HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 August 18, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: August 18, 2010 Book Release   Tue Aug 17, 2010 7:09 pm

1. PHR 3505 His Lovely Girl by Belle Feliz


May punto sa buhay ni Maki na kinailangan niyang mamili: ang maging rock star o maging classical pianist. Pinili niyang maging rock star kahit pa naging dahilan iyon upang magalit at magkahiwalay sila ng kanyang ama na isang tanyag na piyanista.
She was happy with her chosen life. Kasama ang kanyang banda, nakamit nila ang tagumpay at kasikatan sa mundo ng musika.
Nakompleto pa ang kanyang kaligayahan nang magkita uli sila ni John Robert, ang lalaking minsan niyang minahal nang tahimik sa malayuan. Ang akala niya ay nawala ang dating damdamin niya para dito, hindi pala.
Naging malapit sila sa isa’t isa. Lalong nahulog ang loob niya rito. At natupad ang pangarap niya nang mahalin din siya nito. Pakiramdam niya ay siya na ang pinakamasayang tao sa mundo.
Ngunit natuklasan niyang hindi pala totoo ang lahat ng ipinakita nito. May iba palang hangarin ito sa pagpapaibig sa kanya…

2. PHR 3506 Moments Of Truth by Gabrielle


Nagtungo sa Maynila si Monique para makalimot sa sakit na dulot ng fiancé niya. At para protektahan ang sarili ay magpapanggap siyang “lalaki.”
Subalit hindi niya napaghandaan ang pagpapanggap dahil kinulang siya sa preparasyon. Ayaw maniwala ng housemate niyang si Clyde. Number one na babaero ito kaya hindi na siya magtataka kung sinakyan na lang nito ang trip niya.
Ngunit may matinding powers si Clyde na magiba ang depensa niya. Natutunaw nito ang pagiging “lalaki” niya dahil naramdaman niyang nahuhulog na ang loob niya rito.
Ano ang isasagot niya ngayong nagtapat na ito ng damdamin sa kanya?

3. PHR 3507 Being With You by Dream Grace


Jedi was the bad boy of San Agustin—cold, aloof, and indifferent with piercing dark eyes that could make a girl forget even her own name; while Teresa was the good girl everyone liked and admired.
Nang tangkain ni Teresa na kaibiganin ang binatang ayon sa marami ay dapat niyang iwasan at layuan, hindi lang ang mga kaibigan niya ang nagbigay-babala sa kanya, kundi maging ang binata rin mismo.
“You’re like a helpless little bunny baiting the big bad wolf, little girl. Don’t you know wolves eat bunnies like you for breakfast? You shouldn’t run after me, you should run away from me,” anas nito sa tapat ng mga labi niya bago kinintalan ang mga iyon ng magaan at masuyong halik. Saglit na nagtama ang mga mata nila. Nanunuyang sumaludo ito sa kanya, saka walang lingon-likod na iniwan siya.
Ni hindi man lang ito lumingon upang tiyaking hindi nito kasamang tinangay ang puso niya.

4. PHR 3508 Campus Girl: Pearl, The Sweetheart by Heart Yngrid


Despite Jedric’s infamous image at SCU, Pearl was still in love with him. Pero hindi nito gustong tugunan ang damdamin niya. Para dito, siya ang tipo ng babaeng hindi nito gugustuhing maging girlfriend. She was too sweet for a crude man like him. Wala rin daw itong kakayahang umibig.
Pero dahil mahal talaga niya ito, hindi siya tumigil hangga’t hindi nito tinatanggap ang pag-ibig niya. Inalok niya ito ng isang trial relationship. Nang makulitan ito at pumayag sa gusto niya, ipinangako niya sa sariling habang magkasama sila ay tuturuan niya itong magmahal.
Naging masaya ang relasyon nila. Inakala niya na sa wakas ay natutuhan na nitong mahalin sUploadiya. Pero maling- mali pala siya. Dahil sa bandang huli, sinaktan lang siya nito at iniwang luhaan…

5. PHR 3509 Lumang Piso Para Sa Puso: Pisong Poot by Vanessa


Para kay Sancho, si Beatrice lang ang babae para sa kanya. Gumawa siya ng paraan upang matulungan niya itong makaangat sa buhay. Matagal niyang inalagaan sa kanyang puso ang pagmamahal niya rito.
Ngunit nakagawa siya ng dahilan para isumpa siya nito.
Paano pa niya maipapadama rito ang pag-ibig na hindi pa man ay alam na niyang tatanggihan nito?

6. PHR 3510 McArthur’s Sweetheart by Raphaela Kristina


Sweetheart Chua was the reigning “Campus Crush” of Holy Cross Academy. Nakapila ang mga tagahanga nito. Isa na roon si Arthur Reyes. He vowed to keep his feelings for her to himself. But destiny had another plan. Nabuking ang pagsintang pururot niya para dito, sa harap pa ng buong klase nila.
Galit na galit ito sa kanya. Sinabi nito na kahit dulo ng mga daliri nila ay hindi bagay sa isa’t isa. That was the day he vowed to stop loving Sweetheart.
After five years, their paths collided. Iba na ang sitwasyon ngayon. Ito na ang nasa ibaba habang siya naman ang nasa itaas.
He couldn’t help but get back at her!
It was revenge time, no less.

7. PHR 3511 Ikaw Na Lang Sana Ang Groom Ko by Elizabeth McBride


Natakot si Ruffa na magaya ang kapalaran niya sa mga tiyahin niyang naging old maid kaya ganoon na lamang ang pagpupursige niyang maikasal bago siya tumuntong sa edad na treinta. Iyon ang edad na ayon sa mga tiyahin niya ay “ghost age” ng mga babae sa kanilang pamilya. Pagdating daw sa edad na iyon at wala pang asawa, magiging old maid na.
Ang kaso, tila wala sa bokabularyo ng kasintahan niya ang magmadali sa pagpapakasal dahil mas interesado ito sa mga treasures na hinuhukay nito. Para dito, she would always be second priority.
Until she met Dylan, na noong una ay naangasan siya nang husto dahil pakiramdam yata nito ay ito lang ang magaling sa mundo. Pero ipinaramdam sa kanya ni Dylan ang kilig na ni minsan ay hindi pa niya naranasan.
Napakalayo nito sa ideal groom niya pero hindi niya maiwasang pangarapin ang bukas na ito ang kasama niya…

8. Bud Brothers Unlimited Series 12: The Bloomer Bandits (Antenor) by Rose Tan


Dahil wala na silang choice, nagkasundo sina Carisma at Antenor na pakasal. Siyempre pa, may mga kondisyones:
Una, wala silang pakialam sa buhay ng isa’t isa.
“Saan ka nagpunta kahapon? Maghapon kang nawala,” reklamo ni Antenor.
Pangalawa, walang iiyak at walang magmamakaawa.
“Ganito ba ang nagmamahalan? Lagi mo akong inaaway,” reklamo ni Antenor.
Ah, nakakahalata na si Carisma. Wala itong balak na tumupad sa kasunduan. Ang kaso, ayaw naman nitong umamin na in love ito sa kanya.
It hurts. Talaga.
Back to top Go down
 
August 18, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» The Wilder Life - A new book
» Team Tournament @ Thompson on 26th August (New Banlist)
» Saath Nibhana Saathiya Written Update - August 5th

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: