HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 September 1, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: September 1, 2010 Book Release   Wed Sep 01, 2010 9:56 am

1. PHR 3519 Bittersweet by Belle Feliz


Janis had been secretly in love with Matteo. Pero may nakapagitan sa pangarap niyang makamit ang puso ng lalaking minamahal—si Peigh, ang best friend niya at fiancée naman nito. Alam niyang mali ang ibigin ito ngunit ayaw paawat ng puso niya.
Ngunit nang mamatay si Peigh sa isang aksidente, nagkaroon siya ng pagkakataong ipadama kay Matteo ang pagmamahal niya rito nang unti-unti itong mahulog sa depresyon dahil sa pagkamatay ng kaibigan niya. She cleaned his house and cooked his food. Tinulungan niya itong iayos uli ang buhay nito.
Naging malapit sila sa isa’t isa kaya naman lalong lumalim ang nadarama niya para dito. At nang lumaon, tila ibinabalik na nito sa kanya ang damdaming iyon.
Ngunit nalaman niyang sa kabila pala ng lahat ay nakapagitan pa rin si Peigh sa kanila…

2. PHR 3420 The Count’s Missing Lady by Dream Grace


Akala ni Loralei ay pareho ang pananaw nila ni Cedric sa kanilang relasyon. Ngunit sa bandang huli, gumuho ang pangarap niya. While she was thinking a happily-ever-after for them, wala naman pala sa bokabularyo ni Cedric ang salitang “kasal.” Para dito, panandalian lamang ang lahat. Kaya hinamon niya ito ng hiwalayan. At hindi man lang nito kinontra iyon!
Subalit mahirap panindigan ang isang desisyong ginawa lang ng isip niya at labis na tinututulan ng puso niya. Lalo pa at halos araw-araw ay nagkikita sila ni Cedric dahil nasa iisang gusali ang mga opisina nila.
Tama bang pumayag siya sa walang kasiguruhang relasyong iniluluhog nito? O panindigan ang pagnanais niyang marinig mula sa mga labi nitong nais din nitong maging bahagi siya ng kinabukasan nito?

3. PHR 3521 The Knight Of My Life by Ashlene Javier


Nakatanggap si Mutya ng sobreng naglalaman ng limang libong dolyar mula sa receptionist ng hotel kung saan sila magkikita ng lalaking nag-alok ng tulong sa kanya. May kalakip na sulat iyon at nakasaad doon na ibinibigay nito sa kanya ang perang ipinangako nito nang walang hinihinging kapalit. Labis-labis ang naging kasiyahan niya dahil doon. Mahirap lang kasi ang pamilya niya ngunit sa kabila niyon ay marami siyang pangarap para sa mga minamahal niya sa buhay.
Mula noon ay nagkasunud-sunod na ang suwerteng dumating sa kanya. Nanalo pa siya sa isang raffle contest na ang premyo ay dalawang araw at isang gabing pananatili sa Palazzo Arrastia. Doon ay nakilala at naging ka-close niya ang may-ari ng Palazzo Arrastia—si Cynthia Arrastia.
Walang ginawa ang ginang kundi paglapitin sila ng anak nitong si Raniel, ang lalaking minsan ay nakasama niyang ma-trap sa elevator. Dahil sa madalas na pagkikita nila ng binata ay naging malapit din sila sa isa’t isa, bagay na sa kalaunan ay nauwi sa isang mainit na tagpo sa pagitan nila. Ngunit pagkatapos na may mangyari sa kanila ay natuklasan niya ang isang sekreto: Hindi pala sa lalaking nag-alok sa kanya ng tulong nanggaling ang sobreng may lamang pera at sulat. Galing pala iyon kay Raniel.
Ano ang motibo nito sa pagbibigay sa kanya ng pera?

4. PHR 3522 Your Heart Is My Home by Majesty Roque



Kakompetensiya ang tingin ni Abby kay Dylan mula pa noong mga bata pa sila. Para kasi sa kanyang mga magulang at lola, ito ang matalino at palaging magaling, samantalang siya ay hindi man lang binibigyang-pansin ng mga ito. Hindi niya maintindihan iyon gayong sampid lang ito sa pamilya nila.
Nang mamatay ang kanyang mga magulang at kay Dylan ipinamana ang pinakamalaking negosyo ng pamilya nila, she thought that was the last straw. Ginawa niya ang lahat upang hindi nito tuluyang maangkin ang lahat sa kanya.
Pero ginawa rin ni Dylan ang lahat upang ipakita sa kanya na sinsero ito sa pagdamay sa kanya at patunayan na wala itong hangad sa kayamanan niya. Nagtagumpay ito. Sa katunayan, bumalik ang pag-ibig na naramdaman niya rito noon na kung tutuusin ay hindi naman talaga nawala.
Ngunit kung kailan nagkakaintidihan na ang kanilang mga puso, saka naman niya natuklasan ang isang lihim sa kanyang pagkatao na magpapagulo uli sa sitwasyon…

5. PHR 3523 April’s Fool In Love by Yzabel


Dahil sa sobrang pagmamahal ni April kay Hugo, kahit masaktan siya sa ginagawa nitong pang-i-snub at pambabale-wala sa kanya ay kinakaya niya. Kahit pakiramdam niya ay nanliliit na siya sa mga sinasabi nito sa kanya ay hindi siya nagpaawat sa pagpapapansin dito.
Tila ilag kasi ito sa mga babae. Hindi naman niya masisi ito dahil may masakit itong nakaraan—isang hindi magandang karanasan sa babae na sumira ng buhay nito.
Paano niya tuturuan ang puso nito na muling umibig? Paano niya muling bibigyang-kulay ang madilim na mundo nito?

6. PHR 3524 Forever And Ever by Camilla



Kapitbahay at best friend ni Ruffa si Allan. “BFFL” pa ang promise nila sa isa’t isa… hanggang sa magtapat siya kay Allan na TL siya rito. Nasira ang friendship nila nang bastedin siya nito.
Pero nang nagkita uli sila, humingi ito ng tulong sa kanya para sa anak nito sa pagkabinata. Doon na nagsimula ang kanilang charade na buong akala niya ay nauwi na sa totohanan.
Pero natuklasan niya na ang lahat pala ng iyon ay para sa anak lamang nito. At ngayong tapos na ang drama, bumalik na uli ito sa babaeng mas pinili rin nito noon kaysa sa kanya.
Sa pangalawang pagkakataong nasaktan siya nito, kakayanin ba niyang isuko uli ito sa iba?

7. Stallion Island Series 11: Draco Montague by Sofia


Tennessee was trapped. Sa pag-aakala ni Draco na may relasyon sila ng kapatid nito ay kinaladkad siya nito sa Stallion Island. Hindi raw ito titigil hangga’t hindi siya nai-in love sa ibang lalaki dahil hindi siya karapat-dapat sa kapatid nito.
Hanggang sa dumating ang kanyang dating kasintahang si Ryan na gusto uling guluhin ang kanyang buhay.
“Papayag ako na maging boyfriend mo para itaboy ang lalaking iyon. Magpapanggap lang ako. Huwag kang mai-in love sa akin ani Draco.”
Mukhang imposible ang hinihingi nitong kondisyon sa kanya. Una ay in love na siya rito noon pa man, kahit tinagurian itong “prince of darkness” ng Stallion Island—always in a foul mood at hindi ngumingiti. At nadodoble pa ang nararamdaman niya para dito sa bawat halik at haplos nito sa kanya. Puwede kaya niyang hilingin dito na huwag na lang gawing kunwa-kunwarian ang lahat?
Back to top Go down
 
September 1, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» September 2010 tcg banlist
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: