ay hindi nagbago ang pagkakaibigan nila ni Jaldon. Nagbago man ang buhay nito, nanatili siyang nakasuporta sa bawat gusto nito. Pero sa kabila niyon ay nagawa pa rin nitong saktan siya.
Sa gitna ng sakit at malaking problema ay lumapit sa kanya ang kaibigan nito, nag-alok ng tulong at tinanggap niya iyon. Bakit sa halip na manahimik ay lalo pang nanggulo si Jaldon? Marahil ay dahil hindi nito matanggap na wala na ang tagasuporta nito. Sapagkat hanggang doon lamang siya sa buhay nito--tagaalalay, tagapakinig. Pero tapos na siya roon. Gusto na niya ng bagong simula.
Ngunit paano niya gagawin iyon kung patuloy itong pumapasok sa buhay niya?

7. The Don's Boys Series 4: Marco Amecable by Vanessa



Dahil sa isang pangyayari sa kanilang probinsiya ay lumuwas sa Maynila si Monalisa. Naghanap siya ng suwerte sa buhay. Ang dumating sa kanya ay trabaho—ang maging isang kawaksi para sa mayabang na among si Marco. Bad trip siya rito pero dahil wala siyang choice ay pinagtiyagaan niya ito. Animo isang hari ito na kaunting pagkakamali niya ay sinisinghalan siya... Kaya nang sabihin nitong gusto siyang pakasalan nito ay natulala siya...

8. Calle Pogi Series 3: Lian by Keene Alicante



Mags was head over heels in love with Waki. Alam iyon ng buong mundo. Kompleto na sana ang kaligayahan niya dahil sa iisang lugar sila nakatira. Anumang oras ay maaari niyang iparamdam dito ang pagsinta niya.
Pero may kontrabida sa kaligayahan niya—si Lian. Kaibigan ito ni Waki kaya hindi niya maintindihan kung bakit sinisiraan nito sa kanya ang kaibigan nito. Hindi tuloy niya mapigilan ang sariling kainisan ito.
Pero bakit ganoon? Apektado siya tuwing nakikita niya itong may kausap na ibang babae at iritang-irita siya kapag may babaeng interesado rito. At bakit tuwing ngingiti ito sa kanya ay dagling napapawi ang inis niya at lumulukso ang kanyang puso?
Ibig sabihin ba niyon ay may gusto siya rito?

9. Stallion Series 35: Joziah Gatchalian by Sofia



Si Joziah ang isang bahagi ng nakaraan ni Brescia na ayaw na niyang balikan. Subalit paano kung ito mismo ang sumunod sa kanya para muling mahalin siya.
Handa nang itama ni Joziah ang lahat ng mali sa pagmamahalan nila noon. Kaya ba niyang tanggapin ang pagmamahal nito? Kaya rin ba niyang itama ang lahat at ihayag dito ang lahat ng sekretong itinatago niya sa kanyang puso?

10. Cinderella 71: Garlyn, The Hidden Jewel by Cora Clemente



“Tinapa Queen” at “Banig”—ang mga iyon ang bansag sa napakagandang si Garlyn. Pagtitinapa ang ikinabubuhay nila ng kanyang lola. Marami ang nagsasabi na hindi raw siya bagay sa ganoong paghahanapbuhay. Para daw siyang isang nakatagong ginto sa gitna ng masukal na lugar.
Maraming nanliligaw sa kanya pero isa lamang ang itinatangi ng kanyang puso—si Angelo na abot-tanaw lamang niya pero pakiramdam niya ay napakalayo sa kanya.
Paano ba naman kasi magtatagpo ang mga landas nila gayong dapat ay ni hindi man lang sila maging magkaibigan dahil ang lolo nito at ang lola niya ay may namamagitang matinding away?
Pero namalayan na lamang niyang sinasagot na niya ang pagsambit nito sa kanya ng “I love you.”
May kinabikasan ba ang pag-ibig nila sa isa’t isa?


Last edited by Jen on Wed May 14, 2008 9:43 am; edited 1 time in total
Back to top Go down
gemme
Senior
Senior


Number of posts : 226
Age : 24
Location : Calamba City, Laguna
Registration date : 2008-01-29

PostSubject: Re: May 14, 2008 Book Release   Tue May 13, 2008 8:02 pm

tHankz po sa pagpost ms. jen!

wuu!! may calle pogi!

at stallion!

hmm.. tig-1 nga lang.. tOdOinkz!
Back to top Go down
babylych
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 1269
Age : 35
Location : durian republic
Registration date : 2008-04-28

PostSubject: Re: May 14, 2008 Book Release   Tue May 13, 2008 8:07 pm

waaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!


may bago na nman pero la prin dito sa davao ang last issues!!!!


Mad Mad Mad Mad Mad Mad Mad



tnx for posting this jen!!!
Back to top Go down
http://www.facebook.com/lych.arpilleda
natalia
Junior
Junior


Number of posts : 128
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: May 14, 2008 Book Release   Tue May 13, 2008 8:09 pm

thank you so much miss jen
Back to top Go down
VANADIK & MC FANATIC
Junior
Junior


Number of posts : 101
Location : MAKATI CITY
Registration date : 2008-03-07

PostSubject: Re: May 14, 2008 Book Release   Tue May 13, 2008 9:19 pm

]

wah nyt duty ako....

bute n lng nag-net muna ako bago pumasok...

at di ako nagsisi hehhehe.,,,

yahooooooooooooo


apat ang bago ni kagandahan......

tatlong Don's Boys

at ang pinakahihintay natin vanadikzz....

ang Lalaking walang pangalan (at readers Choice pa hehhehe ...

nabayaran na ang ilang linggong wlang labas....

Tnx PHR....

Tnx Jen...
bounce bounce bounce bounce bounce bounce bounce Very Happy Very Happy Very Happy
Back to top Go down
http://iluvvanessa.proboards82.com/index.cgi
armylyn
Senior
Senior


Number of posts : 287
Age : 29
Location : Novaliches, Quezon City
Registration date : 2008-01-27

PostSubject: STALLION SERIES   Tue May 13, 2008 11:09 pm

Nyek... kulang... walang labas si cloud ni ate che. huhuhu... siya na next eh. huhuhu..

wait, tama ba ako? wahaha... mali ata. ah basta!

bakit wala kay ate che. hihihi...
Back to top Go down
http://friendster.com/armylyn
marge30
Junior
Junior


Number of posts : 188
Registration date : 2008-01-22

PostSubject: Re: May 14, 2008 Book Release   Wed May 14, 2008 1:12 am

wow! daming bagong novels ni kagandahan ah!
sulit ang linggo natin vanadikz! Razz
Back to top Go down
{STOIC}_@nnette®™
Junior
Junior


Number of posts : 46
Age : 33
Location : Angono, Rizal
Registration date : 2008-04-17

PostSubject: Re: May 14, 2008 Book Release   Wed May 14, 2008 8:07 am

Thanks MS. Jen!!! Embarassed

Hay konti naman ng release,, SRC and Calle Pogi lng mabibili ko.

Bakit wala ung series ni Ms. Sharmaine Galvez?
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.blogspot.com
Faye Andrew
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 1516
Age : 31
Location : Sydney, Austrilia
Registration date : 2008-05-09

PostSubject: Thanks..   Wed May 14, 2008 10:56 am

Thank you po sa pag post... Yehey.. May stallion series... excited na naman ako bumili lagot na naman ang salary ko nito... ubos n naman tiyak... huhuhu.. Razz Razz Razz Razz Razz Embarassed Embarassed
Back to top Go down
maan_beltran
PHR Writer
PHR Writer


Number of posts : 184
Age : 30
Location : Cebu City
Registration date : 2008-01-25

PostSubject: Re: May 14, 2008 Book Release   Wed May 14, 2008 12:07 pm

yesssssssssssssssssssssssssss!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

2 phoenix reloaded!!! yohoooooooooooooo!!!!

thanks ate jen!!!
Back to top Go down
http://craevyll.multiply.com
jamie_kawaii101
Newbie
Newbie


Number of posts : 20
Age : 24
Registration date : 2008-04-09

PostSubject: Re: May 14, 2008 Book Release   Wed May 14, 2008 2:56 pm

waaaatt!!!shucks!!may phoenix na!!!!!! cheers cheers

magbunyi!!
Back to top Go down
cutejan19
Special Team
Special Team


Number of posts : 1452
Location : davao city
Registration date : 2008-02-18

PostSubject: Re: May 14, 2008 Book Release   Wed May 14, 2008 3:56 pm

waaaaaaaaaaaa.....meron ng bago pero wala parin bago d2 sa davao...haaaayzzz!!!!1 bat kaya ganito??? hmmmmm??? ang dami pa namang bago n hinihintay ko at ngayon lumabas na....haaaaayzzz!!!!
Back to top Go down
joanna jane
Junior
Junior


Number of posts : 42
Age : 24
Location : cavItE
Registration date : 2008-03-30

PostSubject: Re: May 14, 2008 Book Release   Thu May 15, 2008 12:06 am

huuwaaatt!!!

yeah bui!

may calle pogi

may stallion

at hgit s lhaT.....

may phoenix reloaded na!!!

tgal q ding hinntay toh!!!

lol!

haping hapi aqoh....

weeeeeeeeeeeeeeee........................
Back to top Go down
romantic_turtle
Newbie
Newbie


Number of posts : 2
Age : 28
Location : Quezon City
Registration date : 2008-05-05

PostSubject: Re: May 14, 2008 Book Release   Thu May 15, 2008 2:54 am

Wow, may stallion series! Yipee! At may phoenix reloaded. Ang saya naman. bounce
Back to top Go down
Caleb
Master
Master


Number of posts : 857
Age : 25
Location : negros occidental
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: May 14, 2008 Book Release   Thu May 15, 2008 3:13 pm

mtf wrote:
wow! daming bagong novels ni kagandahan ah!
sulit ang linggo natin vanadikz! Razz


wow ate kakaaopen ko lang ng pc ngayon after 2 days..

medyo nabilaukan ako sa release ngayon buti na lang ready na lang may spare money ako...

may pambili na ako nito sa july.... Very Happy

ate mtf, magkano nga uli yong 384 pages...? kasi kay ida ang bili ko non 109...
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: May 14, 2008 Book Release   Thu May 15, 2008 3:35 pm

Wow grabe... ang dami nito ah...


kakatuwa naman..



bounce bounce
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
cutejan19
Special Team
Special Team


Number of posts : 1452
Location : davao city
Registration date : 2008-02-18

PostSubject: Re: May 14, 2008 Book Release   Fri May 16, 2008 5:28 pm

hehehehhe...madami tlga ate...hehhehe
Back to top Go down
-MikHa-
Junior
Junior


Number of posts : 168
Age : 23
Registration date : 2008-04-24

PostSubject: Re: May 14, 2008 Book Release   Sat May 17, 2008 11:57 am

yEhEy...

mRon N riN c aKo nG mGa nEw rELeAse.. lol!
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: May 14, 2008 Book Release   Sun May 18, 2008 2:52 pm

yey tapos ko ng basahin ang mga DON's Boys...


sino kaya nest? si Lucas o si Mugsie?? Like a Star @ heaven
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
cutejan19
Special Team
Special Team


Number of posts : 1452
Location : davao city
Registration date : 2008-02-18

PostSubject: Re: May 14, 2008 Book Release   Tue May 20, 2008 4:47 pm

ngekz! wala pa d2 sa amin...haaaayzzz!!!
Back to top Go down
allenssexywife
Junior
Junior


Number of posts : 104
Age : 38
Location : Davao City
Registration date : 2008-09-03

PostSubject: Re: May 14, 2008 Book Release   Mon Dec 29, 2008 12:41 am

ang lalaking walang pangalan mayron n ako copy pero di ko binabasa.
Back to top Go down
http://www.tagalogpocketbookromance.com
cutejan19
Special Team
Special Team


Number of posts : 1452
Location : davao city
Registration date : 2008-02-18

PostSubject: Re: May 14, 2008 Book Release   Wed May 20, 2009 10:09 pm

nabili nyu ba ang mga PBs na ito????

sana nabili ninyo! hehehe

RJAN hir!
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: May 14, 2008 Book Release   Today at 6:23 am

Back to top Go down
 
May 14, 2008 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» How to write a Mills and Boon
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: