HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  
Share | 
 

 September 8, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts: 664
Age: 26
Location: Quezon City
Registration date: 2007-12-19

PostSubject: September 8, 2010 Book Release   Wed Sep 08, 2010 9:57 am

1. PHR 3525 Daytime Dreams by Noelle Arroyo



Bata pa si Kylie ay in love na siya kay Rix, ang best friend ng kuya niya. Ang problema, kid sister lang ang turing nito sa kanya.
Nang maging ganap na siyang dalaga at active spearheader ng Sophia Aragon Charities—ang charitable organization na itinatag ng kanyang mama—ay naging head naman ito ng kanyang security detail. Isang gabing na stranded sila sa isang misyon sa Sierra Madre ay may nangyari sa kanila.
Ang akala niya, ang pangyayaring iyon ay magiging daan para magkalapit ang mga damdamin nila. Ngunit sa halip na mangyari ang matagal na niyang pinapangarap ay iniwasan pa siya nito.
Two years later, he was back in her life. Sa pagkikita at pagkakasama uli nila ay may natuklasan siya. Taliwas sa inaakala niya, hindi nito nakalimutan ang gabing may nangyari sa kanila. Aminado itong isang struggle para dito na bigyan siya ng proteksiyon mula sa sarili nito.
Enjoy na enjoy naman siyang pahirapan ito…

2. PHR 3526 Until You Found Me by Janikka Bernardo



Ipinangako ni Jannah na hindi na siya muling magtitiwala sa mga lalaki pagkatapos niyang mahuli sa akto ang dating kasintahan. May ibang babae ito, and worse, hindi nito ikinaila iyon, leaving her alone with a broken heart.
Ngunit nang minsang stranded siya sa daan ay tinulungan siya ng isang lalaking nagngangalang Marco. Parang wala itong nais gawin kundi ang maging hero niya sa tuwing nalalagay siya sa alanganin. He offered friendship. Kahit natatakot siyang magtiwala ay natagpuan niya ang sariling nagpapaubaya sa mga yakap nito na para bang sa pamamagitan niyon ay mabubura ang masakit na karanasan niya sa pag-ibig. It felt so good to be in his arms. Hanggang tuluyang pinakinggan niya ang bulong ng kanyang puso. Minahal niya ito.
Ngunit may iba palang hinahanap ang puso nito.
Masasaktan na naman ba siya?

3. PHR 3527 Love Lost, Love Gained by Kyra Gray



Nakaplano na ang lahat sa buhay ni Nicole—magiging isa siyang sikat na manggagamot sa buong bansa pagdating ng araw, silang dalawa ng nobyo niya. Ngunit nang magre-routing ang tadhana, isa sa mga naapektuhan ang highway ng buhay niya. Niloko siya ng kanyang nobyo at nalaman niyang ipinagkasundo siya ng pamilya niya sa lalaking ni hindi pa niya nakikita sa tanang buhay niya—kay Paulo Chiongbian—upang masalba ang papalubog na negosyo ng angkan nila. At wala siyang choice kundi ang magpakasal kay Paulo.
Hindi niya inaasahan na magiging masaya siya sa piling ni Paulo. Napaka-supportive nito, lalo na sa pangarap niyang maging magaling na doctor. He called her his “sunshine,” dahil siya raw ang muling nagbigay ng liwanag sa buhay nito. Halos nakasisiguro na siyang pareho sila ng nararamdaman—because she was already in love with him—at ang tanging kulang ay ang ideklara nila iyon sa isa’t isa.
Ngunit bumalik ang babaeng unang minahal nito. At iyon ang nagpabago ng lahat.

4. PHR 3528 A Twist Of Fate by Mei Sanchez



Myrtle had a problem: she needed to get married and to get pregnant right away. Or else…
When gorgeous Hutch Andre Montecillo learned about it, he asked her to marry him. His reason: hindi lang para matulungan siya sa kanyang problema kundi dahil, ayon dito, nasa high school pa lang ay in love na raw ito sa kanya.
Na-engage sila at nagplanong magpakasal.
Problem solved. Or so she thought. Dahil kung kailan malapit na silang ikasal, saka pa niya nalaman ang tungkol sa mana nitong ido-donate na lang sa charity kung hindi ito mag-aasawa. Worst, sa araw ng kanilang kasal ay nakatanggap siya ng prenuptial agreement mula sa abogado nito!
Pagkukunwari lang ba ang lahat?

5. PHR 3529 A Love Story In Isla Samaniego by Bernadette Licarte



Nagtungo si Jilliane sa Isla Samaniego para hanapin ang kanyang natuklasan. Sa islang iyon ay nakilala niya si Derek. Hindi niya kayang bale-walain ang matinding atraksiyon na agad niyang naramdaman para dito, lalo na at ginagawa nito ang lahat para makuha ang atensiyon niya.
Pero paano kung isang araw ay malaman niyang hindi pala ito ang tipo ng lalaking nagseseryoso sa isang relasyon dahil sa nangyari dito sa nakaraan? Nakahanda ba siyang sumugal sa isang lalaking pumukaw ng samut-saring damdamin sa puso niya sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya?

6. PHR 3530 Heart Secrets & Songs Trilogy 1: Jack Rheus And The Cheerful Heart by Victoria Amor



Dahil sa rejection na tinamo ni Myca sa dream man niya na si Gabriel ay binago niya ang focus niya. Wala na muna ang pag-ibig. Pera ang kailangan niya.
Kailangan niyang kumita nang malaki para masuportahan niya ang kanyang pamilya at mapag-aral niya sa kolehiyo ang kanyang kapatid. Umayon naman ang pagkakataon sa gusto niyang mangyari.
Si Jack Rheus nga yata ang solusyon sa problema niya. Bilang isang real estate agent, apat na sales ang kailangan niya mula rito at tapos ang problema niya sa unang taon ng kapatid niya sa kolehiyo.
Ang problema, sugal ang tingin nito sa lahat ng bagay—sugal na lagi nitong ipinapanalo. Inilatag nito ang deal sa kanya. Bibili ito ng properties sa kanya, at hindi lang isa, kundi apat, kapalit ng dalawang kondisyon: Una, ang maging “woman on call” siya nito. Ibig sabihin, pupuntahan niya ito sa bahay nito anumang oras na tawagan siya nito upang mag-date sila. Ikalawa, ito ang magtatakda kung kailan matatapos ang pagganap niya bilang woman on call.
Kaya ba niyang isugal ang puso niya sa laro nito gayong alam niyang matatalo lamang siya?

7. PHR 3531 My Dream Star by Maricar Dizon



Nasa isang bookstore si Erica at naghahanap ng magpapanggap na boyfriend niya para itaboy ang stalker niyang boss. Isang matangkad at guwapong binata ang namataan niya. Para mas maging makatotohanan ang lahat—hinalikan niya ito sa mga labi!
Nakakakilig ang eksena. But not to the handsome stranger. Hiningan pa nga siya nito ng “talent fee” para sa ginawa nitong pagpapanggap!
Ang akala niya ay iyon na ang huling pagkikita nila. Pero sa bagong trabaho niya sa isang modeling agency bilang all-around girl, nagkita uli sila. Ito pala si Zander Uijleman, ang number one male supermodel sa Pilipinas at Asya.
Working close to him gave her the chance to see the human side of Zander. As she did, she found herself falling for him.
An ordinary girl falling for a famous celeb—it was like a plot from a romance film. May naghihintay bang happy ending para sa kanila katulad ng sa pelikula?

8. PHR 3532 If The Heart Can’t See by Dream Grace



Achilles had always been the man in Maddy’s heart. When she was seventeen, nakagawa siya ng isang malaking kasalanan dito na naging dahilan para anihin niya ang poot nito.
Pagkalipas ng limang taon ay nagbalik ito sa buhay niya. Inaasahan na niya ang galit at animosity na isasalubong nito. Ngunit binigla siya nito sa pagtatapat nito ng pag-ibig sa kanya.
Wala na sana siyang kasinsaya dahil hanggang sa mga sandaling iyon ay ito pa rin ang laman ng kanyang puso.
Subalit paano kapag natuklasan niyang sa likod ng ipinapakita nitong pagmamahal sa kanya ay naroon ang isang maitim na plano ng paghihiganti? Ibibigay ba niya rito ang miniminithi nitong kabayaran sa nagawa niyang kasalanan dito noon o aasa na lamang siyang makakayang gapiin ng pagmamahal niya rito ang anumang natitirang poot sa puso nito para sa kanya?

9. PHR 3533 First Kiss by Gypsy Esguerra



Hindi na kataka-taka para kay Hannah na may mga babaeng nahuhumaling kay Brent. Pero ang hindi niya maintindihan noon pa man ay kung ano ang nagugustuhan ng mga babae rito samantalang nuknukan ito ng suplado. At bakit sa dinami-rami ng babae sa eskuwelahan nila noon ay siya pa ang pinalad na makaaway nito?
Kunsabagay, matagal naman na siyang asar dito at ganoon din naman ito sa kanya. Ngunit mas lumala pa ang “mutual dislike” nila nang mangyari ang isang insidente kaya hindi nangyari ang pangarap niya na ang unang halik niya ay ibibigay lamang niya sa lalaking mahal niya. At iisang tao lang ang sinisi niya sa nangyari—si Brent.
Ayos na sana ang lahat, nakalimutan na niya ang masaklap na pangyayaring iyon sa buhay niya, pero pagkalipas ng sampung taon ay nagkita uli sila ni Brent. At ang mas ikinagulat niya ay napapansin na niya ang kaguwapuhan nito na dati naman ay walang epekto sa kanya.

10. PHR 3534 (Reader’s Choice) My Only Love by Belle Feliz



Rainie had always loved Maken. Mula pagkabata ay si Maken lang ang itinatangi ng puso ni Rainie. At ganoon din ito sa kanya. They were proud to be in love with each other. They were the happiest in love people in the whole world.
Ngunit kagaya ng mga ibang nagmamahalan, sinubok din ang kanilang pag-ibig sa isa't isa. Sa “paghihiwalay” nila nakasalalay ang kaligayahan ng dalawang taong malapit at mahal na mahal nila.
Paano nila malalagpasan ang pagsubok na ito? Kailangan ba talagang magparaya?

Back to top Go down
 

September 8, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

 Similar topics

-
» Andrea Landgraf German Playboy Cybergirl For September 2011
» Hack Shop + Instan Mission 100 Day Login 13 September 2013 , New Tutorial Tanpa LSEdit Work 100%
» Microsoft Office 2010 Pro Plus Build 14.0.4743.1000 (2010 ENG X86 X64)
» TCP/IP E-Book
» Book 11 has a title!

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-