HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 August 25, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: August 25, 2010 Book Release   Tue Aug 24, 2010 7:59 pm

1. PHR 3512 Girlfriend For Hire by Ashlene Javier


Labis ang tuwa ni Empress nang mapili siya bilang isa sa mga official candidates ng isang high-profile beauty pageant. Matagal na niyang pangarap na maging beauty queen. Nagsabi ang may-ari ng modeling agency niya na handa itong i-sponsor ang training at iba pang kakailanganin niya. Kaya nang kausapin siya nito na gusto raw siyang gawing modelo para sa isang nude painting ng kaibigan nitong nagngangalang Grey, dahil sa utang-na-loob ay pumayag siya.
It turned out na si Grey ay isa sa mga natitirang lalaki sa mundo na ubod ng gentleman. Ang akala niya ay extinct na ang mga kagaya nito. May malaki rin itong problema: kung paano tatakasan ang dalawang babaeng baliw na baliw rito—ang isa ay fashion designer na iyakin, ang isa naman ay asawa ng isang royal blood mula sa Winchester, England.
Ang magpanggap siya bilang girlfriend nito ang naisip nitong solusyon sa problema nito. Ayon dito, kayang-kaya raw niyang i-handle ang mga babaeng humahabol dito at sigurado rin daw ito na hindi siya mai-in love dito.
Iyon ang akala nito.

2. PHR 3513 Taking Chance To Fall In Love by Skye Reyes


A tempting arranged marriage with a man Chance Chun barely knew came and her family wouldn’t take “no” for an answer. Kaya laking tuwa at pasasalamat niya nang sa gabi ng engagement nila ni Clovis ay itakas siya ng best friend nitong si Prieve.
Ang akala niya ay may gusto rin sa kanya si Prieve kaya inilayo siya nito; iyon pala ay ipapamukha lang nito sa kanya na ginawa lang nito iyon alang-alang kay Clovis. Dinala siya ni Prieve sa lumang villa nito na nasa paanan ng bundok at kinuha pa ang serbisyo niya bilang arkitekto para i-renovate ang bahay nito.
Aminado siyang head over heels in love siya sa guwapong “kidnapper” niya. Kung maaari lang sanang habang-buhay na ayusin niya ang villa ay gagawin niya para lamang makasama niya ito. Pero marami siyang dapat ayusin sa kanyang buhay. Kailangan niyang iwan ito kahit ang kapalit niyon ay pagkadurog ng kanyang puso…

3. PHR 3514 My Heart Is Filled With You by Janelle Kim


Si Andrei lang yata ang kilala ni Mariel na isang certified playboy na certified one hundred percent virgin. Kakaiba talaga ang best friend niya. Isusuko lang daw nito ang sarili sa babaeng gusto nitong makasama habang-buhay.
Isang araw ay ibinalita nito sa kanya na natagpuan na nito ang babaeng iyon. Hindi siya makapaniwala na walang iba iyon kundi siya. Pero paano kung saktan at iwan lang din siya nito? Sasabihin pa ba niya rito ang matagal na niyang sekreto?

4. PHR 3515 One-week Date Project by Princess Faye


Nang ma-“reject” ang romance novel ni Pia sa ikalimang pagkakataon ay nagdesisyon na siyang kausapin ang head editor ng publishing house na pinagsusulatan niya upang tanungin ito kung ano ang problema. He turned out to be the gorgeous France Buencamino, the guy she rejected back in college for being a playboy.
Ayon dito, kulang daw sa romance ang mga nobela niya dahil hindi pa niya nararanasan ang ma-in love. He offered to help her out.
“Date me for a week,” anito. “It will give you a brief idea of what romance truly feels like.” At tiyak daw na ang resulta niyon ay makakasulat na siya ng isang nobela na siguradong maa-approve.
She thought it made sense so she accepted his offer.
But during their “dates,” she started to fall for him.
May pag-asa bang mauwi sa totohanan ang “romance” nila pagkatapos ng “one-week date” nila? At kung sakali, kaya ba niyang i-reject uli ito kapag napatunayan niyang hindi pa rin ito nagbabago sa pagiging palikero nito?

5. PHR 3516 Isla Sanctuario (Love Paradise) by Dawn Igloria


Nagka-crush agad si Yanie kay Brennan nang makasakay niya ito sa ferry. She thought he was just a typical cute teener out for some adventure. Ngunit napatunayan niya kung gaano karesponsable ito nang lumubog ang barko nila at mapadpad sila sa isang isla. Kaya ang crush niya rito ay mabilis na lumago at lumalim.
Ang akala niya ay pareho ang nadarama nila sa isa’t isa. Pero napansin niyang mas malapit ito sa kasama nilang si Hazel. Ngunit nawala si Hazel sa isla. Inaasahan niyang mababaling sa kanya ang atensiyon ni Brennan, pero ang kasama nilang si Jaymar ang nagpa-cute sa kanya. Slowly, he was beginning to set his claim on her. Alam niya kung sino ang mas gusto niya sa dalawa. Ang ikinaiinis lang niya, parang bale-wala kay Brennan kahit ma-link siya kay Jaymar.
Katulad ni Hazel, isa-isang nawala ang mga kasama nila sa isla, hanggang sa sila na lang ni Brennan ang natira.
They were like Adam and Eve on an uncharted paradise island…

6. PHR 3517 Minnie Mackay by Dream Grace


Cash Mackay was exactly the type of man that Minerva hated. He was handsome, witty, charming, and a playboy down to the tips of his toes. Her father and her ex-fiancé were like him.
Batid niya kung gaano kasakit sa kanyang ina ang ginawang pag-iwan dito ng kanyang ama para sa ibang babae. Batid din niya kung gaano kapait na maiwan ng lalaking ang akala niya ay siya lang ang mahal. Kaya hindi niya maaaring payagan ang sariling mahulog sa klase ng karismang mayroon si Cash.
Subalit paano niya maiiwasan at matatanggihan ang pang-aakit nito kung pareho silang ginawang guardian ng kanya-kanyang kapatid sa mga naulilang pamangkin nila? The kids were expecting them to be one big happy family. Could she risk her heart again to another playboy?

7. PHR 3518 Fate’s Tricky Method by Mae Axel Manzano


High school graduation ni Zenisha nang una siyang bigyan ni Glib ng nakakadiring palayaw. Isa iyong napakalaking misteryo para sa kanya. Kapwa na sila nagtatrabaho ngayon sa iisang kompanya subalit ayaw pa rin nitong sabihin sa kanya kung ano ang dahilan ng ibinigay nitong palayaw sa kanya.
Habang dinidiskubre niya ang katotohanan sa likod ng misteryosong palayaw niya ay may iba pa pala siyang matutuklasan. Isang bagay na hindi niya inakalang kapwa sila mayroon ni Glib: Ang pag-ibig.
Kung kailan gumaganda na nang husto ang takbo ng mga pangyayari para sa kanilang dalawa ay isa namang hindi inaasahang pangyayari ang nakatakdang maganap.
Will love be enough to surpass the odds?

Back to top Go down
 
August 25, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» The Wilder Life - A new book
» Team Tournament @ Thompson on 26th August (New Banlist)
» Saath Nibhana Saathiya Written Update - August 5th

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: