HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 August 11, 2010 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: August 11, 2010 Book Release   Wed Aug 11, 2010 5:10 am

1. PHR 3498 Pers, My Love by Camilla


Nang mamatay ang mayamang tiyuhin ni Peregrina Silvestre ay hindi niya inakalang pamamanahan siya nito— pati na ang taksil na ex niya na si Rufus Carandang—ng negosyo. Lalo tuloy itong nakakainis dahil mayaman na ito at girlfriend pa nito ang malditang half sister niya.
Pero nahulog uli ang loob niya rito nang sa ikalawang pagkakataon ay nagkaroon sila ng pagkakataong magkalapit. Noon niya natuklasang wala na pala itong sapat na panahon para mabigyan ng magandang ending ang kanilang love story…

2. PHR 3499 Sa Iyong Pagdating by Laurice del Rio


Nang ma-brokenhearted si Aiko ay nagpasya siyang magbakasyon muna sa bayang matagal na niyang nilisan. Malas nga lang na nasiraan siya ng sasakyan sa daan. Mabuti na lang at tiyempong napadaan ang isang lalaking nagmagandang-loob na tulungan siya. It turned out that her knight in shining armor was the very same guy she used to have a crush on so many years ago—si Martin Buencamino.
Dahil sa pangyayari ay tinanggap ni Aiko ang alok nito na sa bahay na muna nito siya manatili. Doon ay nakaharap niya ang mama ni Martin na dahil sa dalamhating dulot ng pagkawala ng asawa at anak nito ay naging sobrang malulungkutin.
Pero habang nandoon siya ay unti-unting bumalik ang sigla ng ginang. Si Aiko man ay nadama ang paghihilom ng sugat na tinamo ng kanyang kalooban. At si Martin ang dahilan. Pero may sarili rin itong hinanakit sa dibdib.
Isang araw ay dumating ang isang taong mukhang siyang may kakayahang tulungan si Martin na pawiin ang hinanakit nito. Ang malas nga lang ni Aiko na nangyari iyon kung kailan nahayaan na niya ang sarili na magkagusto kay Martin…

3. PHR 3500 The Princess And The Slumdog by Raphaela Kristina


Gustong patunayan ni Steffie sa kanyang pamilya na kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Tama na ang pagdedesisyon ng mga ito kung paano niya patatakbuhin ang kanyang buhay.
So she gave up her luxurious condo unit for a simpler apartment in Tondo. Determinado siyang mamuhay nang simple.
Doon niya nakilala si Zac. Bagaman hindi maitatatwa ang angking kaguwapuhan nito, ito rin ang exact opposite ng ideal man niya. Hindi niya type ang mga lalaking mahaba ang buhok, at lalong hindi niya tipo ang mga brusko. Pero ewan sa makulit niyang puso na ganoon na lang kung kumabog kapag nasa malapit si Zac. Tinuruan kasi siya nitong magpahalaga at maging masaya sa mga maliliit na bagay sa buhay.
Perfect na sana ang lahat sa kanila ni Zac kung hindi lang muling pumasok sa eksena ang pamilya niya. At natuklasan pa niya ang itinatagong lihim ni Zac…
PHR 3501 Abot-kamay Na Kaligayahan by Laurice del Rio

4. Abot-kamay Na Kaligayahan by Laurice del Rio


Sinagip ni Fiona mula sa masasamang-loob si Don Apollo. Bilang ganti ay inanyayahan siya nitong magbakasyon sa pag-aari nitong hacienda sa San Filomeno. At dahil parang malapit na kaibigan o mabait na tiyuhin ang tingin niya rito ay nagpaunlak siya.
Pero hindi nagustuhan ng pamangkin nitong si Adrian ang presensiya niya roon. Inisip nito na may relasyon sila ng tiyuhin nito.
Pero bago pa niya maitama ang maling akala nito ay natagpuan na lang niyang nag-iiba ang tingin niya rito. Mula sa isang mortal na kaaway ay nagkakaroon na ito ng kapangyarihang pakiligin siya. At may punto pang inakala niyang siya man ay ganoon din ang epekto rito.
Pero itinama nito ang maling akala niya—at sa isang napakasakit na paraan.
Hindi bakasyon ang napala niya kundi isang sugatang puso. At ang kaligayahang inakala niyang abot-kamay niya ay isang ilusyon lang pala...

5. PHR 3502 The Marriage Trap by Raphaela Kristina



Sa pakiwari ni Becca ay napaglaruan siya ng tadhana nang isang araw ay basta na lamang sumulpot sa buhay niya si Kuper—ang kinaiinisan niyang kaklase noong nasa kolehiyo pa lamang sila—upang sabihing legal ang kasal nila na isinagawa sa isang tribu ng mga indigenous people may walong taon na ang nakararaan. Mabuti na lamang at handa itong akuin ang gastos sa pagpapa-annul ng kanilang kasal.
Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil habang nasa proseso ang annulment ng kanilang kasal ay unti-unti namang nahuhulog ang loob niya rito.
Papayag pa ba siyang matuloy ang annulment?

6. PHR 3503 Home Is Where The Heart Is by Maan Beltran



Pagkaraan ng anim na taon ay nagpasya si Heleina na bumalik sa Miasong, ang hometown na iniwan niya. Isa siyang supermodel sa ibang bansa.
Masaya siyang umuwi dahil makakapiling uli niya ang kanyang pamilya. Ngunit higit na pinananabikan niyang makita si Ravvy, ang guwapong anak ng pinakamayamang angkan sa lugar nila at unang lalaking kanyang minahal.
Hindi naging maganda ang paghihiwalay nila noon. Alam niyang labis na nasaktan niya ito nang piliin niyang mangibang-bansa para sa kanyang pangarap.
Ngayong nagkrus uli ang kanilang mga landas, napagtanto niyang ito pa rin ang laman ng kanyang puso.
Ngunit handa na ba siyang isuko ang kanyang pangarap na pinaghirapan niyang pagtagumpayan para sa lalaking minamahal?

7. PHR 3504 The Initials Of My Sweetheart by Janelle Kim



Sa loob ng mahabang panahon ay inalagaan ni Queenie sa kanyang puso ang binatilyong nakilala niya noon kahit pa nga ang tanging alam niya tungkol dito ay ang initials nito. She was secretly hoping na makikita uli niya ito balang-araw.
Nakilala niya ang guwapong si Aaron Castillo. Noong una ay inis na inis siya rito dahil tila misyon nito sa buhay ang asarin siya. Pero nang lumaon ay nadiskubre din niya ang magagandang katangian nito. May mga pagkakataong nakikita niya sa personalidad nito ang mga katangian ng binatilyo sa kanyang nakaraan. Dahil tulad ng binatilyong iyon, hindi umalis sa tabi niya si Aaron sa panahong kailangang-kailangan niya ng karamay.
Natagpuan na ba niya ang matagal nang hinahanap ng kanyang puso?

8. Bud Brothers Unlimited Series 11: The Bloomer Bandits (Gordian) by Rose Tan


Dinukot ni Gordian si Glorietta para hindi siya mapilitang magpakasal kay Carisma. Hindi niya isasauli ito hangga’t hindi naikakasal sina Carisma at Antenor.
Sa malas, mukhang may guardian “ghost” si Glorietta. Mula nang dukutin niya ito ay ayaw na siyang tantanan ng yumaong boyfriend nito. Mukhang titigil lamang ang multo kapag pinakasalan niya si Glorietta.
Nag-propose siya ng kasal sa dalaga pero mataginting na “No way!” ang sagot nito.
Sa kung anong dahilan ay gusto niyang magprotesta…
Back to top Go down
 
August 11, 2010 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» The Wilder Life - A new book
» Team Tournament @ Thompson on 26th August (New Banlist)
» Saath Nibhana Saathiya Written Update - August 5th

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: