HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 September 15, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: September 15, 2010 Book Release   Tue Sep 14, 2010 3:30 pm

1. PHR 3535 A Promise Of Love by Rio Renz Ramirez


Tinanggap ni Aprilyn ang bagong hamon sa kanyang propesyon kahit nangangahulugan iyon ng pagtira niya sa isang liblib na lugar. Pero pagtapak pa lamang niya sa San Bartolome ay sunod-sunod na kamalasan na ang naranasan niya. Nangyari ang mga iyon noong malapit sa kanya si Renz Apollo Cuevas, ang guwapong cardiologist na habulin ng mga kababaihan sa lugar na iyon.
Naturalmenteng magalit siya rito pero sa kabila ng animosidad sa pagitan nila ay lihim na kinikilig siya at lumulundag ang puso niya sa tuwa sa espesyal na atensiyong ibinibigay nito sa kanya. She was too vulnerable she couldn’t resist his charm. Hanggang sa tuluyan na siyang nagpasakop dito… Kahit nakikita niya na maraming nakaambang problema sa relasyon nila…

2. PHR 3536 Mayhem In Disguise (Agent Bookworm) by Noelle Arroyo


Nang magbakasyon sa probinsya si Erriene Aliente aka Agent Bookworm ng Black Bureau, ay muli silang nagkita ng kababatang si Luigi. He was the only boy who ever made her feel quiverish inside. At pagkaraan ng maraming taon, ganoon pa rin ang epekto nito sa kanya. Nang hilingin nitong magpanggap siyang girlfriend nito pagbalik nila sa Maynila para maitaboy ang ex nito na may pagka-stalker, hindi niya naiwasan ang oportunidad para makasama ito lagi. Dahil hayun at na in-love na naman siya rito.
Pero hindi lang pala simpleng pag-arte ang gagawin nila. It turned out, mapanganib ang stalker nitong ex at tila puntirya nitong gawan siya ng masama.
Paano pa niya maa-accomplish ang misyon niyang paibigin si Luigi kung manganganib ang kanyang buhay?

3. PHR 3537 Emma’s Passionate Encounter by Carol Marinelli (translated by Janis Delos Reyes)


Nangako si Emma sa sariling hindi na siya muling mahuhulog kay Zarios. Matibay ang paniniwala niya sa sariling magagawa na niyang bale-walain ito ngayon at ang naramdaman niya rito noong una silang magkita. But when she saw him again, tila tinangay ng alon ang lahat ng pangako niya.
Isang tingin lang nito, hawak uli nito ang puso niya. At natuwa siya sa pagpapakita nito ng interes sa kanya.
Pero dapat ba siyang umasam na mamahalin din siya nito gayong hindi maganda ang opinion nito tungkol sa kanya…?

4. PHR 3538 Sweet Days With You by Victoria Amor


Puntahan mo si Victor at ibigay mo ang sulat na kalakip ng sulat kong ito sa iyo, apo. Hindi ka niya pababayaan.
Iyon ang nakasaad sa sulat na iniwan ng namayapang lolo ni Sharlotte para sa kanya. Naroon din sa sulat ang address ng lalaking tinutukoy nito—si Victor Marquesa.
Wala man siyang ideya sa kapalarang naghihintay sa kanya ay tumungo siya sa Legazpi City dahil wala na siyang ibang mapupuntahan.
Hindi niya akalain na dalawang Victor ang daratnan niya sa bahay na sadya niya—ang isa ay puti na ang buhok at magiliw ang ngiti sa kanya at ang isa naman ay animo Hollywood actor sa kaguwapuhan. Iyon nga lang, kung makatingin ito ay mistulang isang alligator na nais siyang lapain.
“You’ll stay here with us, child, “sabi ng matandang Victor.
“How long, Grandpa?” tanong ni Victor, Alligator. Alam niya, nagkaroon siya ng kaaway sa katauhan nito. He planned to expose her “evil” ways but she had another plan: Pababaitin niya ito.
Nang bumait ito ay saka siya nagkaproblema. Na-in love siya rito!

5. PHR 3539 Lumang Piso Para Sa Puso: Pisong Kasunduan by Vanessa


May kasunduan si Chuchi at ang ama ni Ermenegildo--na gagawin niya ang lahat sa abot ng kanyang makakaya upang hindi magkabalikan ang anak nito at ang dating nobya nitong si Mitz. Ngunit nang makilala na niya si Ermenegildo ay na-corner siya nito at hindi niya inasahang makapagtapat siya rito. Sila naman ang nagkaroon ng kasunduan--na magkukunwari siyang ginagawa ang kasunduan niya sa ama nito…
Ngunit sa pagdaan ng mga araw, ay ibig na niyang suwayin ang kasunduan nila dahil sa inis niya sa Mitz nito. At nang makipagkasundo si Mitz sa kanya upang mapalayo rito si Ermenegildo ay kaagad siyang pumayag. Ngunit paano kung nakita niyang sadyang dito masaya si Ermenegildo?
Tatlong magkakaibang tao ang pinagkakautangan niya ng kasunduan. Tinraidor nga ba niya ang lahat ng ito nang tinraidor siya ng puso niya at umibig sa puntirya ng lahat ng kasunduang pinasok niya?

6. PHR 3540 The Magic Of A Family Christmas by Susan Meier (translated by Preciosa Samaniego)


Naiwan kay Wendy ang pangangalaga kay Harry, ang batang naulila ng namayapang matalik na kaibigan niya. Sa pagdating nito sa buhay niya, tila muling nagkakulay para sa kanya ang papalapit na Pasko. Gusto niyang maging masaya ang bata sa panahong iyon.
Ngunit kasabay ng pagdating ng anghel sa kanyang buhay, dumating din ang huling taong nais niyang makasalamuha sa panahon kung kailan dapat maligaya ang lahat—si Cullen Barrington, ang may-ari ng pinagtatrabahuhan niyang kompanya. Para sa kanya, istrikto ito masyado at tila wala itong pakialam sa kapakanan ng mga empleyado nito.
Pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari, napilitan siyang patuluyin ito sa sa kanyang bahay. Nadiskubre niyang hindi naman pala ito kasinsama gaya ng iniisip niya. At ang lalong hindi niya inaasahan ay magkakasundo ito at si Harry.
Bigla, parang gusto niyang maging regalo sa Pasko ay ang maging bahagi ito ng buhay niya…

7. PHR 3541 The King’s Wife by Dream Grace


Vega woke up with some parts of her memory missing. And worse, those missing parts were essential to her safety. Sapagkat may mga hindi man siya maalala, batid niyang nanganganib ang buhay niya mula sa isang hindi niya matandaang kaaway.
Maaari nga ba niyang pagkatiwalaan si Kingrand, ang lalaking nagpakilalang asawa raw niya? Malakas ang pakiramdam niyang galit ang nahuhuli niyang kislap sa mga mata nito at hindi pag-ibig tulad ng pilit nitong ipinapaniwala sa kanya.
Pero hindi niya magawang ituring itong kaaway, lalo at ayaw sumang-ayon ng puso niya roon. Inuudyukan siya niyong pagtiwalaan si Kingrand.
Alin ang mas dapat niyang protektahan? Ang puso niyang walang pag-aalinlangang umiibig dito sa kabila ng kawalan niya ng alaala o ang buhay niyang maaaring nanganganib sa kamay ng lalaking iniibig?

8. PHR 3542 Alily: Ang Mahiyaing Apo Ni Lola Eva by Camilla


Parang makahiyang tumiklop ang mahiyaing si Alily Mendoza nang una niyang makaharap ang guwapong architect na si Warlito Villegas. Pero sa pagdaan ng mga araw, nakagaanan niya ito ng loob. Iniligtas pa siya nito mula sa mga gahaman at bayolenteng kamag-anak niya. Dahil sa binata, nagkaroon siya ng kaunting kumpiyansa sa sarili, hanggang mahulog nang tuluyan ang loob niya rito.
Pero kung kailan ramdam niyang may damdamin din ito para sa kanya, saka niya nalamang hindi na pala ito malayang umibig ng ibang babae…

9. Stallion Island Series 12: Noah Ames Munieca by by Sofia


Para mabawi ni Olay ang kapatid niya ay kailangan niyang makapasok sa Stallion Island. Doon muling nagkrus ang mga landas nila ni Noah Ames, ang lalaking ayaw na niyang makita pa.
Nang malaman nito ang sekreto niya na nandaya siya para manalo sa gay beauty pageant ay inani niya ang galit nito. Binigyan siya nito ng dalawang buwan para ibalik ang premyong nakuha niya sa pageant, kung hindi ay paalisin siya nito sa isla at ibubulgar nito ang sekreto niya.
Pero posible ba na ma-in love siya sa lalaking walang tiwala sa kanya, lalo na’t pinangakuan din siya nito ng isang halik na makpagpapabaliw sa kanya?
Tatakbo na lang ba siya palayo sa tawag ng tukso? O isususgal niya ang puso kahit na masaktan siya?



Back to top Go down
 
September 15, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» September 2010 tcg banlist
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: